Tuesday, December 21, 2010

ACAMOL

(Ang mga susunod na kwento, pangyayari at mga tauhan ay pawang kathang isip lamang. Pero mukhang totoo. Basahin nyo, baka maka-relate kayo).



Si Lorna – isang TNT sa Israel. May apat na anak sa Pilipinas. Suki ng ACAMOL.

“Maliliit pa ang mga anak ko kaya kailangan ko pang maghanap-buhay para sa kinabukasan nila. Kahit mahirap at delikado, dahil wala na nga akong visa, tinitiis ko na lang. Nilalakasan ko na lang ang aking loob. Kung aasa lang naman ako sa kinikita ng asawa ko bilang trabahador sa pabrika walang mangyayari sa buhay naming mag-iina. Hindi sapat ang kinikita ng asawa ko sa Pinas para sustentuhan ang lahat ng pangangailangan ng mga anak namin. Gastusin pa nga lang nila sa school kulang na kulang na. Dalawa sa mga anak ko ang nasa High School na. Yung dalawa naman nasa Elementary pa lang. Alam mo bang dalawang taon pa lang yung bunso ko nung magdesisyon akong pumunta ditto sa Israel? Ngayon magsasampung taon na sya. At kahit minsan hindi ko pa sya nakita ng personal. Hindi pa rin kasi ako umuuwi sa atin mula ng mag-abroad ako. At alinman sa mga anak ko hindi ko pa nakita ng personal. Yun ngang sumunod sa panganay ko nagdalaga na hindi ko man lang nagabayan. Hindi ko man lang nakita ang paglaki ng aking mga anak(PAUSE: sandaling tumigil sa pagsasalita si Lorna). Walong pasko at walong bagong taon kong hindi nakita ang aking pamilya(PAUSE: muling tumigil sa pagsasalita si Lorna but this time medyo mahaba-habang sandali na hindi sya nagsalita. Kipit-labi habang nakatungo at maka-ilang sandali pa ay bigla na nitong itinaas ang kanyang ulo na bahagyang nakalugay ang buhok sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha. Pero hindi hadlang ito para hindi ko maaninag ang patuloy na pag-agos ng kanyang mga luha. Sabay kalabit sa kanyang ka-flatmate na si Jasmin sabay sabing…”motek pakikuha mo naman ako ng ACAMOL dun sa aking cabinet. Dalhan mo na rin ako ng isang basong tubig. Biglang sumakit ang ulo ko.”





Si Bogz – 28 years old. Binata. Chickboy. Palaging may nakahandang ACAMOL sa tuwing babalik sya ng avoda.



“Ala eh! Masabi nang damulag akong tao. ‘Pag naman ang alaga mo’y sinlaki ng elepante, wala din sinabi aring laki ng katawan ko. Sa inaraw-araw na lamang wariko’y hindi sasampung beses kong binubuhat ang matanda ko. Ah ah, walastik ka oh! ‘Tamo ha, di sa umaga ibabangon ko, papaliguan ‘tas bibihisan. Ayun, dun na nagsimula ang kalbaryo ko. Kakahirap damitan ng matanda ko, ah ah! Yung ga namang sa laking iyon kundi nagpabalintong balintong na sa mita bago ko mabihisan. Sabi ko nga sa iyo,umaga pa lamang parang maghapon na ang itinarbaho ko. Ay daig ko pa naman ang palaging may buhat na balikbayan box eh sa bigat ng matanda ko. Naku! Kung makikita mo lamang sabihin mo naman…(PAUSE: sabay ngiting aso ni mokong na may kasama pang kindat). ‘Kala ko nga ako’y nakaligtas na sa pagbubuhat. Kaya nga ako nag-abroad ng makatakas sa pagbubuhat ng sinibak na kahoy ni tatang sa probinsya namin sa Batangas ‘tas garine pala ang dadatnan ko dine. Kung alam ko lamang maigi pang sa amin na lamang ako lumage at ng makapangabute ng mamarang pag tag-ulan(pabirong sabi ni Bogz). Buti na laang at akoy handa. Palage akong may baong ACAMOL sa bulsa. Kung hindi, piho na ako”.





Si Jasmin – 24 years old. Maglilimang taon na sa Israel. 20 years old pa lang pinag-abroad na ng mga kamag-anak na nasa bansang Israel din. Breadwinner. Kahati ni Lorna sa pag inom ng ACAMOL.



“Bale live-out ang avoda ko sa Ramat Aviv. Yun ang nagparating sa akin ditto. Pamilya sila pero mga bata ang inaalagaan ko. Tatlong makukulit na chikiting yung isa autistic child pa. Yun ang nagbigay sa’ken ng visa. 8am hanggang 6pm ako dun. Minsan OT ng 3 oras kapag may lakad yung parents ng mga bata. So extra payment yun. Bukod pa ang bayad sa shabath. Pinapabalik kasi nila ako ng Sabado ng umaga para iletayel ang mga bata. Siguro para makatulog ng mahaba yung mag-asawa. Alam mo naman ang mga Israeli ‘pag shabath. Friday talaga ang kofesh ko pero pinapagpart-time ko din yun. Hugas pinggan naman ako ‘pag Friday. 50shekel per hour. Minsan apat minsan limang oras. 200-250shekel din yun. Kapag weekdays may regular akong linis bahay three times a week. So direcho na agad ako dun sa part time ko pagkatapos sa avoda ko sa Ramat Aviv. Kapag sabado naman may regular akong tulog mula 7 ng gabi hanggang 7 ng umaga. Medyo kashe itong part time ko ‘pag Sabado kasi hindi nagpapatulog yung matanda. Alzheimer na kasi. Pero ok lang. ganun talaga, kasama sa trabaho naten yun. 150 shekel naman ang bayad saken dun so sa apat na Sabado kada buwan 600shekel din yun. Malaking dagdag na rin yun pampadala sa Pinas. May sakit kasi ang nanay ko sa bato. Regular yung dialysis nya once a week. Bukod pa yung gastos sa gamot. Sa pagpapagamot pa lang ng nanay ko 25,000 to 30,000 pesos na agad ang kelangan. Eh may mga kapatid pa akong pumapasok. Yung isa graduating sa kolehiyo. Ako lang naman ang kumikita sa aming pamilya. Ako na yung tumayong padre pamilya sa amin mula nang mamatay si tatay. pasalamat na nga lamang ako at may mga kamag-anak ako na tinulungan akong makapunta ditto. At pasalamat na lamang ako at maganda ang visa ko. Matagal pa ang pag-stay ko ditto. Mahaba haba pang pagtatrabaho. Kahit mahirap, kakayanin ko. ganun talaga. Sa sitwasyon ko, wala akong dahilan para mapagod. Ok lang yun…ACAMOL lang ang katapat ng sakit ng katawan ko…hehe…





Si Josie – 48 years old. May isang anak ditto sa Israel. Single parent. Pero may naiwang pamilya sa Pinas…lagot!



Ayoko na sanang pag-usapan pa ang kwento ng buhay ko pero sige na nga. May apat akong anak sa Pinas. Malalaki na silang lahat. Yung tatlo ko may mga asawa’t anak na. pero kargo kargo ko pa rin. Pinapadalhan ko pa rin. Ang katwiran mahirap daw ang buhay sa atin at kulang ang kinikita. Ay sus! Kung alam lang nila hindi por que kumikita tayo ng dollar ditto ay masarap na ang buhay. ‘Tas yung sinundan ng bunso ko ang wala lang asawa sa kanila. Nag-aaral pa sa kolehiyo computer technician naman ang course. Pangatlong kurso na niya iyon. Date nag-HRM, umayaw at waiter lang daw ang babagsakan nya sa course nay un. Eh di pinayagan ko kumuha ng ibang kurso. So, nag-nursing naman. Pero sa bandang huli ako naman ang umayaw sa kursong yun. Bakit kamo? Hindi kaya ng budget ko. Masabi ko sayo kamahal man magpa-aral ng nursing sa atin. Yung tuition lang nya inaabot ng 20,000 per sem. Hindi pa kasama ang baon araw-araw. Tapos may mga laboratory pa daw, at kung anu-ano pang gastos. Ay sus ginoo ka! Malulumpo na talaga ako. Apat sila sa Pinas na pinapadalhan ko. Kaya yun, pinakuha ko na lang ng computer technician, total magaling naman sya sa computer. Kwento nga niya sa akin nung minsan tinawagan ko palage daw sila busy ng mga kabarkada nya sa pag eex - box. Ano ba yung x-box? Computer ba yun?...”Game po yun”…Ay damuhong bata yun ah, pulos lakwatsa lang pala ang inaatupag. Sumasakit tuloy ang dibdib ko sa kanya(sabay bukas ng bag sabay kuha ng gamot na ACAMOL).





Thanks to ACAMOL…for the fast pain relief!

Sunday, December 19, 2010

ACAMOL

(Ang mga susunod na kwento, pangyayari at mga tauhan ay pawang kathang isip lamang. Pero mukhang totoo. Basahin nyo, baka maka-relate kayo).



Si Lorna – isang TNT sa Israel. May apat na anak sa Pilipinas. Suki ng ACAMOL.

“Maliliit pa ang mga anak ko kaya kailangan ko pang maghanap-buhay para sa kinabukasan nila. Kahit mahirap at delikado, dahil wala na nga akong visa, tinitiis ko na lang. Nilalakasan ko na lang ang aking loob. Kung aasa lang naman ako sa kinikita ng asawa ko bilang trabahador sa pabrika walang mangyayari sa buhay naming mag-iina. Hindi sapat ang kinikita ng asawa ko sa Pinas para sustentuhan ang lahat ng pangangailangan ng mga anak namin. Gastusin pa nga lang nila sa school kulang na kulang na. Dalawa sa mga anak ko ang nasa High School na. Yung dalawa naman nasa Elementary pa lang. Alam mo bang dalawang taon pa lang yung bunso ko nung magdesisyon akong pumunta ditto sa Israel? Ngayon magsasampung taon na sya. At kahit minsan hindi ko pa sya nakita ng personal. Hindi pa rin kasi ako umuuwi sa atin mula ng mag-abroad ako. At alinman sa mga anak ko hindi ko pa nakita ng personal. Yun ngang sumunod sa panganay ko nagdalaga na hindi ko man lang nagabayan. Hindi ko man lang nakita ang paglaki ng aking mga anak(PAUSE: sandaling tumigil sa pagsasalita si Lorna). Walong pasko at walong bagong taon kong hindi nakita ang aking pamilya(PAUSE: muling tumigil sa pagsasalita si Lorna but this time medyo mahaba-habang sandali na hindi sya nagsalita. Kipit-labi habang nakatungo at maka-ilang sandali pa ay bigla na nitong itinaas ang kanyang ulo na bahagyang nakalugay ang buhok sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha. Pero hindi hadlang ito para hindi ko maaninag ang patuloy na pag-agos ng kanyang mga luha. Sabay kalabit sa kanyang ka-flatmate na si Jasmin sabay sabing…”motek pakikuha mo naman ako ng ACAMOL dun sa aking cabinet. Dalhan mo na rin ako ng isang basong tubig. Biglang sumakit ang ulo ko.”





Si Bogz – 28 years old. Binata. Chickboy. Palaging may nakahandang ACAMOL sa tuwing babalik sya ng avoda.



“Ala eh! Masabi nang damulag akong tao. ‘Pag naman ang alaga mo’y sinlaki ng elepante, wala din sinabi aring laki ng katawan ko. Sa inaraw-araw na lamang wariko’y hindi sasampung beses kong binubuhat ang matanda ko. Ah ah, walastik ka oh! ‘Tamo ha, di sa umaga ibabangon ko, papaliguan ‘tas bibihisan. Ayun, dun na nagsimula ang kalbaryo ko. Kakahirap damitan ng matanda ko, ah ah! Yung ga namang sa laking iyon kundi nagpabalintong balintong na sa mita bago ko mabihisan. Sabi ko nga sa iyo,umaga pa lamang parang maghapon na ang itinarbaho ko. Ay daig ko pa naman ang palaging may buhat na balikbayan box eh sa bigat ng matanda ko. Naku! Kung makikita mo lamang sabihin mo naman…(PAUSE: sabay ngiting aso ni mokong na may kasama pang kindat). ‘Kala ko nga ako’y nakaligtas na sa pagbubuhat. Kaya nga ako nag-abroad ng makatakas sa pagbubuhat ng sinibak na kahoy ni tatang sa probinsya namin sa Batangas ‘tas garine pala ang dadatnan ko dine. Kung alam ko lamang maigi pang sa amin na lamang ako lumage at ng makapangabute ng mamarang pag tag-ulan(pabirong sabi ni Bogz). Buti na laang at akoy handa. Palage akong may baong ACAMOL sa bulsa. Kung hindi, piho na ako”.





Si Jasmin – 24 years old. Maglilimang taon na sa Israel. 20 years old pa lang pinag-abroad na ng mga kamag-anak na nasa bansang Israel din. Breadwinner. Kahati ni Lorna sa pag inom ng ACAMOL.



“Bale live-out ang avoda ko sa Ramat Aviv. Yun ang nagparating sa akin ditto. Pamilya sila pero mga bata ang inaalagaan ko. Tatlong makukulit na chikiting yung isa autistic child pa. Yun ang nagbigay sa’ken ng visa. 8am hanggang 6pm ako dun. Minsan OT ng 3 oras kapag may lakad yung parents ng mga bata. So extra payment yun. Bukod pa ang bayad sa shabath. Pinapabalik kasi nila ako ng Sabado ng umaga para iletayel ang mga bata. Siguro para makatulog ng mahaba yung mag-asawa. Alam mo naman ang mga Israeli ‘pag shabath. Friday talaga ang kofesh ko pero pinapagpart-time ko din yun. Hugas pinggan naman ako ‘pag Friday. 50shekel per hour. Minsan apat minsan limang oras. 200-250shekel din yun. Kapag weekdays may regular akong linis bahay three times a week. So direcho na agad ako dun sa part time ko pagkatapos sa avoda ko sa Ramat Aviv. Kapag sabado naman may regular akong tulog mula 7 ng gabi hanggang 7 ng umaga. Medyo kashe itong part time ko ‘pag Sabado kasi hindi nagpapatulog yung matanda. Alzheimer na kasi. Pero ok lang. ganun talaga, kasama sa trabaho naten yun. 150 shekel naman ang bayad saken dun so sa apat na Sabado kada buwan 600shekel din yun. Malaking dagdag na rin yun pampadala sa Pinas. May sakit kasi ang nanay ko sa bato. Regular yung dialysis nya once a week. Bukod pa yung gastos sa gamot. Sa pagpapagamot pa lang ng nanay ko 25,000 to 30,000 pesos na agad ang kelangan. Eh may mga kapatid pa akong pumapasok. Yung isa graduating sa kolehiyo. Ako lang naman ang kumikita sa aming pamilya. Ako na yung tumayong padre pamilya sa amin mula nang mamatay si tatay. pasalamat na nga lamang ako at may mga kamag-anak ako na tinulungan akong makapunta ditto. At pasalamat na lamang ako at maganda ang visa ko. Matagal pa ang pag-stay ko ditto. Mahaba haba pang pagtatrabaho. Kahit mahirap, kakayanin ko. ganun talaga. Sa sitwasyon ko, wala akong dahilan para mapagod. Ok lang yun…ACAMOL lang ang katapat ng sakit ng katawan ko…hehe…





Si Josie – 48 years old. May isang anak ditto sa Israel. Single parent. Pero may naiwang pamilya sa Pinas…lagot!



Ayoko na sanang pag-usapan pa ang kwento ng buhay ko pero sige na nga. May apat akong anak sa Pinas. Malalaki na silang lahat. Yung tatlo ko may mga asawa’t anak na. pero kargo kargo ko pa rin. Pinapadalhan ko pa rin. Ang katwiran mahirap daw ang buhay sa atin at kulang ang kinikita. Ay sus! Kung alam lang nila hindi por que kumikita tayo ng dollar ditto ay masarap na ang buhay. ‘Tas yung sinundan ng bunso ko ang wala lang asawa sa kanila. Nag-aaral pa sa kolehiyo computer technician naman ang course. Pangatlong kurso na niya iyon. Date nag-HRM, umayaw at waiter lang daw ang babagsakan nya sa course nay un. Eh di pinayagan ko kumuha ng ibang kurso. So, nag-nursing naman. Pero sa bandang huli ako naman ang umayaw sa kursong yun. Bakit kamo? Hindi kaya ng budget ko. Masabi ko sayo kamahal man magpa-aral ng nursing sa atin. Yung tuition lang nya inaabot ng 20,000 per sem. Hindi pa kasama ang baon araw-araw. Tapos may mga laboratory pa daw, at kung anu-ano pang gastos. Ay sus ginoo ka! Malulumpo na talaga ako. Apat sila sa Pinas na pinapadalhan ko. Kaya yun, pinakuha ko na lang ng computer technician, total magaling naman sya sa computer. Kwento nga niya sa akin nung minsan tinawagan ko palage daw sila busy ng mga kabarkada nya sa pag eex - box. Ano ba yung x-box? Computer ba yun?...”Game po yun”…Ay damuhong bata yun ah, pulos lakwatsa lang pala ang inaatupag. Sumasakit tuloy ang dibdib ko sa kanya(sabay bukas ng bag sabay kuha ng gamot na ACAMOL).





Thanks to ACAMOL…for the fast pain relief!

Wednesday, November 24, 2010

BABALA: Bawal Sa May Sipon

KAPAG GANITONG BARADO ANG ILONG KO DAHIL SA HALOS ISANG LINGGO NANG NAMUMUONG SIPON SA LOOB. 'wag kayong pahara-hara sa dinadaan ko dahil tiyak, 'pag hindi ko kayo natantya, malilintikan kayo sa akin.

kasabay ng sipon ko na halos mag-iisang linggo na. isang linggo na ring mainit ang ulo ko. hindi dahil sa sipon ko kundi dahil sa sad ako, na halos dalawang linggo ko nang nararamdaman. naguguluhan na talaga ako. hindi ako makapag-isip ng tama. ang daming gumugulo sa utak ko. yung iba may sense, but the rest are all istuyot. sad ako for two weeks hindi dahil sa mga nakakatuliling kong problema sa buhay kundi dahil sa civil status ko for being a single gay guy at the age 30. anak ng ewan ko talaga. hindi ko maintindihan kung bakit kelangan ko pang umabot sa ganitong edad para magsimulang kumerengkeng. if i only knew then that i will remained single at my age now, eh di sana hindi ko na pinakawalan pa ang kahit isa man lang sa mga naging boylets ko noon na lampas na sa bilang ng mga daliri ko sa paa't kamay. eh di sana hindi na ako single ngayon. talaga nga naman oh(sabay singhot sa tumutulong sipon sa ilong).

nung panahong narealized ko na maganda pala ako at masarap. yun yung time kung kelan sikat na sikat pa sina stella ruiz, pricilla almeda at si anna capri. na sila din ang mga suspects sa pagtaas ng car-related accident dahil na rin sa mga nakabuyangyang nilang katawan sa mga naglalakihan nilang billboards sa kahabaan ng EDSA. that time, presidente pa si ERAP(hindi na ako magtataka!). yan din ang panahon ng aking pagdadalaga. at syempre dahil nga sa maganda ako at masarap(don't mention the given...hahaha). i deserved to have a lot of suitors and admirers(saan ka pa?) haba ng buhok mo teng! flirt dito flirt doon. date dito date doon. that the blossoming of my youthfulness comes with a lot of fun and adventures. go ng go habang bata pa...sabi nga nila.

15, 16, 17...ang ganda ko. 18, 19 20, mas sobrang ganda ko. 21, 22, 23, ang sosyal ko(since nasa bracket na ako ng working age). 24, 25, 26, may asian financial crisis, sus maryosep! affected ang beauty ko. 27, wala akong choice kelangan kong mag-abraod(israel here i come). 28, 29, 30 this time i consider myself as a professional(with PhD degree)...OFW!

ito ito ito ha. walang biruan, sa totoo lang isa lang naman talaga ang dahilan ko kung bakit ako nag-abroad eh. maniwala man kayo sa'kin oh hindi. pero sa totoo lang, hindi pera ang dahilan kung bakit ako nag abroad. to search for HAPPINESS is the only reason why i decided to come here in israel. yeah, maybe for some money can buy happiness or the money itself makes some of us happy. but really not me, dahil kung mapapasaya lang ako ng pera, sigurado ako, na malungkot pa rin ako ngayon(dahil wala din naman akong pera eh...hahaha). kidding aside, dahil wala nga palang dahilan para tumawa ako ngayon since mainit nga pala ang ulo ko. and i am so eager to finish this article with so much anger, failure, hatred and sorrow as my motivation. kaya sa inyo mga masugid kong mambabasa, just a piece of advise, don't be deceived on what you've just seen or red. hindi lahat ng nakikita nyo at nababasa ay tama. at mas lalong hindi por que nagsusulat ako sa focal ay mas magaling o nakakaangat na ako sa inyo. hell no! para sa akin, mas idol ko pa rin sina ima at si mommy shermi ko. that everytime we're together, i always saw them having a glow of a morning sunshine and a whiff of a fresh scent despite their age(bawal sabihin ang tunay na edad nila...hehe). their early age may not be perfect but at least, they manage to surpass all the trials they undergone in life. at handang harapin(na nakataas ang noo at may mga ngiti sa labi) ang mga susunod pang pagsubok sa buhay. yan si ima at mommy shermi ko. matapang na tao, makabagong babae(kahit medyo napaglipasan na ng panahon...heheh) at higit sa lahat...mga lasinggero din katulad ko.

“When we're incomplete, we're always searching for somebody to complete us. When, after a few years or a few months of a relationship, we find that we're still unfulfilled, we blame our partners and take up with somebody more promising. This can go on and on--series polygamy--until we admit that while a partner can add sweet dimensions to our lives, we, each of us, are responsible for our own fulfillment. Nobody else can provide it for us, and to believe otherwise is to delude ourselves dangerously and to program for eventual failure every relationship we enter". hindi sa'ken ang quotation na yan. kinowt ko rin lang mula kay tom robbins. hindi ko rin kilala si tom robbins. nagcheck lang ako ng quotations sa internet pertinent to the subject matter for this article. at isa itong quotation na ito na nag pop up sa search engine ng google ko. na sa dinami dami ko na pwedeng pagpilian, itong quotation na ito ang gustong gusto ko. because it can inflict pain. as if someone slammed it to your face the beauty about ANGER, HATRED, FAILURE AND SORROW. at gustong gusto ko yun. gustong gusto ko yung nakakasakit. this quotation exactly described what i am feeling right now.

kaya sa lahat ng sinisipon ngayon, that for sure later on you will experience headache, teary eyes and body pain(na malamang mauwi yan sa pagkakasakit). i totally understand if you tend to be hot tempered and got easily irritated in small things. hindi dahil may sakit kayo kundi dahil nagkasakit kayo dahil sa mas masakit na bagay(tao man o pangyayari). ok lang yan justifiable naman ang nararamdaman nyo. hatchinggggggg!

Tuesday, October 26, 2010

Rainbow Comes Out After the Rain Part 2

MAHAL KO SI MAHAL JENA. sa hindi maipaliwanag na pagkakataon, pinagtagpo kaming dalawa ng panahon...and there...BANGGG! ENERGY. and everything follows in a perfect order...extreme fun, strange people, wild experience, business opportunities, real friends, family and most importantly...boyfriend/s...hehehe.

habang sinusulat ko ang article na ito, hindi ko maiwasang mapangiti(sa totoo lang, mapahalakhalk ng sobrang lakas na perfect circle ang pagkakabukas ng bibig na nakalabas lahat ng pang-mais(teeth). parang may isang malaking BIG SMILE na nakadikit sa face ko. dahil kasabay ng pagsusulat ko ngayon ang pagtakbo ng utak ko para alalahanin ang sandamukal na "karanasan ng kagagahan na pinagsamahan" namin ni mahal jena. at sa sobrang dami na nun hindi ko tuloy alam kung san ako magsisimula. hmmm, ayaw ko namang maging asumera. malamang marame pa rin sa inyo ang hindi nakakakilala kay mahal jena. so lemme give you a simple description about jena my beloved special friend. aside from being the operations manager of focal magazine(that most of the time she's also performing as the graphic designer for the magazine na kulang na lang sya na rin ang maging ronit ng focal...hehehe) and being the only "real daughter"(dahil ampon lang ako ni ima) of Miss Edina Siozon Gatcheco(wow, pormal ang dating ah. hindi mapapagkamalan hindi na virgin si ima...weee...heheh). she's also this fat woman with a very huge butt that's almost the size of a refrigirator that doesn't fit to her office chair anymore with the vital statistics of 45-65-55. yan ang mahal kong kaibigan na si mahal jena(kayo na ang bahalang mag-visualized kung anong itsura nya...heheh) yan mahal ha, as i promised to you, that i will help you to lose wait, public humiliation is the perfect technique. ewan ko naman pag hindi ka pa nakaisip magpapayat nyan...hehehe...love you mahal.

i guess that's what important in any relationship. that you know the person in and out. although you still have to set aside a reservation for yourself but always keep in mind not to keep secret to someone who have just given all the trust and love to you. coz whatever flaws you've got in you and mistakes you did in the past. sigurado ako, that at the end of the day, maiintindihan ka rin nya at mananatili pa rin sya na totoong kaibigan sa'yo. at ito ang nararamdaman ko kay mahal jena at ganun din naman sya sa akin. we are open to each other that's why we became close. ang totoo nyan, nalampasan na nga namin ang level ng pagiging magkaibigan. this time para na kaming tunay na magkapatid. siya bilang nakakabata kong kapatid na babae at ako naman bilang ate nya(naman!..hehe).

naalala ko nung nawalan ako ng trabaho. halos isang buwan din yun. kaya halos isang buwan(as in literally almost everyday 24/7) kaming magkasama ni mahal jena. mula sa paggising sa umaga(este tanghali pala around 12 kasi umaga na kame kung matulog like 3 or 4 am) hanggang sa pagtulog sa gabi, i mean, sa umaga(ang gulo ng noh?hehe). magkakasabay kame kumain, iisang baso ang ginagamit namin sa pag-inom ng tubig(pate alak) kulang na lang magsubuan pa kame nyan ng food. pag nag-iinuman kame hindi nakakalimutan ni mahal jena na pakantahin saken yung favorite kong song na unwell ng matchbox20 at siya pa ang maghahanap ng song at magpiplay sa magicsing mic. during the lousy nights(almost every night) movie marathon naman ang trip namin. horror film palage ang gusto namin panoorin kahit pareho namin kaming duwag. sa malaki nyang kama sa madilim nyang kwarto kame magsisiksikan. hanggang umaga na yun hanggang sa magdecide na kaming matulog magkakatabi pa rin kame...at nagsisiksikan. kaya nung minsan nakita kame ni ima na parang binalot na suman sa kama ni mahal, alam nyo ba na ginawan niya ako ng sariling kwarto with my own big soft kama at unan. sila ni daddy daniel(bf ni mahal) at ima ang nag-arrange ng lahat at nag-ayos sa private room ko. ayyyyy! ang sweet diba? ang totoo nyan, nadurog ang puso ko sa ginawa saken ni ima.

ang buhay nga naman, just like love, it really moves in a very mysterious ways. that along the way in our journey towards the end, with so many obscure faces we've met, there are for sure an exceptional few who will remain and will leave marks to our heart.

she also protect me from serious threat. dahil sa aming dalawa, siya talaga yung miss friendship at ako naman si gabriela silang na palage gusto nakikipaglaban. siya yung taga kontrol ng damages using her sweet charm and beauty.(na later on na-adopt ko na rin sa kanya ang tchnique na yan). she's also my adviser in all ways, at the age of 23 parang 33 na sya kung mag-isip. she's a rational person(although napaka-emotional nyan most of the time dahil na rin sa kapapanood ng teleserye...hehe). she knows exactly when and where to get in and how and why to get out.

i always admire the person who knows who really he/she is. yung walang pagkukunwari sa buhay. gusto ko yung mga tao na kapag alam nyang maarte sya, talagang maarte sya. at kapag hindi kagandahan ang ugali nya, alam nya sa sarili nya na bitchy sya. kasi para saken mas mahirap pakisamahan an isang tao na nag-iinarte at nagpapanggap na mabait...pramis...bemet.

that's what i saw to mahal jena, not because she's maarte or bitchy whatever, of course she also has her own flaws and imperfections. but despite all these, i would say, she's the sweetest person i've ever met...kaya nga mahal ko yan eh. that what you see is what you get sabi nga. kaya sayo mahal ko, sa lahat ng hindi makakalimutang karanasang pinagsamahan naten. sa lahat ng alaala, sa lungkot at saya. isa lang ang masasabi ko...toda...;-)

P.S. mahal may sasabihin nga pala ako sayo please please wag kang magagalit saken ha...itutuloy

Monday, October 25, 2010

Rainbow Comes Out After the Rain

SIMULAN NATEN ANG KWENTONG ITO SA ENDING. Kahapon nakipag-finlandia bonding ako sa mga friends ko. Kina mayeth kame nag inuman sa may laguardia 15. Usually we do it every friday night at always present ang mga circle of pams friends ko including ella, sabeng, mayeth at ang aking mahal na si jena with her sooo sooo kulit boyfriend na officially daddy ko na-si daddy daniel. We started the drinking session at aruond 330pm. Kame lang nila mayeth, sabeng at daddy daniel ang nagsimula ng inuman. then at around 6pm mahal jena came. saktong paubos na rin ang vodka kaya bumili pa kame ng isa. special request yun ni mahal jena dahil nabitin daw sya sa tagay nya. then ella came.


almost every friday night for the past four months ganito ang eksena namin(finlandia bonding kina mayeth). imaginin nyo kung ilang bote na ng vodka ang naubos namin( ako man hindi ko rin maimagin..hehe). actually, hindi kame kumpleto that day. someone's missing the attendance. si guy. that for the past four months every friday night during the finlandia session he was there. but this time absent sya. no! not just this time. in fact almost a month or so na ata sya absent sa inuman session namin. at may dahilan kung bakit sya wala. may mahalagang dahilan.


according to guy, im a friend. that was after we talked few days ago in one of my wasted nights(lasheng) after he denied me from being his ex-boyfriend. yeah, you heard me right. itinakwil nya ako. that according to him, we never became a couple. kaibigan nya lang daw ako. kaibigan lang.


i met guy last winter through online dating site. he's an israeli gay guy living in the city of tel aviv and for sure...isa syang hudyo(goodluck saken...hehe). since then na nagkakilala kame palage na kame magkasama ni guy. he introduced to me the gay scenes in tel aviv. halos lahat na ata ng gay bars/events napuntahan ko na. minsan sa bahay nya ako natutulog and there are times na pumupunta din sya sa avoda ko. at walang araw na lumipas ang hindi nyan ako tatawagan para kumustahin. tas pag malapit na ang day off ko, usually every friday afternoon he called me just to ask me what i want to eat or something that i want him to prepare for me during my day off. kasi gusto nya na dun ako sa kanya magstay tuwing kofesh ko. hayyy! ang sweet noh. no doubt, guy and i have shared all the good moments then...and by saying good moments it means...that includes sex.


gustong gusto ko yung moment namin ni guy sa may fountain sa rothchild. that was spring last year before he went to thailand for a vacation few months before my birthday. madaling araw nun at medyo malamig pa rin ang panahon. we went out from minus1(a gay dance club at nachalat binyamin) to chill out for a while. ganun palage ang eksena namin ni guy everytime we go out. papasok sa bar, sasayaw ng konti, sneakin around tas lalabas na para magyosi break at uminom ng vodka na daladala nya palage sa compartment ng motor nya. pero kakaiba ang moment naming yun. while sittin in one of the benches very close to the fountain he suddenly told me a very sweet thoughts. bukod sa sinabi nya saken na masaya daw sya pag magkasama kame he also told me that he has a surprise for me on my birthday. syet! tumibok ng bonggang bongga ang puso ko. pakiramdam ko nagpa-pump ng tons and tons of blood ang heart ko ng sandaling iyon. and all the butterflies are flying on my tummy. you know, this chessy feeling?...awwww...hehe...;-)


pero syempre, meron din naman kameng bad moments ni guy. hindi lahat ng kwento ay palaging nagtatapos sa happy ending. it happened few days before his flight to thailand. we had a huge argument about my schedules. that time i was working full time in ramat gan at rumaraket din ako every friday and saturday night as a host sa karat bar sa takana merkasit nung mga panahong yun. at yun ang hindi nya maintindihan tungkol sa nature ng work ko. pero naiintindihan ko sya kung bakit hindi nya ako maintindihan. kasi nga naman, san ka nga naman nakakita ng karelasyon na mas marame pang oras to spend with his job rather than to spend it with his boyfriend. tas sasabayan ko pa ng teyul or community activities during my not so hectic schedule. ewan ko naman pag hindi talaga naburyo ang karelasyon mo nyan at magdecide na iwanan ka. At nangyari na nga ang kinatatakutan ko. guy left me. he left me for a thai boy.


i admit, i have a relationship problem. may problema ako sa paghandle ng relasyon. masyado akong adventurous when it comes to love. ang hirap kong makuntento sa kung anong meron ako. ewan ko ba kung mali yung ganun. pero ang isang sigurado, palageng hassle ang dinudulot saken nun. yan at gusto na nya, aayaw ka pa. tas pag nagwasa at lumayo, ikaw naman ngayon ang hahabol habol. tas mag iinarte ka, iiyak ng sangdamakmak at magpapakalunod sa vodka. tseee! feeling mo. ang tange di ba? hay, tama nga ang sinabi saken ni mayeth...that reality bites. kala ko kasi kaya ko. masyado siguro ako naniwala sa kasabihan na "kung anong problema yun din ang solusyon". yan tuloy ako ngayon ang humahagulhol. huli na nang marealized ko, na kasing-sakit pala ng salitang "f*ck you" ang salitang "break up".


pakot 2hours pa lang ang inuman namin pero masakit na agad ang ulo ko. hindi dahil sa vodka na iniinom namin kundi dahil sa mga revelations na nariirnig ko. ang daming sekretong nabunyag. para tuloy gusto kong matunaw sa kinauupuan ko. mahal jena, asan ka na? dumating ka na now na. sagipin mo si darna sa pagkakahulog mula sa kanyang paglipad. syet! galit din pala saken si uma...itutuloy...

Wednesday, March 31, 2010

Magtiwala Kayo sa Amin: Isang Panayam Mula sa Pagitan ng mga Pinuno ng Philippine Embassy at ng Focal Magazine

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy(paikot-ikot) pa. Direct to the point na agad. Ito ay para sa aking mga kapwa OFW na andito sa bansang Israel...magtapatan nga tayo!

Unang-una, gusto kong sabihin sa inyo na ang Philippine Embassy dito sa bansang Israel ay isang government office. Hindi ito isang palengke o talipapa o shuk sa salitang hebrew. Kaya huwag tayong maglako(magbenta) dito ng mga nabubulok nating produkto. Ang isyu ng utangan, lokohan, dugasan(isahan) o kahit maging isyu man ng agawan ng motek ng may motek kung maaari lang ay huwag na natin paabutin pa sa Embahada naten. Andun na ako na mahalaga rin at dapat mabigyan ng solusyon ang ganitong klaseng isyu. Pero sus maryosep naman! Hindi rin naten maitatanggi at yan ay alam kong alam nyo din na ang puno't dulo o pinagmulan ng gulo/problemang ito ay ang mismong tayo din. Ang ugaling balagan ng ilan sa ating mga Pilipino. Bemet! Kaya sinasabi ko sa inyo mga kababayan ko, napakaraming isyu o "baya" na kinakaharap natin dito sa Israel na dapat sana ay syang higit na napapagtuunan ng pansin ng ating Embassy. Tulad na lang ng isyu sa mass deportation, violent arrest ng mga immigration police na kung minsan ay sadyang lumalampas na sa kanilang tungkulin na sinumpaan, work-related cases like salary issues, sexual harassment and physical abuse. Ang mga kababayan natin na nakakulong at nagkakasakit. Ilan lamang ito sa napakahalagang issues na kinakaharap nating mga Pilipino dito sa Israel na dapat sana ay unang binibigyang pansin ng ating Embahada pero dahil na rin sa "kabalaganan" ng ilan nating mga kababayan ang ganitong usapin ay natatakluban(nasasapawan) ng mga isyu tulad ng sa utangan, agawan, dugasan. Sus maryosep naman!

Pangalawa, totoo na kung minsan masusungit ang mga empleyado ng ating Embahada. At mismong sila naman ay aminado tungkol dyan. Pagpasensyahan nyo na lang. Hayaan nyo na. Palampasin nyo na lang. Isipin nyo na lang na lasing yung nakausap nyong personnel ng Embahada naten kaya makulit at maiksi ang pasensya...hehehe. Besides, hindi na ba kayo nasanay? Kultura na yan sa kahit anumang government office sa kahit kaninong gobyerno sa kahit saan mang bansa. Dito na nga lang sa Israel sa opisina ng Doar, di ba ang susungit din nila. Lalo na sa mga ospital, ay naku mauuna ka pa sa mga pasyente sa kasungitan ng mga attending nurses and doctors nila. Ganun talaga kapag gobyerno...pero at pangatlo,...

Batay na rin sa nakita ko at narinig ko mula sa itinakbo ng interview namin ni Miss Nenette sa mga namumuno ng ating Embahada dito sa Israel. I am convinced, with no doubt, that we can trust the officials and staffs of our Embassy and we can depend on them. Alam nila ang kanilang sinumpaang tungkulin. Hindi tayo nagpunta dito sa Israel para sa ating Embahada. Dahil alam nila na kaya sila naririto ay para sa atin...to help us, give us assistance and to protect our rights.

Ito ang kabuuang kwento;


1. Common story na po sa buhay ng isang Pinoy na nangangarap mag-abroad ang maging biktima ng mga illegal recruiters. Dito po ba sa Israel meron po ba tayong kwento ng Pinoy na nabiktima ng illegal recruitment?

Vice-Consul Thaddeus Hamoy: Wala naman akong narinig na incident tungkol dyan. Usually kasi ang mga kababayan naten na paparating dito(sa Israel) ay may mga kilala na agency at sub-agents na andito sa Israel. At ang paggamit din ng sub-agents yan din ang dahilan kung bakit napapamahal ang pagbayad ng deployment fees ng ating mga kababayan na gustong pumunta dito kasi nga tumutubo ang dapat sana ay fix amount na kelangan lang bayadan ng aplikante. In fact, there is a law here in Israel na may certain amount(in shekel) na kelangan lang bayaran ng isang aplikante but what is actually happening eh yung mga gusto pumunta dito ay nagbabayad ng almost $5000 or more mas mataas sa amount na nakasaad sa batas. Ang problema(during the payment) walang paper trail kasi ang tumatanggap ng payment ay yung Pilipino na sub-agent(s) who has a cut dun sa pera na ibinabayad. So you cannot accuse the agency na nag-overcharged kasi wala naman resibo at kapag tinanong mo yung aplikante kung kanino nya ibinigay yung pera ang isasagot sa'yo ay dun sa Pilipino na sub-agent at hindi sa mismong agency na nagparating. This is one thing that the Labor Office have been trying to solve by penalizing agencies na gumagamit ng sub-agents kasi as caregivers bawal sa kanila na magtrabaho ng ibang hanapbuhay dito sa Israel and by working as sub-agents they are already recruiting. Unfortunately wala tayo sa Pilipinas kungsaan may Anti-Illegal Recruitment Law, dito(sa Israel) walang batas about illegal recruitment so umaabuso sila(sub-agents) and what are we just trying to do is to monitor and penalize the agencies na gumagamit sa kanila.

2. Ano po ba ang role, assistance at limitations na meron at ibinibigay ng ating Embassy sa mga OFW dito sa Israel?

TH: Gusto kong hiramin ang sagot ng anak ko, who happens to be Consul in Amman, tungkol dyan sa tanong mo. Totoo na walang ginagawa o hindi tumutulong ang Embassy sa ilang pangyayri sa mga kababayan naten dito tulad ng isyu sa utangan, isyu sa paggamit ng baklas o peke na passport dahil bawal sa tungkulin namin na gawin yan and it's against the law. Maraming bagay na gustong ipagawa sa amin ang mga PIlipino na labag sa batas dahil kame dito sa Embassy ang aming sinumpaang tungkulin ay gawin kung ano lang ang tama and what is legal so sa madaling sabi marame kaming hindi nagagawa kasi ang mga ipinapagawa naman nila ay yung mga hindi tama at hindi dapat gawin.

3. Ilan na po ba talaga ang bilang ng mga Pilipino dito sa Israel, both documented and undocumented OFWs?

TH: Mga nasa 39,000 na all in all. At kahit maraming nahuhuli at nadedeport, ang atin namang Labor Attache ay palaging nagbibigay ng seminar sa 30-50 arrivals every week.

Labor Attache Merriam Quasay: Sila yung mga nakapasok na sa Israel at dito namin yun ginagawa every Sunday morning. In fact last week we had 64 new arrivals.

TH: So that only shows na kahit maraming reklamo na over-staying patuloy pa rin ang pagkuha sa ating mga Filipino caregivers mula sa bansa natin.

4. Meron din po ba kayong statistics or records ng mga umuuwi both the deportees and those who voluntarily go home?

MQ: Yung mga nahuhuli at yung nag-apply for voluntary repatriation we have partial records supplied by the Immigration Authority here in Israel but those who voluntarily go home wala kami nun.

5. Ito po ay palage na nating naririnig dito sa Israel sa mga kwentuhan at usapan hindi lang ng mga Pinoy pero maging ibang lahi din. Ano po ba talaga ang ibig sabihin ng Friendship Visa at ng Flying Visa at ano po ba ang pagtingin ng ating Embahada tungkol dito?

TH: Isa-isahin natin, una yung flying visa labag sa parehong batas ng Israel at ng Pilipinas yan. But that's more on the province of our Labor Attache and she can explain that further.

MQ: Yung Flying Visa sabi nga lumipad lang. Ibig sabihin, yung worker na-process ang application nya at meron syang employer pero pagdating dito hindi nya na-meet yung employer or hindi sya nagtrabaho dun sa employer so that's what we call a Flying Visa. Kasi ang dapat, legal ka na umalis sa Pilipinas. That you were processed by the POEA, may kontrata ka at may visa ka that was issued by the Israel Embassy so bakit pagdating mo dito wala yung employer or bakit hindi ka nagtrabaho dun sa employer na nagbigay sayo ng visa?

Vice-Consul Bert Santos: Yun namang Friendship Visa it's called Graded Process here in Israel. Sa atin sa Pinas wala tayo nun, pero sa Western Societies ang tawag nila dun ay Common Law Spouses and it's legal here.

6. Given the statistics, na sa kasalukuyan merong 39,000 OFWs dito sa Israel. At kada linggo merong 30-50 na mga OFW na bagong dating mula sa Pilipinas para magtrabaho dito as caregivers, ano po ang stand ng Embassy naten tungkol sa revolving door policy na kasalukuyang umiiral ngayon kungsaan sinasabi na napakabilis magpaalis/magparating ng mga bagong migranteng manggagawa dito sa Israel na sya naman nagiging dahilan kung bakit napapabilis din ang pagpapa-uwi(or pagka-deport) ng mga OFWs na kasalukuyang andito na?

MQ: Hindi naman ganun kabilis ang pagpapaalis. In fact tayo nga nagrereklamo(mga aplikante) na mababagal daw tayo na ang dame daw nating requirements na hinihingi bago makaalis. But we just want to make sure na, una, nami-meet talaga natin yung kinakailangang requirements sa bansa naten at sa bansang pupuntahan, at pangalawa, para matiyak na talagang dumaan sila dun sa proseso para din sa kanilang proteksyon. Remember tayo lang ang bansa na nagpapadala ng caregivers dito na ang caregivers naten ay nagtraining ng six months, other countries wala silang ganun, kaya sinasabi nila na mabagal daw tayo na ang arte-arte daw naten at ang dame daw nating requirements.

7. Can we categorically say, that this policy(revolving door policy) somehow is a form of abuse for migrant workers here in Israel?

MQ: E batas ng Israel yan e at internal policy nila yan.

8. Ano po ba talaga ang katotohanan tungkol sa UN visa? May Pilipino po ba dito sa Israel na nabigyan na nito?

TH: Actually it's not a visa at ito ay good for 3 months lang. Para lang hindi mahuli at ma-deport within 3 months ang isang tao na may hawak nito(UN visa) habang underprocess ng Israeli government ang kanyang petition to be declared as a refugee. After that or even before the 3 months is over dinudukot na sila. Now, what is a refugee? Usually ito yung mga tao na galing sa isang bansa na may gyera or those who have enough reasons para hindi umuwi. Pero wala pa kahit isang Pilipino na nabigyan nito in just over a hundreds of UN visa na na-issue ng Israel. Kasi Israel government ang nag-eevaluate at nagbibigay ng UN visa at hindi ang UN.

MQ: Kaya parang misnomer(it describes something incorrectly) yung UN visa kasi it's not the UN that gives the visa it's still the Israel government who gives the visa.

BS: Ang weakness ng UN visa ngayon stipulated sa application nila na bawal sila magtrabaho so may mga cases tayo ng mga OFW na akala nila may UN visa sila pero sa workplace sila hinuli. So clear yung violation kasi malinaw ang patakaran na bawal silang magtrabaho habang under-process ang papers nila so kung ang objective natin ay para makapagtrabaho malinaw na hindi rin sagot ang UN visa.

TH: Kaya nga ang UN visa ay hindi lamang kapit sa patalim kundi para mo nang sinaksak ang sarili mo dahil sabi nga ni Consul Santos stipulated na that for 3 months you can stay na hindi ka huhulihin provided na hindi ka magtatrabaho. E meron bang Pilipino dito sa Israel na mag-stay na hindi magtatrabaho? Now, the fact na nahuli ka in your workplace it means nilabag mo yung conditions ng UN visa so they have all the reasons to arrest and deport you.

BS: yung desire din naten na magkaroon ng UN visa, may mga kumakalat na balita na may nagbibigay ng pekeng UN visa that could go as high as $1,500 daw ang going rate.


9. Ano po ang assitance na pwedeng maasahan ng mga OFWs, those who doesn't have visa and those who badly need help, mula sa Philippine Embassy?

TH: We understand na ayaw nilang umuwi because of the economic situation back home, now, wether they become illegals or not wala na sa amin yun pero kung magkaproblema sila wether they are right or wrong, still, it's the obligation of the embassy to help them. Kung merong maakusahan na may ginawang kasalanan o Pilipino na napatunayan na talagang may ginawa syang kasalanan kung hihingi sya ng tulong sa Embassy obligado kami na tulungan yung tao. We can ask legal assistance fund para pambayad sa abogado dito.

BS: But it's very rare case dito sa Israel dahil unang una limited din yung funds kasi ang priority ngayon ay yung mga Pilipino na may kaso na nasa Saudi.

MQ: I think lahat ng workers na pumasok dito na umalis ng Pilipinas ay mga legal workers. Dahil may proseso ang Philippine government at Israel government na kelangan nila pagdaanan. Now, bawat workers na umalis sa Pilipinas dapat maintindihan nila kung hanggang kelan ba sila dapat mag-stay sa Israel. At alam naten na may limitation ang pag-stay sa Israel yun nga with the maximum of 5 years extendable only with the same employer hanggang sa mamatay ang employer or ma-terminate ang isang worker. Even yung pagtransfer mo ng ibang amo limited ka pa rin sa 51 months which is 4 years and 3 months and once you reached this period kelangan mong mag-stay dun sa amo mo na yan and you cannot transfer to another employer anymore. So sa mga Pilipino na pumapasok dito sa Israel dapat alam nila ang limitasyon na yan. Ang nangyayari nga lang dito for one reason or another, na napuputol yung employment nila, ayaw naman nila umuwi at dyan na lumalabas yung mga suspicious offers like.."sige wag ka munang umuwi, tutulungan kita". Pero lahat naman sila pumasok dito na legal only the reason na ayaw pa nga lang talaga nila umuwi at gusto pa nila kumita ng pera. But in the process alam nila na lumalabag sila sa batas ng Israel for staying here illegally and we all know that so any moment pwede din sila mahuli.

10. Ano po ang pinakamalaking issue o problema na kinakaharap ng Filipino Community dito sa Israel?

MQ: Issue? hmmm...utangan(everyone in the room is laughing)

11. Gaano po karameng reklamo ang natatanggap nyo tungkol sa isyung ito?


MQ: Hindi naman lahat ng problema tungkol sa utangan narereport dito sa Embassy e.

TH: Ang concern namin dyan tungkol sa singilan ng utang sa totoo lang wala kaming pakialam dyan kasi it's a private transaction. Nai-involved lang ang Embassy because it's connected with the passport as pambayad utang. Merong nagsasangla o ginagawang collateral ang passport. So para makaiwas sila sa payment lalo na dun sa nagpatong patong na ang interest at talagang mabigat na para mabayaran ang ginagawa nila nagde-declare sila na nawala yung kanilang passport although ang totoo hawak nung nagpautang sa kanila. Mag-aapply sila dito ng new passport with complete documents so we issued them a new passport with a different passport number. So wala na ngayong habol yung nagpautang kasi ang hawak nyang passport e considered cancelled na. In the end ang Embassy ay nabibiktima din sa ganitong kalakaran since we issued a new passport na ang totoo e yung passport naman pala ay nakasanla. Bawal namang magsangla ng passport kasi ito ay hindi pagmamay-ari ng indibidwal kundi ito ay pag-aari ng Republika ng Pilipinas.

12. Any work-related case being filed here at the Embassy like salary issues, sexual harassment and physical abuse?

MQ: Oo. Meron din. For example sa salary na hindi nababayaran. At ang proseso dyan kapag may problema yung worker at humingi ng tulong dito the first advise is talk to your employer. Humanap ng tamang tiempo sa pakikipag-usap sa amo. Sinasabi ko sa kanila na maghinay-hinay sila unless they are ready to be terminated. Ngayon kung may utang man ang amo mo at hindi ka binabayaran ng tama meron naman nakasaad dito sa batas na you have 7 years from the date of termination to claim everything. So makukuha mo pa rin lahat ng pagkakautang sayo ng amo mo. Ngayon kung talagang kailangang-kailangan ng worker ng pera I adviced them to talk to the agency at hanggat maari ako yung last recourse kasi kung kakausapin ko agad yung employer or yung agency magagalit sila dun sa worker kasi ang sasabihin nila bakit agad siya nagsumbong sa Embassy nya. Bakit hindi muna yung agency ang kinausap. So yun ang normal na proseso. Pero ang palage kong sinasabi sa worker tingnan naten kung ano ba ang violation ng employer nya sa batas para meron sya palage na sasandalan once the worker continue to pursue the case.

13. Meron po bang agency ang gobyerno ng Israel na pwedeng lapitan ng mga migrant workers na meron problema kaugnay sa kanyang trabaho?

MQ: Unfortunately wala kasing opisina ang Israel government na dapat dun pwede dumerecho para mag-file ng complaints ang mga workers naten. Although pwedeng magsumbong sa MOITRAL(Ministry of Industry, Trade and Labor) pero wala sila(Israel Gov't.) nung like other countries na dun pwede pumunta ang workers para magfile ng complaints against the employer tapos mamamagitan ang isang government officer to mediate both parties.

14. Hindi po ba yun na mismo ang trabaho ng Kavla Oved?

MQ: Kavla Oved is an NGO(non-government organization) and its role is only for monetary claims. Meron silang personnel or lawyers na tutulong sayo to assess how much is your financial claims and then they get 15% of the total amount na na-claimed nung worker. At hindi namin pipigilan ang isang OFW na pumunta sa Kavla Oved para humingi ng tulong dahil kame dito sa Embassy even if we have lawyers hindi naman kame pwede na humarap sa korte kasi bawal yun but Kavla Oved has lawyers na pwedeng humarap sa korte to defend the complaint of a worker.

15. So ano po yung assistance na pwedeng asahan ng mga OFWs dito sa Israel na may ganoon klase ng problema o kaso?

MQ: Maraming kaso. Yung utangan ibang assistance ang pwede naming ibigay. Yung claims for benefits iba rin yan. Yung nahuli ng pulis iba na naman yan.

TH: Ok isa-isahin natin. Dun sa mga nahuli ng pulis or halimbawa dun sa mga nakasuhan ng criminal case may dalawang opisina ang Embassy na involved directly to give assistance to the worker. Una, yung tinatawag na ATN or Assistance To Nationals. Pangalawa, yung OWWA. The ATN can respond to anyone 24/7 basta ligitimate yung cause. We will go out and locate the person who needs help may visa man o wala basta Pilipino ka. On the other hand, our welfare officer also goes out any hour of the night to attend to a distress Filipino specially to those who have medical problems. Dun naman sa isyu ng utangan, the most that the Embassy can do is to offer what we call in our parlance as a good offices. We don't sit as judges we only try to mediate both parties na nangutang at inutangan.

BS: Under Israeli law kapag nag-utangan kayo at hindi nagbayad yung nangutang, syempre breach of contract yun di ba? O kaya freud kapag nang-uto(nanloko) yung isa na equivalent ng stafa sa batas naten. Pero sa dame ng kaso ng utangan dito sa Israel at meron din kaming regulations specifically banning us from acting as collecting agents kaya hindi talaga namin mahawakan o ma-control yang isyu ng utangan. Hanggang sa pinaghaharap lang namin yung both parties at pinag-uusapan kung paano yung proseso ng bayaran.

MQ: Dito sa Embassy pwede lang sila magsumbong pero pwede silang mag-file ng kaso sa Israeli police.

BS: Ang problema hindi rin lahat ng isyu ng utangan ay pinapatulan ng pulis kasi commercial transactions yan e. It is considered as a civil case sa Israeli law.

BS: Dun naman sa isyu ng balikbayan box na hindi dumarating on time or hindi na talaga nakarating pa sa pupuntahan. Hindi naman talaga ito isang scam. Ang problema lang dito siguro yung tao na nag-engaged dito is not ready for this business. Mahirap itong habulin dahil walang corporation or taong nakarehistro na pwedeng habulin aside dun sa mga tao na nagkakahon na andito sa Israel. So ang pinaka-advice namin dyan ay yung kung ano ang pwede mong ipatalo. Ibig sabihin, dahil very tempting talaga ang balikbayan box kasi malaking mura kumpara sa iba. Imagine $70 lang ang babayadan mo against $500 let's say sa DHL. Then the total amount ofyour box is $200(laman ng kahon) so hindi sulit na mag-file ng kaso laban dun sa tao kasi masyadong maliit yung value ng contract at masyadong maliit yung value nung nasa loob ng kahon. So sa ganitong kalakaran it's either you win or lose. Pero hindi mo pa rin masasabi na isa itong scam kasi meron din namang ibang shipper na dependable. Sabihin na lang natin na ang balikbayan box is a business transaction with a very high risk o panganib. So in the same manner, yung utangan at yung balikbayan box, pareho lang yan na labas na sa jurisdiction ng Philippine law kasi lahat ng kontrata na yan ay ginawa dito sa Israel. At kungsaan ginawa yung kontrata, yun ang nakakasakop dito.

MQ: Nagkakaroon ng problema dyan sa balikbayan box kung yung mga agents na yan(nagkakahon) ay hindi nila tini-turn over o isinusulit ang pera sa shipping company. For example, andun na yung box sa Pilipinas pero hindi nila ini-remit yung pambayad para dun sa broker(forwarder). So ang timano yung broker na nasa Pilipinas since walang natanggap na remittance hindi nya ngayon ire-release yung box. At yan ang usual complaints na natatanggap namin. May nagsasabi samen na andun na daw yung box nila nasa Pilipinas na ang problema yung nagkakahon hindi pala ipinadala yung bayad. So dun ngayon papasok yung sistema ng LOKOHAN.

16. Any successful stories na talagang ipinaglaban ng Embassy hanggang sa huli?

BS: Ano yan, it's considered an interference with the local laws of Israel. We have to respect their local laws so the most an Embassy can do is bantayan lang namin yung kaso sa court. Halimbawa, during the court trial na merong namatay na isang Pilipino dahil sa bangungot. Ang Israeli hindi sila naniniwala sa bangungot. Pero gusto nang pauwiin ng pamilya na nasa Pinas yung mahal nila sa buhay na namatay dahil sa bangungot. So ngayon, yung ATN officer namin ang nagte-testify na may bangungot talaga among Asians, among Filipinos.

MQ: Ako naman, like with the case of Michael kung natatandaan nyo. Ayaw ibigay nung agency nya yung severance pay nya. Lumapit sya saken at humingi sya ng tulong. Now, ganito ang sinabi ko kay Michael.."Michael may trabaho kana ba ngayon? Sagot ni Michael, opo. May visa kana ba? Wala pa po itatatak pa lang. Ok kapag natatakan na ang visa mo tsaka ko ngayon kakausapin yung agency". Kasi kung wala pa syang visa at aawayin agad natin yung agency ang kawawa dito si Michael at hindi ako di ba? So nung nagkaroon sya ng visa, I called up the agency and told them..."Hoy, yung severance pay nito. Wala na sya sa inyo kaya ibigay nyo" At ibinigay naman ng agency more than 5000shekel. So ganun yung mga tulong na ginagawa namin para sa mga kababayan natin.

TH: We had successful prosecution sa rape. May naipakulong na kame. We don't appear in court kasi nga bawal but we make our presence felt na parang may pressure or persuasive effect yung presence ng Philippine Embassy personnel.

MQ: We also go off of our way like nag-alaga kame ng isang kababayan naten na nagkaroon ng mental illness(nawala sa katinuan). Ang ginagawa namin talagang hatid at sundo namin yun. Maghapon kelangan namin syang bantayan dito kasi wala siyang kasama sa flat nya hanggang sa makauwi sya inaalagaan namin sya at binabantayan dito sa Embassy. Kami dito sa Embassy we don't tell to people what we do pero kapag andyan na yung taong nangangailangan obligado kaming tulungan sya.

OWWA Officer Pet Bergado: Ang pinakamasaklap talaga na sitwasyon ng mga Pilipino dito ay yung magkasakit sila tapos wala pa silang visa. Karamihan sa mga OFW dito na walang visa ay wala din insurance. Karamihan din sa mga ito ang nagtatanong samen kung ano ba ang gagawin ng Embassy sa katulad nila? We have to make our position clear that the Embassy is not prepare para magbayad ng malaking halaga sa ospital. Ang panawagan namin dyan ay sana magkaroon tayo ng campaign na yung private medical insurance ay responsibility ng lahat ng OFW na andito may visa man o wala. Unahin sana nila yun na mabayaran para kung hindi maiiwasan at magkasakit ang isang tao ay meron silang makukunan ng pangsuporta sa pagpapagamot nila. Also, kelangan nila sabihin ang totoo tungkol sa medical history nila kasi may naging kaso kami dito na nagkasakit pero binitawan ng insurance company kasi hindi na disclose yung sakit nya that even before pala sa Pilipinas meron na sya nung sakit na yun so parang nag recur lang dito. Parang pre-existing yung case nya. Under the insurance laws hindi obliged ang insurance company na i-cover yung mga pre-existing na cases.

TH: Ang number 1 na ino-observed namin ay yung Migrant Workers Act. Sinusunod namin yan. At ang policy po ng ating Ambassador ay hangga't maari ay ibigay kung ano ang pwede at kayang itulong sa mga kababayan naten dito. Eventhough it will entail a lot of sacrifice dahil na rin sa kapabayaan at pagiging iiresponsible nung tao. Halimbawa, yung pagbabayad na lang ng OWWA fee which is 95 shekels a year hindi pa magawang mabayaran tapos kung biglang may mangyaring masama o magkasakit wag naman sana na kung sakaling magdesisyon umuwi pwede sana syang tulungan ng OWWA kung member sana sya ng OWWA. Another thing, yung sarili nyang medical insurance dito na hindi rin binabayaran or hindi nya pina-follow up with the employer kasi may subsidy na binabayaran ang employer sa medical insurance so once the person neglect this very important aspect at bigla syang nagkasakit, ang problema e wala kaming budget para dyan so kung meron mang pangangailangan for medical assistance halimbawa kung may nagkasakit na kelangan nang umuwi, dyan pa lang kame magrerequest ng pera sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs(OUMWA) who will authorized the disburstment of a certain amount needed let say for transportation or incidentals ng gustong umuwi. E minsan ang nangyayari dahil sa maraming request dahil hindi lang naman ang Embahada ng Pilipinas dito sa Israel ang nagrerequest to we call it a Repatriation Fund so hindi ito agad naaksyunan. Ngayon kung halimbawa na ang sakit ng isa nating kababayan ay lagnat pa lang dahil na rin sa delay by the time na marelease na yung request fund ay lumalala na ngayon ang sakit let say kelangan na syang isakay sa wheelchair during the flight at mas mahal ang bayad sa ganun kaya lalong humahaba ang proseso.

17. Paano naman po yung kaso ng mga OFW naten na binitawan ng kanilang insurance company pero dito na lang po sa Israel sumulpot yung sakit nila?

PB: Ang problema kasi hindi nga nagsasabi ng totoong medical history yung ibang workers. They try to conceal it but once madiskubre ng insurance nila na meron na sila ng sakit na yun bago pa man sila pumunta dito sa Israel kaya yun ang ground para bitawan sila. So let's all be responsible. This is applicable to everyone may visa man o wala o kahit dun sa mga nakapangasawa ng Israeli. Kasi dito sa Israel napakamahal ng ma-ospital. Umaabot ng almost 4000shekel per day lalo na kung gagamit ka ng mga laboratories, x-rays, ICUs. Ngayon, tungkol naman sa OWWA, we have to make our position clear na yung assistance for repatriation ay para lang sa mga active OWWA members kasi nagla-lapse din yun. Kunwari, nagpa-member ang isang OFW 5 years ago at hindi na nila na-activate so it's a big problem kapag nagkasakit sila.

18. Ano po ba ang requirements para maging member ng OWWA? Ano po kaya ang dapat gawin para mare-activate ang membership ng isang non-active member ng OWWA?

PB: As long as may working visa walang problema. You have to comply with several requirements like proof of employment either payslip, employment contract or any certification na magpapatunay na employed ang isang worker, and then copy of your passport, then magpi-fill up ng information sheet sa OWWA and declaration of intent. At dito sa Israel nire-require din namin ang isang worker na magkaroon ng private medical insurance. Kasi baka they will think na once OWWA member pwede na silang gastusan ng OWWA sa kanilang hospitalization.

MQ: Ok about sa insurance. Dito sa Israel may dalawang insurance kung legally employed ang isang worker. One is the bituach leume, that part of your salary comes from the bituach leume because part of your salary paid the bituach leume which is 0.04% of your salary. At ito ay pwede mong gamitin kapag may work-related injury or illnesses at kung manganganak. Dahil ang panganganak ay cover din ng bituach leume. Then the other insurance is the private medical insurance. Ito naman ay pwedeng gamitin ng isang worker sa lahat ng pagpapa-ospital which is not work-related ang cause of injury or illness. Sinasagot din ng private medical insurance ang pagpapauwi ng maysakit kung kinakailangan umuwi pate yung medical escorts if required by the doctor at yung pagpapauwi ng bangkay kung humantong man sa ganung pangyayari na ang isang worker ay sumakabilang buhay. Kaya gusto kong sabihin sa lahat na yung private medical insurance ay napakahalaga na meron ang lahat ng workers dito sa Israel may visa man o wala o lahat ng Pilipino for that matter. And under the law it says that the employer has to provide you both. Nakasaad sa batas yan.

19. Ano po ang mensahe nyo para sa mga kababayan natin na OFW dito sa Israel?

BS: Kung hindi maiiwasan mangutang, mas makakabuti na sa Pilipinas na lang mangutang. Kasi usually ang dahilan din naman ng pangungutang e yung mga pangangilangan ng pamilya na nasa Pinas. Let's say kelangan magpagawa ng bahay so mas mura pa rin na mag-housing loan sa PAG-IBIG kaysa mangutang dito na 10% ang interest.

PB: Sakin naman ang maipapayo ko sa mga Pilipino dito sa Israel ay wag natin iaasa sa ibang tao yung personal safety and security naten. Specially sa insurance kasi minsan ang sinasabi ng ibang Pilipino..."eh andyan naman ang Embassy. Ano ginagawa ng gobyerno?". Palaging ganyan but in the first place it's our responsibility to ourselves na i-secure yung health naten.

TH: Ang ginagawa ng Labor Office bilang dagdag na lang, na kapag may mga abusadong employer and we established the records of this particular employer na let's say nakailang worker na siya na kinuha at hindi nakatagal na magtrabaho sa kanya with the same complain. There we request the MOITRAL na i-blacklist ito para hindi na mabigyan ng Filipino caregiver.

MQ: Magkunsulta muna sila bago nila pakawalan yung pera nila.

At bilang panghuli, batay pa rin sa itinakbo ng panayam namin ni Miss Nenette sa ng mga namumuno ng ating Embahada. Malinaw na malaki ang tungkulin na ginagampanan ng ating Embahada para sa mga Pilipino na nandito sa Israel. Doon pa lang sa punto na kung papaano mailalapit(to reach out) ang opisina ng ating Embahada para sa mga Pilipino lalo na sa mga higit na nangangailangan ng tulong ay isang malaking hamon na. Dahil naniniwala ako na sa oras na mapatatag ang ugnayan, mapalawig ang pagpapalitan ng impormasyon, maging bukas sa isa't-isa sa pagitan ng mga Pilipino at ng Philippine Embassy dito sa Israel. Tiyak na walang suliranin ang hindi mabibigyan ng kasagutan.

PAGPUPUGAY SA EMBAHADA NG PILIPINAS DITO SA ISRAEL. MABUHAY PO KAYO.

MABUHAY ANG OFWs SAANMANG PANIG NG MUNDO!

Sunday, March 21, 2010

TRAPO

FEBRUARY 2010, nagpatawag ng pagpupulong ang mga organizers ng COI(Candelarians Organization in Israel) na sina Edgar Lat, Annaliza Pramis Aquino at Rhona Canzon isang buwan bago isagawa ang general meeting at election of officers ng nasabing samahan. At sa kasamaang palad, ako ay naimbitahang dumalo sa nasabing meeting ng COI sa paanyaya na rin ng mga taong nabanggit. Nakarating na ang balitang ito sa akin noon pa man na balak nga daw ng ilan sa aking mga kababayan mula sa bayan ng Candelaria na magtayo ng isa pang organisasyon na hiwalay sa nauna nang itinatag na samahan..ang AQI or Association of Quezonians in Israel.(ang Candelaria ay isang 1st class municipality sa Quezon Province. And it reaches its current high class standard mainly through the effort of its own constituents, both local and abroad). Noong una pa man ay may agam-agam na ako sa planong ito for obvious reason that both the AQI and COI doesn't have so much difference when it comes to the mission and vision, project execution and membership dahil na nga sa iisa namang lugar(bayan at probinsya) ang pinagmulan ng karamihan sa mga kasapi ng dalawang samahan. Pero dahil na rin malaki ang paniniwala ko sa diwa ng demokrasya at ang lahat ay may kalayaang magdesisyon sa para sa sarili nyang kapakanan kaya naman sa huli ay naintindihan ko na rin at inunawa ang naisin ng mga organizers ng COI na mabuo ang kanilang samahan.


Ang naging takbo ng usapan namin ni Edgar Lat mula sa Message Archive ng aking YM:

Candelaria Quezon (2/17/2010 2:39:56 PM): Hehehe boyet free ka ba sa friday 4pm sa takana?
boyethdalisay2000 (2/17/2010 2:56:48 PM): naku gabi pa ng friday labas ko e mga 9pm nasa tel aviv nako. ano meron? sabado meeting ng candelaria dba? bukas labas ako.hehe
Candelaria Quezon (2/17/2010 3:19:52 PM): Isasama ka nga sa board para bonga!hehehe c ramil eh nde rin pwd, kami na muna nina rona,analiza ang mg meting ha,maganda un nakahanda tayo mga board sa dadating na meeting, at mukhang dami dadating eh,
boyethdalisay2000 (2/17/2010 3:22:15 PM): ok. i'll be there on saturday for sure.
Candelaria Quezon (2/17/2010 3:22:18 PM): San mo ga gustos sa board of director or sa oficer ? Haha papiliin ba,
boyethdalisay2000 (2/17/2010 3:23:06 PM): wala bang muse...hehehe
Candelaria Quezon (2/17/2010 3:24:35 PM): Cge bsta ganito na lang ha, mg uusap muna kami nina rona at analiza,kasi kayo dalawa ni ramil eh nde pa pwd sa friday ,kaya agahan na lang ninyo sa march 6, mg uusap muna tayo bgo mg umpisa,oki ba un?
Candelaria Quezon (2/17/2010 3:25:14 PM): Hahaha naku nde ka pwd don at magwawala c ramil hahaha
Candelaria Quezon (2/17/2010 3:25:50 PM): Bsta sa meeting mg set tayo ng oficer!
Candelaria Quezon (2/17/2010 3:26:40 PM): Hahagilapin ko pa c jenny anak ni ka elson hehehe para makasama natin sa board
boyethdalisay2000 (2/17/2010 3:27:13 PM): okidoki...pwede naman tau chat din e after nyo mag usap sa friday.
boyethdalisay2000 (2/17/2010 3:27:34 PM): hahahha...oo nga pala noh sa march6 pa pala yun. nasa isip ko sa sabado na darating na
boyethdalisay2000 (2/17/2010 3:27:36 PM): hahahahahahahah
Candelaria Quezon (2/17/2010 3:28:58 PM): Cge bsta papaalam agad namin sa inyo ha, gusto pa sana ni ailen gawin ka president hehe, sagot nia ang gulaman at cake sa meeting
Candelaria Quezon (2/17/2010 3:30:05 PM): Kaya ngatanong ko kung san mo gusto?
boyethdalisay2000 (2/17/2010 3:31;08 PM): waaaaa hindi ako pwede tumanggap ng kahit ano position kc officer nako sa AQI hehehe
Candelaria Quezon (2/17/2010 3:33:07 PM): Matagal naman tayo nakasama at makakilala kung tanda mo pa hehehe,bsta my tiwala me sayo boyet!
Candelaria Quezon (2/17/2010 3:33:22 PM): Nap muna me
boyethdalisay2000 (2/17/2010 3:34:59 PM): salamat sa pagtitiwala. walang ibang magtutulungan kundi tau tau ding mga pilipino kaya maganda na nagkakaisa tau sa dayuhang lupain....

Bukod pa dito ang mga phonecalls at palitan ng mga text messages para ipaalala sa akin ang gagawing eleksyon na akin namang sinasang-ayunan sa kasunduan that i will only facilitate the election. At ito naman ay naipaliwanag ko na din noon pa man sa isinagawang pagpupulong naming apat sa bahay ni babes(analiza pramis aquino) na hindi ako tatanggap ng kahit anumang posisyon since i am already a member and an officer of AQI. Bagkus, ay ako pa nga ang nagmungkahi sa kanila na sila ang tumayo bilang mga officers ng kanilang organisasyon dahil sila ang masigasig na nagtrabaho dito at silang nakakaalam ng magiging takbo nito mula't sapol hanggang sa huli. I even suggested them to approach people and convince them, those who have "tudatsut" or those pioneering people who have been working here for a long period of time to stand as their advisers. Dahil bentahe(advantage) sa isang itatayong organisasyon kung mga beteranong OFW dito sa Israel ang magsisilbi bilang mga tagapayo ng iyong binuong samahan. At sa kalaunan, ay iyon nga ang ginawa ng mga organizers ng COI. Pero isang bagay ang hindi nila naintindihan sa sinabi ko, at ito na nga ang pinagsimulan ng conflict and tension between the two organizations.

Ang naging takbo ng usapan namin ni Rhona Canzon mula sa Message Archive ng aking YM:

boyethdalisay2000 (2/26/2010 6:40:22 PM): oi matanong ko
boyethdalisay2000 (2/26/2010 6:40:33 PM): ano update sa COI
boyethdalisay2000 (2/26/2010 6:41:26 PM): kc baka maya agenda ulit sa meeting e ako yung nagpupush sa AQI na suportahan ang COI since advantage ng lahat pag marame org ang taga quezon
Rhonaliza Halley Canzon (2/26/2010 6:43:09 PM): bale bukas, personal nming pupuntahan ung mga board para mag fill up cla ng form w/ pic..tpos sasabihin nmin ung election sa march 6...
boyethdalisay2000 (2/26/2010 6:43:57 PM): good, cno cno ba nakuha nyo na board
Rhonaliza Halley Canzon (2/26/2010 6:44:31 PM): tpos sa april pag ok n lahat ng officers may induction sa april sa bahay kubo n nga un,ticket is negotiable pa if 50nis
Rhonaliza Halley Canzon (2/26/2010 6:46:42 PM): tpos dun sa induction, mascarade party un..bumili aq ng marraka..sa entrance plang compulsary n bumili ng maskara n 5nis..tpos pipili kmi ng ms. & mr. face of the night..para mka raise agad ng fund after the induction
boyethdalisay2000 (2/26/2010 6:47:07 PM): yafe motek
Rhonaliza Halley Canzon (2/26/2010 6:47:38 PM): ung npili nmin board 5 plang kulang pang 1...c pablo alcantara, pidrito de ramos, ,apollo landicho, imelda padua, maricel mayol
Rhonaliza Halley Canzon (2/26/2010 6:50:11 PM): motek, kelan ung trip sa haifa??? para mkapag paalam aq d2 sa amo ko lalabas aqng friday...sama aq sa trip,...
boyethdalisay2000 (2/26/2010 7:32:10 PM): baka sa march 27 pa yun
boyethdalisay2000 (2/26/2010 7:32:16 PM): tell ko sau kung sure na
boyethdalisay2000 (2/26/2010 7:32:24 PM): labas nako motek
Rhonaliza Halley Canzon (2/26/2010 7:34:05 PM): bzder..ingat motek! mwaah

At nangyari na nga ang aking pinangangambahan. Si Bro. Pablo Alcantara ay isa din sa mga advisers ng AQI samantalang ilan sa mga members ng COI ay una nang naging myembro ng AQI at ang iba dito ay aktibong kasapi pa ng aming samahan(AQI). Inisip ko na lang na maaaring hindi sinasadya ang mga pangyayari. I gave them the benifit of the doubt. That probably it wasn't intentional. Pero sa pagdaan ng mga araw, bago dumating ang March 6, ang itinakdang araw ng kanilang eleksyon. Maraming nakarating na balita sa aming samahan(AQI) na karamihan sa mga myembro na hinihikayat nilang sumapi sa kanilang samahan(COI) ay pulos myembro din ng AQI. At karamihan sa mga balitang ito ay balita ng pagkadismaya at pagkalito. Pagkalito dahil ang buong akala nila ay tapos na at may nabuo ng samahan ang mga taga Quezon dito sa Israel(Quezon means the entire province including the town of Candelaria). At pagkadismaya naman, dahil hindi sila natutuwa sa pagkakaroon ng dalawang magkaibang organisasyon na nagmula sa magkaparehong lugar o probinsya. Para sa kanila, ito ang magiging sanhi para magkawatak-watak ang mga magkababayan sa dayuhang lupain na dapat sana ay silang nagkakaisa at nagtutulungan. Dahil dito, sinubukan kong kumbinsihin si Edgar Lat(na ngayon ay tumatayong presidente ng COI) na magkaroon ng dialogue o mapag-usapan ang ilang gusot tungkol sa issues of technicalities ng parehong organisasyon nang sa ganoon ay maliwanagan ang isipan ng mga kapwa namin taga-Quezon/taga-Candelaria. Maka-ilang beses kong sinubukan na kumbinsihin si Edgar Lat na sana ay makapag-usap muna ang AQI at ang COI bago sila magsagawa ng kanilang eleksyon pero makailang beses nya rin akong tinanggihan. Sa pagkakataong ito, hindi na ako sigurado kung hindi ba nakikita ni Edgar ang magnitude ng problema o talagang nagbubulagbulagan lang siya. To think that from the very beginning he knew that there's already an existing organization of Quezonians here in Israel. At maging ang ilan sa mga tao na nilapitan nya, na nagmula sa bayan ng Candelaria para dumalo sa general meeting/election ng COI ay nagbigay na rin sa kanya ng sentimyento tungkol sa posibleng likhain nitong problema sa pagitan ng AQI at COI at tungkol sa posibleng idulot nitong problema sa mga OFW dito sa Israel na nagmula sa lalawigan ng Quezon at sa bayan ng Candelaria.

Lumipas ang mga araw. Maingay na ang mga tao. Nagkalamat na ang samahan. Itinuloy pa rin ni Edgar at ng iba pa nyang kasamahan ang planong eleksyon ng COI ng wala man lang malinaw na pagpupulong sa AQI to discuss and eventually settle some issues of technicalities between the two organizations. Instead, they make themselves busy from inviting people to come and participate in the said election which is by the way the governing body of AQI did not express any form of resentment nor we interfere them from conducting the election. More so, the AQI came up to a decision and commit ourselves to support whatever the undertakings or plans that the COI will try to make. At yan ay alam ni Rhona(isa sa mga organizers ng COI) dahil noong araw ding yun pagkatapos ng aming meeting(ako, edgar, babes at rhona) sa bahay ni babes ay inimbitahan ko naman si rhona na sumama sa akin para sa meeting ng AQI para maipaabot sa aking mga kasamahan ang tungkol sa pagbubuo ng bagong organisasyon dito sa Israel. Sa una, syempre hindi maganda ang pagtanggap ng ilan sa kasamahan ko nang malaman nila na may isa pang samahan ng mga taga Quezon ang itatatag(at normal ang ganun reaksyon). Dahil katulad din ng iba, taga-Quezon man o hindi, iisa ang nagiging reaksyon, kapag narinig nila na may dalawang magkaibang samahan mula sa Province of Quezon. Ito ay pagkadismaya, pagtataka, an expression of discomfort. Tama nga naman, like what my friend told me, how can you possibly be enrolled in to two different schools at the same year and at the same year level? Sa madaling salita para sa ating mga taga-Candelaria, kailan pa pinayagan na mag-enroll ang isang mag-aaral ng sabay na taon sa LMI at TWA? Hindi ko alam kung hindi ba talaga nakikita ni edgar ang problema o sadyang nagbubulagbulagan lang sya.

March 6, 2010 general meeting at election ng COI. supposedly 8pm ito magsisimula pero almost 10pm na ito naumpisahan. like any other typical program, nagsimula ito sa dasal na sinundan ng kumustahan, some talks...more talks...and more(sigh) na sinundan naman ng Q&A. Ilang tao na rin ang nagtanong tungkol sa nature and description ng COI katulad ng funds, projects and activities at membership. YUN SAKTO MAY NAGTANONG NG TUNGKOL SA MEMBERSHIP NA NAPAKA-VITAL PARA SA ISANG ORGANISASYON. Batay na rin sa aking narinig at naintindihan(dahil ako ay nakikinig at inuunawa ko muna ang tanong bago ako sumabat para hindi ako mapahiya sa ibibigay kong sagot) gustong malaman ng nagtatanong kung ilan na ba ang members ng COI sa kasalukuyan. At batay din sa pagkakaintindi ko sa sagot ng tinatanong na si ramil maralit aka tina moran(excuse my word but that was according to him and he actually mentioned it as his pseudonym everytime he is performing as a drag queen) sinagot naman nya ito ng ganito "bale kung sino po ang mga andito consider na po na member yun"(something like this but not the exact wordings). At dun ako nakahanap ng tyempo para segundahan ang napakagandang tanong ng aking kabayan...ang tungkol sa membership.

At ito ang bahagi ng aking sinabi;

"magandang gabi po. una po sa lahat gusto kong sabihin sa inyo na kami po ay sumusuporta sa anumang balakin ng COI. ilan po sa inyo siguro ang nakakaalam na may isa pa pong samahan dito sa israel na nagmula din sa Quezon. at alam naman po natin lahat na ang candelaria ay isa sa mga bayan ng quezon, hindi ito bahagi ng batangas at lalong hindi ito laguna. kami po sa AQI ay may sinusunod na batas tungkol sa recruitment ng members at ang basic po dun ay syempre dapat taga quezon province ka na siguro ganun din yung magiging batas nyo for recruiting your member. pero dahil makikilala po tayo bilang magkaiba at independent na organisasyon sa israel. paano po kaya naten bibigyang solusyon ang issue sa technicalities particularly na sa isyu ng membership? pwede po kaya natin gawin na ang members namin na nagmula sa candelaria ay maging members nyo din? dahil sa katotohanan ay iisa naman po talaga tayo so para maging united tayo at maging alliance in future."

ang totoo nyan, hindi ko natapos ang tanong na ito. pero ito ang kabuuang tanong na gusto ko sanang ipaabot sa mga kababayan ko mula sa aming mahal na bayan ng candelaria. andun pa lang ako sa part na..."kami po sa AQI ay may sinusunod na batas tungkol sa recruitment"...nang biglang sumingit si edgar lat habang ako ay nagsasalita. Ni hindi nya muna pinakinggan mabuti kung ano ba ang kabuuan ng aking tanong kaya naman mismong si julius at bro pablo na ang sumita sa kanya at pinagsabihan na makinig sa tanong at hayaan akong tapusin ang aking pagsasalita. Besides, i was there not volunteering myself to come but i was there by invitation of none other than you Mr. Edgar Lat! ahil inimbitahan mo ako through calls, chat and text. And what part of "hey-dude-it's an issue of technicality-a-conflct-of-interest-and-conflcit-of-membership" that you dont understand? Para ipagsigawan mo(in your most furious manner) na ang meeting na yun ay tungkol sa candelaria at hindi sa quezon? Ok, kung gusto mo talaga panindigan na ang candelaria ay hiwalay sa quezon at kame ay hindi bahagi ng iyong organisasyon. e teka muna, ganyan kaba magtrato ng mga bisita sa inyong mga activities?

Sunday, March 7, 2010

Ang Pikon...Guilty(Isang Bukas na Liham para sa "Tropa")

Ayoko na sanang patulan pa ang isyung ito. Dahil nakapagbitiw na rin naman ako ng salita noong nakaraang Sabado na iyon na ang kahulihulihang salita na manggagaling sa akin tungkol sa isyu. Pero dahil napakarame na ng taong na-iinvolved. At napakarame na ng taong naguguluhan. Kung sino sino na ang nagbibigay ng komento sa pangyayaring hindi naman talaga nila alam ang puno't dulo ng lahat. Kaya minarapat ko nang gumawa ng isang bukas na liham(an open letter) para sa lahat ng "tropa".

Unang-una, gusto kong sabihin na bukod kay Bert, Ajie at Vergel na mga bagong dating dito sa Israel. Masasabi ko na isa rin ako sa mga naging late na myembro ng sinasabing "tropa" dahil sa loob ng tatlong taon na andito ako sa Israel exactly 2 years and 4 months nito ay nagtrabaho ako sa Netanya na stay in at madalang pa sa patak ng ulan ang paglabas ko noon maliban na lamang kung may espesyal na okasyon o importanteng bagay na dapat gawin. At sa mga araw na nakakalabas ako yun lang ang time para makagimik ako na kadalasan ay ang "tropa" rin ang nakakasama ko. Kaya nga nitong mga huling bahagi na rin ng taon ko nakamabutihang loob ang mga kaibigan ko na tinatawag kong "mahal" noong time na lumipat na ako ng tel aviv at makatagpo ng trabaho dito. Pero ang may mas matagal na pinagsamahan at pagkakakilala ay kayo dahil kayo ang mga palaging nagkikita-kita/nagsasama-sama dito sa Tel Aviv may okasyon man o wala dahil na rin sa regular ang kofesh nyo tuwing araw ng Sabado. Kaya mas higit nyong kilala ang isa't-isa kaysa sa akin.

Pangalawa, normal sa tao ang mamili ng kaibigan na sasamahan. Isang kahibangan kung basta-basta ka lang nakikisama sa isang tao na hindi mo naman lubusan kakilala. May pangyayari nga na kakilala mo na ang isang tao ng mahabang panahon pero hindi pa rin maiiwasan na magkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan. Dun pa naman kaya sa tao na sa maikling panahon mo pa lang nakikilala ang hindi ka magkaroon ng problema. Kaya sa aking pananaw, at ito ay naging ugali ko na....I chose my friends. I'm not the type of person who just suddenly jump into someone and eventually we became friends in an instant. Hindi ako ganun at ayoko rin ng ganun. Kaya nga madalas, ang palaging first impression sa akin ng tao ay suplado ako at mahirap makapalagayan ng loob. At hindi ko sila masisisi kung ganoon man ang unang pagtingin nila sa akin. Even the "tropa" might notice it the way I interact with other people or the way I behave in a crowd. Kapag hindi kita kilala, walang dahilan para magpansinan tayo. Pero kung kilala naman natin ang isa't-isa and we both feel comfortable with each other I can be as crazy as anyone could imagine.

Kaya naman, dun sa ilang pangyayari na hindi pagkakaunawaan. Inaamin ko, and I'm only speaking for myself...NA NAGKAMALI AKO.

Nagkamali ako para batikusin ang ginawa na hindi pag-imbita sa akin. Nagkamali ako para ipagsiksikan ang sarili ko sa mga tao na ayaw sa akin. Pasensya na. Naging mapusok lang ako. Masyado kong pinanghawakan ang diwa ng salitang "tropa" kaya naging emosyunal ako noong mga panahon na nagkaroon ng argumento. Wala akong karapatan na saklawan ang desisyon ng ibang tao. Dahil maging ako man, sa lahat ng ayaw ko ay yung ako ay pinapakialamanan sa mga desisyon ko at mga bagay na gusto kong gawin. Kaya inuulit ko...PASENSYA NA. Maaaring maulit ang pagkakataon na magkasama-sama ang "tropa" na wala ako pero hinding hindi na mauulit pa ang pagkakataon na makarinig kayo mula sa akin ng pagkadismaya kung bakit hindi ako invited. PASENSYA NA. Yan din naman ang huling salita na binitawan ko noong Sabado sa mga tao na nasa flat at yan din ang mensaheng ipinakisuyo ko kay Daddy Vergel na ipaabot sa "tropa".

Pero pakiusap ko lang, kung sakali man at may maging desisyon din ako o gawin para sa sarili ko. Maari bang wag nyo rin ako pakialamanan? Dahil baka %$^*^^$*&$*^! ako sa oras na mangyari ito. It maybe easy for me to say sorry but sometimes I find it hard to accept apologies from other people. Dahil para sa akin, ang baso kapag nabasag ay mananatiling basag na at kailanman ay hinding hindi na mabubuo pa anumang pagkumpuni ang gawin mo dito. Maniwala kayo sa akin, pwede ako mabuhay sa kung ano meron ako ngayon. Coz I'd rather want to keep the few but with quality than to be with so many but mostly are obscure to me. Dahil maniwala kayo sa akin, pwedeng umusad ang buhay naten dito sa Israel at maging sa pagbalik naten sa Pinas kahit wala man ang isa't-isa sa atin. Kaya sana, PAKIUSAP LANG.

At panghuli, I would define friendship as a process of forming a special relationship. Hindi man kita makita madalas. O kahit pa man ngayon lang tayo nagkakilala. Kung para sa akin ay espesyal ka. Then i consider you as my friend. Friendship is totally different from companionship. Kahit pa man palage kayong nagkikita at matagal nyo nang kakilala ang isa't-isa. Ang tanong, did you consider each other as friends? Espesyal ba kayo sa isa't-isa?

Kaya para dun sa mga tao na espesyal ang pagtingin sa akin. Salamat sa inyo, kayo man ay espesyal din dito sa puso ko.. At para naman dun sa mga tao na ayaw sa akin...don't worry, the feeling is mutual. Signing off.

Wednesday, March 3, 2010

Waaaaa! Na-virus ang Laptop Ko!

I hate Lenny Kravitz. Sya ang dahilan ng sadness ko kahapon. Crush ko pa naman sya for being soooo sexy and gorgeous(like me...hehe) Pero ngayon, hindi ko na sya type. Buburahin ko na sya sa buhay ko(este, sa search engine pala ng laptop ko). Hindi ko na sya iisipin(i mean, kakalimutan ko na sya i-searh ulit). Dahil sa kanya gumastos ako ng 200shekel(kasama na ang pamasahe at katangahan). Hmmmm! I hate you Lenny Kravitz!

Waaaaa! Na-virus ang laptop ko!

March 2 ng madaling araw. Wala ako magawa. Actually, marame pwedeng gawin. Tinatamad lang talaga ako. Mabigat ang pakiramdam ko noong araw na yun. But I'm feeling ok. I'm not sick or whatsoever. Oo na, tinatamad nga lang ako...kulit!

Kapag ganito ang eksena ko na feeling pensyonado ako(yung tipong kain, tulog, inom mode lang). Madalas, sinasabayan ko rin ito ng pag-iinternet(habang nakataas ang isang paa at nakasalampak ang katawan sa malambot na sofa) Pag-isahin na natin. Lahat sabay-sabay na. Todo na 'to! Para fully-fledged na palakihin-baboy na talaga ang eksena ko...este, pensyonado pala...hehehe.

Usually, movie marathon ang trip ko sa mga oras na dinadalaw ako ni K(KATAMARAN). Nasa part 2 na ako ng pelikulang Precious:Based on the novel "Push" by Sapphire nang maintriga ako sa ilan sa mga casts nito. Walang duda, si Mariah Carey yung isa sa mga casts ng pelikula. Kahit pa nga nag-iba ang itsura nya dahil sa make-up(isang kilo ata ng face powder ang inilagay sa mukha nya sa sobrang puti nito na halatang hindi kamatch sa kulay ng cleavage nya...knowing mariah carey..hehe). But she cannot conceal her voice. Dahil wala rin duda, na sya lang ang nagmamay-ari ng ganung boses. Yung tipo na parang mashu na naipit sa pagitan ng dalawang hita...ganun klase ng boses...ihhhhhhhhhh(raise to the 10th power high pitch..hehe) Pero dun sa isang cast na lalake na african-american, dun ako na-intriga. He played the role as a "guy nurse"( as what he said on his script). Kilala ko si Lenny Kravitz pero hindi ako sure kung si Lenny Kravitz ba yung "guy nurse" sa movie. At syempre kapag uncertain ako sa isang bagay, ginu-google search ko ito,

At dito pa lang mag-uumpisa ang aking kwento.

SUNDAY February 28 sa pagitan ng alas otso y medya hanggang alas nueve ng umaga. Meron akong 23 missed calls sa cellphone ko mula sa iisang caller...ang amo ko(ooopps...ooopps wag kayong magpanic, normal na yun sa avoda ko tuwing araw ng Linggo ng umaga). Walang nangyaring masama sa amo ko. Andun lang sya sa kama nya nakahiga. Habang ako, nakahiga din dito sa kwarto ko(few meters away from my saba's room). Si saba ang aking human alarm clock. Siya ang palaging gumigising sa akin tuwing umaga sa araw araw na ginawa ng Diyos(Diyos ko po saba!). But just like all my past Sundays at my present avoda with my present saba, again, this is another hard day. Hindi dahil sa kakulitan ni saba kundi dahil na rin sa kundisyon ko. I cannot perform my duties well during this day. Palage mabigat ang pakiramdam ko tuwing araw ng Linggo. Masakit ang buo kong katawan. Parang binibiyak ang ulo ko. Hindi dahil sa avoda ko...kundi dahil sa hang-over.

Holy fu**in' s**t talaga yang alak na yan. Wala nang ginawang mabuti sa tao. Wala nang idinulot na mabuti sa buhay ko. Magkano na nga ba ang nagagastos kong pera sa kakabili ng punyetang alak na yan? Ilang trouble na rin ba ang kinasangkutan ko nang dahil sa kalasingan(syempre alak ang suspect) na kung hindi ako ang pinagsimulan ng away ay tiyak naman na ako ang inaway? At yang punyetang hang-over na yan. Kaya na lamang masakit ang ulo ko tuwing araw ng Linggo. Hindi tuloy ako makapagtrabaho ng maayos. Hindi ko magampanang mabuti ang mga gawain ko sa avoda ko. Yan tuloy, nagdesisyon ang balabayt ko na baguhin ang kofesh ko. Mula araw ng Byernes hanggang umaga ng Linggo. Binago nya ito mula Sabado ng hapon hanggang Linggo ng hapon.

Isa pa yang ka-"shit"an na Horoscope sa Facebook. Ang sabi sa horoscope ko, "today is your lucky day"(na may bonus pa na lucky number at lucky color). Eh kung lucky day ko ngayon, bakit muntik na akong mawalan ng trabaho? Mukhang mas bagay ito na tawaging HORORSCOPE instead of Horoscope. Dahil pulos kamultuhan ang hula nito sa magiging kapalaran ng tao na sadyang malayo naman sa katotohanan.

What? Ano daw? KATOTOHANAN BA KAMO? Waaaaaaaaaaaa! Ayokong marinig ang salitang yan. Dahil ang totoo, ang KATOTOHANAN ay nangangagat(reality bites ika nga...hehe). Ayoko nang marinig pa ang katotohanan na si Gloria pa rin ang presidente ng ating bansa. Waaaaaaaaaaa! Si Gloria pa rin ang presidente ng ating bansa! Ayoko na! Umiinit lang ang ulo ko.

HUUWAAAT? MAINIT BA KAMO? Naku po! Panahon na naman ng El Nino sa Pinas. Walang katapusang kalamidad. Mga tigang na lupang sakahan dahil sa kawalan ng sapat na tubig. Mga alagang hayop na nangangamatay. Palaisdaan at water dam na ngayon ay kapos na sa imbak na tubig. Ang resulta; water scarcity, disaster in agriculture and massive brownouts na sa bandang huli ay taumbayan ang magsasakripisyo. Ewan ko nga ba kung ano na ang nangyayari sa earth natin ngayon. Tayo na andito sa disyerto ang hindi nakakaranas ng kakulangan sa tubig(may snow pa nga). Samantalang ang bansa natin na isang archipelago, na mahigit sa pitong libong mga pulo meron ito na lahat napapaligiran ng karagatan at yamang tubig. Ang sya namang nakakaranas ng matinding pagka-uhaw. Nananabik sa muling pagpatak ng ulan. Hay buhay!

Speaking of "ang ating bansa". Ito ang sadyang kalunos-lunos na katotohanan. Ang malaman na ang ating bansa ay naghihikahos pa rin sa kahirapan. Kung makakagalaw lamang si Ninoy mula sa pagkakahalumbaba nito sa perang 500. Tiyak hindi ito mag-aatubiling itaas pa ang kanyang isang kamay para itukod sa kanyang baba. Ganyan kalungkot na mailalarawan ang sitwasyon na kinakaharap ng mahal nating bansang Pilipinas.

Lintik kasi ang mga swapang na kurakot na mga bwitreng pulitiko sa bansa natin. Mga anak kayo ng putakte! Wala kayo alam gawin kundi ang magpalaki ng ba**g. Mga adik kayo! Tubuan sana kayo ng kulugo sa dalawang butas ng ilong nyo.

I paid the technician an amount of 100 shekel for fixing my laptop and for cleaning up all the mess inside it. Dahil nga naintriga ako sa isa sa mga casts ng movie and to make it sure if it's really Lenny Kravitz. So I google it. Only to find out that one of the search results i got from the thousands of search results that the google provide to me contained the virus. Yun na! Bidyuk, 42 threats ang nakapasok na sa loob lang ng ilang segundo e na-infect na agad nito ang system/program ng laptop ko. Hindi ako makapag-internet at hindi rin ako makapag YM. At ang lahat ng yan ay dahil sa katangahan ko.

But now I have my laptop like almost a brand new(as if, goodluck sa mga technicians na ganabim ng software). Bago na ang desktop display ko. At bago na rin ang user account na ginagamit ko. Goodbye dugz21(old user account) magsama kayo ni Lenny Kravitz na mabulok sa kabilang kwarto. Hello Sony Vaio..with a smile on my face(new user account ko). Paalam na rin sa'yo Gloria. Dahil ilang buwan mula ngayon mag-eeleksyon na. Maghahalal na ang mga Pilipino ng bagong mamumuno ng bansa. Huwag kang mag-alala, may bago ka naman kalalagyan. Hindi sa Kongreso. At lalong hindi rin sa Senado. Nababagay ka dun sa kangkungan. Dun ka magpapalutang-lutang( na parang isang t*e)kasama ng mga alepores mo na mga mukhang pato...kwek...kwek...kwek.

VIRUS...VIRUS...VIRUS...

Hay! Ang buhay nga naman. Ang daming dumarating na virus sa buhay ng tao. Maliit man o malaki. Virus pa rin at wala itong magandang maidudulot sa buhay naten. Napakarame nito, nagkalat lang ang mga yan sa lipunan. Ang mga salot na trojan horses na kapag pa"anga-anga" ka ay basta na lang sila susugod para i-contaminate ang sistema mo. Totoo na hindi ito maiiwasan. Pero hindi rin tama na magpabaya at basta lang ito balewalain. Dahil ang buhay at ang lipunan, katulad din ng sa isang laptop, once being infected by a certain virus, it demands an urgent preventive action to eliminate the contamination. Kailangan itong i-overhaul. Kailangan nito ng reformatting.....PARA SA PAGBABAGO!

MAKILAHOK PO TAYONG LAHAT SA DARATING NA ELEKSYON AT BUMOTO NG TAMA GAMIT ANG ATING KONSENSYA AT PANININDIGAN PARA SA PAGBANGON NG BAYAN. MABUHAY ANG MGA PILIPINO AT MABUHAY ANG PILIPINAS!

GREETINGS:

Congratulations to all the newly-inducted officers of AQI or Association of Quezonians in Israel namely;

Necitas Corook - President

Boyet Dalisay - Vice President

Kristy Cruzat - Secretary General

Guilbert Cornejo - Treasurer

Haidee Lagrimas Caringal - Auditor

Christopher Cruz - Auditor

Advisers:

Jun Coronado
Alex Corpuz
Pablo Alcantara
Rod Dalisay
Grace Escalona

We are also inviting everyone to come and join with us in our monthly trip/mass to Jerusalem every 1st Saturday of the month for info please call the following; Nizette at 0546231951 or Haidee at 0545379427. Thank you.

Monday, February 22, 2010

AQI: Association of Quezonians in Israel Valentine's Party and Induction Ceremony

FEBRUARY 13, 2010 ginanap ang Valentine's Party and Induction Ceremony ng samahan ng mga OFW dito sa Israel na nagmula sa lalawigan ng Quezon.



THE said Induction Ceremony was administered by Honorable Merriam Quasay, the Labor Attache of the Philippine Embassy here in Israel. Shortly afterwards, the set of the newly inducted officers of the AQI or Association of Quezonians in Israel received the blessings from Rev. Fr. Arturo Basaturo of Saint Anthony Parish Church.







SA lahat ng mga AQI, taos-puso po ang aming pasasalamat sa inyong pagdalo sa ating Valentine's Party. Hindi maitatanggi sa mga larawang ito ang kasiyahan at pagkakaisa nating lahat.









































WE would also like to thank our guest speakers for the inspirational messages and selfless contribution they have given to us in support for the mission and vision of our organization. To Honorable Merriam Quasay the Labor Attache of the Philippine Embassy here in Israel, to Rev. Fr. Arturo Basaturo of Saint Anthony Parish Church
and to Miss Maya Shapiro, representative from Israeli Children. In behalf of AQI, please accept our deep appreciation and sincere gratitude.





THIS event will also not be possible without the all out support of the following sponsors. Thank you so much to the following sponsors;

1. Sorento Travel Agency
2. SM Tel Aviv
3. Resto Filipino
4. Wowowee
5. Yaron Habura of Magen Agency
6. Marcos Andal(laptop dealer, you can contact him at 0549011784)
7. Violy Barias of PNB
8. and to FOCAL MAGAZINE for their all out support to AQI

ANG tagumpay ng AQI ay tagumpay din ng lahat ng OFW dito sa Israel.

MABUHAY tayong lahat at mabuhay ang lahat ng OFW saanmang panig ng mundo!