Sunday, August 18, 2013

PUTA INA MO KA!!! sige lang, isiwalat mo na yan. hindi kita pipigilan. tutulungan pa kita, sasamahan pa kita! dahil alam kong punong puno kana rin. nag uumapaw ang galit at hinagpis mo sa buhay. tara! dadamayan kita. sabay nating pasisingawin ang mabahong amoy na matagal ng nakakulob sa nabubulok na anyo. dahil kabayan, sa pagkakataong ito na ang tanging paraan ay pagkamuhi, pagkasuklam at galit...ang pagmumura, katulad din ng pag-ibig, ay sadyang mapagpalaya... Dahil, habang ibinigay mo ang lahat. ang buo ng pagkatao mo. idinulot mo sa taong minahal mo ng higit pa sa sarili mo, ay malalaman mo na ikaw pala ay nagsilbi lang na pader na kanyang masasandalan. flat na mauuwian, kamang matutulugan, libreng almusal, tanghalian at hapunan. dahil ang taong inakala mong buhay ng buhay mo...ay may binubuhay pa lang iba. PUTANG INANG BUHAY YAN! Dahil, sa kabila ng lahat ng ginawa mo para sa taong minahal mo, pinagsilbihan mo. ipinaghanda ng pagkain, pinaglaba ng maruming damit, minasahe sa gabi, sinuyo sa umaga. at halos sinamba...ay babalik din pala sa kanyang asawa. PUTANG INANG LOKOHAN YAN! Dahil, sa lahat ng sakripisyong tiniis mo. ang maghugas ng pinagkainan ng iba, ang magsponja ng sahig ng iba, mamalantsa ng damit ng iba, magwalis, magluto at maglinis ng kubeta na pinagtaihan ng iba...malalaman mo na ang asawa mo sa pinas na matagal mong hindi nakasama ay may kinakasama na palang iba. PUTANG INA NYA! Dahil, sa lahat ng sakripisyong tiniis mo. at tinitiis mo pa rin hanggang ngayon para mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya mong tinitiis mo rin na hindi makita. mapagtapos ang mga anak mo sa pag-aaral, makatulong sa pamilya, makapagpatayo ng disenteng tirahan na kanilang masisilungan ay bigla lang maglalaho na parang isang bula, sa isang malakas na hagupit ng bagyo. habang si Janet Napoles sa kabilang banda sa panahon ng sakuna ay pinoproblema kung alin sa 28 mansion nya siya titira. PUTANG INA MO KRIS AQUINO! Dahil, malalaman mong andito pala sya sa Israel. kalat ang litrato sa facebook at instagram. mga huwad na lawaran na perpektong halimbawa ng isang taong burgis, na hindi man lang sumagi sa isip nya na kumustahin ang kalagayan ng tatlumpo't libong higit pa na kababayan nya sa Israel. "my gosh naman im only here for a vacation kasi" yan lang ang nasabi mo?! kantot ka! ano pa't naging kapatid ka ng pangulo! PUTANG INA KA JANET NAPOLES! Dahil, alam na alam ko na kung mawawala ka lang dito sa mundo at ang mga kagaya mo na gahaman sa salapi at kapangyarihan, kasama ng mga kauri mong baboy na balabubas na sila silang nagbababuyan sa gobyerno. kung hindi ka sana magnanakaw, ikaw na hayop ka! eh di sana wala ako dito sa Israel ngayon. kasama ng siyam na milyon pang Pilipino na nakakaranas ng pagmamaltrato sa ibang bansa. mga kababaihang Pilipinong ginagahasa sa middle east, mga kababaihang Pilipinong pinapadlock sa Hongkong at Singapore. mga Pilipinong pinagdadamutan sa pagkain, niloloko sa sahod ng mga employer nyang puti. PUTANG INA NINYONG LAHAT! ...may araw din kayo sa amin... P ilipino U masenso ka TA hakin ang INA asam MO ng KA unlaran!!!

Thursday, March 8, 2012

"Ang Pantasya ni Eba"

Masaya at maayos ang buhay sa bayan ng Kagawasan. Ang babae ay kilos babae, at ang lalaki, kilos lalaki; nasa tamang lugar ang lahat. Bagamat pantay-pantay ang pagtingin nila sa kababaihan at kalalakihan, hindi sila naniniwala sa mga makabagong pananaw na pareho dapat ang kilos, ugali at papel ng babae at lalaki sa lipunan.

Babae ang Pangulo ng Kagawasan. Babae rin ang mga opisyal na nasa mahahalagang posisyon ng gabinete, tulad ng Kagawaran ng Patakarang Pangkabuhayan, Industriya at Kalakal. Babae ang mga sundalo, ang mga negosyante, ang mga pari ng simbahan. Babae ang mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, at propesyonal.

Nararapat lamang ito, dahil iyan ang papel na itinakda ng Diyos Ina para sa mga babae. Kaya nga’t biniyayaan ng Diyos Ina ang Kababaihan ng Kagawasan ng mga katangiang angkop sa kanilang mahalagang pananagutan sa lipunan: ang matalas na isip at kakayahang magpasiya, ang lakas at katatagan ng kalooban, ang lakas ng katawan.

Ang mga lalaki naman ang maybahay. Sila ang nag-aalaga ng mga anak: total, may likas silang katangiang mapagmahal at mapag-aruga. Sila rin ang biniyayaan ng mga kamay na mas may resistensya sa init, kung kaya’t mahuhusay silang magluto. Kasiyahan nila ang pagsilbihan ang kanilang mga asawa at mga anak. Bagamat hindi sila kumikita sa ganitong klaseng gawain, sinusuportahan naman sila ng kanilang asawa bilang kapalit sa kanilang serbisyo. Kinikilala rin naman ng lipunan ang kanilang mahalagang kontribusyon: sila ang tinaguriang “ilaw ng tahanan” at taun-taon binibigyan sila ng bulaklak tuwing Araw ng mga Ama.

Ang ganitong pagkakahati ng trabaho sa lipunan, at ang pagkakaiba ng likas na pag-uugali ng babae at lalaki, ay alinsunod sa pagkakaiba ng kanilang mga katawan. Tanda ng lakas at katatagan ng kababaihan ang kanilang kakayahang magdala ng bata sa kanilang sinapupunan, at tiisin ang sakit at hirap ng pagluluwal nito. Ang kanilang papel bilang mga manggagawa sa lipunan ay nakabatay rin dito, at sa kanilang kakayahang magpasuso sa mga bata: hindi ba’t panganganak at ang pagkakaroon ng gatas para sa anak, ay isang uri ng produksyon?

Pati ang anyo ng aring pangreproduksyon ay naaayon sa kanilang papel bilang manggagawa, mangangasiwa, at tagapagpasiya sa lipunan. Ang ari ng babae at nakatago, kung kaya’t hindi madaling masaling; malaya silang nakagagalaw. Papaloob ang direksyon nito, sagisag ng kanyang kakayahang pagmuni-munihan ang mga bagay-bagay at magbigay ng mahusay na kapasiyahan. Sa pagtatalik, ang ari niya ang sumasakop sa ari ng lalaki, sagisag din ng kanyang pananagutang sakupin ang mundo. Gayon din ang posisyon sa pagtatalik na nakapagbibigay sa kanya ng higit na kasiyahan: siya ang nangingibabaw sa lalaki tulad ng pangingibabaw niya sa kalikasan.

Samantala, dahil walang kakayahan ang lalaking magdalantao at magpasuso, at dahil ang babae na ang nagsusugal ng buhay sa panganganak, makatarungan lamang na sa kalalakihan na ipaubaya ang pag-aalaga at pagpapalaki sa mga anak. Bukod pa rito, nalilimitahan ang kanilang mga galaw ng kanilang ari: di tulad ng sa babae, nakalawit ito at madaling mabasag.

Kita rin naman sa kanilang ari ang kakulangan nila sa kakayahan sa mahalagang pagpapasiya: dahil nakalabas ito, may kababawan silang mag-isip at hindi ganoong magaling magtago ng mga sekreto. Kung kaya’t nababagay silang magpasiya tungkol sa mga bagay na hindi na dapat pagkaabalahan pa ng mga babae, tulad ng kulay ng kurtina. Gayon din, ang posisyon nila sa pagtatalik ang nagpapakita kung ano ang papel nila sa lipunan: sila ang nakatihaya, naghihintay habang tinatrabaho ng asawa. Dahil sa akto ng pagtatalik napapaloob ang kanilang ari sa ari ng babae, laging sinasabi sa kanila kapag sila’y ikinasal: “Magpasakop kayo sa inyong mga asawa…”

Sa kagawasan, isang masayang pangyayari ang pagkakaroon ng anak na babae: “Hayan,” wika ng mga ina, “may magdadala na ng pangalan ko.” At nangangarap na sila sa pagiging Pangulo balang araw ng kanilang anak. Masaya rin sana ang pagkakaroon ng anak na lalaki, dahil magkakaroon ng isa pang katulong sa gawaing-bahay ang mga ama; ngunit kung bakit napapaluha ang mga ama kapag nakitang lalaki ang kanilang mga supling at nabibigkas ang: “Heto na ang isa pang pambayad sa kasalanan!”

Tuesday, December 21, 2010

ACAMOL

(Ang mga susunod na kwento, pangyayari at mga tauhan ay pawang kathang isip lamang. Pero mukhang totoo. Basahin nyo, baka maka-relate kayo).

Si Lorna – isang TNT sa Israel. May apat na anak sa Pilipinas. Suki ng ACAMOL.

“Maliliit pa ang mga anak ko kaya kailangan ko pang maghanap-buhay para sa kinabukasan nila. Kahit mahirap at delikado, dahil wala na nga akong visa, tinitiis ko na lang. Nilalakasan ko na lang ang aking loob. Kung aasa lang naman ako sa kinikita ng asawa ko bilang trabahador sa pabrika walang mangyayari sa buhay naming mag-iina. Hindi sapat ang kinikita ng asawa ko sa Pinas para sustentuhan ang lahat ng pangangailangan ng mga anak namin. Gastusin pa nga lang nila sa school kulang na kulang na. Dalawa sa mga anak ko ang nasa High School na. Yung dalawa naman nasa Elementary pa lang. Alam mo bang dalawang taon pa lang yung bunso ko nung magdesisyon akong pumunta ditto sa Israel? Ngayon magsasampung taon na sya. At kahit minsan hindi ko pa sya nakita ng personal. Hindi pa rin kasi ako umuuwi sa atin mula ng mag-abroad ako. At alinman sa mga anak ko hindi ko pa nakita ng personal. Yun ngang sumunod sa panganay ko nagdalaga na hindi ko man lang nagabayan. Hindi ko man lang nakita ang paglaki ng aking mga anak(PAUSE: sandaling tumigil sa pagsasalita si Lorna). Walong pasko at walong bagong taon kong hindi nakita ang aking pamilya(PAUSE: muling tumigil sa pagsasalita si Lorna but this time medyo mahaba-habang sandali na hindi sya nagsalita. Kipit-labi habang nakatungo at maka-ilang sandali pa ay bigla na nitong itinaas ang kanyang ulo na bahagyang nakalugay ang buhok sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha. Pero hindi hadlang ito para hindi ko maaninag ang patuloy na pag-agos ng kanyang mga luha. Sabay kalabit sa kanyang ka-flatmate na si Jasmin sabay sabing…”motek pakikuha mo naman ako ng ACAMOL dun sa aking cabinet. Dalhan mo na rin ako ng isang basong tubig. Biglang sumakit ang ulo ko.”

Si Bogz – 28 years old. Binata. Chickboy. Palaging may nakahandang ACAMOL sa tuwing babalik sya ng avoda.

“Ala eh! Masabi nang damulag akong tao. ‘Pag naman ang alaga mo’y sinlaki ng elepante, wala din sinabi aring laki ng katawan ko. Sa inaraw-araw na lamang wariko’y hindi sasampung beses kong binubuhat ang matanda ko. Ah ah, walastik ka oh! ‘Tamo ha, di sa umaga ibabangon ko, papaliguan ‘tas bibihisan. Ayun, dun na nagsimula ang kalbaryo ko. Kakahirap damitan ng matanda ko, ah ah! Yung ga namang sa laking iyon kundi nagpabalintong balintong na sa mita bago ko mabihisan. Sabi ko nga sa iyo,umaga pa lamang parang maghapon na ang itinarbaho ko. Ay daig ko pa naman ang palaging may buhat na balikbayan box eh sa bigat ng matanda ko. Naku! Kung makikita mo lamang sabihin mo naman…(PAUSE: sabay ngiting aso ni mokong na may kasama pang kindat). ‘Kala ko nga ako’y nakaligtas na sa pagbubuhat. Kaya nga ako nag-abroad ng makatakas sa pagbubuhat ng sinibak na kahoy ni tatang sa probinsya namin sa Batangas ‘tas garine pala ang dadatnan ko dine. Kung alam ko lamang maigi pang sa amin na lamang ako lumage at ng makapangabute ng mamarang pag tag-ulan(pabirong sabi ni Bogz). Buti na laang at akoy handa. Palage akong may baong ACAMOL sa bulsa. Kung hindi, piho na ako”.

Si Jasmin – 24 years old. Maglilimang taon na sa Israel. 20 years old pa lang pinag-abroad na ng mga kamag-anak na nasa bansang Israel din. Breadwinner. Kahati ni Lorna sa pag inom ng ACAMOL.

“Bale live-out ang avoda ko sa Ramat Aviv. Yun ang nagparating sa akin ditto. Pamilya sila pero mga bata ang inaalagaan ko. Tatlong makukulit na chikiting yung isa autistic child pa. Yun ang nagbigay sa’ken ng visa. 8am hanggang 6pm ako dun. Minsan OT ng 3 oras kapag may lakad yung parents ng mga bata. So extra payment yun. Bukod pa ang bayad sa shabath. Pinapabalik kasi nila ako ng Sabado ng umaga para iletayel ang mga bata. Siguro para makatulog ng mahaba yung mag-asawa. Alam mo naman ang mga Israeli ‘pag shabath. Friday talaga ang kofesh ko pero pinapagpart-time ko din yun. Hugas pinggan naman ako ‘pag Friday. 50shekel per hour. Minsan apat minsan limang oras. 200-250shekel din yun. Kapag weekdays may regular akong linis bahay three times a week. So direcho na agad ako dun sa part time ko pagkatapos sa avoda ko sa Ramat Aviv. Kapag sabado naman may regular akong tulog mula 7 ng gabi hanggang 7 ng umaga. Medyo kashe itong part time ko ‘pag Sabado kasi hindi nagpapatulog yung matanda. Alzheimer na kasi. Pero ok lang. ganun talaga, kasama sa trabaho naten yun. 150 shekel naman ang bayad saken dun so sa apat na Sabado kada buwan 600shekel din yun. Malaking dagdag na rin yun pampadala sa Pinas. May sakit kasi ang nanay ko sa bato. Regular yung dialysis nya once a week. Bukod pa yung gastos sa gamot. Sa pagpapagamot pa lang ng nanay ko 25,000 to 30,000 pesos na agad ang kelangan. Eh may mga kapatid pa akong pumapasok. Yung isa graduating sa kolehiyo. Ako lang naman ang kumikita sa aming pamilya. Ako na yung tumayong padre pamilya sa amin mula nang mamatay si tatay. pasalamat na nga lamang ako at may mga kamag-anak ako na tinulungan akong makapunta ditto. At pasalamat na lamang ako at maganda ang visa ko. Matagal pa ang pag-stay ko ditto. Mahaba haba pang pagtatrabaho. Kahit mahirap, kakayanin ko. ganun talaga. Sa sitwasyon ko, wala akong dahilan para mapagod. Ok lang yun…ACAMOL lang ang katapat ng sakit ng katawan ko…hehe…

Si Josie – 48 years old. May isang anak ditto sa Israel. Single parent. Pero may naiwang pamilya sa Pinas…lagot!

Ayoko na sanang pag-usapan pa ang kwento ng buhay ko pero sige na nga. May apat akong anak sa Pinas. Malalaki na silang lahat. Yung tatlo ko may mga asawa’t anak na. pero kargo kargo ko pa rin. Pinapadalhan ko pa rin. Ang katwiran mahirap daw ang buhay sa atin at kulang ang kinikita. Ay sus! Kung alam lang nila hindi por que kumikita tayo ng dollar ditto ay masarap na ang buhay. ‘Tas yung sinundan ng bunso ko ang wala lang asawa sa kanila. Nag-aaral pa sa kolehiyo computer technician naman ang course. Pangatlong kurso na niya iyon. Date nag-HRM, umayaw at waiter lang daw ang babagsakan nya sa course nay un. Eh di pinayagan ko kumuha ng ibang kurso. So, nag-nursing naman. Pero sa bandang huli ako naman ang umayaw sa kursong yun. Bakit kamo? Hindi kaya ng budget ko. Masabi ko sayo kamahal man magpa-aral ng nursing sa atin. Yung tuition lang nya inaabot ng 20,000 per sem. Hindi pa kasama ang baon araw-araw. Tapos may mga laboratory pa daw, at kung anu-ano pang gastos. Ay sus ginoo ka! Malulumpo na talaga ako. Apat sila sa Pinas na pinapadalhan ko. Kaya yun, pinakuha ko na lang ng computer technician, total magaling naman sya sa computer. Kwento nga niya sa akin nung minsan tinawagan ko palage daw sila busy ng mga kabarkada nya sa pag eex - box. Ano ba yung x-box? Computer ba yun?...”Game po yun”…Ay damuhong bata yun ah, pulos lakwatsa lang pala ang inaatupag. Sumasakit tuloy ang dibdib ko sa kanya(sabay bukas ng bag sabay kuha ng gamot na ACAMOL).

Thanks to ACAMOL…for the fast pain relief!

Sunday, December 19, 2010

Wednesday, November 24, 2010

BABALA: Bawal Sa May Sipon

KAPAG GANITONG BARADO ANG ILONG KO DAHIL SA HALOS ISANG LINGGO NANG NAMUMUONG SIPON SA LOOB. 'wag kayong pahara-hara sa dinadaan ko dahil tiyak, 'pag hindi ko kayo natantya, malilintikan kayo sa akin.

kasabay ng sipon ko na halos mag-iisang linggo na. isang linggo na ring mainit ang ulo ko. hindi dahil sa sipon ko kundi dahil sa sad ako, na halos dalawang linggo ko nang nararamdaman. naguguluhan na talaga ako. hindi ako makapag-isip ng tama. ang daming gumugulo sa utak ko. yung iba may sense, but the rest are all istuyot. sad ako for two weeks hindi dahil sa mga nakakatuliling kong problema sa buhay kundi dahil sa civil status ko for being a single gay guy at the age 30. anak ng ewan ko talaga. hindi ko maintindihan kung bakit kelangan ko pang umabot sa ganitong edad para magsimulang kumerengkeng. if i only knew then that i will remained single at my age now, eh di sana hindi ko na pinakawalan pa ang kahit isa man lang sa mga naging boylets ko noon na lampas na sa bilang ng mga daliri ko sa paa't kamay. eh di sana hindi na ako single ngayon. talaga nga naman oh(sabay singhot sa tumutulong sipon sa ilong).

nung panahong narealized ko na maganda pala ako at masarap. yun yung time kung kelan sikat na sikat pa sina stella ruiz, pricilla almeda at si anna capri. na sila din ang mga suspects sa pagtaas ng car-related accident dahil na rin sa mga nakabuyangyang nilang katawan sa mga naglalakihan nilang billboards sa kahabaan ng EDSA. that time, presidente pa si ERAP(hindi na ako magtataka!). yan din ang panahon ng aking pagdadalaga. at syempre dahil nga sa maganda ako at masarap(don't mention the given...hahaha). i deserved to have a lot of suitors and admirers(saan ka pa?) haba ng buhok mo teng! flirt dito flirt doon. date dito date doon. that the blossoming of my youthfulness comes with a lot of fun and adventures. go ng go habang bata pa...sabi nga nila.

15, 16, 17...ang ganda ko. 18, 19 20, mas sobrang ganda ko. 21, 22, 23, ang sosyal ko(since nasa bracket na ako ng working age). 24, 25, 26, may asian financial crisis, sus maryosep! affected ang beauty ko. 27, wala akong choice kelangan kong mag-abraod(israel here i come). 28, 29, 30 this time i consider myself as a professional(with PhD degree)...OFW!

ito ito ito ha. walang biruan, sa totoo lang isa lang naman talaga ang dahilan ko kung bakit ako nag-abroad eh. maniwala man kayo sa'kin oh hindi. pero sa totoo lang, hindi pera ang dahilan kung bakit ako nag abroad. to search for HAPPINESS is the only reason why i decided to come here in israel. yeah, maybe for some money can buy happiness or the money itself makes some of us happy. but really not me, dahil kung mapapasaya lang ako ng pera, sigurado ako, na malungkot pa rin ako ngayon(dahil wala din naman akong pera eh...hahaha). kidding aside, dahil wala nga palang dahilan para tumawa ako ngayon since mainit nga pala ang ulo ko. and i am so eager to finish this article with so much anger, failure, hatred and sorrow as my motivation. kaya sa inyo mga masugid kong mambabasa, just a piece of advise, don't be deceived on what you've just seen or red. hindi lahat ng nakikita nyo at nababasa ay tama. at mas lalong hindi por que nagsusulat ako sa focal ay mas magaling o nakakaangat na ako sa inyo. hell no! para sa akin, mas idol ko pa rin sina ima at si mommy shermi ko. that everytime we're together, i always saw them having a glow of a morning sunshine and a whiff of a fresh scent despite their age(bawal sabihin ang tunay na edad nila...hehe). their early age may not be perfect but at least, they manage to surpass all the trials they undergone in life. at handang harapin(na nakataas ang noo at may mga ngiti sa labi) ang mga susunod pang pagsubok sa buhay. yan si ima at mommy shermi ko. matapang na tao, makabagong babae(kahit medyo napaglipasan na ng panahon...heheh) at higit sa lahat...mga lasinggero din katulad ko.

“When we're incomplete, we're always searching for somebody to complete us. When, after a few years or a few months of a relationship, we find that we're still unfulfilled, we blame our partners and take up with somebody more promising. This can go on and on--series polygamy--until we admit that while a partner can add sweet dimensions to our lives, we, each of us, are responsible for our own fulfillment. Nobody else can provide it for us, and to believe otherwise is to delude ourselves dangerously and to program for eventual failure every relationship we enter". hindi sa'ken ang quotation na yan. kinowt ko rin lang mula kay tom robbins. hindi ko rin kilala si tom robbins. nagcheck lang ako ng quotations sa internet pertinent to the subject matter for this article. at isa itong quotation na ito na nag pop up sa search engine ng google ko. na sa dinami dami ko na pwedeng pagpilian, itong quotation na ito ang gustong gusto ko. because it can inflict pain. as if someone slammed it to your face the beauty about ANGER, HATRED, FAILURE AND SORROW. at gustong gusto ko yun. gustong gusto ko yung nakakasakit. this quotation exactly described what i am feeling right now.

kaya sa lahat ng sinisipon ngayon, that for sure later on you will experience headache, teary eyes and body pain(na malamang mauwi yan sa pagkakasakit). i totally understand if you tend to be hot tempered and got easily irritated in small things. hindi dahil may sakit kayo kundi dahil nagkasakit kayo dahil sa mas masakit na bagay(tao man o pangyayari). ok lang yan justifiable naman ang nararamdaman nyo. hatchinggggggg!

Tuesday, October 26, 2010

Rainbow Comes Out After the Rain Part 2

MAHAL KO SI MAHAL JENA. sa hindi maipaliwanag na pagkakataon, pinagtagpo kaming dalawa ng panahon...and there...BANGGG! ENERGY. and everything follows in a perfect order...extreme fun, strange people, wild experience, business opportunities, real friends, family and most importantly...boyfriend/s...hehehe.

habang sinusulat ko ang article na ito, hindi ko maiwasang mapangiti(sa totoo lang, mapahalakhalk ng sobrang lakas na perfect circle ang pagkakabukas ng bibig na nakalabas lahat ng pang-mais(teeth). parang may isang malaking BIG SMILE na nakadikit sa face ko. dahil kasabay ng pagsusulat ko ngayon ang pagtakbo ng utak ko para alalahanin ang sandamukal na "karanasan ng kagagahan na pinagsamahan" namin ni mahal jena. at sa sobrang dami na nun hindi ko tuloy alam kung san ako magsisimula. hmmm, ayaw ko namang maging asumera. malamang marame pa rin sa inyo ang hindi nakakakilala kay mahal jena. so lemme give you a simple description about jena my beloved special friend. aside from being the operations manager of focal magazine(that most of the time she's also performing as the graphic designer for the magazine na kulang na lang sya na rin ang maging ronit ng focal...hehehe) and being the only "real daughter"(dahil ampon lang ako ni ima) of Miss Edina Siozon Gatcheco(wow, pormal ang dating ah. hindi mapapagkamalan hindi na virgin si ima...weee...heheh). she's also this fat woman with a very huge butt that's almost the size of a refrigirator that doesn't fit to her office chair anymore with the vital statistics of 45-65-55. yan ang mahal kong kaibigan na si mahal jena(kayo na ang bahalang mag-visualized kung anong itsura nya...heheh) yan mahal ha, as i promised to you, that i will help you to lose wait, public humiliation is the perfect technique. ewan ko naman pag hindi ka pa nakaisip magpapayat nyan...hehehe...love you mahal.

i guess that's what important in any relationship. that you know the person in and out. although you still have to set aside a reservation for yourself but always keep in mind not to keep secret to someone who have just given all the trust and love to you. coz whatever flaws you've got in you and mistakes you did in the past. sigurado ako, that at the end of the day, maiintindihan ka rin nya at mananatili pa rin sya na totoong kaibigan sa'yo. at ito ang nararamdaman ko kay mahal jena at ganun din naman sya sa akin. we are open to each other that's why we became close. ang totoo nyan, nalampasan na nga namin ang level ng pagiging magkaibigan. this time para na kaming tunay na magkapatid. siya bilang nakakabata kong kapatid na babae at ako naman bilang ate nya(naman!..hehe).

naalala ko nung nawalan ako ng trabaho. halos isang buwan din yun. kaya halos isang buwan(as in literally almost everyday 24/7) kaming magkasama ni mahal jena. mula sa paggising sa umaga(este tanghali pala around 12 kasi umaga na kame kung matulog like 3 or 4 am) hanggang sa pagtulog sa gabi, i mean, sa umaga(ang gulo ng noh?hehe). magkakasabay kame kumain, iisang baso ang ginagamit namin sa pag-inom ng tubig(pate alak) kulang na lang magsubuan pa kame nyan ng food. pag nag-iinuman kame hindi nakakalimutan ni mahal jena na pakantahin saken yung favorite kong song na unwell ng matchbox20 at siya pa ang maghahanap ng song at magpiplay sa magicsing mic. during the lousy nights(almost every night) movie marathon naman ang trip namin. horror film palage ang gusto namin panoorin kahit pareho namin kaming duwag. sa malaki nyang kama sa madilim nyang kwarto kame magsisiksikan. hanggang umaga na yun hanggang sa magdecide na kaming matulog magkakatabi pa rin kame...at nagsisiksikan. kaya nung minsan nakita kame ni ima na parang binalot na suman sa kama ni mahal, alam nyo ba na ginawan niya ako ng sariling kwarto with my own big soft kama at unan. sila ni daddy daniel(bf ni mahal) at ima ang nag-arrange ng lahat at nag-ayos sa private room ko. ayyyyy! ang sweet diba? ang totoo nyan, nadurog ang puso ko sa ginawa saken ni ima.

ang buhay nga naman, just like love, it really moves in a very mysterious ways. that along the way in our journey towards the end, with so many obscure faces we've met, there are for sure an exceptional few who will remain and will leave marks to our heart.

she also protect me from serious threat. dahil sa aming dalawa, siya talaga yung miss friendship at ako naman si gabriela silang na palage gusto nakikipaglaban. siya yung taga kontrol ng damages using her sweet charm and beauty.(na later on na-adopt ko na rin sa kanya ang tchnique na yan). she's also my adviser in all ways, at the age of 23 parang 33 na sya kung mag-isip. she's a rational person(although napaka-emotional nyan most of the time dahil na rin sa kapapanood ng teleserye...hehe). she knows exactly when and where to get in and how and why to get out.

i always admire the person who knows who really he/she is. yung walang pagkukunwari sa buhay. gusto ko yung mga tao na kapag alam nyang maarte sya, talagang maarte sya. at kapag hindi kagandahan ang ugali nya, alam nya sa sarili nya na bitchy sya. kasi para saken mas mahirap pakisamahan an isang tao na nag-iinarte at nagpapanggap na mabait...pramis...bemet.

that's what i saw to mahal jena, not because she's maarte or bitchy whatever, of course she also has her own flaws and imperfections. but despite all these, i would say, she's the sweetest person i've ever met...kaya nga mahal ko yan eh. that what you see is what you get sabi nga. kaya sayo mahal ko, sa lahat ng hindi makakalimutang karanasang pinagsamahan naten. sa lahat ng alaala, sa lungkot at saya. isa lang ang masasabi ko...toda...;-)

P.S. mahal may sasabihin nga pala ako sayo please please wag kang magagalit saken ha...itutuloy

Monday, October 25, 2010

Rainbow Comes Out After the Rain

SIMULAN NATEN ANG KWENTONG ITO SA ENDING. Kahapon nakipag-finlandia bonding ako sa mga friends ko. Kina mayeth kame nag inuman sa may laguardia 15. Usually we do it every friday night at always present ang mga circle of pams friends ko including ella, sabeng, mayeth at ang aking mahal na si jena with her sooo sooo kulit boyfriend na officially daddy ko na-si daddy daniel. We started the drinking session at aruond 330pm. Kame lang nila mayeth, sabeng at daddy daniel ang nagsimula ng inuman. then at around 6pm mahal jena came. saktong paubos na rin ang vodka kaya bumili pa kame ng isa. special request yun ni mahal jena dahil nabitin daw sya sa tagay nya. then ella came.

almost every friday night for the past four months ganito ang eksena namin(finlandia bonding kina mayeth). imaginin nyo kung ilang bote na ng vodka ang naubos namin( ako man hindi ko rin maimagin..hehe). actually, hindi kame kumpleto that day. someone's missing the attendance. si guy. that for the past four months every friday night during the finlandia session he was there. but this time absent sya. no! not just this time. in fact almost a month or so na ata sya absent sa inuman session namin. at may dahilan kung bakit sya wala. may mahalagang dahilan.

according to guy, im a friend. that was after we talked few days ago in one of my wasted nights(lasheng) after he denied me from being his ex-boyfriend. yeah, you heard me right. itinakwil nya ako. that according to him, we never became a couple. kaibigan nya lang daw ako. kaibigan lang.

i met guy last winter through online dating site. he's an israeli gay guy living in the city of tel aviv and for sure...isa syang hudyo(goodluck saken...hehe). since then na nagkakilala kame palage na kame magkasama ni guy. he introduced to me the gay scenes in tel aviv. halos lahat na ata ng gay bars/events napuntahan ko na. minsan sa bahay nya ako natutulog and there are times na pumupunta din sya sa avoda ko. at walang araw na lumipas ang hindi nyan ako tatawagan para kumustahin. tas pag malapit na ang day off ko, usually every friday afternoon he called me just to ask me what i want to eat or something that i want him to prepare for me during my day off. kasi gusto nya na dun ako sa kanya magstay tuwing kofesh ko. hayyy! ang sweet noh. no doubt, guy and i have shared all the good moments then...and by saying good moments it means...that includes sex.

gustong gusto ko yung moment namin ni guy sa may fountain sa rothchild. that was spring last year before he went to thailand for a vacation few months before my birthday. madaling araw nun at medyo malamig pa rin ang panahon. we went out from minus1(a gay dance club at nachalat binyamin) to chill out for a while. ganun palage ang eksena namin ni guy everytime we go out. papasok sa bar, sasayaw ng konti, sneakin around tas lalabas na para magyosi break at uminom ng vodka na daladala nya palage sa compartment ng motor nya. pero kakaiba ang moment naming yun. while sittin in one of the benches very close to the fountain he suddenly told me a very sweet thoughts. bukod sa sinabi nya saken na masaya daw sya pag magkasama kame he also told me that he has a surprise for me on my birthday. syet! tumibok ng bonggang bongga ang puso ko. pakiramdam ko nagpa-pump ng tons and tons of blood ang heart ko ng sandaling iyon. and all the butterflies are flying on my tummy. you know, this chessy feeling?...awwww...hehe...;-)

pero syempre, meron din naman kameng bad moments ni guy. hindi lahat ng kwento ay palaging nagtatapos sa happy ending. it happened few days before his flight to thailand. we had a huge argument about my schedules. that time i was working full time in ramat gan at rumaraket din ako every friday and saturday night as a host sa karat bar sa takana merkasit nung mga panahong yun. at yun ang hindi nya maintindihan tungkol sa nature ng work ko. pero naiintindihan ko sya kung bakit hindi nya ako maintindihan. kasi nga naman, san ka nga naman nakakita ng karelasyon na mas marame pang oras to spend with his job rather than to spend it with his boyfriend. tas sasabayan ko pa ng teyul or community activities during my not so hectic schedule. ewan ko naman pag hindi talaga naburyo ang karelasyon mo nyan at magdecide na iwanan ka. At nangyari na nga ang kinatatakutan ko. guy left me. he left me for a thai boy.

i admit, i have a relationship problem. may problema ako sa paghandle ng relasyon. masyado akong adventurous when it comes to love. ang hirap kong makuntento sa kung anong meron ako. ewan ko ba kung mali yung ganun. pero ang isang sigurado, palageng hassle ang dinudulot saken nun. yan at gusto na nya, aayaw ka pa. tas pag nagwasa at lumayo, ikaw naman ngayon ang hahabol habol. tas mag iinarte ka, iiyak ng sangdamakmak at magpapakalunod sa vodka. tseee! feeling mo. ang tange di ba? hay, tama nga ang sinabi saken ni mayeth...that reality bites. kala ko kasi kaya ko. masyado siguro ako naniwala sa kasabihan na "kung anong problema yun din ang solusyon". yan tuloy ako ngayon ang humahagulhol. huli na nang marealized ko, na kasing-sakit pala ng salitang "f*ck you" ang salitang "break up".

pakot 2hours pa lang ang inuman namin pero masakit na agad ang ulo ko. hindi dahil sa vodka na iniinom namin kundi dahil sa mga revelations na nariirnig ko. ang daming sekretong nabunyag. para tuloy gusto kong matunaw sa kinauupuan ko. mahal jena, asan ka na? dumating ka na now na. sagipin mo si darna sa pagkakahulog mula sa kanyang paglipad. syet! galit din pala saken si uma...itutuloy...