Hindi na ako magpapaligoy-ligoy(paikot-ikot) pa. Direct to the point na agad. Ito ay para sa aking mga kapwa OFW na andito sa bansang Israel...magtapatan nga tayo!
Unang-una, gusto kong sabihin sa inyo na ang Philippine Embassy dito sa bansang Israel ay isang government office. Hindi ito isang palengke o talipapa o shuk sa salitang hebrew. Kaya huwag tayong maglako(magbenta) dito ng mga nabubulok nating produkto. Ang isyu ng utangan, lokohan, dugasan(isahan) o kahit maging isyu man ng agawan ng motek ng may motek kung maaari lang ay huwag na natin paabutin pa sa Embahada naten. Andun na ako na mahalaga rin at dapat mabigyan ng solusyon ang ganitong klaseng isyu. Pero sus maryosep naman! Hindi rin naten maitatanggi at yan ay alam kong alam nyo din na ang puno't dulo o pinagmulan ng gulo/problemang ito ay ang mismong tayo din. Ang ugaling balagan ng ilan sa ating mga Pilipino. Bemet! Kaya sinasabi ko sa inyo mga kababayan ko, napakaraming isyu o "baya" na kinakaharap natin dito sa Israel na dapat sana ay syang higit na napapagtuunan ng pansin ng ating Embassy. Tulad na lang ng isyu sa mass deportation, violent arrest ng mga immigration police na kung minsan ay sadyang lumalampas na sa kanilang tungkulin na sinumpaan, work-related cases like salary issues, sexual harassment and physical abuse. Ang mga kababayan natin na nakakulong at nagkakasakit. Ilan lamang ito sa napakahalagang issues na kinakaharap nating mga Pilipino dito sa Israel na dapat sana ay unang binibigyang pansin ng ating Embahada pero dahil na rin sa "kabalaganan" ng ilan nating mga kababayan ang ganitong usapin ay natatakluban(nasasapawan) ng mga isyu tulad ng sa utangan, agawan, dugasan. Sus maryosep naman!
Pangalawa, totoo na kung minsan masusungit ang mga empleyado ng ating Embahada. At mismong sila naman ay aminado tungkol dyan. Pagpasensyahan nyo na lang. Hayaan nyo na. Palampasin nyo na lang. Isipin nyo na lang na lasing yung nakausap nyong personnel ng Embahada naten kaya makulit at maiksi ang pasensya...hehehe. Besides, hindi na ba kayo nasanay? Kultura na yan sa kahit anumang government office sa kahit kaninong gobyerno sa kahit saan mang bansa. Dito na nga lang sa Israel sa opisina ng Doar, di ba ang susungit din nila. Lalo na sa mga ospital, ay naku mauuna ka pa sa mga pasyente sa kasungitan ng mga attending nurses and doctors nila. Ganun talaga kapag gobyerno...pero at pangatlo,...
Batay na rin sa nakita ko at narinig ko mula sa itinakbo ng interview namin ni Miss Nenette sa mga namumuno ng ating Embahada dito sa Israel. I am convinced, with no doubt, that we can trust the officials and staffs of our Embassy and we can depend on them. Alam nila ang kanilang sinumpaang tungkulin. Hindi tayo nagpunta dito sa Israel para sa ating Embahada. Dahil alam nila na kaya sila naririto ay para sa atin...to help us, give us assistance and to protect our rights.
Ito ang kabuuang kwento;
1. Common story na po sa buhay ng isang Pinoy na nangangarap mag-abroad ang maging biktima ng mga illegal recruiters. Dito po ba sa Israel meron po ba tayong kwento ng Pinoy na nabiktima ng illegal recruitment?
Vice-Consul Thaddeus Hamoy: Wala naman akong narinig na incident tungkol dyan. Usually kasi ang mga kababayan naten na paparating dito(sa Israel) ay may mga kilala na agency at sub-agents na andito sa Israel. At ang paggamit din ng sub-agents yan din ang dahilan kung bakit napapamahal ang pagbayad ng deployment fees ng ating mga kababayan na gustong pumunta dito kasi nga tumutubo ang dapat sana ay fix amount na kelangan lang bayadan ng aplikante. In fact, there is a law here in Israel na may certain amount(in shekel) na kelangan lang bayaran ng isang aplikante but what is actually happening eh yung mga gusto pumunta dito ay nagbabayad ng almost $5000 or more mas mataas sa amount na nakasaad sa batas. Ang problema(during the payment) walang paper trail kasi ang tumatanggap ng payment ay yung Pilipino na sub-agent(s) who has a cut dun sa pera na ibinabayad. So you cannot accuse the agency na nag-overcharged kasi wala naman resibo at kapag tinanong mo yung aplikante kung kanino nya ibinigay yung pera ang isasagot sa'yo ay dun sa Pilipino na sub-agent at hindi sa mismong agency na nagparating. This is one thing that the Labor Office have been trying to solve by penalizing agencies na gumagamit ng sub-agents kasi as caregivers bawal sa kanila na magtrabaho ng ibang hanapbuhay dito sa Israel and by working as sub-agents they are already recruiting. Unfortunately wala tayo sa Pilipinas kungsaan may Anti-Illegal Recruitment Law, dito(sa Israel) walang batas about illegal recruitment so umaabuso sila(sub-agents) and what are we just trying to do is to monitor and penalize the agencies na gumagamit sa kanila.
2. Ano po ba ang role, assistance at limitations na meron at ibinibigay ng ating Embassy sa mga OFW dito sa Israel?
TH: Gusto kong hiramin ang sagot ng anak ko, who happens to be Consul in Amman, tungkol dyan sa tanong mo. Totoo na walang ginagawa o hindi tumutulong ang Embassy sa ilang pangyayri sa mga kababayan naten dito tulad ng isyu sa utangan, isyu sa paggamit ng baklas o peke na passport dahil bawal sa tungkulin namin na gawin yan and it's against the law. Maraming bagay na gustong ipagawa sa amin ang mga PIlipino na labag sa batas dahil kame dito sa Embassy ang aming sinumpaang tungkulin ay gawin kung ano lang ang tama and what is legal so sa madaling sabi marame kaming hindi nagagawa kasi ang mga ipinapagawa naman nila ay yung mga hindi tama at hindi dapat gawin.
3. Ilan na po ba talaga ang bilang ng mga Pilipino dito sa Israel, both documented and undocumented OFWs?
TH: Mga nasa 39,000 na all in all. At kahit maraming nahuhuli at nadedeport, ang atin namang Labor Attache ay palaging nagbibigay ng seminar sa 30-50 arrivals every week.
Labor Attache Merriam Quasay: Sila yung mga nakapasok na sa Israel at dito namin yun ginagawa every Sunday morning. In fact last week we had 64 new arrivals.
TH: So that only shows na kahit maraming reklamo na over-staying patuloy pa rin ang pagkuha sa ating mga Filipino caregivers mula sa bansa natin.
4. Meron din po ba kayong statistics or records ng mga umuuwi both the deportees and those who voluntarily go home?
MQ: Yung mga nahuhuli at yung nag-apply for voluntary repatriation we have partial records supplied by the Immigration Authority here in Israel but those who voluntarily go home wala kami nun.
5. Ito po ay palage na nating naririnig dito sa Israel sa mga kwentuhan at usapan hindi lang ng mga Pinoy pero maging ibang lahi din. Ano po ba talaga ang ibig sabihin ng Friendship Visa at ng Flying Visa at ano po ba ang pagtingin ng ating Embahada tungkol dito?
TH: Isa-isahin natin, una yung flying visa labag sa parehong batas ng Israel at ng Pilipinas yan. But that's more on the province of our Labor Attache and she can explain that further.
MQ: Yung Flying Visa sabi nga lumipad lang. Ibig sabihin, yung worker na-process ang application nya at meron syang employer pero pagdating dito hindi nya na-meet yung employer or hindi sya nagtrabaho dun sa employer so that's what we call a Flying Visa. Kasi ang dapat, legal ka na umalis sa Pilipinas. That you were processed by the POEA, may kontrata ka at may visa ka that was issued by the Israel Embassy so bakit pagdating mo dito wala yung employer or bakit hindi ka nagtrabaho dun sa employer na nagbigay sayo ng visa?
Vice-Consul Bert Santos: Yun namang Friendship Visa it's called Graded Process here in Israel. Sa atin sa Pinas wala tayo nun, pero sa Western Societies ang tawag nila dun ay Common Law Spouses and it's legal here.
6. Given the statistics, na sa kasalukuyan merong 39,000 OFWs dito sa Israel. At kada linggo merong 30-50 na mga OFW na bagong dating mula sa Pilipinas para magtrabaho dito as caregivers, ano po ang stand ng Embassy naten tungkol sa revolving door policy na kasalukuyang umiiral ngayon kungsaan sinasabi na napakabilis magpaalis/magparating ng mga bagong migranteng manggagawa dito sa Israel na sya naman nagiging dahilan kung bakit napapabilis din ang pagpapa-uwi(or pagka-deport) ng mga OFWs na kasalukuyang andito na?
MQ: Hindi naman ganun kabilis ang pagpapaalis. In fact tayo nga nagrereklamo(mga aplikante) na mababagal daw tayo na ang dame daw nating requirements na hinihingi bago makaalis. But we just want to make sure na, una, nami-meet talaga natin yung kinakailangang requirements sa bansa naten at sa bansang pupuntahan, at pangalawa, para matiyak na talagang dumaan sila dun sa proseso para din sa kanilang proteksyon. Remember tayo lang ang bansa na nagpapadala ng caregivers dito na ang caregivers naten ay nagtraining ng six months, other countries wala silang ganun, kaya sinasabi nila na mabagal daw tayo na ang arte-arte daw naten at ang dame daw nating requirements.
7. Can we categorically say, that this policy(revolving door policy) somehow is a form of abuse for migrant workers here in Israel?
MQ: E batas ng Israel yan e at internal policy nila yan.
8. Ano po ba talaga ang katotohanan tungkol sa UN visa? May Pilipino po ba dito sa Israel na nabigyan na nito?
TH: Actually it's not a visa at ito ay good for 3 months lang. Para lang hindi mahuli at ma-deport within 3 months ang isang tao na may hawak nito(UN visa) habang underprocess ng Israeli government ang kanyang petition to be declared as a refugee. After that or even before the 3 months is over dinudukot na sila. Now, what is a refugee? Usually ito yung mga tao na galing sa isang bansa na may gyera or those who have enough reasons para hindi umuwi. Pero wala pa kahit isang Pilipino na nabigyan nito in just over a hundreds of UN visa na na-issue ng Israel. Kasi Israel government ang nag-eevaluate at nagbibigay ng UN visa at hindi ang UN.
MQ: Kaya parang misnomer(it describes something incorrectly) yung UN visa kasi it's not the UN that gives the visa it's still the Israel government who gives the visa.
BS: Ang weakness ng UN visa ngayon stipulated sa application nila na bawal sila magtrabaho so may mga cases tayo ng mga OFW na akala nila may UN visa sila pero sa workplace sila hinuli. So clear yung violation kasi malinaw ang patakaran na bawal silang magtrabaho habang under-process ang papers nila so kung ang objective natin ay para makapagtrabaho malinaw na hindi rin sagot ang UN visa.
TH: Kaya nga ang UN visa ay hindi lamang kapit sa patalim kundi para mo nang sinaksak ang sarili mo dahil sabi nga ni Consul Santos stipulated na that for 3 months you can stay na hindi ka huhulihin provided na hindi ka magtatrabaho. E meron bang Pilipino dito sa Israel na mag-stay na hindi magtatrabaho? Now, the fact na nahuli ka in your workplace it means nilabag mo yung conditions ng UN visa so they have all the reasons to arrest and deport you.
BS: yung desire din naten na magkaroon ng UN visa, may mga kumakalat na balita na may nagbibigay ng pekeng UN visa that could go as high as $1,500 daw ang going rate.
9. Ano po ang assitance na pwedeng maasahan ng mga OFWs, those who doesn't have visa and those who badly need help, mula sa Philippine Embassy?
TH: We understand na ayaw nilang umuwi because of the economic situation back home, now, wether they become illegals or not wala na sa amin yun pero kung magkaproblema sila wether they are right or wrong, still, it's the obligation of the embassy to help them. Kung merong maakusahan na may ginawang kasalanan o Pilipino na napatunayan na talagang may ginawa syang kasalanan kung hihingi sya ng tulong sa Embassy obligado kami na tulungan yung tao. We can ask legal assistance fund para pambayad sa abogado dito.
BS: But it's very rare case dito sa Israel dahil unang una limited din yung funds kasi ang priority ngayon ay yung mga Pilipino na may kaso na nasa Saudi.
MQ: I think lahat ng workers na pumasok dito na umalis ng Pilipinas ay mga legal workers. Dahil may proseso ang Philippine government at Israel government na kelangan nila pagdaanan. Now, bawat workers na umalis sa Pilipinas dapat maintindihan nila kung hanggang kelan ba sila dapat mag-stay sa Israel. At alam naten na may limitation ang pag-stay sa Israel yun nga with the maximum of 5 years extendable only with the same employer hanggang sa mamatay ang employer or ma-terminate ang isang worker. Even yung pagtransfer mo ng ibang amo limited ka pa rin sa 51 months which is 4 years and 3 months and once you reached this period kelangan mong mag-stay dun sa amo mo na yan and you cannot transfer to another employer anymore. So sa mga Pilipino na pumapasok dito sa Israel dapat alam nila ang limitasyon na yan. Ang nangyayari nga lang dito for one reason or another, na napuputol yung employment nila, ayaw naman nila umuwi at dyan na lumalabas yung mga suspicious offers like.."sige wag ka munang umuwi, tutulungan kita". Pero lahat naman sila pumasok dito na legal only the reason na ayaw pa nga lang talaga nila umuwi at gusto pa nila kumita ng pera. But in the process alam nila na lumalabag sila sa batas ng Israel for staying here illegally and we all know that so any moment pwede din sila mahuli.
10. Ano po ang pinakamalaking issue o problema na kinakaharap ng Filipino Community dito sa Israel?
MQ: Issue? hmmm...utangan(everyone in the room is laughing)
11. Gaano po karameng reklamo ang natatanggap nyo tungkol sa isyung ito?
MQ: Hindi naman lahat ng problema tungkol sa utangan narereport dito sa Embassy e.
TH: Ang concern namin dyan tungkol sa singilan ng utang sa totoo lang wala kaming pakialam dyan kasi it's a private transaction. Nai-involved lang ang Embassy because it's connected with the passport as pambayad utang. Merong nagsasangla o ginagawang collateral ang passport. So para makaiwas sila sa payment lalo na dun sa nagpatong patong na ang interest at talagang mabigat na para mabayaran ang ginagawa nila nagde-declare sila na nawala yung kanilang passport although ang totoo hawak nung nagpautang sa kanila. Mag-aapply sila dito ng new passport with complete documents so we issued them a new passport with a different passport number. So wala na ngayong habol yung nagpautang kasi ang hawak nyang passport e considered cancelled na. In the end ang Embassy ay nabibiktima din sa ganitong kalakaran since we issued a new passport na ang totoo e yung passport naman pala ay nakasanla. Bawal namang magsangla ng passport kasi ito ay hindi pagmamay-ari ng indibidwal kundi ito ay pag-aari ng Republika ng Pilipinas.
12. Any work-related case being filed here at the Embassy like salary issues, sexual harassment and physical abuse?
MQ: Oo. Meron din. For example sa salary na hindi nababayaran. At ang proseso dyan kapag may problema yung worker at humingi ng tulong dito the first advise is talk to your employer. Humanap ng tamang tiempo sa pakikipag-usap sa amo. Sinasabi ko sa kanila na maghinay-hinay sila unless they are ready to be terminated. Ngayon kung may utang man ang amo mo at hindi ka binabayaran ng tama meron naman nakasaad dito sa batas na you have 7 years from the date of termination to claim everything. So makukuha mo pa rin lahat ng pagkakautang sayo ng amo mo. Ngayon kung talagang kailangang-kailangan ng worker ng pera I adviced them to talk to the agency at hanggat maari ako yung last recourse kasi kung kakausapin ko agad yung employer or yung agency magagalit sila dun sa worker kasi ang sasabihin nila bakit agad siya nagsumbong sa Embassy nya. Bakit hindi muna yung agency ang kinausap. So yun ang normal na proseso. Pero ang palage kong sinasabi sa worker tingnan naten kung ano ba ang violation ng employer nya sa batas para meron sya palage na sasandalan once the worker continue to pursue the case.
13. Meron po bang agency ang gobyerno ng Israel na pwedeng lapitan ng mga migrant workers na meron problema kaugnay sa kanyang trabaho?
MQ: Unfortunately wala kasing opisina ang Israel government na dapat dun pwede dumerecho para mag-file ng complaints ang mga workers naten. Although pwedeng magsumbong sa MOITRAL(Ministry of Industry, Trade and Labor) pero wala sila(Israel Gov't.) nung like other countries na dun pwede pumunta ang workers para magfile ng complaints against the employer tapos mamamagitan ang isang government officer to mediate both parties.
14. Hindi po ba yun na mismo ang trabaho ng Kavla Oved?
MQ: Kavla Oved is an NGO(non-government organization) and its role is only for monetary claims. Meron silang personnel or lawyers na tutulong sayo to assess how much is your financial claims and then they get 15% of the total amount na na-claimed nung worker. At hindi namin pipigilan ang isang OFW na pumunta sa Kavla Oved para humingi ng tulong dahil kame dito sa Embassy even if we have lawyers hindi naman kame pwede na humarap sa korte kasi bawal yun but Kavla Oved has lawyers na pwedeng humarap sa korte to defend the complaint of a worker.
15. So ano po yung assistance na pwedeng asahan ng mga OFWs dito sa Israel na may ganoon klase ng problema o kaso?
MQ: Maraming kaso. Yung utangan ibang assistance ang pwede naming ibigay. Yung claims for benefits iba rin yan. Yung nahuli ng pulis iba na naman yan.
TH: Ok isa-isahin natin. Dun sa mga nahuli ng pulis or halimbawa dun sa mga nakasuhan ng criminal case may dalawang opisina ang Embassy na involved directly to give assistance to the worker. Una, yung tinatawag na ATN or Assistance To Nationals. Pangalawa, yung OWWA. The ATN can respond to anyone 24/7 basta ligitimate yung cause. We will go out and locate the person who needs help may visa man o wala basta Pilipino ka. On the other hand, our welfare officer also goes out any hour of the night to attend to a distress Filipino specially to those who have medical problems. Dun naman sa isyu ng utangan, the most that the Embassy can do is to offer what we call in our parlance as a good offices. We don't sit as judges we only try to mediate both parties na nangutang at inutangan.
BS: Under Israeli law kapag nag-utangan kayo at hindi nagbayad yung nangutang, syempre breach of contract yun di ba? O kaya freud kapag nang-uto(nanloko) yung isa na equivalent ng stafa sa batas naten. Pero sa dame ng kaso ng utangan dito sa Israel at meron din kaming regulations specifically banning us from acting as collecting agents kaya hindi talaga namin mahawakan o ma-control yang isyu ng utangan. Hanggang sa pinaghaharap lang namin yung both parties at pinag-uusapan kung paano yung proseso ng bayaran.
MQ: Dito sa Embassy pwede lang sila magsumbong pero pwede silang mag-file ng kaso sa Israeli police.
BS: Ang problema hindi rin lahat ng isyu ng utangan ay pinapatulan ng pulis kasi commercial transactions yan e. It is considered as a civil case sa Israeli law.
BS: Dun naman sa isyu ng balikbayan box na hindi dumarating on time or hindi na talaga nakarating pa sa pupuntahan. Hindi naman talaga ito isang scam. Ang problema lang dito siguro yung tao na nag-engaged dito is not ready for this business. Mahirap itong habulin dahil walang corporation or taong nakarehistro na pwedeng habulin aside dun sa mga tao na nagkakahon na andito sa Israel. So ang pinaka-advice namin dyan ay yung kung ano ang pwede mong ipatalo. Ibig sabihin, dahil very tempting talaga ang balikbayan box kasi malaking mura kumpara sa iba. Imagine $70 lang ang babayadan mo against $500 let's say sa DHL. Then the total amount ofyour box is $200(laman ng kahon) so hindi sulit na mag-file ng kaso laban dun sa tao kasi masyadong maliit yung value ng contract at masyadong maliit yung value nung nasa loob ng kahon. So sa ganitong kalakaran it's either you win or lose. Pero hindi mo pa rin masasabi na isa itong scam kasi meron din namang ibang shipper na dependable. Sabihin na lang natin na ang balikbayan box is a business transaction with a very high risk o panganib. So in the same manner, yung utangan at yung balikbayan box, pareho lang yan na labas na sa jurisdiction ng Philippine law kasi lahat ng kontrata na yan ay ginawa dito sa Israel. At kungsaan ginawa yung kontrata, yun ang nakakasakop dito.
MQ: Nagkakaroon ng problema dyan sa balikbayan box kung yung mga agents na yan(nagkakahon) ay hindi nila tini-turn over o isinusulit ang pera sa shipping company. For example, andun na yung box sa Pilipinas pero hindi nila ini-remit yung pambayad para dun sa broker(forwarder). So ang timano yung broker na nasa Pilipinas since walang natanggap na remittance hindi nya ngayon ire-release yung box. At yan ang usual complaints na natatanggap namin. May nagsasabi samen na andun na daw yung box nila nasa Pilipinas na ang problema yung nagkakahon hindi pala ipinadala yung bayad. So dun ngayon papasok yung sistema ng LOKOHAN.
16. Any successful stories na talagang ipinaglaban ng Embassy hanggang sa huli?
BS: Ano yan, it's considered an interference with the local laws of Israel. We have to respect their local laws so the most an Embassy can do is bantayan lang namin yung kaso sa court. Halimbawa, during the court trial na merong namatay na isang Pilipino dahil sa bangungot. Ang Israeli hindi sila naniniwala sa bangungot. Pero gusto nang pauwiin ng pamilya na nasa Pinas yung mahal nila sa buhay na namatay dahil sa bangungot. So ngayon, yung ATN officer namin ang nagte-testify na may bangungot talaga among Asians, among Filipinos.
MQ: Ako naman, like with the case of Michael kung natatandaan nyo. Ayaw ibigay nung agency nya yung severance pay nya. Lumapit sya saken at humingi sya ng tulong. Now, ganito ang sinabi ko kay Michael.."Michael may trabaho kana ba ngayon? Sagot ni Michael, opo. May visa kana ba? Wala pa po itatatak pa lang. Ok kapag natatakan na ang visa mo tsaka ko ngayon kakausapin yung agency". Kasi kung wala pa syang visa at aawayin agad natin yung agency ang kawawa dito si Michael at hindi ako di ba? So nung nagkaroon sya ng visa, I called up the agency and told them..."Hoy, yung severance pay nito. Wala na sya sa inyo kaya ibigay nyo" At ibinigay naman ng agency more than 5000shekel. So ganun yung mga tulong na ginagawa namin para sa mga kababayan natin.
TH: We had successful prosecution sa rape. May naipakulong na kame. We don't appear in court kasi nga bawal but we make our presence felt na parang may pressure or persuasive effect yung presence ng Philippine Embassy personnel.
MQ: We also go off of our way like nag-alaga kame ng isang kababayan naten na nagkaroon ng mental illness(nawala sa katinuan). Ang ginagawa namin talagang hatid at sundo namin yun. Maghapon kelangan namin syang bantayan dito kasi wala siyang kasama sa flat nya hanggang sa makauwi sya inaalagaan namin sya at binabantayan dito sa Embassy. Kami dito sa Embassy we don't tell to people what we do pero kapag andyan na yung taong nangangailangan obligado kaming tulungan sya.
OWWA Officer Pet Bergado: Ang pinakamasaklap talaga na sitwasyon ng mga Pilipino dito ay yung magkasakit sila tapos wala pa silang visa. Karamihan sa mga OFW dito na walang visa ay wala din insurance. Karamihan din sa mga ito ang nagtatanong samen kung ano ba ang gagawin ng Embassy sa katulad nila? We have to make our position clear that the Embassy is not prepare para magbayad ng malaking halaga sa ospital. Ang panawagan namin dyan ay sana magkaroon tayo ng campaign na yung private medical insurance ay responsibility ng lahat ng OFW na andito may visa man o wala. Unahin sana nila yun na mabayaran para kung hindi maiiwasan at magkasakit ang isang tao ay meron silang makukunan ng pangsuporta sa pagpapagamot nila. Also, kelangan nila sabihin ang totoo tungkol sa medical history nila kasi may naging kaso kami dito na nagkasakit pero binitawan ng insurance company kasi hindi na disclose yung sakit nya that even before pala sa Pilipinas meron na sya nung sakit na yun so parang nag recur lang dito. Parang pre-existing yung case nya. Under the insurance laws hindi obliged ang insurance company na i-cover yung mga pre-existing na cases.
TH: Ang number 1 na ino-observed namin ay yung Migrant Workers Act. Sinusunod namin yan. At ang policy po ng ating Ambassador ay hangga't maari ay ibigay kung ano ang pwede at kayang itulong sa mga kababayan naten dito. Eventhough it will entail a lot of sacrifice dahil na rin sa kapabayaan at pagiging iiresponsible nung tao. Halimbawa, yung pagbabayad na lang ng OWWA fee which is 95 shekels a year hindi pa magawang mabayaran tapos kung biglang may mangyaring masama o magkasakit wag naman sana na kung sakaling magdesisyon umuwi pwede sana syang tulungan ng OWWA kung member sana sya ng OWWA. Another thing, yung sarili nyang medical insurance dito na hindi rin binabayaran or hindi nya pina-follow up with the employer kasi may subsidy na binabayaran ang employer sa medical insurance so once the person neglect this very important aspect at bigla syang nagkasakit, ang problema e wala kaming budget para dyan so kung meron mang pangangailangan for medical assistance halimbawa kung may nagkasakit na kelangan nang umuwi, dyan pa lang kame magrerequest ng pera sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs(OUMWA) who will authorized the disburstment of a certain amount needed let say for transportation or incidentals ng gustong umuwi. E minsan ang nangyayari dahil sa maraming request dahil hindi lang naman ang Embahada ng Pilipinas dito sa Israel ang nagrerequest to we call it a Repatriation Fund so hindi ito agad naaksyunan. Ngayon kung halimbawa na ang sakit ng isa nating kababayan ay lagnat pa lang dahil na rin sa delay by the time na marelease na yung request fund ay lumalala na ngayon ang sakit let say kelangan na syang isakay sa wheelchair during the flight at mas mahal ang bayad sa ganun kaya lalong humahaba ang proseso.
17. Paano naman po yung kaso ng mga OFW naten na binitawan ng kanilang insurance company pero dito na lang po sa Israel sumulpot yung sakit nila?
PB: Ang problema kasi hindi nga nagsasabi ng totoong medical history yung ibang workers. They try to conceal it but once madiskubre ng insurance nila na meron na sila ng sakit na yun bago pa man sila pumunta dito sa Israel kaya yun ang ground para bitawan sila. So let's all be responsible. This is applicable to everyone may visa man o wala o kahit dun sa mga nakapangasawa ng Israeli. Kasi dito sa Israel napakamahal ng ma-ospital. Umaabot ng almost 4000shekel per day lalo na kung gagamit ka ng mga laboratories, x-rays, ICUs. Ngayon, tungkol naman sa OWWA, we have to make our position clear na yung assistance for repatriation ay para lang sa mga active OWWA members kasi nagla-lapse din yun. Kunwari, nagpa-member ang isang OFW 5 years ago at hindi na nila na-activate so it's a big problem kapag nagkasakit sila.
18. Ano po ba ang requirements para maging member ng OWWA? Ano po kaya ang dapat gawin para mare-activate ang membership ng isang non-active member ng OWWA?
PB: As long as may working visa walang problema. You have to comply with several requirements like proof of employment either payslip, employment contract or any certification na magpapatunay na employed ang isang worker, and then copy of your passport, then magpi-fill up ng information sheet sa OWWA and declaration of intent. At dito sa Israel nire-require din namin ang isang worker na magkaroon ng private medical insurance. Kasi baka they will think na once OWWA member pwede na silang gastusan ng OWWA sa kanilang hospitalization.
MQ: Ok about sa insurance. Dito sa Israel may dalawang insurance kung legally employed ang isang worker. One is the bituach leume, that part of your salary comes from the bituach leume because part of your salary paid the bituach leume which is 0.04% of your salary. At ito ay pwede mong gamitin kapag may work-related injury or illnesses at kung manganganak. Dahil ang panganganak ay cover din ng bituach leume. Then the other insurance is the private medical insurance. Ito naman ay pwedeng gamitin ng isang worker sa lahat ng pagpapa-ospital which is not work-related ang cause of injury or illness. Sinasagot din ng private medical insurance ang pagpapauwi ng maysakit kung kinakailangan umuwi pate yung medical escorts if required by the doctor at yung pagpapauwi ng bangkay kung humantong man sa ganung pangyayari na ang isang worker ay sumakabilang buhay. Kaya gusto kong sabihin sa lahat na yung private medical insurance ay napakahalaga na meron ang lahat ng workers dito sa Israel may visa man o wala o lahat ng Pilipino for that matter. And under the law it says that the employer has to provide you both. Nakasaad sa batas yan.
19. Ano po ang mensahe nyo para sa mga kababayan natin na OFW dito sa Israel?
BS: Kung hindi maiiwasan mangutang, mas makakabuti na sa Pilipinas na lang mangutang. Kasi usually ang dahilan din naman ng pangungutang e yung mga pangangilangan ng pamilya na nasa Pinas. Let's say kelangan magpagawa ng bahay so mas mura pa rin na mag-housing loan sa PAG-IBIG kaysa mangutang dito na 10% ang interest.
PB: Sakin naman ang maipapayo ko sa mga Pilipino dito sa Israel ay wag natin iaasa sa ibang tao yung personal safety and security naten. Specially sa insurance kasi minsan ang sinasabi ng ibang Pilipino..."eh andyan naman ang Embassy. Ano ginagawa ng gobyerno?". Palaging ganyan but in the first place it's our responsibility to ourselves na i-secure yung health naten.
TH: Ang ginagawa ng Labor Office bilang dagdag na lang, na kapag may mga abusadong employer and we established the records of this particular employer na let's say nakailang worker na siya na kinuha at hindi nakatagal na magtrabaho sa kanya with the same complain. There we request the MOITRAL na i-blacklist ito para hindi na mabigyan ng Filipino caregiver.
MQ: Magkunsulta muna sila bago nila pakawalan yung pera nila.
At bilang panghuli, batay pa rin sa itinakbo ng panayam namin ni Miss Nenette sa ng mga namumuno ng ating Embahada. Malinaw na malaki ang tungkulin na ginagampanan ng ating Embahada para sa mga Pilipino na nandito sa Israel. Doon pa lang sa punto na kung papaano mailalapit(to reach out) ang opisina ng ating Embahada para sa mga Pilipino lalo na sa mga higit na nangangailangan ng tulong ay isang malaking hamon na. Dahil naniniwala ako na sa oras na mapatatag ang ugnayan, mapalawig ang pagpapalitan ng impormasyon, maging bukas sa isa't-isa sa pagitan ng mga Pilipino at ng Philippine Embassy dito sa Israel. Tiyak na walang suliranin ang hindi mabibigyan ng kasagutan.
PAGPUPUGAY SA EMBAHADA NG PILIPINAS DITO SA ISRAEL. MABUHAY PO KAYO.
MABUHAY ANG OFWs SAANMANG PANIG NG MUNDO!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment