KAPAG GANITONG BARADO ANG ILONG KO DAHIL SA HALOS ISANG LINGGO NANG NAMUMUONG SIPON SA LOOB. 'wag kayong pahara-hara sa dinadaan ko dahil tiyak, 'pag hindi ko kayo natantya, malilintikan kayo sa akin.
kasabay ng sipon ko na halos mag-iisang linggo na. isang linggo na ring mainit ang ulo ko. hindi dahil sa sipon ko kundi dahil sa sad ako, na halos dalawang linggo ko nang nararamdaman. naguguluhan na talaga ako. hindi ako makapag-isip ng tama. ang daming gumugulo sa utak ko. yung iba may sense, but the rest are all istuyot. sad ako for two weeks hindi dahil sa mga nakakatuliling kong problema sa buhay kundi dahil sa civil status ko for being a single gay guy at the age 30. anak ng ewan ko talaga. hindi ko maintindihan kung bakit kelangan ko pang umabot sa ganitong edad para magsimulang kumerengkeng. if i only knew then that i will remained single at my age now, eh di sana hindi ko na pinakawalan pa ang kahit isa man lang sa mga naging boylets ko noon na lampas na sa bilang ng mga daliri ko sa paa't kamay. eh di sana hindi na ako single ngayon. talaga nga naman oh(sabay singhot sa tumutulong sipon sa ilong).
nung panahong narealized ko na maganda pala ako at masarap. yun yung time kung kelan sikat na sikat pa sina stella ruiz, pricilla almeda at si anna capri. na sila din ang mga suspects sa pagtaas ng car-related accident dahil na rin sa mga nakabuyangyang nilang katawan sa mga naglalakihan nilang billboards sa kahabaan ng EDSA. that time, presidente pa si ERAP(hindi na ako magtataka!). yan din ang panahon ng aking pagdadalaga. at syempre dahil nga sa maganda ako at masarap(don't mention the given...hahaha). i deserved to have a lot of suitors and admirers(saan ka pa?) haba ng buhok mo teng! flirt dito flirt doon. date dito date doon. that the blossoming of my youthfulness comes with a lot of fun and adventures. go ng go habang bata pa...sabi nga nila.
15, 16, 17...ang ganda ko. 18, 19 20, mas sobrang ganda ko. 21, 22, 23, ang sosyal ko(since nasa bracket na ako ng working age). 24, 25, 26, may asian financial crisis, sus maryosep! affected ang beauty ko. 27, wala akong choice kelangan kong mag-abraod(israel here i come). 28, 29, 30 this time i consider myself as a professional(with PhD degree)...OFW!
ito ito ito ha. walang biruan, sa totoo lang isa lang naman talaga ang dahilan ko kung bakit ako nag-abroad eh. maniwala man kayo sa'kin oh hindi. pero sa totoo lang, hindi pera ang dahilan kung bakit ako nag abroad. to search for HAPPINESS is the only reason why i decided to come here in israel. yeah, maybe for some money can buy happiness or the money itself makes some of us happy. but really not me, dahil kung mapapasaya lang ako ng pera, sigurado ako, na malungkot pa rin ako ngayon(dahil wala din naman akong pera eh...hahaha). kidding aside, dahil wala nga palang dahilan para tumawa ako ngayon since mainit nga pala ang ulo ko. and i am so eager to finish this article with so much anger, failure, hatred and sorrow as my motivation. kaya sa inyo mga masugid kong mambabasa, just a piece of advise, don't be deceived on what you've just seen or red. hindi lahat ng nakikita nyo at nababasa ay tama. at mas lalong hindi por que nagsusulat ako sa focal ay mas magaling o nakakaangat na ako sa inyo. hell no! para sa akin, mas idol ko pa rin sina ima at si mommy shermi ko. that everytime we're together, i always saw them having a glow of a morning sunshine and a whiff of a fresh scent despite their age(bawal sabihin ang tunay na edad nila...hehe). their early age may not be perfect but at least, they manage to surpass all the trials they undergone in life. at handang harapin(na nakataas ang noo at may mga ngiti sa labi) ang mga susunod pang pagsubok sa buhay. yan si ima at mommy shermi ko. matapang na tao, makabagong babae(kahit medyo napaglipasan na ng panahon...heheh) at higit sa lahat...mga lasinggero din katulad ko.
“When we're incomplete, we're always searching for somebody to complete us. When, after a few years or a few months of a relationship, we find that we're still unfulfilled, we blame our partners and take up with somebody more promising. This can go on and on--series polygamy--until we admit that while a partner can add sweet dimensions to our lives, we, each of us, are responsible for our own fulfillment. Nobody else can provide it for us, and to believe otherwise is to delude ourselves dangerously and to program for eventual failure every relationship we enter". hindi sa'ken ang quotation na yan. kinowt ko rin lang mula kay tom robbins. hindi ko rin kilala si tom robbins. nagcheck lang ako ng quotations sa internet pertinent to the subject matter for this article. at isa itong quotation na ito na nag pop up sa search engine ng google ko. na sa dinami dami ko na pwedeng pagpilian, itong quotation na ito ang gustong gusto ko. because it can inflict pain. as if someone slammed it to your face the beauty about ANGER, HATRED, FAILURE AND SORROW. at gustong gusto ko yun. gustong gusto ko yung nakakasakit. this quotation exactly described what i am feeling right now.
kaya sa lahat ng sinisipon ngayon, that for sure later on you will experience headache, teary eyes and body pain(na malamang mauwi yan sa pagkakasakit). i totally understand if you tend to be hot tempered and got easily irritated in small things. hindi dahil may sakit kayo kundi dahil nagkasakit kayo dahil sa mas masakit na bagay(tao man o pangyayari). ok lang yan justifiable naman ang nararamdaman nyo. hatchinggggggg!
Wednesday, November 24, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
31, 32, 33 - ano na ang kasunod?
lalagay na ba sa tahimik?
Post a Comment