Sunday, March 21, 2010

TRAPO

FEBRUARY 2010, nagpatawag ng pagpupulong ang mga organizers ng COI(Candelarians Organization in Israel) na sina Edgar Lat, Annaliza Pramis Aquino at Rhona Canzon isang buwan bago isagawa ang general meeting at election of officers ng nasabing samahan. At sa kasamaang palad, ako ay naimbitahang dumalo sa nasabing meeting ng COI sa paanyaya na rin ng mga taong nabanggit. Nakarating na ang balitang ito sa akin noon pa man na balak nga daw ng ilan sa aking mga kababayan mula sa bayan ng Candelaria na magtayo ng isa pang organisasyon na hiwalay sa nauna nang itinatag na samahan..ang AQI or Association of Quezonians in Israel.(ang Candelaria ay isang 1st class municipality sa Quezon Province. And it reaches its current high class standard mainly through the effort of its own constituents, both local and abroad). Noong una pa man ay may agam-agam na ako sa planong ito for obvious reason that both the AQI and COI doesn't have so much difference when it comes to the mission and vision, project execution and membership dahil na nga sa iisa namang lugar(bayan at probinsya) ang pinagmulan ng karamihan sa mga kasapi ng dalawang samahan. Pero dahil na rin malaki ang paniniwala ko sa diwa ng demokrasya at ang lahat ay may kalayaang magdesisyon sa para sa sarili nyang kapakanan kaya naman sa huli ay naintindihan ko na rin at inunawa ang naisin ng mga organizers ng COI na mabuo ang kanilang samahan.


Ang naging takbo ng usapan namin ni Edgar Lat mula sa Message Archive ng aking YM:

Candelaria Quezon (2/17/2010 2:39:56 PM): Hehehe boyet free ka ba sa friday 4pm sa takana?
boyethdalisay2000 (2/17/2010 2:56:48 PM): naku gabi pa ng friday labas ko e mga 9pm nasa tel aviv nako. ano meron? sabado meeting ng candelaria dba? bukas labas ako.hehe
Candelaria Quezon (2/17/2010 3:19:52 PM): Isasama ka nga sa board para bonga!hehehe c ramil eh nde rin pwd, kami na muna nina rona,analiza ang mg meting ha,maganda un nakahanda tayo mga board sa dadating na meeting, at mukhang dami dadating eh,
boyethdalisay2000 (2/17/2010 3:22:15 PM): ok. i'll be there on saturday for sure.
Candelaria Quezon (2/17/2010 3:22:18 PM): San mo ga gustos sa board of director or sa oficer ? Haha papiliin ba,
boyethdalisay2000 (2/17/2010 3:23:06 PM): wala bang muse...hehehe
Candelaria Quezon (2/17/2010 3:24:35 PM): Cge bsta ganito na lang ha, mg uusap muna kami nina rona at analiza,kasi kayo dalawa ni ramil eh nde pa pwd sa friday ,kaya agahan na lang ninyo sa march 6, mg uusap muna tayo bgo mg umpisa,oki ba un?
Candelaria Quezon (2/17/2010 3:25:14 PM): Hahaha naku nde ka pwd don at magwawala c ramil hahaha
Candelaria Quezon (2/17/2010 3:25:50 PM): Bsta sa meeting mg set tayo ng oficer!
Candelaria Quezon (2/17/2010 3:26:40 PM): Hahagilapin ko pa c jenny anak ni ka elson hehehe para makasama natin sa board
boyethdalisay2000 (2/17/2010 3:27:13 PM): okidoki...pwede naman tau chat din e after nyo mag usap sa friday.
boyethdalisay2000 (2/17/2010 3:27:34 PM): hahahha...oo nga pala noh sa march6 pa pala yun. nasa isip ko sa sabado na darating na
boyethdalisay2000 (2/17/2010 3:27:36 PM): hahahahahahahah
Candelaria Quezon (2/17/2010 3:28:58 PM): Cge bsta papaalam agad namin sa inyo ha, gusto pa sana ni ailen gawin ka president hehe, sagot nia ang gulaman at cake sa meeting
Candelaria Quezon (2/17/2010 3:30:05 PM): Kaya ngatanong ko kung san mo gusto?
boyethdalisay2000 (2/17/2010 3:31;08 PM): waaaaa hindi ako pwede tumanggap ng kahit ano position kc officer nako sa AQI hehehe
Candelaria Quezon (2/17/2010 3:33:07 PM): Matagal naman tayo nakasama at makakilala kung tanda mo pa hehehe,bsta my tiwala me sayo boyet!
Candelaria Quezon (2/17/2010 3:33:22 PM): Nap muna me
boyethdalisay2000 (2/17/2010 3:34:59 PM): salamat sa pagtitiwala. walang ibang magtutulungan kundi tau tau ding mga pilipino kaya maganda na nagkakaisa tau sa dayuhang lupain....

Bukod pa dito ang mga phonecalls at palitan ng mga text messages para ipaalala sa akin ang gagawing eleksyon na akin namang sinasang-ayunan sa kasunduan that i will only facilitate the election. At ito naman ay naipaliwanag ko na din noon pa man sa isinagawang pagpupulong naming apat sa bahay ni babes(analiza pramis aquino) na hindi ako tatanggap ng kahit anumang posisyon since i am already a member and an officer of AQI. Bagkus, ay ako pa nga ang nagmungkahi sa kanila na sila ang tumayo bilang mga officers ng kanilang organisasyon dahil sila ang masigasig na nagtrabaho dito at silang nakakaalam ng magiging takbo nito mula't sapol hanggang sa huli. I even suggested them to approach people and convince them, those who have "tudatsut" or those pioneering people who have been working here for a long period of time to stand as their advisers. Dahil bentahe(advantage) sa isang itatayong organisasyon kung mga beteranong OFW dito sa Israel ang magsisilbi bilang mga tagapayo ng iyong binuong samahan. At sa kalaunan, ay iyon nga ang ginawa ng mga organizers ng COI. Pero isang bagay ang hindi nila naintindihan sa sinabi ko, at ito na nga ang pinagsimulan ng conflict and tension between the two organizations.

Ang naging takbo ng usapan namin ni Rhona Canzon mula sa Message Archive ng aking YM:

boyethdalisay2000 (2/26/2010 6:40:22 PM): oi matanong ko
boyethdalisay2000 (2/26/2010 6:40:33 PM): ano update sa COI
boyethdalisay2000 (2/26/2010 6:41:26 PM): kc baka maya agenda ulit sa meeting e ako yung nagpupush sa AQI na suportahan ang COI since advantage ng lahat pag marame org ang taga quezon
Rhonaliza Halley Canzon (2/26/2010 6:43:09 PM): bale bukas, personal nming pupuntahan ung mga board para mag fill up cla ng form w/ pic..tpos sasabihin nmin ung election sa march 6...
boyethdalisay2000 (2/26/2010 6:43:57 PM): good, cno cno ba nakuha nyo na board
Rhonaliza Halley Canzon (2/26/2010 6:44:31 PM): tpos sa april pag ok n lahat ng officers may induction sa april sa bahay kubo n nga un,ticket is negotiable pa if 50nis
Rhonaliza Halley Canzon (2/26/2010 6:46:42 PM): tpos dun sa induction, mascarade party un..bumili aq ng marraka..sa entrance plang compulsary n bumili ng maskara n 5nis..tpos pipili kmi ng ms. & mr. face of the night..para mka raise agad ng fund after the induction
boyethdalisay2000 (2/26/2010 6:47:07 PM): yafe motek
Rhonaliza Halley Canzon (2/26/2010 6:47:38 PM): ung npili nmin board 5 plang kulang pang 1...c pablo alcantara, pidrito de ramos, ,apollo landicho, imelda padua, maricel mayol
Rhonaliza Halley Canzon (2/26/2010 6:50:11 PM): motek, kelan ung trip sa haifa??? para mkapag paalam aq d2 sa amo ko lalabas aqng friday...sama aq sa trip,...
boyethdalisay2000 (2/26/2010 7:32:10 PM): baka sa march 27 pa yun
boyethdalisay2000 (2/26/2010 7:32:16 PM): tell ko sau kung sure na
boyethdalisay2000 (2/26/2010 7:32:24 PM): labas nako motek
Rhonaliza Halley Canzon (2/26/2010 7:34:05 PM): bzder..ingat motek! mwaah

At nangyari na nga ang aking pinangangambahan. Si Bro. Pablo Alcantara ay isa din sa mga advisers ng AQI samantalang ilan sa mga members ng COI ay una nang naging myembro ng AQI at ang iba dito ay aktibong kasapi pa ng aming samahan(AQI). Inisip ko na lang na maaaring hindi sinasadya ang mga pangyayari. I gave them the benifit of the doubt. That probably it wasn't intentional. Pero sa pagdaan ng mga araw, bago dumating ang March 6, ang itinakdang araw ng kanilang eleksyon. Maraming nakarating na balita sa aming samahan(AQI) na karamihan sa mga myembro na hinihikayat nilang sumapi sa kanilang samahan(COI) ay pulos myembro din ng AQI. At karamihan sa mga balitang ito ay balita ng pagkadismaya at pagkalito. Pagkalito dahil ang buong akala nila ay tapos na at may nabuo ng samahan ang mga taga Quezon dito sa Israel(Quezon means the entire province including the town of Candelaria). At pagkadismaya naman, dahil hindi sila natutuwa sa pagkakaroon ng dalawang magkaibang organisasyon na nagmula sa magkaparehong lugar o probinsya. Para sa kanila, ito ang magiging sanhi para magkawatak-watak ang mga magkababayan sa dayuhang lupain na dapat sana ay silang nagkakaisa at nagtutulungan. Dahil dito, sinubukan kong kumbinsihin si Edgar Lat(na ngayon ay tumatayong presidente ng COI) na magkaroon ng dialogue o mapag-usapan ang ilang gusot tungkol sa issues of technicalities ng parehong organisasyon nang sa ganoon ay maliwanagan ang isipan ng mga kapwa namin taga-Quezon/taga-Candelaria. Maka-ilang beses kong sinubukan na kumbinsihin si Edgar Lat na sana ay makapag-usap muna ang AQI at ang COI bago sila magsagawa ng kanilang eleksyon pero makailang beses nya rin akong tinanggihan. Sa pagkakataong ito, hindi na ako sigurado kung hindi ba nakikita ni Edgar ang magnitude ng problema o talagang nagbubulagbulagan lang siya. To think that from the very beginning he knew that there's already an existing organization of Quezonians here in Israel. At maging ang ilan sa mga tao na nilapitan nya, na nagmula sa bayan ng Candelaria para dumalo sa general meeting/election ng COI ay nagbigay na rin sa kanya ng sentimyento tungkol sa posibleng likhain nitong problema sa pagitan ng AQI at COI at tungkol sa posibleng idulot nitong problema sa mga OFW dito sa Israel na nagmula sa lalawigan ng Quezon at sa bayan ng Candelaria.

Lumipas ang mga araw. Maingay na ang mga tao. Nagkalamat na ang samahan. Itinuloy pa rin ni Edgar at ng iba pa nyang kasamahan ang planong eleksyon ng COI ng wala man lang malinaw na pagpupulong sa AQI to discuss and eventually settle some issues of technicalities between the two organizations. Instead, they make themselves busy from inviting people to come and participate in the said election which is by the way the governing body of AQI did not express any form of resentment nor we interfere them from conducting the election. More so, the AQI came up to a decision and commit ourselves to support whatever the undertakings or plans that the COI will try to make. At yan ay alam ni Rhona(isa sa mga organizers ng COI) dahil noong araw ding yun pagkatapos ng aming meeting(ako, edgar, babes at rhona) sa bahay ni babes ay inimbitahan ko naman si rhona na sumama sa akin para sa meeting ng AQI para maipaabot sa aking mga kasamahan ang tungkol sa pagbubuo ng bagong organisasyon dito sa Israel. Sa una, syempre hindi maganda ang pagtanggap ng ilan sa kasamahan ko nang malaman nila na may isa pang samahan ng mga taga Quezon ang itatatag(at normal ang ganun reaksyon). Dahil katulad din ng iba, taga-Quezon man o hindi, iisa ang nagiging reaksyon, kapag narinig nila na may dalawang magkaibang samahan mula sa Province of Quezon. Ito ay pagkadismaya, pagtataka, an expression of discomfort. Tama nga naman, like what my friend told me, how can you possibly be enrolled in to two different schools at the same year and at the same year level? Sa madaling salita para sa ating mga taga-Candelaria, kailan pa pinayagan na mag-enroll ang isang mag-aaral ng sabay na taon sa LMI at TWA? Hindi ko alam kung hindi ba talaga nakikita ni edgar ang problema o sadyang nagbubulagbulagan lang sya.

March 6, 2010 general meeting at election ng COI. supposedly 8pm ito magsisimula pero almost 10pm na ito naumpisahan. like any other typical program, nagsimula ito sa dasal na sinundan ng kumustahan, some talks...more talks...and more(sigh) na sinundan naman ng Q&A. Ilang tao na rin ang nagtanong tungkol sa nature and description ng COI katulad ng funds, projects and activities at membership. YUN SAKTO MAY NAGTANONG NG TUNGKOL SA MEMBERSHIP NA NAPAKA-VITAL PARA SA ISANG ORGANISASYON. Batay na rin sa aking narinig at naintindihan(dahil ako ay nakikinig at inuunawa ko muna ang tanong bago ako sumabat para hindi ako mapahiya sa ibibigay kong sagot) gustong malaman ng nagtatanong kung ilan na ba ang members ng COI sa kasalukuyan. At batay din sa pagkakaintindi ko sa sagot ng tinatanong na si ramil maralit aka tina moran(excuse my word but that was according to him and he actually mentioned it as his pseudonym everytime he is performing as a drag queen) sinagot naman nya ito ng ganito "bale kung sino po ang mga andito consider na po na member yun"(something like this but not the exact wordings). At dun ako nakahanap ng tyempo para segundahan ang napakagandang tanong ng aking kabayan...ang tungkol sa membership.

At ito ang bahagi ng aking sinabi;

"magandang gabi po. una po sa lahat gusto kong sabihin sa inyo na kami po ay sumusuporta sa anumang balakin ng COI. ilan po sa inyo siguro ang nakakaalam na may isa pa pong samahan dito sa israel na nagmula din sa Quezon. at alam naman po natin lahat na ang candelaria ay isa sa mga bayan ng quezon, hindi ito bahagi ng batangas at lalong hindi ito laguna. kami po sa AQI ay may sinusunod na batas tungkol sa recruitment ng members at ang basic po dun ay syempre dapat taga quezon province ka na siguro ganun din yung magiging batas nyo for recruiting your member. pero dahil makikilala po tayo bilang magkaiba at independent na organisasyon sa israel. paano po kaya naten bibigyang solusyon ang issue sa technicalities particularly na sa isyu ng membership? pwede po kaya natin gawin na ang members namin na nagmula sa candelaria ay maging members nyo din? dahil sa katotohanan ay iisa naman po talaga tayo so para maging united tayo at maging alliance in future."

ang totoo nyan, hindi ko natapos ang tanong na ito. pero ito ang kabuuang tanong na gusto ko sanang ipaabot sa mga kababayan ko mula sa aming mahal na bayan ng candelaria. andun pa lang ako sa part na..."kami po sa AQI ay may sinusunod na batas tungkol sa recruitment"...nang biglang sumingit si edgar lat habang ako ay nagsasalita. Ni hindi nya muna pinakinggan mabuti kung ano ba ang kabuuan ng aking tanong kaya naman mismong si julius at bro pablo na ang sumita sa kanya at pinagsabihan na makinig sa tanong at hayaan akong tapusin ang aking pagsasalita. Besides, i was there not volunteering myself to come but i was there by invitation of none other than you Mr. Edgar Lat! ahil inimbitahan mo ako through calls, chat and text. And what part of "hey-dude-it's an issue of technicality-a-conflct-of-interest-and-conflcit-of-membership" that you dont understand? Para ipagsigawan mo(in your most furious manner) na ang meeting na yun ay tungkol sa candelaria at hindi sa quezon? Ok, kung gusto mo talaga panindigan na ang candelaria ay hiwalay sa quezon at kame ay hindi bahagi ng iyong organisasyon. e teka muna, ganyan kaba magtrato ng mga bisita sa inyong mga activities?

No comments: