AKO si Boyet Dalisay, isang Overseas Filipino Worker dito sa bansang Israel. At ako ay inaresto, na-harass, pinagbantaan at na-detain ng mga Immigration Police. Inaresto ako, na-harass, pinagbantaan at na-detain sa kadahilanang nasa panig ako ng hustisya at katotohanan.
LINGGO, bandang alas singko ng madaling araw January 24, 2010. Napagdesisyunan naming magkakaibigan na pumasyal sa Resto Filipino Bar para kausapin ang may ari nito ukol sa pakay namin na gawin itong sponsor sa gaganaping Valentines Party ng aming organisasyon. Una pa lang ay napaalalahanan na kame na may mga myembro ng Oz sa nasabing bar. Pero hindi namin ito inalintana, tumuloy pa rin kami sa aming pakay, dahil wala kaming dapat ipangamba. Lahat naman kami ay mga legal workers dito sa Israel at dala naming magkakaibigan ang mga passports namin.
GAYA ng nakagawian, bilang standard procedure, isa-isa kaming inispeksyon ng mga Immigration Police. At sa kalaunan ay napatunayan namin na lahat kami ay mga legal na manggagawa dito sa Israel.
ILANG minuto lang ang nakakalipas ng may marinig kaming kaguluhan hindi kalayuan kungsaan nakapwesto kami ng mga kaibigan ko at ng may ari ng nasabing bar. May inaaresto ang mga myembro ng Oz. Isang foreign worker na sa tantya ko ay isang Pilipino. Nasa 30-35 ang edad at medyo may kaliitan. Sa kung anumang dahilan ng pagkakaaresto niya ay hindi na mahalaga sa akin. Ang sadyang nakaagaw ng atensyon ko at talaga namang napako ang aking paningin ay ang paraan ng pag-aresto ng mga Immigration Police sa nasabing foreign worker. Sadyang marahas ang pag-aresto nila dito. Apat na malalaki at matitipunong pulis laban sa isa. Naisip ko lamang, ano kaya ang kahihinatnan kung sakaling isang foreign worker na babae at medyo may edad na ang kanilang aarestuhin? Ganito din kaya ang pamamaraan ng kanilang pag-aresto? Huwag naman sana.
BILANG isang writer ng Focal Magazine, hindi ako nag-alintana na lapitan ang nasabing komusyon at dali-dali ko agad inilabas ang aking cellphone para makunan ng litrato ang nasabing kaganapan. Isa itong social issue, kaya bilang bahagi ng media, nararapat lamang na ipaalam sa publiko ang ganitong pangyayari.
NAKAILANG shots na rin ako nang mapansin ng isa sa mga Immigration Police ang aking ginagawang pagkuha ng litrato sa nasabing kaguluhan. Dali-dali itong lumapit sa akin at pilit inaagaw ang aking telepono na sya ko namang pilit ding inilalayo sa kanya sabay paliwanag na bahagi ako ng media at karapatan ko ang kumuha ng mga litrato. Iyon marahil ang ikinagalit nya sa akin. At dito na nagsimula ang napakalaking pagkakamali na ginawa nila sa akin.
AKO ay marahas na inaresto ng mga Immigration Police at pwersahang isinakay sa detainee van. Sa loob ng van sapilitan nilang inagaw saken ang aking passport at telepono. At ng kami ay makalayo na mula sa lugar kungsaan ako inaresto ay isa sa mga Immigration Police ang nagbanta sa akin at nagsabing ako daw ay isang tourist sa kanilang bansa at noong araw ding yun ay expired na ang aking visa. Samantalang matatandaan na bago mangyari ang kaguluhang yon at ang marahas na pag-aresto sa akin, ay isa-isa muna nilang inispeksyon ang aming mga passports at dun napatunayan ko at malinaw na nakasulat sa aking passport na ako ay dumating sa Israel tatlong taon na ang nakakalipas na may working permit at valid visa hanggang sa kasalukuyan.
MAKAILANG beses ko ring ipinaliwanag sa kanila ito. Sa katunayan, iminungkahi ko pa na tawagan ang aking balabayt at maging ang aking agency upang sila na lamang ang magpaliwanag sa mga Immigration Police tungkol sa aking status sa Israel. Pero tinanggihan nila ang aking suhestyon, sa halip pinagbantaan pa nilang muli ako na wala na raw saysay pa ang pagtawag kung kanino man dahil idedeport na nila ako.
-------------------------------------------------------------------------------------
BUKOD sa akin at sa apat na myembro ng Oz, may isa pa kaming kasakay sa loob ng detainee van. Isang Pilipina nasa edad 30 pataas mahaba ang buhok. Hindi sya nagsasalita.
ako: anong pangalan mo?
siya: (hindi sya nagsasalita)
ako: saan tayo pupunta?
siya: (hindi pa rin sya nagsasalita aktong may bubunutin sa bulsa. Cellphone nya)
ako: bakit na sa'yo ang telepono mo tas yung sakin kinuha nila pate passport ko.
siya: (hindi pa rin sya nagsasalita. Dahil dedma ako sa kanya, inisip ko na lang na Nepalese ang kasakay ko).
MAKALIPAS ang ilang minuto, napansin ko na nasa may Allenby Street na pala kami.
ako: alam mo may visa ako e at magtatatlong taon pa lang ako dito next month.
siya: may besa ka pa pala kabayan(pagulat na tugon nya sa akin. may punto ang pagsasalita ng Pinay. Pero hindi na mahalaga yun. Sa wakas nagsalita din sya)
ako: oo. at valid pa yun. maya-maya dapat makabalik nako sa abuda ko.
siya: e bakit ka nila hinuli?
ako: ewan ko nga sa mga mokong na yan!
siya: ako na ang bahala sa'yo kabayan.....
ako: huh?(tanong ko sa sarili ko na lamang)
-------------------------------------------------------------------------------------
MAANGAS ang isa sa mga Immigration Police. Sya din ang nagtangkang agawin ang cellphone ko at kinalaunan ay sya ding dumampot sa akin. Ilang sandali pa matapos nya rin akong bantaan na idedeport;
....siya: ako na ang bahala sa'yo kabayan
AT kinausap nga ng kasakay kong Pilipina ang mga mokong na pulis. Bagamat hindi ako masyadong nakakaintindi ng hebrew. Malakas ang kutob ko na ako at tungkol sa pagkakaaresto nila sa akin ang kanilang pinag-uusapan.
KILALA ng kasakay kong Pilipina ang mga pulis. Kinakausap nya ang mga ito sa kanilang pangalan. Sa pagkakataong ito malakas na ang mga boses nila at may pagtatalong nagaganap. Maya-maya pa nga ay huminto ang sinasakyan naming van sa kahabaan pa rin ng Allenby Street. Bumaba ang isa sa mga pulis at sabay binuksan ang sidedoor ng van. Sabay baba naman ng isa pang Immigration Police na nakapwesto sa aking unahan(ito ang masungit na pulis) na sinundan naman ng Pilipina na katabi ko lamang sa upuan.
siya: baba na kabayan(pagmamadaling sabi nya sa akin)
ako: huh?(taranta at nalilito ko namang sagot sa kanya)
siya: baba!(pasigaw na sabi nya. This time, bumaba na nga ako)
SI Mr. Sungit na pulis ay may kausap sa telepono. Punta't-paroon ang kanyang paglalakad. Tila walang dereksyon. Siya rin ang may hawak ng passport at telepono ko. Samantalang isang pulis naman ang naka-escort sa akin. Pangisi-ngisi lang. Walang pinagkaiba sa ngisi ni Rodolfo(ang bulldog kong aso sa Pinas). Nasa likod nito ay isa pa ring pulis na kampanteng nakapamewang. Samantalang sa hindi kalayuan andun ang isa pang pulis, kausap ang kasakay kong Pinay.
SA pagkakataong ito, malinaw na sa akin ang mga pangyayari. Lumapit sa akin si Mr. Sungit matapos nitong makipag-usap sa telepono. Hindi para ibigay sa akin ang passport at telepono ko kundi para bantaan muli ako.
Mr. Sungit: we already put you in our records. Now we know your address we know where you live.
Ako: (hindi na ako nagsalita ng kung ano pa man. Hinayaan ko na lamang siyang tapusin ang kagaguhang pinagsasabi nya sa akin. Wala akong dalang pera noon. Baka kungsaan pa ako dalhin ng mga mokong na pulis kapag nakipagtalo pa ako)
Mr. Sungit: you can go now.
Ako: give me my phone and my passport(at sa wakas napasaakin na muli ang mga ito)
NAGMADALI akong umalis papalayo sa mga pulis ng biglang...
Pinay: kabayan!(malakas na tawag nya sa akin na tila gusto akong kausapin)
Ako: Wag mo akong kausapin(sabay lingos ng paningin at nagderecho ako ng paglakad papalayo sa kanila.
HINDI kalayuan mula sa kinaroroonan ng mga Immigration Police kasama ang isang Pinay. Dagli ko muli silang sinulyapan. Hindi ko na maaninag ang mukha ng Pilipina. Pero isang bagay ang malinaw sa akin...
GUSTO ko sana siyang sigawan. Isang malakas na sigaw. Pero hindi ko ito ginawa sa halip ito ay sinarili ko na lamang.
PUTA INA MO KA!
Pilipino
Umasenso ka
TAhakin ang
INAasam
MOng
KAunlaran
------------------------------------------------------------------------------------
AKO si Boyet Dalisay, isang Overseas Filipino Worker dito sa bansang Israel. At ako ay inaresto, na-harass, pinagbantaan at na-detain ng mga Immigration Police. Inaresto ako, na-harass, pinagbantaan at na-detain sa kadahilanang nasa panig ako ng hustisya at katotohanan.
AKO ay isang legal na OFW dito sa bansang Israel na may valid working permit at kasalukuyang nagtatrabaho.
ANG ginawang pag-aresto sa akin ng mga Immigration Police ay illegal at sadyang salungat sa tungkulin na kanilang sinumpaan. Lalo't higit, ang ginawa nilang pagbabanta, pag-detain at harassment ay lantarang pagyapak sa aking karapatan at malinaw na pagwasak sa Karapatang Pantao.
KAYA naman, dahil sa pangyayaring ito. Hinahamon ko ang apat na myembro ng Immigration Police na ilantad ang Pilipina na kasakay ko noong mga sandaling iyon ng aking pagkakaaresto. Sino ang Pilipinang iyon? Ilabas nyo ang kanyang pagkakakilanlan!
AT sa iyo na tumawag sa aking kabayan. Kung sakali man at kaya mong patotohanan ang salaysay kong ito. Maraming salamat sa iyo. Ngayon pa lang, sumasaludo ako sa iyong paninindigan. Subalit kung sakali mang pasalungatan mo itong aking salaysay. Marahil tama ang aking hinala, at hinala din ng iba pa na nakasaksi ng marahas na pag-aresto sa akin, na ikaw ay isang espiya. Na ikaw ay isang makaturo. Ngayon, kung sakali man at ikaw ay totoong nahuli at napipintong ma-deport. Nakikisimpatya ako sa'yo. Dahil katulad ng karamihang OFW na naririto sa bansang Israel. Ikaw man, ay biktima rin ng maling sistema na kasalukuyang umiiral.
AT sa Pamunuan ng Embahada ng Pilipinas, ang ganitong marahas na pag-aresto ay hindi bago. Ito ay matagal na at totoong nangyayari. Kaya naman, hinihiling ko sa inyong Pamunuan ang kagyat na aksyon ukol sa ganitong kaganapan.
ako: We came here in Israel as a human being. We work hard for taking care of their people. We take care of their people with all our heart, our love, our respect and compassion. Therefore, we deserve to be treated the same. We may be poor people from the poorest nation, but we are the kind people with self-respect and dignity!
MABUHAY ANG PILIPINO SAAN MANG PANIG NG MUNDO!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
hi! only the word detain. and your article is perfect!
that is also what ruel said....hmmm...maybe you guys are right. that i really need to do some editing with this article....;-)
Post a Comment