Wednesday, March 3, 2010

Waaaaa! Na-virus ang Laptop Ko!

I hate Lenny Kravitz. Sya ang dahilan ng sadness ko kahapon. Crush ko pa naman sya for being soooo sexy and gorgeous(like me...hehe) Pero ngayon, hindi ko na sya type. Buburahin ko na sya sa buhay ko(este, sa search engine pala ng laptop ko). Hindi ko na sya iisipin(i mean, kakalimutan ko na sya i-searh ulit). Dahil sa kanya gumastos ako ng 200shekel(kasama na ang pamasahe at katangahan). Hmmmm! I hate you Lenny Kravitz!

Waaaaa! Na-virus ang laptop ko!

March 2 ng madaling araw. Wala ako magawa. Actually, marame pwedeng gawin. Tinatamad lang talaga ako. Mabigat ang pakiramdam ko noong araw na yun. But I'm feeling ok. I'm not sick or whatsoever. Oo na, tinatamad nga lang ako...kulit!

Kapag ganito ang eksena ko na feeling pensyonado ako(yung tipong kain, tulog, inom mode lang). Madalas, sinasabayan ko rin ito ng pag-iinternet(habang nakataas ang isang paa at nakasalampak ang katawan sa malambot na sofa) Pag-isahin na natin. Lahat sabay-sabay na. Todo na 'to! Para fully-fledged na palakihin-baboy na talaga ang eksena ko...este, pensyonado pala...hehehe.

Usually, movie marathon ang trip ko sa mga oras na dinadalaw ako ni K(KATAMARAN). Nasa part 2 na ako ng pelikulang Precious:Based on the novel "Push" by Sapphire nang maintriga ako sa ilan sa mga casts nito. Walang duda, si Mariah Carey yung isa sa mga casts ng pelikula. Kahit pa nga nag-iba ang itsura nya dahil sa make-up(isang kilo ata ng face powder ang inilagay sa mukha nya sa sobrang puti nito na halatang hindi kamatch sa kulay ng cleavage nya...knowing mariah carey..hehe). But she cannot conceal her voice. Dahil wala rin duda, na sya lang ang nagmamay-ari ng ganung boses. Yung tipo na parang mashu na naipit sa pagitan ng dalawang hita...ganun klase ng boses...ihhhhhhhhhh(raise to the 10th power high pitch..hehe) Pero dun sa isang cast na lalake na african-american, dun ako na-intriga. He played the role as a "guy nurse"( as what he said on his script). Kilala ko si Lenny Kravitz pero hindi ako sure kung si Lenny Kravitz ba yung "guy nurse" sa movie. At syempre kapag uncertain ako sa isang bagay, ginu-google search ko ito,

At dito pa lang mag-uumpisa ang aking kwento.

SUNDAY February 28 sa pagitan ng alas otso y medya hanggang alas nueve ng umaga. Meron akong 23 missed calls sa cellphone ko mula sa iisang caller...ang amo ko(ooopps...ooopps wag kayong magpanic, normal na yun sa avoda ko tuwing araw ng Linggo ng umaga). Walang nangyaring masama sa amo ko. Andun lang sya sa kama nya nakahiga. Habang ako, nakahiga din dito sa kwarto ko(few meters away from my saba's room). Si saba ang aking human alarm clock. Siya ang palaging gumigising sa akin tuwing umaga sa araw araw na ginawa ng Diyos(Diyos ko po saba!). But just like all my past Sundays at my present avoda with my present saba, again, this is another hard day. Hindi dahil sa kakulitan ni saba kundi dahil na rin sa kundisyon ko. I cannot perform my duties well during this day. Palage mabigat ang pakiramdam ko tuwing araw ng Linggo. Masakit ang buo kong katawan. Parang binibiyak ang ulo ko. Hindi dahil sa avoda ko...kundi dahil sa hang-over.

Holy fu**in' s**t talaga yang alak na yan. Wala nang ginawang mabuti sa tao. Wala nang idinulot na mabuti sa buhay ko. Magkano na nga ba ang nagagastos kong pera sa kakabili ng punyetang alak na yan? Ilang trouble na rin ba ang kinasangkutan ko nang dahil sa kalasingan(syempre alak ang suspect) na kung hindi ako ang pinagsimulan ng away ay tiyak naman na ako ang inaway? At yang punyetang hang-over na yan. Kaya na lamang masakit ang ulo ko tuwing araw ng Linggo. Hindi tuloy ako makapagtrabaho ng maayos. Hindi ko magampanang mabuti ang mga gawain ko sa avoda ko. Yan tuloy, nagdesisyon ang balabayt ko na baguhin ang kofesh ko. Mula araw ng Byernes hanggang umaga ng Linggo. Binago nya ito mula Sabado ng hapon hanggang Linggo ng hapon.

Isa pa yang ka-"shit"an na Horoscope sa Facebook. Ang sabi sa horoscope ko, "today is your lucky day"(na may bonus pa na lucky number at lucky color). Eh kung lucky day ko ngayon, bakit muntik na akong mawalan ng trabaho? Mukhang mas bagay ito na tawaging HORORSCOPE instead of Horoscope. Dahil pulos kamultuhan ang hula nito sa magiging kapalaran ng tao na sadyang malayo naman sa katotohanan.

What? Ano daw? KATOTOHANAN BA KAMO? Waaaaaaaaaaaa! Ayokong marinig ang salitang yan. Dahil ang totoo, ang KATOTOHANAN ay nangangagat(reality bites ika nga...hehe). Ayoko nang marinig pa ang katotohanan na si Gloria pa rin ang presidente ng ating bansa. Waaaaaaaaaaa! Si Gloria pa rin ang presidente ng ating bansa! Ayoko na! Umiinit lang ang ulo ko.

HUUWAAAT? MAINIT BA KAMO? Naku po! Panahon na naman ng El Nino sa Pinas. Walang katapusang kalamidad. Mga tigang na lupang sakahan dahil sa kawalan ng sapat na tubig. Mga alagang hayop na nangangamatay. Palaisdaan at water dam na ngayon ay kapos na sa imbak na tubig. Ang resulta; water scarcity, disaster in agriculture and massive brownouts na sa bandang huli ay taumbayan ang magsasakripisyo. Ewan ko nga ba kung ano na ang nangyayari sa earth natin ngayon. Tayo na andito sa disyerto ang hindi nakakaranas ng kakulangan sa tubig(may snow pa nga). Samantalang ang bansa natin na isang archipelago, na mahigit sa pitong libong mga pulo meron ito na lahat napapaligiran ng karagatan at yamang tubig. Ang sya namang nakakaranas ng matinding pagka-uhaw. Nananabik sa muling pagpatak ng ulan. Hay buhay!

Speaking of "ang ating bansa". Ito ang sadyang kalunos-lunos na katotohanan. Ang malaman na ang ating bansa ay naghihikahos pa rin sa kahirapan. Kung makakagalaw lamang si Ninoy mula sa pagkakahalumbaba nito sa perang 500. Tiyak hindi ito mag-aatubiling itaas pa ang kanyang isang kamay para itukod sa kanyang baba. Ganyan kalungkot na mailalarawan ang sitwasyon na kinakaharap ng mahal nating bansang Pilipinas.

Lintik kasi ang mga swapang na kurakot na mga bwitreng pulitiko sa bansa natin. Mga anak kayo ng putakte! Wala kayo alam gawin kundi ang magpalaki ng ba**g. Mga adik kayo! Tubuan sana kayo ng kulugo sa dalawang butas ng ilong nyo.

I paid the technician an amount of 100 shekel for fixing my laptop and for cleaning up all the mess inside it. Dahil nga naintriga ako sa isa sa mga casts ng movie and to make it sure if it's really Lenny Kravitz. So I google it. Only to find out that one of the search results i got from the thousands of search results that the google provide to me contained the virus. Yun na! Bidyuk, 42 threats ang nakapasok na sa loob lang ng ilang segundo e na-infect na agad nito ang system/program ng laptop ko. Hindi ako makapag-internet at hindi rin ako makapag YM. At ang lahat ng yan ay dahil sa katangahan ko.

But now I have my laptop like almost a brand new(as if, goodluck sa mga technicians na ganabim ng software). Bago na ang desktop display ko. At bago na rin ang user account na ginagamit ko. Goodbye dugz21(old user account) magsama kayo ni Lenny Kravitz na mabulok sa kabilang kwarto. Hello Sony Vaio..with a smile on my face(new user account ko). Paalam na rin sa'yo Gloria. Dahil ilang buwan mula ngayon mag-eeleksyon na. Maghahalal na ang mga Pilipino ng bagong mamumuno ng bansa. Huwag kang mag-alala, may bago ka naman kalalagyan. Hindi sa Kongreso. At lalong hindi rin sa Senado. Nababagay ka dun sa kangkungan. Dun ka magpapalutang-lutang( na parang isang t*e)kasama ng mga alepores mo na mga mukhang pato...kwek...kwek...kwek.

VIRUS...VIRUS...VIRUS...

Hay! Ang buhay nga naman. Ang daming dumarating na virus sa buhay ng tao. Maliit man o malaki. Virus pa rin at wala itong magandang maidudulot sa buhay naten. Napakarame nito, nagkalat lang ang mga yan sa lipunan. Ang mga salot na trojan horses na kapag pa"anga-anga" ka ay basta na lang sila susugod para i-contaminate ang sistema mo. Totoo na hindi ito maiiwasan. Pero hindi rin tama na magpabaya at basta lang ito balewalain. Dahil ang buhay at ang lipunan, katulad din ng sa isang laptop, once being infected by a certain virus, it demands an urgent preventive action to eliminate the contamination. Kailangan itong i-overhaul. Kailangan nito ng reformatting.....PARA SA PAGBABAGO!

MAKILAHOK PO TAYONG LAHAT SA DARATING NA ELEKSYON AT BUMOTO NG TAMA GAMIT ANG ATING KONSENSYA AT PANININDIGAN PARA SA PAGBANGON NG BAYAN. MABUHAY ANG MGA PILIPINO AT MABUHAY ANG PILIPINAS!

GREETINGS:

Congratulations to all the newly-inducted officers of AQI or Association of Quezonians in Israel namely;

Necitas Corook - President

Boyet Dalisay - Vice President

Kristy Cruzat - Secretary General

Guilbert Cornejo - Treasurer

Haidee Lagrimas Caringal - Auditor

Christopher Cruz - Auditor

Advisers:

Jun Coronado
Alex Corpuz
Pablo Alcantara
Rod Dalisay
Grace Escalona

We are also inviting everyone to come and join with us in our monthly trip/mass to Jerusalem every 1st Saturday of the month for info please call the following; Nizette at 0546231951 or Haidee at 0545379427. Thank you.

No comments: