Thursday, January 28, 2010

Tambling

Kung pwede nga lang daanin sa pagtambling ang problema siguradong 48 years na akong tumatambling ngayon. Kahit pa magkapingkaw-pingkaw ang legs and arms ko. Bumaligtad man ang sikmura ko pate paningin ko. Ok lang. Kung ang kapalit naman nito ay ginhawa sa katawan. Yung pakiramdam sa katawan na tipong katatapos nyo lang magjejeng ng motek mo. Yun, bidyuk nga! Ganung kasarap na pakiramdam..hehe. E baka naman maitanong nyo pa na kung bakit hindi na lang pagjejeng ang gawin ko kaysa pagtambling for 48 years. Haller! Jejeng for 48 years. Di hamak namang mas mahirap gawin yun kaysa pagtambling. Sa isang session na nga lang ng pagjejeng hirap na ako makadalawa. Sa 48 years ng pagjejeng pa kaya ako tumagal..hahaha.

Naku...naku..naku! Kungsaan saan na napupunta ang usapang ito. Baka macensor na naman ang article ko. Hala, tara! At samahan nyo na lang ako sa pagtambling...shoooosh...toink..toink..toink...

Ganito yun eh. I'm 29 years old. And I'm able and gorgeous.(Yeah, you heard it right. At uulitin ko. I said that I'm able and gorgeous. And it goes together on me. At dahil column ko ito, walang kokontra dahil baka patamblingin ko kayo dyan...hahaha). At my age now, i can consider myself as a matured person to manage things in life. To know the difference between what is right and what is "not so right"(dahil haller! Wala naman talagang 100% na "wrong" dito sa earth. Lahat ng bagay ay relatibo at depende na yan sa pananaw ng tao). So my point is, when we have agreed of doing something, dapat panindigan mo! Wag yung karakaraka e aatras ka! Dahil ang isang kasunduan, para din lang pagjejeng yan e. Hindi pwede yung kung kelan ka nasa tuktok na ng kaligayahan e tsaka ka naman mag aaya papunta ng CR para jumingle. Haller! Tambling...shooooooshhhh...toink..toink..

Three months na ako sa bagong abuda ko. At mukhang matutuldukan na ang kabanatang ito. Sus maryosep naman! Kasing haba man ng lubid ng saranggola ang sablanot mo. Kapag nagkaroon ka ng alagang matino pa sa lahat ng matino na ginagawa ang asal tulad ng sa may sakit na alzheimer's, ewan ko naman pag hindi napatid yang lubid ng pasensya mo. Ang usapan dati alas nueve ng umaga ang gising. Ok yun. Tapos naging alas otso. Ok pa rin yun. Tapos ngayon naging alas syete na. Sige na nga, ok na rin yun. Hindi pa kasama dyan ang bawal manood ng t.v., bawal maligo ng matagal(minsan nga bawal pa maligo araw-araw), bawal maparami ng kain, bawal magtelepono at lahat ng gusto ko, bawal. Kaka! Pero syempre dahil nga "able and gorgeous" ako. Lahat ng ipinagbabawal ni saba ay sya ko namang ginagawa. Naman, haller! Tao ako noh, hindi ako robot. Besides, hindi ako sa Ramle jail nagtatrabaho. Kaya saba tambling kana lang dyan....shoooosh...toink...toink..

February na. Araw na ng mga puso. Ibig sabihin, araw na rin ng kuskusan ng mga nguso. Meron akong friend na nagtanong saken few weeks ago kung safe ba daw ako. Maraming pakahulugan ang tanong na yun ng friend ko. Pero dahil nga sa "able and gorgeous" ako kaya naman na-gets ko agad kung anong ibig sabihin ng tanong na yun. Pwedeng dalawang pakahulugan ang gustong tukuyin ng friend ko sa tanong nya sa akin. Either a.kung safe ba daw ako as in healthy ba ako or b.kung safe ba ako as in safe when it comes to sex. Kahit pa obvious na otodabar lang naman ang point ng kaibigan ko. Kasi nga, when you put it into context, once you do sex safely, more often than not, it follows that you are also healthy. Pero dahil nga sa sukdulan ang pagiging "able at gorgeous" ko(naman!..hehe). I answered his question emphasizing the latter point. Kaya naman malakas ko syang sinagot ng "oo naman, kaya nga kasama sa monthly budget ko ang pagbili ng condom" na mabilis din naman nya akong sinagot ng "dapat lang". Yun nga lang, magkaiba kami ng tono sa sagot namin ng friend ko. Ako, gusto kong bigyang diin sa sagot ko ang punto na, if you think you are at risk, and so as to avoid yourself from any hassle, then use protection like condom. Pero iba ang tono na gustong bigyang diin ng kaibigan ko. Para sa kanya ang paggamit ko ng condom habang nakikipagtalik ay necessary...because of my gender preference...because I'm gay. Naisip ko lang, so dahil straight ang friend ko kaya ok lang na makipagsex sya na hindi gumagamit ng condom? Bakit kapag straight ka ba hindi ka na pwedeng mahawa to any sexually transmitted disease? Waaaaaaaaaaa! Friend tara, tambling tayo....shoooosh...toink...toink...

January 28, 2010 16:52 ang registered date and time sa cellphone ko. Nakatanggap ako ng tawag mula sa EIC ng Focal.

ako: hello sir musta po
EIC: hello busy ka?
ako: hindi naman po
EIC: bale ganito, na-edit ko na yung article mo kaya lang may problema...

(naku...naku...naku...parang gusto ko nang unahan sa pagtambling ang mga susunod na sasabihin ni EIC)

ako: ano po yung problema?
EIC: ayaw kasi ipublish ng management yung article mo. kelangan daw muna makuha ang side ng Immigration Police.

(waaaaaaaaaa...tambling...shooooosh...toink...toink...)

EIC: sa akin walang problema. kaya lang syempre, alam mo naman. gusto ka makausap ni ronit. kung may time ka daan ka sa office.
ako: naku sir friday night til sunday morning day-off ko e. baka pwede tawagan ko na lang si Ronit?
EIC: oh sige business card ko na lang sayo number nya.

(tumatambling habang tumatawag sa phone...shooosh..toink..toink..ringinggggg!)

ako: hello this is boyet dalisay. sir ferdie told me that you want to talk to me about my article.
Ronit: yes boyet, we have a problem with regards to your article. we cannot publish it yet unless we get the side of the immigration police. that's how the journalism works.

(waaaaaaaaa...tambling ulit 10000x....shoooosh...toinks...toinks...)

January 31, 2010 14:33 ang registered date and time sa cellphone ko. Nakatanggap ulit ako ng tawag mula sa EIC ng Focal.

ako: good news?
EIC: (sa kanyang nakakaakit na tawa...hehe) boyet nakausap ko na si Ronit. Tinatawagan daw nya ang Immigration Police para kunin yung side nila. Hindi daw naman sumasagot sa tawag nya ang office ng Immigration Police. So, tinanong ko si Ronit kung ano na ang desisyon nya sa article mo. Sabi nya, "no answer is an answer" daw.

Wow! So may chance na mapublish ang article ko. Yan ang gusto ko sa Focal eh. May paninindigan. Kaya naman walang dahilan para magresign ako sa magazine na ito. Dahil dyan, one and a half na lang ang pagtambling ko...tambli...shoooo..toin...hahaha...

Ka-chat ko si Jean Malis few days ago. Isa rin syang writer sa Focal Magazine with her very helpful and very useful column with the title "A Public Service Corner" Napagkwentuhan namin ang article ni Mr. Ferdie Bravo aka "EIC" sa Focal Issue#198 tungkol sa karanasan nya(Jean) ng sya ay maaresto ng mga Immigration Police at sa kalaunan ay ikinulong din sa Ramle jail. Ito ang bahagi ng aming napagkwentuhan;

Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:19:46 PM): kmsta po?
boyeth dalisay (2/3/2010 3:30:44 PM): oiiiiii
boyeth dalisay (2/3/2010 3:30:46 PM): jean
boyeth dalisay (2/3/2010 3:30:49 PM): question?
boyeth dalisay (2/3/2010 3:31:01 PM): ikaw ba yung jean na cover sa focal issue last week
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:31:10 PM): bakit?
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:31:17 PM): oo yta
boyeth dalisay (2/3/2010 3:31:22 PM): waaaaaaaaaaaa
boyeth dalisay (2/3/2010 3:31:23 PM): ikaw nga
boyeth dalisay (2/3/2010 3:31:26 PM): heheheh
boyeth dalisay (2/3/2010 3:31:40 PM): kc nung binasa ko dun ko lang naisip na teka parang ikaw yun ah
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:31:51 PM): ha ha ha
boyeth dalisay (2/3/2010 3:31:51 PM): hirap talaga pag sa picture mo lang nakita ang isang tao
boyeth dalisay (2/3/2010 3:32:01 PM): we really need to meet in person
boyeth dalisay (2/3/2010 3:32:04 PM): tau sa focal
boyeth dalisay (2/3/2010 3:32:23 PM): kc mamaya baka nakasalubong na pala kita tas hindi kita pinansin sabihin mo naman suplado ako
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:32:23 PM): yon nga sana sasabihin ko
boyeth dalisay (2/3/2010 3:32:24 PM): heheheh
boyeth dalisay (2/3/2010 3:33:17 PM): anyways
boyeth dalisay (2/3/2010 3:33:21 PM): OMG!
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:33:23 PM): kung lalabas ka sa saturday punta ka dito sa flat namin baka darating din si kuya ferdie thelma at ruel
boyeth dalisay (2/3/2010 3:33:27 PM): grabe ang naging karanasan mo
boyeth dalisay (2/3/2010 3:33:52 PM): maniniwala kaba na halos mapaiyak ako sa kwento mo at sa kwento ng mga Pilipino na nakakulong sa ramle
boyeth dalisay (2/3/2010 3:33:57 PM): sus maryosep!
boyeth dalisay (2/3/2010 3:34:06 PM): paanong nangyayari ito sa mga pilipino dito sa israel
boyeth dalisay (2/3/2010 3:34:17 PM): oh cge ba
boyeth dalisay (2/3/2010 3:34:22 PM): labas naman talaga ako every sat
boyeth dalisay (2/3/2010 3:34:25 PM): san flat mo
boyeth dalisay (2/3/2010 3:34:30 PM): e2 nga pala number ko
boyeth dalisay (2/3/2010 3:34:35 PM): xxxxxxxxxx
boyeth dalisay (2/3/2010 3:34:44 PM): cge at ng makapag utotang dila naman tau
boyeth dalisay (2/3/2010 3:34:47 PM): in person ha
boyeth dalisay (2/3/2010 3:34:52 PM): hnd palaging d2 sa chat
boyeth dalisay (2/3/2010 3:34:54 PM): hehehe
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:34:58 PM): slight lang ang naisulat don akala mo marami pang worst pero mahirap kasi bsta basta isulat pero may time
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:35:03 PM): rin para doon
boyeth dalisay (2/3/2010 3:35:34 PM): sa totoo lang motek
boyeth dalisay (2/3/2010 3:35:41 PM): habang binabasa ko yung kwento mo
boyeth dalisay (2/3/2010 3:35:49 PM): ang bigat ng dibdib ko
boyeth dalisay (2/3/2010 3:36:03 PM): naawa ako dun sa mga nakasalamuha mo na mga pilipino
boyeth dalisay (2/3/2010 3:36:07 PM): yung mga may sakit
boyeth dalisay (2/3/2010 3:36:08 PM): buntis
boyeth dalisay (2/3/2010 3:36:10 PM): pate sau
boyeth dalisay (2/3/2010 3:36:14 PM): syempre buntis ka e
boyeth dalisay (2/3/2010 3:36:31 PM): besides, napaka arbitrary ng sistema nila
boyeth dalisay (2/3/2010 3:36:58 PM): kung binigyan ka naman pala ng immunity ng ministry of interior
boyeth dalisay (2/3/2010 3:37:09 PM): e bakit hindi ini-honor ng immigration yun
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:37:17 PM): oo nga eh! kaya noong nandon ako sa loob walang araw na hindi ako nagkaproblema
boyeth dalisay (2/3/2010 3:37:17 PM): tas tau mga pilipino ang magsa suffer
boyeth dalisay (2/3/2010 3:37:31 PM): grabe jean
boyeth dalisay (2/3/2010 3:37:34 PM): sa totoo lang
boyeth dalisay (2/3/2010 3:37:55 PM): this is a serious matter which i think needs to be resolved asap
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:38:03 PM): ang pinakamasakit sa akin xxxxxxxxxx
boyeth dalisay (2/3/2010 3:38:13 PM): kelangan na ng government intervention sa ganitong sitwasyon
boyeth dalisay (2/3/2010 3:38:18 PM): buhay na ang nakataya e
boyeth dalisay (2/3/2010 3:38:26 PM): buti lang sana kung simpleng case lang
boyeth dalisay (2/3/2010 3:38:33 PM): ibang usapan na to e
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:38:58 PM): ano sa palagaymo ang pwede nating magawa?
boyeth dalisay (2/3/2010 3:39:32 PM): pakilusin ang tao
boyeth dalisay (2/3/2010 3:39:48 PM): mass mobilization
boyeth dalisay (2/3/2010 3:40:03 PM): xxxxxxxxxx
boyeth dalisay (2/3/2010 3:40:07 PM): xxxxxxxxxx
boyeth dalisay (2/3/2010 3:40:20 PM): xxxxxxxxxx
boyeth dalisay (2/3/2010 3:40:37 PM): but once they saw that people are not satisfied anymore with what they are doing
boyeth dalisay (2/3/2010 3:40:43 PM): matatauhan din yang mga yan
boyeth dalisay (2/3/2010 3:40:50 PM): xxxxxxxxxx
boyeth dalisay (2/3/2010 3:40:53 PM): xxxxxxxxxx
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:41:11 PM): xxxxxxxxx
boyeth dalisay (2/3/2010 3:41:53 PM): xxxxxxxxx
boyeth dalisay (2/3/2010 3:42:03 PM): xxxxxxxxx
boyeth dalisay (2/3/2010 3:42:12 PM): ang maganda kasi sa mga pilipino dito sa israel
boyeth dalisay (2/3/2010 3:42:21 PM): hindi tau mga apathetic
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:42:41 PM): xxxxxxxxxx
boyeth dalisay (2/3/2010 3:42:42 PM): kung mapapansin mo ang daming mga organizations ng mga pinoy dito diba
boyeth dalisay (2/3/2010 3:42:51 PM): so andun na yung potential
boyeth dalisay (2/3/2010 3:42:59 PM): kulang lang sa awareness
boyeth dalisay (2/3/2010 3:43:12 PM): may organizing works na
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:43:16 PM): xxxxxxxxx
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:43:29 PM): xxxxxxxxx
boyeth dalisay (2/3/2010 3:43:39 PM): dagdagan lang ng education and public awareness tungkol sa tunay na kalagayan natin
boyeth dalisay (2/3/2010 3:43:55 PM): at pag yun napukaw naten ang saloobin ng mga pinoy dito
boyeth dalisay (2/3/2010 3:44:00 PM): tiyak kikilos at kikilos yan
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:44:16 PM): xxxxxxxxx
boyeth dalisay (2/3/2010 3:44:59 PM): kaya nga sa tao tayo lalapit
boyeth dalisay (2/3/2010 3:45:00 PM): i mean
boyeth dalisay (2/3/2010 3:45:10 PM): kelangan mapenetrate ang system
boyeth dalisay (2/3/2010 3:45:17 PM): once we are part of the system
boyeth dalisay (2/3/2010 3:45:22 PM): there we can have a control
boyeth dalisay (2/3/2010 3:45:31 PM): xxxxxxxxxx
boyeth dalisay (2/3/2010 3:45:42 PM): xxxxxxxxxx
boyeth dalisay (2/3/2010 3:45:44 PM): hal.
boyeth dalisay (2/3/2010 3:45:47 PM): xxxxxxxxxx
boyeth dalisay (2/3/2010 3:45:54 PM): kelangan mapasok ang org na ito
boyeth dalisay (2/3/2010 3:46:07 PM): at iba pang active orgs with huge membership
boyeth dalisay (2/3/2010 3:46:29 PM): then ishift ang mission/vision goals and objectives ng mga org
boyeth dalisay (2/3/2010 3:47:08 PM): through involving people to issues that has direct effect to them
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:47:23 PM): he he he xxxxxxxxxx
boyeth dalisay (2/3/2010 3:47:52 PM): motek
boyeth dalisay (2/3/2010 3:47:58 PM): palaging may pag asa
boyeth dalisay (2/3/2010 3:48:06 PM): at napatunayan na yan ng mga pilipino
boyeth dalisay (2/3/2010 3:48:22 PM): kaya nga sa kasaysayan ilang gobyerno na ang napabagsak sa pinas through people power diba
boyeth dalisay (2/3/2010 3:48:29 PM): ang tao kapag nag apoy ang damdamin
boyeth dalisay (2/3/2010 3:48:31 PM): maniwala ka
boyeth dalisay (2/3/2010 3:48:36 PM): walang imposible
boyeth dalisay (2/3/2010 3:48:43 PM): kahit pa pader ang babanggain nya
boyeth dalisay (2/3/2010 3:49:04 PM): anyways
boyeth dalisay (2/3/2010 3:49:21 PM): i really wanna see you guys and have a chat with you
boyeth dalisay (2/3/2010 3:49:34 PM): mag get together naman tau noh
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:50:04 PM): bsta huwag ka ulit magpapahuli sa sabado
boyeth dalisay (2/3/2010 3:50:12 PM): hehehehe
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:50:18 PM): magkikita kita tayo
boyeth dalisay (2/3/2010 3:50:27 PM): nakita ko nga pala yung pinay na binanggit ko sa article ko
boyeth dalisay (2/3/2010 3:50:34 PM): palagi sya nasa xxxxxxxxx every fri
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:50:39 PM): xxxxxxxxxx sa may beitkenesset
boyeth dalisay (2/3/2010 3:50:44 PM): labas na kasi ako ng fri kaya nakikita ko sya dun
boyeth dalisay (2/3/2010 3:50:55 PM): OMG
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:50:58 PM): tawagan din kita sa sabado ng gabi
boyeth dalisay (2/3/2010 3:51:17 PM): ikaw ba yung nababasa ko sa newsletter ng israeli children na palagi pinapasok ng immig
boyeth dalisay (2/3/2010 3:51:21 PM): WAAAAAAAAAAAA
boyeth dalisay (2/3/2010 3:51:24 PM): ok
boyeth dalisay (2/3/2010 3:51:30 PM): i'll go there
boyeth dalisay (2/3/2010 3:51:35 PM): mag usap tau in person
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:52:05 PM): ok umiinom ka ba ng alak o beer laNG
boyeth dalisay (2/3/2010 3:52:36 PM): naku naku naku
boyeth dalisay (2/3/2010 3:52:45 PM): half filipino half alcohol ako e
boyeth dalisay (2/3/2010 3:52:47 PM): hehehehhee
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:53:10 PM): H AHA HA OK LANG!
Jean l. malis Nissanni (2/3/2010 3:53:43 PM): may vodka naman dito e

Hala! Tara buntis tambling tayo..dahan-dahan...shoooosh...toink...toink...

(Some words/sentences are intentionally altered and modified by the author for security and legal purposes)

Sabi nila, to please everyone is the fastest way to commit suicide. Tama ang kasabihang ito. Kung sa tingin mo na wala ng saysay ang life mo dito sa earth. Subukan mong iplease ang lahat ng tao. Tiyak na madadali ang buhay mo...hahaha...

So anong moral lesson ngayon ng article kong ito. Ang sagot, hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang ang lahat ng problema ay palaging may kaakibat na solusyon. Halimbawa, kung pera ang problema, betach na pera din ang solusyon. Ganun kasimple ang usapan. Alangan namang pagtulog ang solusyon sa problema mo sa pera. Eh di lalong nadagdagan ang problema mo. And it goes to all the problems in this world. Kaya sa mga tao na tinutulugan lang ang problema. Isang malakas na"Hoyyyyyy gumisingggg na kayoooooo". Gusto nyo pa bang maranasang tumambling for 48 years bago kayo matauhan...

....well, unless na lang kung kasing-"able and gorgeous" ko kayo. Signing off.

Tuesday, January 26, 2010

PUTA INA MO KA Part II (Manifesto ng Pagtuligsa Laban sa Marahas na Pag-aresto na Isinagawa ng mga Immigration Police)

AKO si Boyet Dalisay, isang Overseas Filipino Worker dito sa bansang Israel. At ako ay inaresto, na-harass, pinagbantaan at na-detain ng mga Immigration Police. Inaresto ako, na-harass, pinagbantaan at na-detain sa kadahilanang nasa panig ako ng hustisya at katotohanan.

LINGGO, bandang alas singko ng madaling araw January 24, 2010. Napagdesisyunan naming magkakaibigan na pumasyal sa Resto Filipino Bar para kausapin ang may ari nito ukol sa pakay namin na gawin itong sponsor sa gaganaping Valentines Party ng aming organisasyon. Una pa lang ay napaalalahanan na kame na may mga myembro ng Oz sa nasabing bar. Pero hindi namin ito inalintana, tumuloy pa rin kami sa aming pakay, dahil wala kaming dapat ipangamba. Lahat naman kami ay mga legal workers dito sa Israel at dala naming magkakaibigan ang mga passports namin.

GAYA ng nakagawian, bilang standard procedure, isa-isa kaming inispeksyon ng mga Immigration Police. At sa kalaunan ay napatunayan namin na lahat kami ay mga legal na manggagawa dito sa Israel.

ILANG minuto lang ang nakakalipas ng may marinig kaming kaguluhan hindi kalayuan kungsaan nakapwesto kami ng mga kaibigan ko at ng may ari ng nasabing bar. May inaaresto ang mga myembro ng Oz. Isang foreign worker na sa tantya ko ay isang Pilipino. Nasa 30-35 ang edad at medyo may kaliitan. Sa kung anumang dahilan ng pagkakaaresto niya ay hindi na mahalaga sa akin. Ang sadyang nakaagaw ng atensyon ko at talaga namang napako ang aking paningin ay ang paraan ng pag-aresto ng mga Immigration Police sa nasabing foreign worker. Sadyang marahas ang pag-aresto nila dito. Apat na malalaki at matitipunong pulis laban sa isa. Naisip ko lamang, ano kaya ang kahihinatnan kung sakaling isang foreign worker na babae at medyo may edad na ang kanilang aarestuhin? Ganito din kaya ang pamamaraan ng kanilang pag-aresto? Huwag naman sana.

BILANG isang writer ng Focal Magazine, hindi ako nag-alintana na lapitan ang nasabing komusyon at dali-dali ko agad inilabas ang aking cellphone para makunan ng litrato ang nasabing kaganapan. Isa itong social issue, kaya bilang bahagi ng media, nararapat lamang na ipaalam sa publiko ang ganitong pangyayari.

NAKAILANG shots na rin ako nang mapansin ng isa sa mga Immigration Police ang aking ginagawang pagkuha ng litrato sa nasabing kaguluhan. Dali-dali itong lumapit sa akin at pilit inaagaw ang aking telepono na sya ko namang pilit ding inilalayo sa kanya sabay paliwanag na bahagi ako ng media at karapatan ko ang kumuha ng mga litrato. Iyon marahil ang ikinagalit nya sa akin. At dito na nagsimula ang napakalaking pagkakamali na ginawa nila sa akin.

AKO ay marahas na inaresto ng mga Immigration Police at pwersahang isinakay sa detainee van. Sa loob ng van sapilitan nilang inagaw saken ang aking passport at telepono. At ng kami ay makalayo na mula sa lugar kungsaan ako inaresto ay isa sa mga Immigration Police ang nagbanta sa akin at nagsabing ako daw ay isang tourist sa kanilang bansa at noong araw ding yun ay expired na ang aking visa. Samantalang matatandaan na bago mangyari ang kaguluhang yon at ang marahas na pag-aresto sa akin, ay isa-isa muna nilang inispeksyon ang aming mga passports at dun napatunayan ko at malinaw na nakasulat sa aking passport na ako ay dumating sa Israel tatlong taon na ang nakakalipas na may working permit at valid visa hanggang sa kasalukuyan.

MAKAILANG beses ko ring ipinaliwanag sa kanila ito. Sa katunayan, iminungkahi ko pa na tawagan ang aking balabayt at maging ang aking agency upang sila na lamang ang magpaliwanag sa mga Immigration Police tungkol sa aking status sa Israel. Pero tinanggihan nila ang aking suhestyon, sa halip pinagbantaan pa nilang muli ako na wala na raw saysay pa ang pagtawag kung kanino man dahil idedeport na nila ako.

-------------------------------------------------------------------------------------

BUKOD sa akin at sa apat na myembro ng Oz, may isa pa kaming kasakay sa loob ng detainee van. Isang Pilipina nasa edad 30 pataas mahaba ang buhok. Hindi sya nagsasalita.

ako: anong pangalan mo?
siya: (hindi sya nagsasalita)
ako: saan tayo pupunta?
siya: (hindi pa rin sya nagsasalita aktong may bubunutin sa bulsa. Cellphone nya)
ako: bakit na sa'yo ang telepono mo tas yung sakin kinuha nila pate passport ko.
siya: (hindi pa rin sya nagsasalita. Dahil dedma ako sa kanya, inisip ko na lang na Nepalese ang kasakay ko).


MAKALIPAS ang ilang minuto, napansin ko na nasa may Allenby Street na pala kami.

ako: alam mo may visa ako e at magtatatlong taon pa lang ako dito next month.
siya: may besa ka pa pala kabayan(pagulat na tugon nya sa akin. may punto ang pagsasalita ng Pinay. Pero hindi na mahalaga yun. Sa wakas nagsalita din sya)
ako: oo. at valid pa yun. maya-maya dapat makabalik nako sa abuda ko.
siya: e bakit ka nila hinuli?
ako: ewan ko nga sa mga mokong na yan!
siya: ako na ang bahala sa'yo kabayan.....
ako: huh?(tanong ko sa sarili ko na lamang)

-------------------------------------------------------------------------------------

MAANGAS ang isa sa mga Immigration Police. Sya din ang nagtangkang agawin ang cellphone ko at kinalaunan ay sya ding dumampot sa akin. Ilang sandali pa matapos nya rin akong bantaan na idedeport;


....siya: ako na ang bahala sa'yo kabayan


AT kinausap nga ng kasakay kong Pilipina ang mga mokong na pulis. Bagamat hindi ako masyadong nakakaintindi ng hebrew. Malakas ang kutob ko na ako at tungkol sa pagkakaaresto nila sa akin ang kanilang pinag-uusapan.

KILALA ng kasakay kong Pilipina ang mga pulis. Kinakausap nya ang mga ito sa kanilang pangalan. Sa pagkakataong ito malakas na ang mga boses nila at may pagtatalong nagaganap. Maya-maya pa nga ay huminto ang sinasakyan naming van sa kahabaan pa rin ng Allenby Street. Bumaba ang isa sa mga pulis at sabay binuksan ang sidedoor ng van. Sabay baba naman ng isa pang Immigration Police na nakapwesto sa aking unahan(ito ang masungit na pulis) na sinundan naman ng Pilipina na katabi ko lamang sa upuan.

siya: baba na kabayan(pagmamadaling sabi nya sa akin)
ako: huh?(taranta at nalilito ko namang sagot sa kanya)
siya: baba!(pasigaw na sabi nya. This time, bumaba na nga ako)


SI Mr. Sungit na pulis ay may kausap sa telepono. Punta't-paroon ang kanyang paglalakad. Tila walang dereksyon. Siya rin ang may hawak ng passport at telepono ko. Samantalang isang pulis naman ang naka-escort sa akin. Pangisi-ngisi lang. Walang pinagkaiba sa ngisi ni Rodolfo(ang bulldog kong aso sa Pinas). Nasa likod nito ay isa pa ring pulis na kampanteng nakapamewang. Samantalang sa hindi kalayuan andun ang isa pang pulis, kausap ang kasakay kong Pinay.

SA pagkakataong ito, malinaw na sa akin ang mga pangyayari. Lumapit sa akin si Mr. Sungit matapos nitong makipag-usap sa telepono. Hindi para ibigay sa akin ang passport at telepono ko kundi para bantaan muli ako.


Mr. Sungit: we already put you in our records. Now we know your address we know where you live.
Ako: (hindi na ako nagsalita ng kung ano pa man. Hinayaan ko na lamang siyang tapusin ang kagaguhang pinagsasabi nya sa akin. Wala akong dalang pera noon. Baka kungsaan pa ako dalhin ng mga mokong na pulis kapag nakipagtalo pa ako)
Mr. Sungit: you can go now.
Ako: give me my phone and my passport(at sa wakas napasaakin na muli ang mga ito)


NAGMADALI akong umalis papalayo sa mga pulis ng biglang...


Pinay: kabayan!(malakas na tawag nya sa akin na tila gusto akong kausapin)
Ako: Wag mo akong kausapin(sabay lingos ng paningin at nagderecho ako ng paglakad papalayo sa kanila.


HINDI kalayuan mula sa kinaroroonan ng mga Immigration Police kasama ang isang Pinay. Dagli ko muli silang sinulyapan. Hindi ko na maaninag ang mukha ng Pilipina. Pero isang bagay ang malinaw sa akin...

GUSTO ko sana siyang sigawan. Isang malakas na sigaw. Pero hindi ko ito ginawa sa halip ito ay sinarili ko na lamang.

PUTA INA MO KA!

Pilipino
Umasenso ka
TAhakin ang
INAasam
MOng
KAunlaran

------------------------------------------------------------------------------------

AKO si Boyet Dalisay, isang Overseas Filipino Worker dito sa bansang Israel. At ako ay inaresto, na-harass, pinagbantaan at na-detain ng mga Immigration Police. Inaresto ako, na-harass, pinagbantaan at na-detain sa kadahilanang nasa panig ako ng hustisya at katotohanan.

AKO ay isang legal na OFW dito sa bansang Israel na may valid working permit at kasalukuyang nagtatrabaho.

ANG ginawang pag-aresto sa akin ng mga Immigration Police ay illegal at sadyang salungat sa tungkulin na kanilang sinumpaan. Lalo't higit, ang ginawa nilang pagbabanta, pag-detain at harassment ay lantarang pagyapak sa aking karapatan at malinaw na pagwasak sa Karapatang Pantao.

KAYA naman, dahil sa pangyayaring ito. Hinahamon ko ang apat na myembro ng Immigration Police na ilantad ang Pilipina na kasakay ko noong mga sandaling iyon ng aking pagkakaaresto. Sino ang Pilipinang iyon? Ilabas nyo ang kanyang pagkakakilanlan!

AT sa iyo na tumawag sa aking kabayan. Kung sakali man at kaya mong patotohanan ang salaysay kong ito. Maraming salamat sa iyo. Ngayon pa lang, sumasaludo ako sa iyong paninindigan. Subalit kung sakali mang pasalungatan mo itong aking salaysay. Marahil tama ang aking hinala, at hinala din ng iba pa na nakasaksi ng marahas na pag-aresto sa akin, na ikaw ay isang espiya. Na ikaw ay isang makaturo. Ngayon, kung sakali man at ikaw ay totoong nahuli at napipintong ma-deport. Nakikisimpatya ako sa'yo. Dahil katulad ng karamihang OFW na naririto sa bansang Israel. Ikaw man, ay biktima rin ng maling sistema na kasalukuyang umiiral.

AT sa Pamunuan ng Embahada ng Pilipinas, ang ganitong marahas na pag-aresto ay hindi bago. Ito ay matagal na at totoong nangyayari. Kaya naman, hinihiling ko sa inyong Pamunuan ang kagyat na aksyon ukol sa ganitong kaganapan.


ako: We came here in Israel as a human being. We work hard for taking care of their people. We take care of their people with all our heart, our love, our respect and compassion. Therefore, we deserve to be treated the same. We may be poor people from the poorest nation, but we are the kind people with self-respect and dignity!


MABUHAY ANG PILIPINO SAAN MANG PANIG NG MUNDO!

Monday, January 25, 2010

Interview ni Ruel






Una sa lahat, gusto kitang pasalamatan kasamang Ruel para sa interview na 'to. Ganundin sa management ng Focal Magazine, kina Boss Yuval and Ronit, sa Editor - In - Chief naten na si Sir Ferdie who's always there to support us and give us advise. Sir Ferdie, napag usapan na naten ito and you know where i stand for...hehe. Kay Mr. Jon Escudero para sa napakagandang lay-out at graphic design ng Focal. At sa lahat ng mga kasamahan ko sa Panulat. Maraming salamat sa mainit na pagtanggap nyo sa akin. I always appreciate the thought of warmth welcome and thank you so much for giving me the sense of belongingness. Alam mo kasamang Ruel yun ang isa sa magandang bagay na ipinakita saken ng Focal. Yung pakiramdam na hindi ako nag-iisa. At napakahalaga nun sa katulad nating OFW. To know that despite the far distance from our loveones back in the Philippines, still, we feel secured and at peace in the company of other people So, sa inyong lahat..maraming salamat po.

Ngayon sa iyong mga katanungan, pahintulutan mo akong sagutin ito sa abot ng aking makakaya....;-)

1. . PROFILE PLEASEEEE..
name/age/bdate/phil address/ parents/
educational background/attainment/course/school/university

Answer: My name is Piolo Pascual(in my dreams..hehe). My name is Boyet Roxas Dalisay. Im 29 years old. I was born on May 21, 1980 under the astrological sign of Gemini. Im from Candelaria, Quezon. Im the youngest among the six children of Mr. and Mrs. Reynaldo and Lilia Dalisay. Im in my senior year with the BS degree in Community Development in UP Diliman. That's all thank you...haha...why suddenly i get the feeling as if im joining a beauty pageant?...walla!

2. Work in the Philippines if any / company/ til when?

Answer: I worked with Epixtar for one year. That was before when i decided to work abroad. It's a BPO(Business Process Outsourcing) company, simply known as call center.

3. Who is boyet in the Phils? I mean your lifestlye ?

Answer: Who am I back in the Phils? Hmmm..wow! I never even think about it. Only just now when you asked me this question. Okay, i think the only difference is the location where i am physically at right now. About the lifestyle, it's still the same. I still drink a lot, hang out with my friends, going out, always in a crowd. So, basically I'm still enjoying my freedom.

4. How do you adjust yourself here camparing what your doing in the Philippines?

Answer: Truth is, im not new to the scenario. I mean, not that I have a direct experience working outside the Philippnes. But what I'm just saying is that I am deliberately aware of this kind of life since four of my siblings are also working abroad. Two of them are here in Israel. Same is true to most of my friends and relatives. So i can say that adjustment when i first came here is pretty easy. Although like any other typical story of a typical OFW. First time is always the hard one. But once you mastered the tricks. That's the time you can say to yourself that going down isn't really tough at all.

5. Bakit mo naisipan mag abroad? kailan ka duamting dito?

Sagot: Dumating ako dito noong February 25, 2007. Ibig sabihin next month 3 years na pala ako dito. At hindi ko rin napansin yun. Ngayon lang nung tinanong mo saken ito...hehe. Ang bilis ng panahon noh? Parang kahapon lang yung malakas na kaba ko sa dibdib nung papalapag na yung eroplanong sinakyan ko papunta dito. Bigla ko tuloy naalala yung unang sulyap ko sa Israel. Tanghaling tapat yun mga alas tres ng hapon. Medyo na-disappoint nga ako sa nakita ko. Hindi pala ganun kaganda ang Israel. Parang lahat ng bagay kulay brown..hehe. Mas maganda pa rin sa Pinas. Mas lumala pa yung disappointment ko nung nakarating na sa Tel Aviv ang sinasakyan kong taxi. Sa may Neveshanan ang flat ko noon. Sus maryosep! Walang pinagkaiba sa Quiapo...hehe.

Bakit ko naisipan mag abroad? Syempre unang dahilan na dyan yung pera na kikitain ko dito. Although malaki din naman ang sweldo sa call center. Pero iba pa rin kapag nasa Pinas ka. Hindi balanse ang cost of living at ang pera na kinikita mo. Lalo na sa panahon ngayon. Kung ordinaryong manggagawa ka sa Pinas, ultimo sarili mo mahihirapan kang buhayin. Kapag nasa Pinas ka, sobrang hirap mag-ipon ng pera. Kung meron ka mang savings, sobrang liit lang ng halaga at any moment mawiwidraw mo pa kasi nga walang kasiguraduhan ang buhay saten. Nung nag abroad ako. Bukod sa savings at personal needs, nakakatulong din ako sa pamilya ko sa Pinas. Kita mo kung gaano kalaki ang diperensya ng earnings sa Pinas kumpara sa earnings natin dito?

Yung iba pang dahilan kung bakit ko naisipang pumunta dito sa Israel, ah eh, pwedeng secret na lang...hehe.

6. Anong masasabi mo sa mga college grad na niyakap ang abroad, lalo na sa mga hindi nila field of specialization ang inaplayan katulad natin?

Sagot: Unang-una, gusto kong sabihin na walang masama sa pag-aabroad. Hindi ibig sabihin na ito ang solusyon pero hindi rin ito ang problema. Kung tutuusin, nakakadagdag pa nga ang pag-aabroad sa solusyon sa problema ng ating bansa. Knowing that the large percentage of the annual budget of our government came from our remittances. Yun nga lang, bulok ang fiscal system sa Pinas. Too much bureaucracy, so in effect, the government officials tend to be corrupt. Pero naniniwala ako na palaging may pag-asa. Yan ang hindi dapat mawawala sa ating mga Pinoy. And this idea leads to the next question about the college grads who chose to work outside the field of their specialization. Hindi na ako lalayo pa. Sarili ko na ang gagawin kong example. Totoo na malayo sa pinag aralan ko ang trabaho ko ngayon bilang isang caregiver dito sa Israel. Kung tutuusin nga marame trabaho na pwede kong pasukan sa Pinas. Pero andito pa rin ako at mas pinili kong magtrabaho dito kahit alam ko na caregiver ang babagsakan kong trabaho dito. Lama? Coz i consider my job here as a serious profession. Being a caregiver is a decent job. Besides, hindi ganon kadali mag-alaga ng matanda noh!..hehe. Totoo na may prejudice pa rin sa ganitong klase ng trabaho. At naranasan ko din yan dito. Minsan nga mga kapwa ko pa Pinoy ang nagbibigay saken ng ganoong pakiramdam. Pero hindi na mahalaga yun. Hindi yun ang dahilan ng pagpunta ko dito sa Israel. As long as Im earning a clean money, sapat na dahilan na yun. Besides, hindi naman dito natatapos ang buhay eh. Mahaba pa ang labanan. So sa mga engineers, nurses, teachers, accountants, at sa lahat ng mga OFW na may college degree na nagtatrabaho bilang caregiver dito sa Israel. Ayos lang yan. Isipin nyo na lang na yung kinikita naten dito e higit pa sa kinikita ng isang head nurse na nagtatrabaho sa Pinas, o ng isang manager sa bangko sa Pinas, o ng isang district supervisor sa Pinas, sa tingin ko nga mas malaki din ang kita naten sa isang community doctor na nagtatrabaho sa Pinas eh...hehehe.(PAGLILINAW: wala po akong masamang tinapay sa mga workers sa Pinas na aking nabanggit. Malaki po ang respeto at paggalang ko sa kanila sa ipinapakita nilang kabayanihan sa mga kababayan natin na nasa Pilipinas).

7. Do you think pag-aabroad na lang talaga ang sagot sa kahirapan sa bansa?

Sagot: Gaya nga ng nasabi ko na kanina, hindi lang pag-aabroad ang solusyon sa problemang kinakaharap ng ating bansa. Pero malaki ang maitutulong nito sa paglutas ng problema. Kung tungkol naman sa solusyon, napakarame na pwede natin gawin para maiahon ang mahal nating bansang Pilipinas mula sa pagkakalugmok nito sa kahirapan. Hindi na ako ulit lalayo, sarili ko ulit ang gagawin kong halimbawa. Naalala mo kasamang Ruel ang isa sa mga isinulat kong article dito sa Focal? Yung may title na KWENTA NG HALAGA. Sa artikulong yon tinukoy ko ang mga unnecessary expenses ko. Na sa isang buwan ay halos gumagastos ako ng $300 for my vices alone. Na katumbas nito ay $3600 sa loob ng isang taon. So isipin mo na lang kasamang Ruel kung gaano kalaking halaga na yan sa Pinas. At kung inipon ko lang yan sa loob ng tatlong taon ng pagtatrabaho ko dito sa Israel eh di sana ang laking dagdag nyan sa ipon ko. So, sa araw ng pagbalik ko sa Pinas para mag "for-good" eh di sana may panghahawakan akong malaki laking pera kung sakali man at kailanganin ko ito. At hindi na ako magiging pabigat pa sa pamilya ko, sa lipunan at sa ating gobyerno. And this experience goes for every Filipinos working here in Israel. Alam kong maraming kapwa ko Pinoy dito sa Israel ang may ganitong karanasan. At simple lang ang moral lesson na pwede nating matutunan mula dito. Yun ay ang magtrabaho ng maayos at mag-ipon mabuti habang may panahon pa. Lalo na sa panahon ngayon na nagkakahigpitan na dito sa Israel. Masyadong mainit ang mata ng Immigration authority sa mga katulad nating foreign workers. Lalo na dun sa mga may anak. Mukhang itutuloy nila ang malawakang deportasyon. Kaya mga kababayan ko, sabi nga nila, walang mabisang gawin ngayon kundi ang magsuksok ng pera para pagdating ng panahon at kelangan na nating bumalik ng Pinas...meron tayong mahuhugot.

8. Ano plans mo nuong nasa Kolehiyo ka pa? Nasagip man lang sa isipan mo na mag-abroad ka balang araw?

Sagot: Alam ko na nung nasa kolehiyo pa lang ako na darating ang araw na mag-aabroad din ako. Ang hindi ako sigurado ay kung nasa plano ko ba ang pag-aabroad. Siguro may mga bagay lang talaga na nangyayari na wala na sa kontrol ng ating mga kamay. Though it sounds naive, but hey, it's a fact right?

9. May magandang kinabukasan pa ba sa tingin mo ang mga bagong grad sa atin kung hindi sila mag- abroad?

Sagot: Ang problema kasi sa sistema ng edukasyon sa ating bansa naka-design sya sa pag-aabroad. Service-oriented ang konsepto nito. Kaya nga, kung mapapansin natin napakarame ng kumukuha ng kursong nursing sa Pinas sa pag - asang balang araw ay makakapunta sila ng ibang bansa para dun magtrabaho. At dahil nga ito ay isang widespread educational system, hindi lang sa kursong nursing ito nangyayari. Ang ganyang kaisipan ay tumatagos maging sa iba pang kurso tulad ng engineering, IT etc. Sa pag asang kapag nagtapos sila ay makakakuha ng magandang trabaho sa ibang bansa. At totoo naman yun, na may nag aabang nga sa kanilang magandang trabaho sa ibang bansa kapag ito ang kurosng tinapos nila. Dahil yan ang thread ngayon globally. Napakalaki ng international demands in terms of workforce kapag ang propesyon mo ay isa sa mga nabanggit. At gaya nga ng nasabi ko kanina, wala namang masama kung mas pinili nilang magtrabaho sa ibang bansa. Besides, hindi rin natin sila masisi. Wala nga namang sapat na oportunidad sa Pinas para makapagtrabaho na ayon sa qualification nila. Kung meron man, bukod sa kokonti, e kakapiranggot din ang sweldo. Kaya wala sila choice kundi magfly away home na lang..hehe.

Pero ito ang ipinagtataka ko kasamang Ruel, sabi ng gobyerno naten may surplus na raw ng nursing graduates sa bansa naten. Dahil nga sa sobrang dame na ng kumuha ng kursong ito. Same is true with the teachers. Kaya nga ang dame rin guro saten na walang trabaho. Pero kung mapapansin mo, bakit ang dame rin na health centers sa Pinas na walang nurse on duty? Lalo na yung mga nasa rural communities. Maniniwala kaba sakin kasamang Ruel na may mga komunidad pa rin sa bansa natin na kahit kelan hindi man lang sila nakakita ng taong nakasuot ng all white dress(nurse na nga po ang tinutukoy ko)? At ganyan din ang sitwasyon ng mga paaralan naten sa Pinas. Sinasabi nila na may surplus na rin ng mga guro sa bansa naten e bakit sa mga liblib na lugar sa malalayong komunidad iisang guro lang ang nagtuturo mula grades 1 to 6? At ito ay totoong nangyayari. At sadyang malaking problema. Ang tanong nakanino ang problema? Sino ang may pagkukulang?


10. Kailan ka nag umpisa mag post sa blog mo na www.boyetdalisay.blogspot.com? dati meron ba?

Sagot: Ang unang post ko sa blog ko yung "Buhay Pinoy sa Israel". Sa pagkakaalala ko na-post ko yun June 2009. So 7 months na din pala ako nagsusulat sa blog ko. At sa tingin ko ay medyo mahaba haba pa ang panahon na gugugulin ko sa pagsusulat.

11. Maliban sa pagsusulat, ano pang bagay ang mga hilig mo?

Sagot: Mahilig akong kumanta. Pero sa videoke lang ha pag nagkakasiyahan kame ng mga kaibigan ko...hehe. Maliban sa pagsusulat?..hmmm..meron pero walang kwenta. Wag na natin isa-isahin pa..hehe.

12. Paano ka nag apply sa focal?

Sagot: Walk-in application ang ginawa ko. Pumunta ako ng WIC para mag apply. Advise yun ng isa kong kaibigan nung nabasa nya ang blog ko. Sabi nya saken bakit hindi ko daw subukan na magsulat sa Focal. Noong una medyo hesitant ako. Alam ko kasi na may mako-compromise kapag nagtrabaho ako sa isang media entity. Pero dahil ang habol ko dito ay mas malawak na market para mabasa ng mas maraming tao ang articles ko at ang aking blog. So nagdesisyon na rin ako na magsulat sa Focal. At hindi naman ako nagkamali. I made a right decision for choosing Focal Mag to work with as a writer.

13. Bakit mo pinili ang mag na ito to write your ideas?

Sagot: Dalawang bagay lang yan. Wide market and credibility. Syempre dun ako sa mas marame bumubili at nagbabasa at sa mas pinagkakatiwalaan ng tao.

14. Sino si Boyet sa isang salita at bakit?

Sagot: Im tall, dark and gorgeous...hehe. Syempre more than one word yun. At dahil interview ko 'to...wala kayo pakialam!..hehe. Seriously, how would i describe myself in one word? Hmmm...i guess FREEDOM. Yeah, i feel free.

15. Sa family ba nyo hilig nyo din pagsusulat o anong subjects o line specialized nila?

Sagot: Si Jose Dalisay Jr. ay isa sa mga National Artists ng ating bansa. Si Renan Dalisay naman ang may ari ng Freedom Bar sa may QC. Hindi ko sila kamag-anak. Kaapelyido lang..hehe. I guess nationalism runs in the blood of Dalisay. Pero sa pamilya namin, ako lang talaga ang mahilig magsulat.

16. After Israel what is yout plan?

Answer: I don't think about it for now. What i just had in mind now is entirely my plans while Im still here in Israel. About the plans after Israel, well, I still don't know yet.

17. Sa iyong palagay na-meet ba ang expectations mo sa country na 'to?

Sagot: Masaya naman ako sa kung ano meron ako ngayon dito sa Israel. Yung satisfaction syempre palaging may question mark dun. At normal lang yun. Ganun talaga. That, in life, we always tend to look for something more. Sa tingin ko, mabuti na rin yung hindi tayo tumitigil sa paghahanap. Kasi ibig sabihin lang nun, na hindi rin tayo tumitigil sa pangangarap.

18. What other readers expect from you?

Answer: Readers can expect from me more of my articles to be published both in my blog www.boyetdalisay.blogspot.com and in Focal Magazine.

19. Do you have any favorite o mentor na writer? Bakit sya?

Sagot: Ikaw. Smile...Smile...hehe. Dahil bahagi na ako ng pamilya ng Focal. Syempre palagi ko binabasa yung mga articles nito. At masasabi ko na lahat ng writers nito ay sadyang magagaling sa kani-kanilang larangan. Gusto ko ang column ni Thelma. Ang galing nya sobra! Gusto ko din ang column ni Nonoy Pillora. Kakaiba at malalim. At syempre pa, yung editorial section ni Bro. Ferdie. Wala akong choice, yun kasi ang unang column ng Focal kaya yun ang una kong nababasa...hehe..joke lang po Sir Ferdz. Alam mo naman na humahanga ako sa husay mo sa pagsusulat. Sana nga mabigyan ng pagkakataon na ma-meet ko na silang lahat sa personal. Ilan pa lang kasi na writers ng Focal ang nakita ko in person. At mabilisan lang. Wala man lang chance na makapag - utotang dila.

20. What do you expect also from Focal?

Answer: Im the type of person with a very low expectations. That's also the reason why I don't commit myself to any long-term plans. I am more of being spontaneous type rather than being well-organized. Besides, my real life is totally far different from(me)being a writer. Once things are done, you cannot edit it anymore. Isn't that ironic?..hehe

21. May inspirasyon ka ba sa pagsusulat? O kaya naman ay anong nagsisilbing motibasyon mo sa mga artikulo mo?

Sagot: Walang partikular na inspirasyon. Ang motibasyon ay palagi lang naman andyan. Knowing that ourlives are full of challenges on both personal and interpersonal level. At sa dami ng pagsubok na kinakaharap naten sa pang-araw-araw nating buhay. Sadyang hindi ka mauubusan ng dahilan para magsulat. Alam mo kasamang Ruel, naniniwala ako na ang buhay natin dito sa lupa ay nakalaan hindi lamang para sa ating sarili. Ito ay para din sa iba. That alone is a good reason enough to motivate yourself and continue doing your craft.

22. Do you belong to any organization here?

Answer: Yes. We had just established a new organization here in Israel. It's called AQI or Association of Quezonians in Israel. And so far we're doing pretty good with our organization. In fact, we'll be having our Induction Ceremony of the newly-elected officers on the same date during our Valentines Party on Feb 13 at Panorama Hall. Everyone's invited to the said party. For info you can call any of the following; Nizette 0546231951 Kristy 0546736281 Haidee 0545379427 Ambet 0527865294.

Sunday, January 3, 2010

PUTA INA MO KA

"Boyet kung may problema ka saken, putang ina mo!"

Napakibit-balikat na lang ako. Napangiti na may halong pagtataka.

Napabuntong-hininga. Napa-isip....(?) Nanghinayang.


(History of events in chronological order):

STORY A.1

ILANG Linggo na rin ang nakakalipas nang masita ako ng immigration police sa may Neveshanan. Pauwi na ako ng flat noon galing sa inuman mga bandang alas singko ng madaling araw. Kilala ko ang sarili ko kapag nalalasing. Drink and dance ako. At hindi lang basta simpleng dance ang eksena ko kundi tila malakabayo na patalon-talon at pasipa-sipa ang istilo ng pagsasayaw ko sa tuwing dadaloy sa sistema ng aking katawan ang ispirito ng pulang kabayo. Kaya normal na saken ang mawalan ng mga gamit sa katawan. Nalaglag na cellphone. Nagpatak na pera. Nalagot na necklace at naputol na bracelet. Sa sobrang kalasingan hindi ko na namamalayan ang mga pangyayari. At minsan may ganun talaga. Bukas na kapag nahulasan pagsisihan ang lahat.

Pero isang bagay ang pinaka-iingatan ko palage na hindi malalaglag o mawawala sa katawan ko. Iyon ay ang passport ko. Kaya nga hanggat maari iniiwan ko na lamang ito sa flat ko kaysa dalhin pa ito kungsaan-saan lalo na kung napasabit na ako sa gimikan. Dahil kilala ko nga ang sarili ko. Malaki ang chance na mawala, malaglag o maiwan ko din ang passport ko.

Alam ko na balagan ang masita ng immigration police. Pero natitiyak ko na mas balagan ang mawalan ng passport. Kung legal ka naman at walang dapat ipangamba wala din dahilan para matakot kang masita ng mga mokong na myembro ng Oz. Pero ang minsang mawalan ka ng passport. Naku! Sinasabi ko sayo. Napakalaking abala. Balagan na sa trabaho balagan pa sa panahon at pera.

-------------------------------------------------------------------------------------

STORY B.1

Naiintindihan ko na kailangan mangsita ng mga immigration police ng mga foreign workers dito sa Israel. Yun ang tungkulin na kanilang sinumpaan. Ang matiyak na pawang legal ang mga dayuhang manggagawa sa kanilang bansa. Kaya naman sa oras na matyempuhan ka nilang pakalat kalat sa daan at nadiskubreng wala kang visa. Sorry ka na lang. Dahil kahit ultimo call a friend that moment na mahuli ka ay hindi mo magagawa. Kukumpiskahin agad nila ang cellphone mo sabay ipapasok ka sa puting van. Dun pa lang mismo sa loob ng van mararamdaman mo na ang presensya ng kulungan.

Pero ang hindi ko maintindihan sa mga mokong na immigration police na yan ay kung bakit kung kelan dis-oras ng gabi ay tsaka naman sila mga nakamulaga. Wala silang pinagkaiba sa mga pesteng lamok sa flat ko na kung kelan kasarapan ng tulog ko ay tsaka naman ito libog na libog sa paglapa sa tenga ko. Ganyang-ganyan ang istilo ng mga mokong na myembro ng Oz. Kung kelan oras ng pagtulong na syang tanging panahon para maipahinga ang katawan mula sa maghapon trabaho ay tsaka ka naman nila bubulabugin. O kaya naman ay kung kelan naghahabol ka sa oras para hindi ma-late sa trabaho ay tsaka ka naman nila iistorbuhin. It's very unethical and that for me is a clear violation of the law.

-------------------------------------------------------------------------------------

STORY A.2

Nagulat ang mga kasamahan ko sa flat nang makita nila na may kasama akong immigration police. Alam ko na ang nasa isipan nila. Balagan ito. Pero alam ko rin na alam nila na wala kaming dapat ipangamba dahil lahat naman kami sa flat namin ay mga legal workers dito sa Israel at may kanya-kanya kaming dokumento na pwedeng ipakita sa mga mokong na pulis. Isa-isa nila kaming ininspekson. Tiningnan ang mga passport para icheck kung valid pa ba ang mga visa namin. Wala silang pakialam sa kundisyon/sitwasyon ng ibang tao. Tuloy-tuloy lang sila sa kanilang ginagawa kahit pa nga obvious na mga naaalimpungatan pa ang iba sa mga kasamahan ko sa flat mula sa mahimbing na pagkakatulog. Ilang minuto rin ang itinagal ng kanilang ginawang abala sa amin at sa huli ay napatunayan din namin na lahat kame ay mga legal na manggagawa. Dun ako nakahanap ng tiempo para mangatwiran at lakas loob kong ipinamukha sa kanila na mali at hindi makatao ang kanilang ginagawang pagtrato sa aming mga foreign workers dito sa Israel. Nagkaroon kami ng maiksing pagtatalo pero sa bandang huli ay nagdesisyon na rin silang lisanin ang flat namin dahil alam nilang nasa tama ako. Somehow it boosts my ego and makes me feel better as a person. Dahil nakapuntos ako sa kanila. At yan ang totoo sa sarili ko, kapag alam kong nasa katwiran ako walang dahilan para magpaagrabyado sa ibang tao kesehodang pulis ka pa noh!

Pero nagulat din ako sa naging reaksyon ng mga ka-flat ko matapos ang eksena namin ng mga mokong na pulis. Hindi nila nagustuhan ang aking ginawa at isang matinding pagbatikos ang natanggap ko mula sa kanila. Alin kaya sa ginawa ko ang hindi nila nagustuhan? Ang makita nila ako na may take-home na immigration police? E anong magagawa ko? Isa akong foreign worker sa bansa nila. At bilang isang foreign worker normal lang na pangyayari ang masita ka. Katulad nyo, isa din akong ordinaryong manggagawa. Hindi ako si Ambassador Petronila Garcia. Wala akong immunity sa ganitong patakaran na kanilang ipinapatupad. Baka naman ang pag-uwi ko ng madaling araw at ang hindi ko pagdadala ng passport ang ikinagalit ng mga kasamahan ko? Gaya nga nang nasabi ko na, kung wala naman akong itinatago wala din akong dahilan para mangamba. Dahil sabi ko nga, mas balagan ang mawalan ng passport kaysa masita ng pulis. Kaya mas mabuting iwan ko na lang ito sa flat, kaysa mawala. Malabo namang dahilan kung ang pag uwi ko ng madaling araw ang ikinagalit nila sa akin. Dahil sa pagkakaalam ko, magkakasama kami nung gabing yun bago ako masita ng pulis. Nauna lang sila saken umuwi ng flat. Sabado nun. Kofesh. Panahon para gumimik. Kung ang ginawa ko namang pangngatwiran sa mga pulis ang ikinagalit nila. Eh teka muna, magkaliwanagan tayo. Kelan pa naging mali na ipagtanggol ang karapatan?

------------------------------------------------------------------------------------

STORY B.2

MADALING araw ng Linggo January 3, 2010 dalawang araw makalipas ang bagong taon. Pangalawang beses ko na ring masita ng pulis. This time hindi ako nag iisa. Kasama ko ang dalawa kong malalapit na kaibigan. Ihahatid lang sana namin ang mga kaibigan naming Israeli sa ground floor kungsaan di kalayuan sa building ng flat ng isa ko pang kaibigan nakaparada ang kanilang sasakyan. Na ewan ko ba kung bakit sa hinaba haba ng kalyeng ito ay dito pa nakatambay ang mga mokong na myembro ng Oz. Take note madaling araw yun ha. Madalas ganitong oras ang operasyon nila. Hindi ba't kaduda-duda ang kanilang ginagawa? Bukod pa sa katotohanang tunay na hindi makatao at sadyang immoral ang ganitong patakaran.

NANG mga sandaling yun, ako lang ang may dalang passport sa aming tatlo. Naiwan ng dalawa kong kaibigan ang passport nila sa kanilang flat. "Ein baya" sabi ng isa sa mga kaibigan ko. Katulad ko, legal din silang nagtatrabaho dito sa Israel. Kaya kampante lang sila sa ganitong pangyayari. Hindi rin ito ang unang pagkakataon na nasita sila. Kaya gaya ng nakagawian, sasamahan lang sila ng immigration police sa kanilang flat at dun ipapakita ang passport nila with valid visa. Tapos ok na. This time, kakaiba ang scenario. Nasiraan ng sasakyan ang mokong na pulis kaya hindi nya kame pwedeng ihatid papunta sa flat. Sa halip inutusan na lang nya ako at ang isa kong kaibigan na syang magpunta ng flat para kunin ang passport ng isa pa namin kaibigan na sya namang naiwan kasama ang mokong na myembro ng Oz. Mabilis lang kaming nakabalik sa kinaroroonan ng kaibigan kong na-detained with the not-so-good-looking immigration police. Matapos ang lahat ng kabalaganan at kapunyetahang paninita ng mokong na pulis, ayun at abswelto na naman kame kaya dali-dali kaming umalis ng aking mga kaibigan palayo sa lugar. Nakakaalibadbad ang mukha ng isang yun. Pero sa ikunuwento ng aking kaibigan sa ginawa sa kanya ng mokong na immigration police. Sa kwento nya, tiyak na masusuka ka.

-------------------------------------------------------------------------------------

STORY A.3

ANG pagiging makulit ko ang simpleng paraan ko ng paglalambing. Pangalawa yun. Ang una, sweet naman talaga ako eh. At hindi mahirap makita yun. Kung talagang kilala mo ako at itinuturing na kaibigan. Ma-appreciate mo ang kalokohan ko. Alam ko, hindi ako ganun kabait na tao. Pero hindi rin ako ganun kasama. Nagpapakatotoo lang ako. At yun ang problema dito sa earth. Kapag totoo ka, kakaiba ka. At kapag kakaiba ka, "deviant" ka. Hindi ba't mas bagay tawaging "deviant" ang ilan sa mga kababayan natin dito sa Israel na nagsusuplong sa immigration police ng mga kapwa nila Pilipino na walang visa. Oo at naiintindihan ko na illegal silang nagtatrabaho dito at ipinagbabawal sa batas ng Israel na manatili ang illegal workers. Pero anak ng teteng naman oh! Kelangan ko pa bang ipaliwanag ang tunay na dahilan kung bakit mas pinili nilang mag-stay dito sa Israel kaysa umuwi ng Pinas at makapiling ang kanilang pamilya na mahabang panahon nilang hindi nakita? KELANGAN PA BA?!(literal ko itong isinigaw nang pagalit habang isinusulat ang huling pangungusap).

SABADO January 2, 2010 alas tres ng hapon. Masakit ang ulo ko. Hang over pa mula noong bagong taon. Sa flat ng kaibigan ko ako nakitulog. Ilang Sabado na rin akong hindi natutulog sa aking flat. Naging seryoso ang tampuhan namin ng mga flatmates ko. Walang pinagkaiba sa seryosong problema na kinakaharap ng mga Pilipino dito sa Israel....ANG MALAWAKANG DEPORTASYON.

Isasantabi ko muna ang tampuhan issue. Wala na akong panahon. Dahil isang oras mula ngayon ay kelangan kong dumalo sa isang pagpupulong na inorganized ng mga concerned citizens and volunteers both foreigners and Israelis. Kahit pa nga naakusahan ako na naghahanap ng kakampi. Aaminin ko, totoo ang paratang na yun. Dahil tatlo sa mga kaibigan ko ang narecruit ko na sumapi sa akin. Hindi para sa laban against my flatmates kundi para sa laban ng "UNITED AGAINST DEPORTATION"(isang samahan na nabuo dito sa Israel na kumikilos para hadlangan ang malawakang deportasyon ng mga foreign workers(na kasalukuyang may mga anak/pamilya dito sa Israel) sa pangunguna ng Hotline Office).

-------------------------------------------------------------------------------------

STORY B.3

NAGULAT kame sa kwento ng kaibigan ko tungkol sa ginawa sa kanya ng immigration police. Akala ko sa Pinas lang may ganung klase ng parak. Maging dito rin pala sa Holy Land hindi ligtas sa police scalawag.

PILIT sinusulsulan ng tarantadong immigration police ang kaibigan ko na sumapi sa kanila para magsuplong ng mga foreign workers na walang visa. Kapalit nito ang garantiya ng kanyang pananatili sa nasabing bansa sa oras na sya naman ang mawalan ng visa. Limang taon nang nagtatrabaho ang kaibigan ko dito sa Israel, ibig sabihin, huling visa na rin nya ito para magtrabaho ng legal dito. Tamang-tama nga naman ang offer ng mokong na pulis. Sadyang nakakasilaw. Lalo pa't kaliwa't kanan pa rin ang obligasyon mo sa Pinas. Sino nga ba naman ang hindi kakapit kahit sa patalim?

PERO hindi ang kaibigan ko.

"Ang kapal ng mukha nyang mag-offer ng ganun sa'ken.
Hindi nya ba alam na kaka-attend ko lang ng meeting sa Hotline Office? Kalaban ko na sya ngayon noh" sabi ng kaibigan ko.

YAN ang kaibigan ko, may paninindigan.

ANG ginawang kabalastugan ng scalawag na immigration police ay pagpapatunay lamang ng kabulukan ng sistema at patakaran na kanilang ipinapatupad laban sa mga dayuhang manggagawa (partikular na sa mga may anak/pamilya) dito sa Israel. Ito ay immoral at sadyang labag sa karapatang pantao. Lalo't higit sa karapatan ng mga bata na dito na sa Israel isinilang. Na ang tanging hangad lamang ay ang mabuhay ng matiwasay at mapayapa.

"It is illogical that state institutions take part in jailing mothers and children who grew up in Israel, their only home, and speak Hebrew as a mother tongue. The imprisonment of children causes an ineffaceable trauma, and their deportation to a country they have never been to will cause them a culture shock”.

-------------------------------------------------------------------------------------

STORY A.4 AND B.4(THE END)

NAGING napakahaba ng araw na ito para sa aming magkakaibigan. Inabot na kaming tatlo ng madaling araw at heto nasa labas pa rin kame sa gitna ng kalye. Nagmumuni-muni. Wala ni-isa sa amin ang nagsasalita ng mga sandaling iyon. Tanging ang katahimikan namin ang nangungusap sa isa't-isa. Pilit nitong binubusalan ang maingay na multo ng alaalang iniwan sa amin ng scalawag na pulis.

"Tara sa Resto Filipino" aya ng isa.

"Tara" tugon naman ng isa.

Wala akong naisagot sa usapan nila. Kahit alam ko na kung saan sila pupunta. At may pakiramdam na rin ako sa kung anong mga susunod na mangyayari.

Ang Resto Filipino ay isang bagong bukas na bar na madalas paggimikan ng mga Pinoy dito sa Israel. At syempre pa, grupo namin ang pangunahing parokyano nito. Sa may labas lang ng takana merkasit ito nakapwesto along levinsky street malapit sa park. Masarap tumambay dito. Very relaxing at well-treated ang mga customers. Bukod pa sa mura ang drinks at pulutan. Kaya naman ito lang ang bukod tanging bar na pinupuntahan ng aming grupo.

Dahil nasa Resto Filipino nga ang iba pa naming mga kaibigan. Sigurado ako na andun din ang ilan sa mga ka-flat ko. Alinlangan akong pumunta. Pero sigurado naman akong hindi papayag ang dalawang kaibigan na hindi ako sumama sa kanila kaya, sige, attack ang beauty naming tatlo. Kapag ganitong very challenging ang naging kofesh ko. Walang ibang masarap gawin kundi ang magvideoke, umindak at magpakalasing.

Maingay sa loob. Maraming tao. Marami din ang nagsasayaw. Tara sayaw tayo. Sa gitna. Sumayaw ako. Napagod. Naupo ako. Tapos sumayaw ulit. Napagod na naman. Umupo ulit. Mahabang pagkakaupo. Napako sa pagkakaupo. Napako ang paningin ko sa mga sumasayaw. Biglang may sumigaw. Malakas. May matinis na boses ang sumigaw. Pero lalaki ito. Sumigaw na naman. Makailang beses na syang sumisigaw. Ano ang isinigaw? Sino ang sinigawan? Lumabas ng bar ang sumisigaw. At sumigaw ulit.

"Boyet kung may problema ka saken, putang ina mo!"

Napakibit-balikat na lang ako. Napangiti na may halong pagtataka.

Napabuntong-hininga. Napa-isip....(?) Nanghinayang.


At napa-isip ulit ako...Naalala ko ang masasayang karanasan. Ang mga ngiti sa gitna ng kulitan at tuksuhan. Ang mga kalokohan na pinagtatawanan. Ang samahan. Magkasama sa kalokohan na nagtatawanan. Ang buhay ko. Tayo. Ang buhay bilang OFW.

Naalala ko ang mahabang araw na pinagdaanan ko. Ang hang over mula sa dalawang magkasunod na araw ng pag-iinom. Ang mabahong singaw ng alak. Ang hang-over mula sa mapagpalayang karanasan kasama ng iba pa. Na nakikibaka para sa pagbabago. Para labanan ang malawakang deportasyon ng mga dayuhang manggagawa dito sa Israel. Para matakpan ang mabahong singaw mula sa alaala ng scalawag na pulis.

Gusto ko rin sumigaw, mas malakas na sigaw.

"PUTA INA MO KA" rin.

Pilipino
Umasenso ka
TAhakin ang
INAasam
MOng
KAunlaran

MABUHAY ANG PILIPINO SAAN MANG PANIG NG MUNDO!