Sunday, March 7, 2010

Ang Pikon...Guilty(Isang Bukas na Liham para sa "Tropa")

Ayoko na sanang patulan pa ang isyung ito. Dahil nakapagbitiw na rin naman ako ng salita noong nakaraang Sabado na iyon na ang kahulihulihang salita na manggagaling sa akin tungkol sa isyu. Pero dahil napakarame na ng taong na-iinvolved. At napakarame na ng taong naguguluhan. Kung sino sino na ang nagbibigay ng komento sa pangyayaring hindi naman talaga nila alam ang puno't dulo ng lahat. Kaya minarapat ko nang gumawa ng isang bukas na liham(an open letter) para sa lahat ng "tropa".

Unang-una, gusto kong sabihin na bukod kay Bert, Ajie at Vergel na mga bagong dating dito sa Israel. Masasabi ko na isa rin ako sa mga naging late na myembro ng sinasabing "tropa" dahil sa loob ng tatlong taon na andito ako sa Israel exactly 2 years and 4 months nito ay nagtrabaho ako sa Netanya na stay in at madalang pa sa patak ng ulan ang paglabas ko noon maliban na lamang kung may espesyal na okasyon o importanteng bagay na dapat gawin. At sa mga araw na nakakalabas ako yun lang ang time para makagimik ako na kadalasan ay ang "tropa" rin ang nakakasama ko. Kaya nga nitong mga huling bahagi na rin ng taon ko nakamabutihang loob ang mga kaibigan ko na tinatawag kong "mahal" noong time na lumipat na ako ng tel aviv at makatagpo ng trabaho dito. Pero ang may mas matagal na pinagsamahan at pagkakakilala ay kayo dahil kayo ang mga palaging nagkikita-kita/nagsasama-sama dito sa Tel Aviv may okasyon man o wala dahil na rin sa regular ang kofesh nyo tuwing araw ng Sabado. Kaya mas higit nyong kilala ang isa't-isa kaysa sa akin.

Pangalawa, normal sa tao ang mamili ng kaibigan na sasamahan. Isang kahibangan kung basta-basta ka lang nakikisama sa isang tao na hindi mo naman lubusan kakilala. May pangyayari nga na kakilala mo na ang isang tao ng mahabang panahon pero hindi pa rin maiiwasan na magkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan. Dun pa naman kaya sa tao na sa maikling panahon mo pa lang nakikilala ang hindi ka magkaroon ng problema. Kaya sa aking pananaw, at ito ay naging ugali ko na....I chose my friends. I'm not the type of person who just suddenly jump into someone and eventually we became friends in an instant. Hindi ako ganun at ayoko rin ng ganun. Kaya nga madalas, ang palaging first impression sa akin ng tao ay suplado ako at mahirap makapalagayan ng loob. At hindi ko sila masisisi kung ganoon man ang unang pagtingin nila sa akin. Even the "tropa" might notice it the way I interact with other people or the way I behave in a crowd. Kapag hindi kita kilala, walang dahilan para magpansinan tayo. Pero kung kilala naman natin ang isa't-isa and we both feel comfortable with each other I can be as crazy as anyone could imagine.

Kaya naman, dun sa ilang pangyayari na hindi pagkakaunawaan. Inaamin ko, and I'm only speaking for myself...NA NAGKAMALI AKO.

Nagkamali ako para batikusin ang ginawa na hindi pag-imbita sa akin. Nagkamali ako para ipagsiksikan ang sarili ko sa mga tao na ayaw sa akin. Pasensya na. Naging mapusok lang ako. Masyado kong pinanghawakan ang diwa ng salitang "tropa" kaya naging emosyunal ako noong mga panahon na nagkaroon ng argumento. Wala akong karapatan na saklawan ang desisyon ng ibang tao. Dahil maging ako man, sa lahat ng ayaw ko ay yung ako ay pinapakialamanan sa mga desisyon ko at mga bagay na gusto kong gawin. Kaya inuulit ko...PASENSYA NA. Maaaring maulit ang pagkakataon na magkasama-sama ang "tropa" na wala ako pero hinding hindi na mauulit pa ang pagkakataon na makarinig kayo mula sa akin ng pagkadismaya kung bakit hindi ako invited. PASENSYA NA. Yan din naman ang huling salita na binitawan ko noong Sabado sa mga tao na nasa flat at yan din ang mensaheng ipinakisuyo ko kay Daddy Vergel na ipaabot sa "tropa".

Pero pakiusap ko lang, kung sakali man at may maging desisyon din ako o gawin para sa sarili ko. Maari bang wag nyo rin ako pakialamanan? Dahil baka %$^*^^$*&$*^! ako sa oras na mangyari ito. It maybe easy for me to say sorry but sometimes I find it hard to accept apologies from other people. Dahil para sa akin, ang baso kapag nabasag ay mananatiling basag na at kailanman ay hinding hindi na mabubuo pa anumang pagkumpuni ang gawin mo dito. Maniwala kayo sa akin, pwede ako mabuhay sa kung ano meron ako ngayon. Coz I'd rather want to keep the few but with quality than to be with so many but mostly are obscure to me. Dahil maniwala kayo sa akin, pwedeng umusad ang buhay naten dito sa Israel at maging sa pagbalik naten sa Pinas kahit wala man ang isa't-isa sa atin. Kaya sana, PAKIUSAP LANG.

At panghuli, I would define friendship as a process of forming a special relationship. Hindi man kita makita madalas. O kahit pa man ngayon lang tayo nagkakilala. Kung para sa akin ay espesyal ka. Then i consider you as my friend. Friendship is totally different from companionship. Kahit pa man palage kayong nagkikita at matagal nyo nang kakilala ang isa't-isa. Ang tanong, did you consider each other as friends? Espesyal ba kayo sa isa't-isa?

Kaya para dun sa mga tao na espesyal ang pagtingin sa akin. Salamat sa inyo, kayo man ay espesyal din dito sa puso ko.. At para naman dun sa mga tao na ayaw sa akin...don't worry, the feeling is mutual. Signing off.

No comments: