Monday, November 30, 2009

Panaghoy







Taos puso mo akong pinapasok sa maluwang mong pintuan.
Sa panahon ng pagkalito, kung ako'y nababagabag,
Ang iyong pader ang nagsibi kong sandalan.
Malaki ang naitulong mo sa aking pagkatuto.
Ilaw mo ang naging tanglaw sa pagsusunog ng kilay.
Kasakasama ka sa mithiin at pangarap.
Pangarap sa buhay na ngayon ay natupad.
Lumipas ang panahon, maraming nagbago.
Ako'y naging ako, nang dahil sa'yo.
Sa pagkakataong ito iiwanan mo pa ba ako?


-----para sa Narra Residence Hall, panlalaking dormitoryo sa UP na minsan sa aking buhay kolehiyo ay syang nagsilbi kong kanlungan sa apat na taon kong paglalakbay. Ngayon kinakaharap nito ang isa sa matinding pagsubok na dumadaan sa mga luma/makasaysayang establisyemento....ang demolisyon!

Tuesday, November 17, 2009

PUSAKAL

Nagkalat ang PUSAKAL sa bansang Israel. Makikita mo ang mga ito kung saan saan lang. Syempre pa, lansangan ang pinakapaboritong tambayan ng mga PUSAKAL. May itim na PUSAKAL, may puting PUSAKAL, may inter-racial na PUSAKAL(pinaghalong itim at puti). Kung minsan, may makikita ka ring multi-color na PUSAKAL(batikang itim, puti at orange)

(PUSA-KAL-...short for pusang kalye)

Walang pinagkaiba ang PUSAKAL dito sa Israel sa PUSAKAL sa Pinas, halos pareho lang sila ng estilo ng pamumuhay. May PUSAKAL na akyat bahay(sila yung suspect sa pagnanakaw ng kapiprito mo lang na isda). May PUSAKAL na basagolero(sila naman yung palaging nasasangkot sa trouble). May batang kalye na PUSAKAL(sila yung mga juvenile na PUSAKAL na inabandona ng kanilang prostitute mom na isa namang PUTAKAL(sila naman yung sobrang iingay na PUSAKAL na mahilig makipaglampungan tuwing madaling araw sa kapwa nila PUSAKAL sa bubungan ng kapitbahay na kelangan mo pang buhusan ng tubig para matigil ang kanilang public orgy). Yun nga lang kung minsan, ang siyam na buhay ng PUSAKAL sa Pinas ay nagtatapos sa siopao.

-------------------------------------------------------------------------------------

Eto naman si manong, isa sa mga tenants sa building na tinitirahan ko sa Tel Aviv. Ang kaibahan nga lang namin, may sarili akong kwarto na tinutuluyan samantalang si manong dun sa ilalim ng hagdan sa ground floor nakikisilong. Isang araw, habang papauwi ako ng flat galing sa trabaho ng laking gulat kong makita si manong na gumagapang papasok ng building bitbit ang munting gamit nyang kumot at unan. Umuulan noon, at sadyang napakalamig sa labas. Gusto ko sanang tulungan si manong makapasok ng building pero sigurado akong tatanggi sya sa offer ko. Dahil ilang sigaw din ng pagkabagabag ang natanggap ko sa kanya nang magtangka akong kunan sya ng litrato. Pasensya kana manong kung na-envade ko ang privacy mo. Pero hindi mo maitatanggi na na-envade mo rin ang puso ko kaya naman gusto kong ibulalas ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng artikulong ito.




-------------------------------------------------------------------------------------

Sya nga pala, bago ko makalimutan may mga saba at safta din na PUSAKAL(sila naman yung inabot na ng pagkatanda sa lansangan at sa lansangan pa rin naninirahan). Sila din yung may pinakamasalimuot na kondisyon bilang mga PUSAKAL. Dahil sa katandaan, wala na silang kakayahan pang lundagin ang matataas na basurahan para mangalkal ng pagkain. Kadalasan, sila din ang nakikita nating nakahandusay sa kalye(pirat ang tyan, labas ang bituka, basag ang bungo, luwa ang mata) na nasagasaan ng mga sasakyan.

-------------------------------------------------------------------------------------

Ito naman si Christian, kung mapapansin nyo may pingas ang mga tenga nya. Dahil isa din syang PUSAKAL.




-------------------------------------------------------------------------------------

Noon yun, ngayon house pet ko na sya.




-------------------------------------------------------------------------------------

Katulad din ng iba pang PUSAKAL, naranasan din ni Christian ang mamuhay sa lansangan. Kung paanong mangalkal ng pagkain sa nabubulok na basurahan(jackpot na ang makatagpo ng tinik ng isda na nakadikit pa ang ulo nito sa pinagtinikan). Ang makipagpatintero sa mga humaharurot na sasakyan. Ang matulog sa ilalim ng puno, sa halamanan, sa bangketa sa daan(paano na lang kaya sila tuwing taglamig at umuulan?). Naisip ko lang, dahil babae ang pet kong si Christian, naranasan din kaya nyang maging isang PUTAKAL? May mga naging kuting din kaya sya na basta nya lang iniwan? Sya kaya, isa din kaya syang juvenile o batang PUSAKAL?

Hindi na mahalaga saken yun. Ayoko ng balikan kung anumang meron si Christian noon. Ang mahalaga ay ang NGAYON. Ipapaubaya ko na lamang sa inyo ang mga tanong na yan. Kayo na ang bahalang sumagot. Dahil sa artikulong ito, ayokong ma-spoil ang kung sino si Christian ngayon. Na isang malambing at maamong pusa.(Sa katunayan, habang kinukuhanan ko sya ng litrato para sa artikulong ito, ay hirap akong makakuha ng magandang anggulo dahil sa tuwing aktong pipiktyuran ko sya ay sya namang paglapit nya sa akin para i-caress ako). Kaya hindi na ako magtataka kung bakit maging ang kapatid kong si Pogi ay giliw na giliw kay Christian. Kaya naman nagdesisyon na rin syang ampunin ito.

-------------------------------------------------------------------------------------

"Change is the only constant thing in the world", yan ang sabi nila. Sa kabilang punto, may tama sa kasabihang iyon. Oo nga naman, saan mang aspeto ng buhay saan mang anggulo mo ito tingnan lahat nagbabago. Pisikal man, mental o emosyunal, likas o di-likas tiyak na may pagbabagong nagaganap. Kaya nga sa itinakbo ng kasaysayan ng lipunan, sa anumang panahon, saan mang panig ng mundo, walang imperyong hindi gumuguho(patay kang Gloria ka..hehe). Nagawa ngang magbago ng pusa kong si Christian, tao pa ba naman kaya ang hindi magawang magbago.

-------------------------------------------------------------------------------------

Last week, habang papauwi ulit ako ng flat galing sa trabaho may nakita akong isang matangkad, simpatiko at matipunong lalaki sa may takana. Tila may hinihintay siya. Ang pinagtataka ko lang makailang beses na syang tinigilan ng mga sasakyan pero hindi sya sumasakay. Gets ko na. Isa syang callboy. Samantalang sa kabilang bahagi naman ng kalye ay may nakita din akong isang munting kuting na walang tigil sa pagmiyaw. Halatang balisa ang munting kuting. Gets ko na. Gusto nitong tumawid ng kalsada. Alam kong based on instinct ang gagawing desisyon nito kung sakali mang tumawid ito ng kalsada. Ang problema wala itong precise judgement kaya malaki ang chances na masagasaan ito ng mga nagraragasang sasakyan. Pero ito ang nakakamangha sa scenario, pareho pala kami ng simpatikong moroccan-alike callboy na nakapansin sa suicidal na munting kuting. Ang kaibahan nga lang namin, ako nagmasid lang habang sya eh nag-effort talagang tumawid ng kalye para sagipin ang munting kuting. Masuyo nya itong tinawag para sumunod sa kanya hanggang sa makarating sa isang ligtas na lugar(sa ilalim ng halamanan).

Ang sweet ng callboy. At cute sya ha...kahit isa din syang PUSAKAL.

(ang kaganapang ito na nasaksihan ko ang nagsilbing inspirasyon sa pagkabuo ng artikulong ito. Kasama na rin syempre ang house pet ko na si Christian)

-------------------------------------------------------------------------------------

(hindi akin ang mga susunod na statements...gusto ko lang i-share)

"Change happens, that is for sure, and not just in our modern, 21st century era. It seems that the stress of the new affects most people in every age. So the trick is not to resist it, but to go with it. The real problem for the creative person is getting over the resistance of those who don’t want to change."

...google

"living in the street is not a real life. this kind of life leads to somewhere"

...yuri, na isa ring callboy

(my next article..."Si Yuri"...abangan...)

Friday, November 13, 2009

my constipated heart

date/time: nov. 23 11:00pm
place: sa flat sa loob ng sherutim
event: nagbabawas(in and out)

inaamin ko hindi ako gentleman(dahil gentlewoman ako...hehe)kaya wag mong i-expect na tatayo ako sa kinauupuan ko para pagbigyan kang maupo. kaya nga ako gumising ng maaga, para umabot sa first trip ng byaheng ramat gan. to think na mas gusto ng katawan kong makipaglampungan sa aking kama at unan pero mas pinili ko pa rin bumangon ng alas sais kinse ng umaga kahit namumukatmukat pa ako.

at hello, nag-exert din ako ng too much effort sa paglalakad mula sa flat ko papuntang takana at nasa pinakataas na palapag ang istasyon ng autobus ko na kailangan ko pang makipag unahan sa ibang pasahero. kaya wag kang mag inarte! walang effect ang pag-eemote mo. hindi pa rin ako tatayo para pagbigyan ka. dahil sa panahon ngayon na lahat tayo ay nag uunahan, nagmamadaling makarating sa paroroonan. walang space sa race na ito ang salitang gentleman!

MATUTO KANG TUMAYO SA SARILI MONG PAA! MAGPAKABABAE KA!

ipakita mo sa lahat ng lalaking naririto ngayon sa loob ng autobus na kaya mo rin gawin ang ginagawa nila.

at ikaw na tusik ka, wag kang makasarili. hindi lahat ng matigas ay sa'yo lang lumalabas.

dahil kung minsan, maging puso man ay nagtitibi!

Friday, November 6, 2009

kung lang...


naiiyak na naman ako. naalala na naman kita. dapat sa mga panahong ito nakamove-on na ako, pero bakit hindi pa rin kita makalimutan? kasalanan mo rin, sobra mo kasi akong minahal. yan tuloy, sobra din ang pagmamahal na ibinigay ko sa'yo. halos wala na nga natira para sa sarili ko.

alam ko naman may pagkukulang din ako sa'yo. aaminin ko, may pagkakamali din ako kaya mo ako iniwan. pasensya ka na. tao lang ako. hindi buo. hindi perpekto. pero hindi ibig sabihin nito na hindi kita minahal. kung alam mo lang, sa loob ng tatlong buwan mula ng ikaw ay pumanaw, walang isang minsang hindi kita naisip na hindi ako umiyak. tulad ngayon, naiiyak na naman ako.

ikaw kasi...siya kasi...ako kasi...

sayang...kung lang...

(para kay yosef levy, pag dumating na ang panahong magkita muli tayo, dun na lang kita yayakapin)

Sunday, November 1, 2009

paalam summer...hello winter!

it's official, winter na nga. iba na ang simoy ng hangin. nanunuot na ang lamig sa kaibuturan ng aking laman sa pagitan ng maninipis kong balahibo sa buo kong katawan. paalam na sa aking mga sando, maiiksing t-shirts, sa mga shorts, at sa aking paboritong tsinelas. pansamantala ko muna kayong isasantabi. hello sa mga jackets, sweatshirts, tight jeans, sa mga koba ko na iba't ibang design at sa mga balabal ko na iba't iba ang kulay. na-miss ko kayong lahat. anim na buwan na naman tayong magsasama. ngayon pa lang, gusto ko na kayong pasalamatan sa init na idudulot nyo sa pagbalot sa aking patpating katawan.

ang ulan, ang patak ng ulan na kalahating taon kong hinintay. kay saya sa pakiramdam ang minsanang dumampi ka sa balat ko. patak dito patak doon. ako'y tila musmos na batang nakikipagkulitan sa iyo. habang ikaw naman ay walang tigil sa pangingiliti sa akin. patak dito patak doon. ako'y sinusundot mo sa aking noo, kaliwang tenga, sa aking leeg, at sa batok ko.

ang tubig sa bathroom, kelangan nang buhayin ang heater. paalam cold water hello hot water. wag kang magtatapang tapangan. dahil sinasabi ko sa'yo, para kang tinutusok ng sanlibong aspile kapag dumampi na ang malamig na tubig na pilit susuot kahit sa iyong kasingitsingitan.

ang aking kama, paalam na sa mga linen sheets, hello sa mga thick wool. tuwing summer, merpesek ang masarap gawing tambayan. ngayong taglamig, tiyak ang aking kama ang maghapong kaugapay. dito mapapatunayan ang kasabihang kapag maiksi ang kumot matuto kang mamaluktot.

paalam na sa aircon ng moadon, sa beit avot, sa kofat koalim at sa loob ng bahay sa salon. oras na para i-adjust ang setting ng masgan. press red button lang ang katapat nyan.

at sa'yo. oo ikaw nga. paalam na din sa'yo. salamat sa isang mainit na summer na ating pinagsaluhan. hinding hindi ko ito makakalimutan. ang masasayang alala at masayang pagsasama. natatandaan mo pa ba, minsang inaya mo akong mamasyal? tanghaling tapat noon sa tabi ng dagat. buti ka, puti ang kulay paano naman ako na isang balingkinitan. wala ng space sa balat ko, wala ng paglalagyan ang kulay na ito. pero ayos lang. ayos lang kahit magkulay tsokolate pa ako. ang mahalaga ay magkasama tayo. masayang tinutungga ang chameshim na vodka. ohh, very hot! yan na lang ang nasabi ko. habang nakangibit sabay dampot sa baso ng iskulyot. pero ayos lang. ayos lang kahit mapaso pa ako. kasing init pa man yan ng tirik na araw o ng sindi ng sigarilyong malamya mong kagat kagat ng iyong mapupula at malambot mong labi. ayos lang yan sa akin. dahil natitiyak ko na sa pagkakataong ito, habang tayo ay magkasama. wala ng iinit pa sa nararamdaman ko. nagliliyab ang aking dibdib. marahil nagmula sa nagbabaga kong puso na pwedeng pangsiga sa nabingwit mong isda. napakasaya. napaka-init. ngayon ko lang nabatid, totoo nga pala na nakakapaso ang ligaya.

tatakbo na sana ako sa dagat para magtampisaw, pero sa sinabi mo sa akin bigla akong natigilan. pate pag ikot ng mundo tumigil dahil sa sinabi mo "im moving to beersheva this winter for good". hindi ko alam kung anong sasabihin ko. hindi ko din alam kung anong gagawin ko. tatakbo pa ba ako sa dagat? tila mas mabuting tumakbo na lang palayo sa'yo. pero alam kong napansin mo, mula sa aking walang kibo at sa aking walang imik na nagbago ang aking ihip. ang matigatig na sinag ng araw ay unti unting natatakpan ng malaking bulto ng ulap. ang kapaligiran ay bahagyang nagdilim. tanghaling tapat pa lang noon pero makulimlim na tulad ng sa dapit hapon. parang may nagbabadyang ulan. oo nga pala, muntik ko ng makalimutan na tatlong araw mula ngayon mag iiba na ang panahon.

hudyat na rin ng pagbabago.

paalam summer, hello winter.

so what!

sisimulan ko ang artikulong ito sa isang malutong na....

soooo whattt!

hahaha...hahaha...

byernes, october 30. isa dapat ako sa mga susundo sa airport sa pagdating ng mga artistang pilipino na magsasagawa ng concert dito sa israel bilang bahagi sana ng artikulong gagawin ko para sa blog na ito. pero sa halip ay mas pinili ko na makipagkita na lamang sa aking mga kaibigan na karamihan sa kanila ay day off na. maiintindihan naman siguro ako nina piolo, sam, pokwang at loydi kung hindi ko man sila masusundo(ehem). palagi naman kami nagkikita(in my dreams). samantalang ang mga kaibigan at kamag anak ko na katulad ko ding nagtatrabaho dito sa israel ay minsan lang sa isang linggo(o minsan isang buwan) kami magsama sama.

pinuntahan ko ang flat ng aking mga kaibigan malapit sa takana. nagsimula sa kwentuhan, kumustahan na sinundan pa ng dalawang bote ng vodka ang aming pagsasama sama noong araw na iyon. pero hindi dito nagtatapos ang aming get together, gaya nga nang nasulat ko na sa mga nauna kong blog"hindi mapipigilang magsaya ang mga OFW dito sa israel sa araw ng kofesh".

nagdesisyon kaming pumunta sa mommy's place para ituloy ang masayang gathering naming magkakaibigan. nakasanayan na namin itong gawin tuwing magkakasama kame. sadyang bahagi na nga yata ng kulturang pinoy na kapag may kasiyahan laging present ang alak at pulutan.

pasado alas onse ng gabi nang marating namin ang mommy's place. naisipan kong tawagan muna si miss jena ng focal para ipaalam sa kanya na hindi ako makakasama sa pagsundo kina piolo. mabilis lang ang pag uusap namin. alam kong sobrang busy sya sa mga oras na yon at hindi rin ako sigurado kung malinaw ko bang nasabi sa kanya ang pakay ng aking pagtawag. ganun pa man, isang bagay ang malinaw sa akin nang mga sandaling iyon, natatandaan kong sa aming pag uusap nina miss jena, miss ruby(may ari ng namaste) at bro ferdi(editor in chief ng focal) balak ng organizers ng nasabing concert na ilibot ang mga performers sa mga filipino bars bahagi na rin ng promotion sa concert kung may sapat na oras pa. kaya swerte na rin kung matyempuhan ko sina piolo sa mommy's place. swak na yun para maikwento ko sa blog na ito.

(paglilinaw; ang artikulong ito ay walang kinalaman sa concert nina piolo, sam, pokwang at loydi. ang artikulong ito ay isang manifesto ng pagtuligsa sa maling asal ni miss lucy(mas kilala bilang mommy) na syang may ari ng mommy's place. kung bakit at papaano. dito pa lang magsisimula ang aking kwento)

papasok pa lang kami ng mommy's noon at saktong si mommy ang nagbukas ng door entrance ng nasabing bar. anim kaming magkakasama noon, tatlong babae at tatlong lalaki. malumanay na tinanong ng isa sa kasama kong babae si mommy kung may makom pa ba para sa amin. pero hindi naging maganda ang kanyang tugon. pagalit at mataas na boses na may halong pangungutya nang sinabi nya sa amin;

mommy: mga chinese ang customer ko sa taas kaya ayaw ko ng balagan

walang imik at nagkatinginan na lamang kaming magkakaibigan. kung makakapagsalita lamang ang aming mga mata tiyak na ganito ang sasbihin nito;

mata#1: bakit naman ganun si mommy. ang ayos ng pagtatanong naten pero bastos ang kanyang sagot

mata#2: huh kame gagawa ng balagan sa chinese. e sa pagkakaalam ko chinese palage ang gumagawa ng balagan sa mga pinoy

mata#3: mommy customer din kame dito. nagbabayad din kame. parepareho tayo mga pilipino. wag ka naman sana ganyan.

pero mas pinili naming manahimik na lamang. dumerecho kame sa taas ng bar at sa bahaging gitna kame nakapwesto. habang inaayos ni mommy ang table na aming pag iinuman ay bigla na lamang kaming sinigawan ng kabilang table na mga chinese ang customer....WAAAAAAAAAAAAAAAAA! yan mismo ang isinigaw sa amin ng mokong na intsik. napatingin kaming lahat na may halong pagtataka. bakit kaya sya sumigaw? anong nangyari? maliban kay mommy na isang masuyong ngiti ang ibinalik nya sa tila atungal baka na sigaw sa amin ng intsik. ayos lang sana kung ang impression na binigay ni mommy sa amin ay para makaiwas sa gulo. pero sa halip, kabaligtaran ang nangyari. dahil papaupo pa lamang sana kami sa aming "table" nang biglang magsungit na naman si mommy at pagalit na naman nya kaming sinabihan ng ganito;

mommy: hoy ikaw dun ka maupo. ikaw dun ka(sabay padabog na hila sa lamesa at upuan).

bilang customer gusto mo na komportable ang iyong inuupuan at nakapwesto ka dun sa makikita mo ang band performer at crowd. kaya naman naisip ko na umupo na nakaharap sa ledge.

ako:( malumanay na pakiusap) mommy pwede bang dito na lang ang pwesto ko?

mommy: ( to the 10th power na sigaw na walang pinagkaiba sa tono ng sigaw ng intsik) ay hindi! dun ka sa likod maupo.(this time mas malakas na pagdadabog sabay hila sa lamesa at upuan)

nagkatinginan muli kaming magkakaibigan at mga mata na naman namin ang nangusap sa isa't isa. pero sa pagkakataong ito, hindi ko piniling manahimik. walang dahilan para magsawalang kibo. may mali sa scenario na kelangan itama. kaya naman malakas ko ding sinagot si mommy ng;

ako: salamat na lang aalis na lang ako(sabay dampot sa bag sabay walk-out)

mabilis akong bumaba mula sa second floor ng nasabing bar at tinumbok ko agad ang door exit. gustong tumalon ng puso ko sa galit. ramdam na ramdam ko na gusto nitong magsuot ng boxing gloves. pagnagkataon, tiyak may mana-knock out nung gabing yun. pero mas pinili ng utak kong magpakahinahon. naririnig kong sinasabihan nya ako ng "cool ka lang, take it easy" hanggang sa makalabas ako ng bar at dun nakahinga ako ng maluwag. hayyy!

tama nga naman. walang magandang idudulot sa sarili ko kung papatol ako. hindi tamang sabayan ng pambabastos ang pambabastos na ginawa ng mga intsik sa aming magkakaibigan. kababawan kung mag-aasal mommy din ako katulad ng maling asal na ipinakita nya sa amin. wala akong planong habulin pa ang karapatan ko bilang isang customer sa nasabing bar dahil alam ko namang hindi kayang ibigay ni mommy yun. pero ang hindi ko matatanggap ay kunin pa nya saken ang dignidad ko at respeto sa sarili.

wala kang karapatan miss lucy(mommy) na sigawsigawan ako, kutyain at insultuhin sa harap pa ng ibang lahi. sa ginawa mong yan, binigyan mo ng maling impresyon ang ibang dayuhan dito sa israel na tayong mga pinoy ay ganun na lamang kadali para sigawan, kutyain at insultuhin. kung ganon na lamang kadali para sayo na magpakita ng masamang asal sa kapwa mo pinoy para ano pa't hindi ito kayang gawin ng ibang lahi sa mga pilipino. at kung ganyan na lamang kaliit ang pagtingin mo sa aming mga pilipino, ano na lamang para sa'yo ang pilipinas!

(ilang minuto ang nakalipas nakatanggap ako ng tawag galing sa mga kasamahan ko na naiwan sa mommy's. sinabi nila saken na lumabas na din daw sila ng bar at pinababalik nila ako para ituloy na lang ang kasiyahan sa ibang lugar. nagkita kita kame malapit sa mommy's. nagkapaliwanagan. nagbigay ng kanya kanyang sentimyento. magkakatulad ang nabuong kuro kuro. malinaw na pambabastos ang ginawa ni mommy sa aming grupo. kagabi oct 31 matapos ang concert nina piolo nagdesisyon kaming magkakaibigan na pumunta sa karat para doon ituloy ang kasayahan. isa sa aking mga kaibigan ang may nakausap na magmotek na customer din sa nasabing bar noong gabing iyon. nangyari na din daw sa kanila ang ganung pambabastos ni mommy. mga turkyano naman ang kanilang nakabangga. namagitan lang daw siya sa away ng mga pinoy at turkyano bilang witness sa pangyayari para ipaliwanag kay mommy na mga turkyano talaga ang nagsimula ng gulo. pero sa halip na pakinggan sya ay pinagsabihan pa daw ito ni mommy na wag makialam sabay sabi sa kanya ng ganito;

mommy: hindi mo ba alam na engineer ang mga yan!).

huh!

so what!