Monday, February 22, 2010

AQI: Association of Quezonians in Israel Valentine's Party and Induction Ceremony

FEBRUARY 13, 2010 ginanap ang Valentine's Party and Induction Ceremony ng samahan ng mga OFW dito sa Israel na nagmula sa lalawigan ng Quezon.



THE said Induction Ceremony was administered by Honorable Merriam Quasay, the Labor Attache of the Philippine Embassy here in Israel. Shortly afterwards, the set of the newly inducted officers of the AQI or Association of Quezonians in Israel received the blessings from Rev. Fr. Arturo Basaturo of Saint Anthony Parish Church.







SA lahat ng mga AQI, taos-puso po ang aming pasasalamat sa inyong pagdalo sa ating Valentine's Party. Hindi maitatanggi sa mga larawang ito ang kasiyahan at pagkakaisa nating lahat.









































WE would also like to thank our guest speakers for the inspirational messages and selfless contribution they have given to us in support for the mission and vision of our organization. To Honorable Merriam Quasay the Labor Attache of the Philippine Embassy here in Israel, to Rev. Fr. Arturo Basaturo of Saint Anthony Parish Church
and to Miss Maya Shapiro, representative from Israeli Children. In behalf of AQI, please accept our deep appreciation and sincere gratitude.





THIS event will also not be possible without the all out support of the following sponsors. Thank you so much to the following sponsors;

1. Sorento Travel Agency
2. SM Tel Aviv
3. Resto Filipino
4. Wowowee
5. Yaron Habura of Magen Agency
6. Marcos Andal(laptop dealer, you can contact him at 0549011784)
7. Violy Barias of PNB
8. and to FOCAL MAGAZINE for their all out support to AQI

ANG tagumpay ng AQI ay tagumpay din ng lahat ng OFW dito sa Israel.

MABUHAY tayong lahat at mabuhay ang lahat ng OFW saanmang panig ng mundo!

Tuesday, February 16, 2010

February 25 na!....Pasko na!

February 16, 2010.

MASAKIT pa rin ang ulo. Mula sa napaka-busy kong weekend noong nakaraang Linggo. Martes na ngayon, but I'm still feeling ayef. Tatlong araw na ang nakakalipas since we celebrated the AQI(Association of Quezonians in Israel) Valentine's Party. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin humuhupa ang hang-over ko mula sa masasayang alaalang iniwan nito. Damang-dama ko pa rin kung papaanong nagsama-sama ang mga Tagalong mula sa lalawigan ng Quezon. Ang hindi matatawarang mga ngiti. Sa maikling pagkakataon, na tila baga walang katapusan na sandali. Tingnan mo nga naman. Ang panahon nga naman ngayon. Kay bilis lang lumipas ng mga araw. Pero kay tagal naman mawala sa pakiramdam ng mga masasayang karanasan mula sa mga bawat araw na nagdaan.

Napansin nyo ba na noong February 1-7 na kay bilis matapos ng isang araw? Napansin yan ng saba ko. Nung nagpaalam ako sa kanya noong February 5, Friday to take my kofesh. Byernes ng gabi hanggang Linggo ng umaga ang kofesh ko na sya namang ikinagulat ng saba ko nang magpaalam ako sa kanya na lalabas. Paano daw nangyari na kofesh ko na ulit samantalang kapapasok ko pa lamang daw noong isang araw(ang tinutukoy nyang isang araw ay noong Miyerkules February 3 na para sa kanya ay araw pa lang ng Linggo na pumatak sa ika-31 ng Enero). Pagdating sa kadramahan, numero uno itong alaga ko. Sa totoo lang, pang-FAMAS ang angking talento nito sa pag-arte. At pang-teleserye naman and araw-araw na drama series namin ni saba dito sa abuda ko. But this time, walang halong drama effect(with matching hawak sa ulo sabay sabing oi vavoi) ang lolo ko. Genuine ang confusion niya. At hindi rin ito sign ng early alzheimer's(sus maryosep! Wag naman sana). Nalilito lang talaga sya. Dahil maging ako man ay nabigla din nang marealized ko na kofesh ko na naman pala. Tama ang sinabi ni lolo. Ako man pakiramdam ko din na tila noong isang araw lang ako bumalik sa abuda ko mula sa nakaraan kong weekend break. At ang pakiramdam na yan ay naulit na naman ngayong araw na ito. Martes, February 16. Parang kahapon lang ang nakaraang Sabado February 13 noong nagcelebrate kami ng AQI Valentine's Party. At tatlong araw mula ngayon magkokofesh na naman ako....oi vavoi!

As what I have mentioned before in my column here at Focal Magazine. About my weekend routine I have discussed in an article with the title KWENTA NG HALAGA. That, in the gap of my Marlboro Lights cigarette lit in between of my two fingertips on my right hand, and a shot of vodka I am holding on my left hand. That aside from the schedule of my part time every Friday, which is also the day when I used to consume the spare of my condoms in my pocket-size wallet(na bahagi pa rin ng weekened routine ko!..hehe). Meron din naman akong extra-curricular activities na pinagkakaabalahan sa araw ng aking kofesh. At sa totoo lang, napakaraming pwedeng pagkaabalahan dito sa Israel. Syempre andyan na ang AQI. At dahil nga kabubuo pa lang namin ng samahang ito kaya naman sobrang busy kaming lahat sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol dito. Nagsasagawa kami ng mga events/parties, monthly tour/trip to Jerusalem, meetings, get-together at kung anu-ano pang kaek-ekan para mas mapatatag pa namin at mas maparami ang kasapi ng aming samahan.







Speaking of trips. Sino ba namang OFW dito sa Israel ang hindi nakaranas sumama sa teyul? O kahit man lang sa simpleng ayaan ng magkakaibigan na pumunta sa Jeru para magsimba? Ang sagot, wala. Dahil lahat tayo, one way or another, sa loob ng apat na taon at tatlong buwan na aktibo pa ang visa naten dito sa Israel, ay tiyak na makakaranas at makakaranas tayo na sumama sa mga trips. At dyan numero uno kapromotor ang hipag kong si Julieta, dahil dyan, syempre palaging bitbit ang beauty ko sa mga teyul ng hipag ko. From north to south sa lahat ng magagandang destinasyon dito sa Israel. Halos lahat ata narating ko na. Eto nga at nakaplano na sa March ang sususnod na patrip ng hipag ko at pagsapit ng Spring season dito sa Israel ay may patrip na naman siya papuntang Eilat....for the 8th time.







Bago ko makalimutan, may entry nga din pala ang AQI sa basketball league dito sa Israel. At isa rin yan sa pinagkakaabalahan ko tuwing Sabado. Go Quezon team!





Dahil mabenta rin ako sa Immigration Police, kaya naman napagdesisyunan ko rin na sumapi at maging aktibong myembro sa Israeli Children. Isa itong samahan ng mga human rights activists na nagtataguyod at nakikipaglaban sa mga karapatan at kapakanan ng mga dayuhang manggagawa dito sa Israel lalo na yung mga foreign workers na dito na nagkaanak at nagkapamilya. In fact, we are having a rage party against deportation on March 5, 2010 8pm at #18 Levanda Street. The party is for free and everyone is invited especially those who wanted to showcase their talents in singing, dancing or any form of entertainment and willing to contribute their effort to the noble cause of the said event. For info please call Noa at 0504677241





At symepre pa, ang napipintong regular bonding activity ng Focal family. I really had fun the last time we gathered during Jean's birthday bash. Sobrang saya at sobrang kulit ng lahat. So, Sir Ferdz kelan ba ang susunod na bonding activity naten?



Bilang isa ring OFW, alam ko ang pakiramdam nang ma-homesick. At sadyang hindi mapipigilan at tunay na nakakahibang sa pakiramdam kapag tinamaan ka nito. Pero noon yon 12 years ago. Ang homesick ay uso lamang noong 1998 kungsaan nag-uumpisa pa lang magsulputan ang mga cellphone. Na sinlaki pa lang ng pangkaskas ng yelo ng halo-halo ang gamit kong cellphone noon at 5110 pa lang ang latest model ng Nokia na kasinghaba ng hinliliit na daliri ko ang antenna nito. Ang homesick ay uso lamang noong 1998 noong wala pang text. Na snail mail pa lang ang means of communication na inaabot ng dalawang buwan bago dumating ang sulat mula sa mahal mo sa buhay na nasa Pinas. Sa ngayon, ang homesick ay niluma na ng panahon kungsaan halos dalawa-piso na lang ang halaga ng teknolohiya. Wala pang tatlong minuto at hayan pwede mo nang makausap at makita ang mahal mo sa buhay saanmang panig ng mundo ito naroroon. In a span of few minutes you can exchange messages through text(connecting people, ika nga). Walang duda, mahal ko ang nanay ko pero kung minsan ako pa nga ang nagtatago at umiiwas kapag nakikita ko na online na sya sa YM. Santa Maria ina ng Diyos naman! Yun ba namang halos araw araw na kayong magkachat ewan ko naman kapag hindi kana nagsawa. Hindi pa kasama dyan ang halos minu-minuto na text...hehe...I love you mother! Kaya sa panahon natin ngayon, na napakaraming pwedeng pagkaabalahan sa buhay. Na ang teknolohiya ay halos abot kamay na. Wala ng lulugaran pa ang salitang homesick!

Naisulat ko na rin dati pa sa blog ko ang mga agam agam sa pagpunta ko dito sa Israel. Ang mga tanong ko sa aking sarili sa kung ano bang klase ng buhay ang kakaharapin ko sa bansang ito. At ngayong andito na nga ako, ilan sa mga agam agam ko sa buhay ang hindi ko napaghandaang mabuti. Yun ay ang paghaharvest ng mga pananim ko sa Farmville at ang pag iipon ng milyon-milyon chips sa Poker. Wala ito sa plano ko pero isa ito sa nagpapasakit ng ulo ko ngayon. Alam kong alam nyo rin na masakit sa pakiramdam ang matuyuan ka ng pananim. At maghapon mong didibdibin ang pagkaubos ng chips mo sa table ni Miss Zynga. Sus maryosep! Ito na ba ang abuda dito sa Israel? Tzik tzak! Kung alam ko lamang na ganito lang pala kadali ang trabaho dito katumbas ng ganitong kalaki ng halaga ng pera na kikitain ko. Sana noon ko pa napagdesisyunang pumunta dito.

Teka, siyam na araw mula ngayon February 25 na pala. Saktong tatlong taon ko na!

Tingnan mo nga naman. Ang panahon nga naman ngayon. Kay bilis lang lumipas ng mga araw. Pero kay tagal naman mawala sa pakiramdam ng mga masasayang karanasan mula sa mga bawat araw na nagdaan.

So, paano? Merry Christmas na lang sa inyong lahat, next week!