http://www.pinoychannel.tv/watch/v-155330?title=I-WITNESS%2006/22/09
Alipin ng talinghagang mundo. Tinatanaw ang timog, mula dito sa hilaga kungsaan naghahari ang mga anito at diyosa, diwata at ispiritu. At doon, malinaw na namamayani ang mga bulag na pagsamba. Pilit na pinipigil ang pag-ikid ng pag-unlad at kasaysayan.Tunay ang lakas ng kulto. Damang-dama, sobra ang bangis. Ang kamandag ay kumakalat. Lason sa isipan. Pagkain ng mga uhaw na panatiko!
Friday, July 10, 2009
Monday, July 6, 2009
kapatid, nasa ibaba nito
new
Submitted by Amos Tarana on June 28, 2009 - 3:40pm.
kapatid,
nasa ibaba nito ang sinabi ko na gagawing pagsusuri sa akda mo. paumanhin kung ngayon lang, nitong nakaraang biyernes lang kasi ako nagkaroon ng bakante na nagkataon namang nasa mood ako para mag-isip at magsulat.
ikaw na sana ang bahalang umunawa at magbahagi rin sa iba.
para sa ating ikagiginhawa,
- Amos Tarana - http://amostarana.blogspot.com/
» reply | quote
Amos Tarana's picture
Teolohikal na Pagninilay sa Buhay Pinoy sa Israel
new
Submitted by Amos Tarana on June 28, 2009 - 3:37pm.
Ang Pagsasama-sama ng OFW bilang Pangangatawan sa Kagandahang-loob ng Diyos: Teolohikal sa Pagninilay sa Buhay Pinoy sa Israel
Ang Karanasan ng mga Kababayan sa Israel: Salaminan ng Kayamanan ng Kalinangang Pilipino
Ang pinoy nga naman, kahit saang bansa man mapadpad ay nanatili pa rin ang kanyang pagkapinoy. Malinaw itong inihayag ni Dugz sa kanyang akda batay sa kanyang personal na karanasan sa bansang Israel. Makikita sa kanyang pagsasalarawan na ang pinoy sa Israel ay nanatiling mahilig sa masayang pagsasama-sama.
Narito ang ilan sa mga kapansin-pansin na tagpo sa buhay pinoy sa Israel:
“hanggat may Pinoy, tiyak na may kasiyahang magaganap sa araw ng kofesh(holiday)”
Pamamasyal ng mga pinoy sa mga sumusunod na lugar: Takana Merkasit sa Tel Aviv, Nave Sha’anan St. at sa Levinski Park.
“get-together ng mga magkakaibigan at pamilya”
“Kahit saang lupalop pa yan kahit sino pa mang may pa-okasyon, always present ang Pinoy(kasal ng kaibigan ng kaibigan ng boyfriend, binyag ng anak ng kapitbahay ng girlfriend ng kaibigan ng kapatid, first monthsary, second monthsary, third, fourth, fifth, hanggang umabot sa first anniversary, at kung anu-ano pang holiday na pwedeng i-celebrate ng mga Pinoy).”
“picnic sa park”
“tumpukan ng mga Pinoy maririnig ang masayang boses ng mga tsikiting nila(na dito na sa Israel ipinanganak) na malayang naglalaro, naghahabulan at nagkukulitan. Samantalang si aba(tatay) at mga kumpare't kaibigan nito kasama si ima(nanay) at ang mga kumare , manikyurista, masahista at mga customers nito sa Bigtalk(cellphone cards sa Israel) ay abala sa pagkukwentuhan. Naku! Marathon tsismisan ito over the never ending bottles of beer.”
“Pinoy sa katakawan sa morkon(tawag ng mga Tagalog sa mikropono ng videoke) at sa galing sa pag idyak at paggiling sa dancefloor mapa-Ilokano, Kapampangan, Tagalog, Manilenyo, Bikolano, Bisaya”
“Masikip. Pero ayos lang dahil napapaluwag ito ng mga ngiti, mga halakhak at masasayang tawanan ng mga magkakaibigang”
“Maingay. Hakol beseder(evrything’s ok) dahil nakatitiyak ako na ang ingay na ito ay ingay ng pagmamahalan at pagkakaisa ng mga magkakaibigan, magkababayan at magkakapamilya na naririto ngayon sa loob ng Mommy’s Place na kahit man lang sa maiksing panahon, sa iilang oras na nalalabi, ay maipadama at maranasan ng bawat isa ang kulturang Pinoy na sa tuwi-tuwina ay palaging minimithi at pinananabikan ng sinumang OFW, saan mang panig ng mundo, na kumakayod sa dayuhang lupain.”
Matutunghayan sa mga inilahad na karanasan na ang pagsasama-sama ng mga pinoy sa Israel ay laging may kalakip na pamamasyal, pagtagtagpo ng mga kapamilya, kaibigan at iba pang mahal sa buhay, pagdiriwang sa mga okasyon, masasayang kuwentuhan, kainan, inuman, sayawan, tawanan, pagmamahalan at pagkakaisa.
Totoo nga naman na gusto ng pinoy ang lagi siyang kasama sa lahat ng pagtitipon - maging sa oras ng hirap o kaya’y ginhawa. Malungkot ang buhay ng pinoy kapag siya ay naiiwang mag-isa. Wika ng madalas ay “walang iwanan”.
Ang isang pagtitipon ay malungkot para sa pinoy kapag kaunti lang ang dumalo. Bukambibig nga minsan ay ‘masarap sana ang handang pagkain kaya lang kaunti lang ang dumalo’ at ‘ano ba namang party iyon, wala man lang kaingay-ingay’. Na para bang ang ganda at tagumpay ng isang pagtitipon ay nakabatay sa dami at ingay ng mga taong pumunta.
Ang ugali ng pinoy na ito ay masasalamin din sa paraan ng kanyang pagkain. Makikita nga na ang pinoy, kapag kumakain, ay pinagsasama-sama niya sa isang pinggan ang kanyang kinakain – kanin, gulay, karne, isda pati panghimagas. Sa tuwing tag-init nga ay mayroon pang pampalamig na tinatawag na halu-halo.
Hindi rin ugali ng pinoy na uminom na mag-isa. Bihira nga sa pinoy na uminom ng nag-iisa. Kaawa-awa sa paningin ng pinoy kapag ang kanyang kapwa ay umiinom na mag-isa. Kaya nga makikita sa mga inuman sa bar o maging sa mga kalye na maging sa pag-inom, ang mga pinoy ay laging dapat na may kasama. Sapagkat ito ay mas masaya at puno ng kuwentuhan.
Maging sa pagpapahayag ng pinoy sa paraan ng kanyang pananampalataya ay makikita ang ugaling sama-sama. Kapag nagsisimba, kailangan lagi na magkakasama ang magkakapamilya o kaya’y magkakaibigan. Ganun din ang turing kahit na sa kanyang Diyos. Makikita nga na pinagsasama-sama niya sa iisang altar ang mga imahe ni Hesus na nakapako sa Krus, ang Hesus na muling nabuhay, ang Kristong Hari, ang Hesus Nazareno at Sto. Nino. Na kung tutuusin ay iisa lang naman. Ayaw kasi ng pinoy na makitang nag-iisa lang ang kanyang Diyos. Baka kasi ito ay malungkot kaya binibigyan din niya ng kasama.
Mapapansin din na ang pinoy ay mahilig samahan ang kapamilya na aalis o kaya’y dumating. Kaya nga inihahatid at sinusundo sa airport ang mga mahal sa buhay na mag-aabroad at nagbabalikbayan.
Ganun din lalo na sa mga oras ng kagipitan. Parang hindi maka-tao para sa mga pinoy na tiising mag-isa sa pagamutan ang kapamilya o kaibigang maysakit. Kahit na nga sa mga oras ng lamay at paghatid sa libingan ay makikita na sinasamahan ng pinoy ang kanyang kapwa kahit na it ay patay na.
Sa paglalahad ng mga halimbawang nabanggit, makikitang ang ugaling ‘pagsasama-sama’ ng mga pinoy ay likas na sa kanyang pagka-pinoy. Ang pananatili sa pagsasama-sama ay paraan niya upang ipakita ang kanyang pagpapahalaga at pag-ibig sa kapwa at sa kanyang Diyos. Itinuturing nga na ang taong hindi sumasama sa mga lakad ng pamilya o barkada ay ‘kill joy’ o kaya’y ‘walang pakisama’. Ang pagsasama-samang ito ng mga Pilipino ay nagdudulot ng kasiyahan at ginhawa para sa isa’t isa.
Ang Karanasan ng mga Alagad : Pamana ng Pananampalataya
Sa Banal na Kasulatan ay makikita ring ang mga alagad ni Hesus ay mahilig magsama-sama. Kahit na nga ang mga alagad ay maraming pagkakaiba-iba ay nagkakaroon sila ng kakayahang magsama-sama at magkaisa sa pangalan ni Hesus (Eph 4 :4 – 6). Sila ay iisa sa puso at kaluluwa sa pamamagitan ng pagbabahaginan (Mga Gawa 2 : 44 – 47 ; 4 : 32), sama-samang pananalangin (Mga Gawa 12 : 5), sama-samang naghahati-hati ng tinapay (Mga Gawa 2 : 46 ; 1 Cor. 10 :17 , 11 : 17 – 33), nagtuturingan bilang magkakapatid ( Mga Gawa 18 : 18, 26), at nagpipitagan sa bawat isa ( Mga Gawa 2 : 42 – 43).
Ang pagsasama-sama ng mga alagad ay kakitaan din ng pananatiling kaisa ni Hesus. Sila ay dinadalisay ng Salita ni Hesus (Jn 15 : 3), itinuring na kaibigan at pinagkakatiwalaan ni Hesus (Jn. 15: 15; 17: 26), itinuring na anak ng Diyos ( Jn 1: 12). Bilang tugon, sila ay nanatiling tapat sa Salita ni Hesus ( Mga Gawa 12 : 24 ; 19 : 20 ; 20 : 32), sa Banal na Espiritu ( Mga Gawa 4 : 25 ; 5 : 32 ; 16 : 6) at maalwang tumanggap sa mga hamong nakalakip sa buhay na nakatalaga sa Diyos (Mga Gawa 4 : 23 – 31 ; 14 : 22). Nanatili rin silang sumusunod sa mga kautusan (Jn 14 : 21), tumatanggap sa Salita ni Hesus ( Jn 12 : 48) at nagtatalaga ng sarili sa pananatili sa katotohanan (Jn 3 : 21).
Ang pagsasama-sama rin ng mga alagad ay nagpapalakas sa kanila upang mag-alay ng buhay para sa kapwa. Nanatili sila sa magandang gawain katulad ng ipinakita sa kanila ni Hesus (Jn 10 :11), batid nilang nakasama nila si Hesus hindi upang paglingkuran ngunit upang maglingkod (Mk 10 :45) kahit na nga dumating sa yugto na mag-alay na ng buhay para sa kapwa/kaibigan (Jn 15 : 13). Gamit ang kanya-kanya nilang kaloob ay sama-sama nilang pinaglingkuran ang kanilang kapwa (1 Cor 12 : 4 – 5). Katulad ni Hesus ay handa rin silang mag-alay ng buhay para sa kanilang kapwa (Jn 10 :15 ; 21 : 18 – 19).
Ang pagsama-sama ng kinatawan ay kinakitaan ng pagtanggap sa paggabay ng Espiritu Santo kaya naman natupad nila ang kanilang mga gawain (mga Gawa 8 : 29 ; 10 :19 ; 11 :12 ; 11 :28 ; 13 : 2 , 4 ; 15 : 28 ; 16 : 6 ; 20 : 23). Dahil sa kanilang pagpapagabay sa Espiritu Santo ay nalagpasan nila ang mga panganib at nagkaroon sila ng kahusayan sa pananalita ( Mga Gawa 1 : 8 ; 4 : 31 ; 13 : 9). Dahil sa kabukasan nila sa pagpapagabay sa Banal na Espiritu, sila ay kinalala bilang ‘mga taong puspos ng Banal na Espiritu (Mga Gawa 6 : 1,3 ; 7 : 55 ; 11 : 25 ; 10 : 28).
Ang pagsasama-sama ng mga alagad ay kinakitaan din ng papamakas sa kaharian ng Diyos. Sila ang biniyayaang makarinig ng Salita ng Diyos (Mt. 13: 9), sila ang nakatanggap ng ‘mga kaalaman tungkol sa lihim na Kaharian’ (Mt 13:11). Ang kanilang pagsasama-sama ay kinakitaan din ng pagsusumikap na paganapin ang Kaharian at ang pagkamakatarungan ng Diyos (Mt 6:33) kaya’t tinuring sila bilang tagapagmana ng Kaharian (Mt. 5: 3,10; 25: 34) at ang humalili sa mga dating dapat sana ay siyang tagapagmana ng Kaharian (Mt. 21: 43).
Mapapansin sa kabuuan na ang pagsasama-sama ng mga alagad ay napakayaman sa katangiang kinakakakitaan ng magandang pakikisama hindi lang sa kapwa kundi lalo na sa Diyos. Ang kanilang pagsasama-sama ay salaminan ng pakikisama na natutunan nila kay Hesus – sa kung paano si Hesus nakisama sa kanila. Pinangatawanan ng kanilang pagsasama-sama ang mga bagay na kung saan ay pinangatawanan ni Hesus.
Ang ugnayan ng Kalinangang Pilipino at ng Pamana ng Pananampalataya
A. Ang Pamana ng Pananampalataya sa Tanglaw ng Kalinangang Pilipino
Kung tutuusin, ang pagsasama-sama ng mga Pilipino at ang pagsasama-sama ng mga alagad ay wala namang halos pinagkaiba. Makikita kasi na itong mga alagad ay parang mga Pilipino rin na mahilig magsama-sama. Hindi nga ba’t sinamahan ng mga alagad si Hesus sa panahong si Hesus ay bago pa man ito hulihin at patayin ng mga sundalo? Sinasamahan nila lagi si Hesus sa mga gawin nito - sa mga pangangaral, panggagamot, pagpunta sa laot at pangingisda.
Kahit pa man sa lumang tipan ay makikitang ang Diyos kahit minsan ay hindi iniwan ang kanyang bayang Israel. Masasabi tuloy na ang Diyos ay parang tao rin na hindi nang-iiwan sa kanyang kapwa-tao lalo na sa panahon ng kahirapan. Kaya naman sa tuwing magkasama ang tao at ang Diyos, at kapag tinatanggap ng tao ang pagsama ng Diyos, ang tao ay nakakaranas ng ginhawa. Ngunit kahit na nga ang tao minsan ay ayaw magpasama sa Diyos, ang Diyos ay parating naririyan at hindi nang-iiwan.
Mapapansin na ang katangiang ipinamalas ng mga alagad ay tulad lang din sa ipinamalas na katangian ng Diyos. Bagay na hindi naman nalalayo sa natatanging katangian ng mga Pilipino – ang pagkahilig sa pagsasama-sama at hindi pang-iiwan.
B. Ang Kalinangang Pilipino sa Tanglaw ng Pamana ng Pananampalataya
Totoo na ang kalinangan ng bawat pamayanan ng tao ay hindi ganap o perpekto. Kaya kinakailangan nitong tumingin sa ibang kalinangan upang matuto at mapunuan ang ilang pagkukulang. Kaya naman magandang tingnan ang mga bagay na maaaring matutunan o mahalawan ng aral sa Pamana ng Pamana ng Pananampalataya.
Sa loob ng pagsasama-sama ng mga alagad ay sinikap nilang buhayin ang mga katangiang itunuro sa kaniala ni Hesus. Kaya nga’t nang sinabi ni Hesus na ‘Ito ang aking katawan na ibinibigay sa inyo’ (Lk 22: 19) ang mga alagad ay nagkaisa rin upang magsulong ng mga gawain na nag-aalay rin ng panahon at buhay para sa kapwa. Masasabi na ang sentro at batayan ng kanilang pagsama-sama ay walang iba kundi ay ang salita at ang gawa ni Hesus. Bagay na naghubog sa kanila upang maging ‘bagong lalake at bagong babae’ na nag-aambag ng ginhawa sa kapwa at mulat sa hirap at paghihirap ng mundo.
Ang katangiang ito ng mga alagagad ay napakagandang pamarisan ng mga Pilipino upang mas lalong lumalim at magkaroon ng kabuluhan ang pagsasama-sama. Para nang katulad sa mga alagad, ang mga Pilipino rin ay maging mga ‘bagong lalake at bagong babae’, maaari ring matawag bilang ‘bagong pamilya’, ‘bagong magkakaibigan’ o kaya’y ‘bagong sambayanan’ na mulat rin sa hirap at kahirapang dinaranas ng kapwa.
Ang Pagsasama-sama ng OFW bilang Pangangatawan sa Kagandahang-loob ng Diyos
Kung sakaling ipapahintulot ng mga kababayan sa ibang bansa (o maging sa sariling bansa) na sundan ang karanasan ng mga alagad sa kung paano nito binigyang kabuluhan ang kanilang pagsasama-sama ay malamang na mas magiging ganap at katangi-tangi ang kalinangang Pilipino. Katulad sa pagsunod ng mga alagad sa salita at sa gawa ni Hesus, ang mga Pilipino rin ay makakapagluwal ng bagong pag-unawa sa dahilan ng kanilang pagsama-sama. Ang mga mababanggit sa ibaba ay ilan lamang sa maaaring kahantungan.
1. Ang pagsasama-sama ng mga Pilipino ay bunga ng pinagsamahan at pagkakaisa ng Diyos at tao. Na kung saan ang Diyos ang laging unang nakikisama sa tao at sinusuklian ito ng tao sa pamamagitan ng pakikisama sa kapwa tao.
2. Ang pagsasama-sama ng mga Pilipino ay hindi lang pangkaraniwang pagsasama kundi ay ang ekklesia Theo o Samahan ng Diyos. Na kung saan, si Hesus ang siyang nag-iisang batayan at laging sentro ng buhay.
3. Ang pagsasama-sama ng mga Pilipino ay hindi tumitingin sa liit o laki ng mga nakikisama kundi ay sa pagkilalang ang Diyos ay ang siyang dahilan kung bakit sila ay nagsama-sama at ang tumawag sa kanila upang magsama-sama.
4. Ang pagsasama-sama ng mga Pilipino ay nangangatawan sa pagiging si Hesus na nagdudulot ng pag-asa para sa sambayanan sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa kapwa.
5. Ang pagsasama-sama ng mga Pilipino ay nagpapalakas sa kanila upang maging handing mag-alay ng buhay, oras at panahon para sa ikagiginhawa ng kapuwa (Jn 10; 15; 21: 18 – 19).
6. Ang pagsasama-sama ng mga Pilipino ay salaminan ng Kahirian ng Diyos. Pagsasama-samang nang-aakit sa kapuwa na ipagpatuloy ang mga nasimulan ni Hesus – ang pagbabakas sa magandang bukas.
7. Ang pagsasama-sama ng mga Pilipino ay malikhaing tumutugon sa mga hamon ng kasalukuyang panahon at lipunan.
8. Ang pagsasama-sama ng mga Pilipino ay kakakitaan ng pagdiriwang ng pananahan sa kanila ni Hesus at ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagsasalu-salo, pamamandila ng katotohanan, kalayaan at katarungan.
9. Ang pagsasama-sama ng Pilipino ay kakakitaan ng pagtanggap sa kahinaan ng bawat isa, mayroong patawaran at pangingibabaw ng naising makapaglingkod.
10. Ang pagsasama-sama ng mga Pilipino ay mananatili at nanatiling malakas at tapat sa isa’t isa sa pamamagitan ng pagiging bukas na pagtanggap sa mga kaloob at paggabay Banal na Espiritu.
Kung ang mga nabanggit ay magagawan ng paraan at magkakatotoo, ang pagsasama-sama ng mga Pilipino ay mas magkakaroon ng nakakabighaning kagandahan. Kagandahang may dating at talab na sasapat upang pamarisan ng iba – kagandahang tunay na magpapaginhawa sa kapuwa at sambayanan.

Subscribe to:
Posts (Atom)