Sunday, November 1, 2009

so what!

sisimulan ko ang artikulong ito sa isang malutong na....

soooo whattt!

hahaha...hahaha...

byernes, october 30. isa dapat ako sa mga susundo sa airport sa pagdating ng mga artistang pilipino na magsasagawa ng concert dito sa israel bilang bahagi sana ng artikulong gagawin ko para sa blog na ito. pero sa halip ay mas pinili ko na makipagkita na lamang sa aking mga kaibigan na karamihan sa kanila ay day off na. maiintindihan naman siguro ako nina piolo, sam, pokwang at loydi kung hindi ko man sila masusundo(ehem). palagi naman kami nagkikita(in my dreams). samantalang ang mga kaibigan at kamag anak ko na katulad ko ding nagtatrabaho dito sa israel ay minsan lang sa isang linggo(o minsan isang buwan) kami magsama sama.

pinuntahan ko ang flat ng aking mga kaibigan malapit sa takana. nagsimula sa kwentuhan, kumustahan na sinundan pa ng dalawang bote ng vodka ang aming pagsasama sama noong araw na iyon. pero hindi dito nagtatapos ang aming get together, gaya nga nang nasulat ko na sa mga nauna kong blog"hindi mapipigilang magsaya ang mga OFW dito sa israel sa araw ng kofesh".

nagdesisyon kaming pumunta sa mommy's place para ituloy ang masayang gathering naming magkakaibigan. nakasanayan na namin itong gawin tuwing magkakasama kame. sadyang bahagi na nga yata ng kulturang pinoy na kapag may kasiyahan laging present ang alak at pulutan.

pasado alas onse ng gabi nang marating namin ang mommy's place. naisipan kong tawagan muna si miss jena ng focal para ipaalam sa kanya na hindi ako makakasama sa pagsundo kina piolo. mabilis lang ang pag uusap namin. alam kong sobrang busy sya sa mga oras na yon at hindi rin ako sigurado kung malinaw ko bang nasabi sa kanya ang pakay ng aking pagtawag. ganun pa man, isang bagay ang malinaw sa akin nang mga sandaling iyon, natatandaan kong sa aming pag uusap nina miss jena, miss ruby(may ari ng namaste) at bro ferdi(editor in chief ng focal) balak ng organizers ng nasabing concert na ilibot ang mga performers sa mga filipino bars bahagi na rin ng promotion sa concert kung may sapat na oras pa. kaya swerte na rin kung matyempuhan ko sina piolo sa mommy's place. swak na yun para maikwento ko sa blog na ito.

(paglilinaw; ang artikulong ito ay walang kinalaman sa concert nina piolo, sam, pokwang at loydi. ang artikulong ito ay isang manifesto ng pagtuligsa sa maling asal ni miss lucy(mas kilala bilang mommy) na syang may ari ng mommy's place. kung bakit at papaano. dito pa lang magsisimula ang aking kwento)

papasok pa lang kami ng mommy's noon at saktong si mommy ang nagbukas ng door entrance ng nasabing bar. anim kaming magkakasama noon, tatlong babae at tatlong lalaki. malumanay na tinanong ng isa sa kasama kong babae si mommy kung may makom pa ba para sa amin. pero hindi naging maganda ang kanyang tugon. pagalit at mataas na boses na may halong pangungutya nang sinabi nya sa amin;

mommy: mga chinese ang customer ko sa taas kaya ayaw ko ng balagan

walang imik at nagkatinginan na lamang kaming magkakaibigan. kung makakapagsalita lamang ang aming mga mata tiyak na ganito ang sasbihin nito;

mata#1: bakit naman ganun si mommy. ang ayos ng pagtatanong naten pero bastos ang kanyang sagot

mata#2: huh kame gagawa ng balagan sa chinese. e sa pagkakaalam ko chinese palage ang gumagawa ng balagan sa mga pinoy

mata#3: mommy customer din kame dito. nagbabayad din kame. parepareho tayo mga pilipino. wag ka naman sana ganyan.

pero mas pinili naming manahimik na lamang. dumerecho kame sa taas ng bar at sa bahaging gitna kame nakapwesto. habang inaayos ni mommy ang table na aming pag iinuman ay bigla na lamang kaming sinigawan ng kabilang table na mga chinese ang customer....WAAAAAAAAAAAAAAAAA! yan mismo ang isinigaw sa amin ng mokong na intsik. napatingin kaming lahat na may halong pagtataka. bakit kaya sya sumigaw? anong nangyari? maliban kay mommy na isang masuyong ngiti ang ibinalik nya sa tila atungal baka na sigaw sa amin ng intsik. ayos lang sana kung ang impression na binigay ni mommy sa amin ay para makaiwas sa gulo. pero sa halip, kabaligtaran ang nangyari. dahil papaupo pa lamang sana kami sa aming "table" nang biglang magsungit na naman si mommy at pagalit na naman nya kaming sinabihan ng ganito;

mommy: hoy ikaw dun ka maupo. ikaw dun ka(sabay padabog na hila sa lamesa at upuan).

bilang customer gusto mo na komportable ang iyong inuupuan at nakapwesto ka dun sa makikita mo ang band performer at crowd. kaya naman naisip ko na umupo na nakaharap sa ledge.

ako:( malumanay na pakiusap) mommy pwede bang dito na lang ang pwesto ko?

mommy: ( to the 10th power na sigaw na walang pinagkaiba sa tono ng sigaw ng intsik) ay hindi! dun ka sa likod maupo.(this time mas malakas na pagdadabog sabay hila sa lamesa at upuan)

nagkatinginan muli kaming magkakaibigan at mga mata na naman namin ang nangusap sa isa't isa. pero sa pagkakataong ito, hindi ko piniling manahimik. walang dahilan para magsawalang kibo. may mali sa scenario na kelangan itama. kaya naman malakas ko ding sinagot si mommy ng;

ako: salamat na lang aalis na lang ako(sabay dampot sa bag sabay walk-out)

mabilis akong bumaba mula sa second floor ng nasabing bar at tinumbok ko agad ang door exit. gustong tumalon ng puso ko sa galit. ramdam na ramdam ko na gusto nitong magsuot ng boxing gloves. pagnagkataon, tiyak may mana-knock out nung gabing yun. pero mas pinili ng utak kong magpakahinahon. naririnig kong sinasabihan nya ako ng "cool ka lang, take it easy" hanggang sa makalabas ako ng bar at dun nakahinga ako ng maluwag. hayyy!

tama nga naman. walang magandang idudulot sa sarili ko kung papatol ako. hindi tamang sabayan ng pambabastos ang pambabastos na ginawa ng mga intsik sa aming magkakaibigan. kababawan kung mag-aasal mommy din ako katulad ng maling asal na ipinakita nya sa amin. wala akong planong habulin pa ang karapatan ko bilang isang customer sa nasabing bar dahil alam ko namang hindi kayang ibigay ni mommy yun. pero ang hindi ko matatanggap ay kunin pa nya saken ang dignidad ko at respeto sa sarili.

wala kang karapatan miss lucy(mommy) na sigawsigawan ako, kutyain at insultuhin sa harap pa ng ibang lahi. sa ginawa mong yan, binigyan mo ng maling impresyon ang ibang dayuhan dito sa israel na tayong mga pinoy ay ganun na lamang kadali para sigawan, kutyain at insultuhin. kung ganon na lamang kadali para sayo na magpakita ng masamang asal sa kapwa mo pinoy para ano pa't hindi ito kayang gawin ng ibang lahi sa mga pilipino. at kung ganyan na lamang kaliit ang pagtingin mo sa aming mga pilipino, ano na lamang para sa'yo ang pilipinas!

(ilang minuto ang nakalipas nakatanggap ako ng tawag galing sa mga kasamahan ko na naiwan sa mommy's. sinabi nila saken na lumabas na din daw sila ng bar at pinababalik nila ako para ituloy na lang ang kasiyahan sa ibang lugar. nagkita kita kame malapit sa mommy's. nagkapaliwanagan. nagbigay ng kanya kanyang sentimyento. magkakatulad ang nabuong kuro kuro. malinaw na pambabastos ang ginawa ni mommy sa aming grupo. kagabi oct 31 matapos ang concert nina piolo nagdesisyon kaming magkakaibigan na pumunta sa karat para doon ituloy ang kasayahan. isa sa aking mga kaibigan ang may nakausap na magmotek na customer din sa nasabing bar noong gabing iyon. nangyari na din daw sa kanila ang ganung pambabastos ni mommy. mga turkyano naman ang kanilang nakabangga. namagitan lang daw siya sa away ng mga pinoy at turkyano bilang witness sa pangyayari para ipaliwanag kay mommy na mga turkyano talaga ang nagsimula ng gulo. pero sa halip na pakinggan sya ay pinagsabihan pa daw ito ni mommy na wag makialam sabay sabi sa kanya ng ganito;

mommy: hindi mo ba alam na engineer ang mga yan!).

huh!

so what!

No comments: