ano ba talaga ang nauna, itlog o manok?hehehe...;-)
sino ba talaga ang dapat magbago ang tao(citizen) ba o ang lipunan(society)?
ang lipunan ba ang nagdidikta sa tao o ang tao ang syang nagdidikta sa lipunan?
lahat tayo ay pinanganak na "hubad"(innocent) at sa ating paglaki tayo ay nahuhubog-namumulat sa/ng iba't ibang elemento ng lipunan(social determinism). family, church, media, school. ilan lamang sa sangay ng lipunan na derektang nakakaapekto sa mamamayan. halimbawa;
1. family- sabi nila, repleksyon ka daw ng pamilyang kinalakihan mo. kung lumaki ka sa desente, palasimba, at matiwasay na pamilya. malamang lalaki ka ding desente, palasimba at matiwasay. kung lumaki ka naman sa pamilyang lasinggero-babaero-basagolero(tatay), bungangera, majongera, tong-itera(nanay), kerengkeng, supladita(ate) at si kuya(junoir ni tatay) malamang sa kulungan ang ending mo nyan...heheh...;-)
2. church(religion)- kitang kita ko ito sa beauty contest(miss universe, miss world, miss international, miss candelaria, miss labak II...hehehe...;-)pag national costume na ang labanan, madali ma-identify kung anong relihiyon ang kinabibilangan ng contestant;
miss philippines- syempre maria clara outfit yan with matching pamaypay pantakip sa mukha para ma-emphasize pagiging demure;religion-sarado katoliko(at hindi na mabubuksan pa..hahaha)
miss usa-ay kulorum ang contestant na yan. pwede kahit ano. muslim, christian, hindu, budhist, kahit nga pagano pwede dyan. kaya kita mo nung 1994 miss universe na ginanap sa pinas....pang astronaut ang suot.hahahah...;-)
miss india-speaking of 1994 miss universe(na ginanap sa pinas) kung saan miss india ang nanalo. alala ko yung suot nya na parang pang belly dancing. although may takip yung mukha nya pero labas naman ang pusod.hahahaha....;-)religion-hindu(t)i(n)sm...hahaha...;-)
3. media- naging extension na ng hapag-kainan ng pamilyang pilipino ang fastfood resto tulad ng jollibee(hey hey hey pareng albert libreng advertisement yan ha...hehehe) sa laki ba naman ng budget ng kumpanyang ito for commercials alone ewan ko naman kung hindi mapilitan si nanay at tatay dalhin si bunso pag nag atungal ito at nagsisigaw na ng jabiiiiiiiiiiiiii....hahaha...;-)
4. school- alala ko nung kolehiyo pa ako. tampulan ito ng tukso pag panahon ng UAAP. malalaman mo daw kungsaang skul nag-aaral ang isang estudyante pag nasa party/okasyon ito.
ateneo- they're talking about their new cars...;-)
la salle- they're talking about their businesses...;-)
UP- nawawala sa kwentuhan. andun sa kusina lumalapang ng food...hahahah....;-) kabatch na ramon, ganyan din ba ang kwento nyo sa UPLB?...;-)
paano nga bang bubuhatin ng isang payak na si juan dela cruz ang isang dambuhalang "likas"(norms) na syang umiiral sa lipunan(culture, economy, politics) na derektang nakakaapekto at syang magdidikta sa kanyang katauhan?....;-)
Friday, October 2, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment