Sunday, December 27, 2009

Quezon Christmas Party(Isang Tagumpay ng mga OFW sa Bansang Israel)

DECEMBER 26, 2009 ginanap ang pinakahihintay na okasyon ng mga OFW dito sa Israel na nagmula sa Lalawigan ng Quezon. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkabuklod - buklod ang mga Tagalog mula sa iba't - ibang bayan ng nasabing probinsya para sa napakahalaga at pambihirang kaganapan. May nagmula sa bayan ng Tiaong, mula sa bayan ng Candelaria, sa bayan ng Sariaya, mula sa Tayabas, sa Lucban, Gumaca, Lopes, Infanta, Atimonan, Pagbilao, sa Lucena City(na city capital ng Quezon) at maging sa mga isla ng Polilio Island at sa iba pang bayan na hindi nabanggit. Bukod pa dito ang mga bisita/panauhin mula sa ibang probinsya/organisasyon na nakiisa at nakisaya rin. Iba talaga ang bangis na taglay ng mga taga-Quezon. Salamat sa mga dumalo mula sa lalawigan ng Pangasinan, Tarlac, Iloilo, Batangas, Cavite, Laguna, Bicol Region at sa mga foreign visitors natin mula sa bansang Israel at Canada. Gayundin, maraming salamat sa Israeli Children Organization, sa Channel 10 at sa Focal Magazine sa panahon na inyong ibinigay para tutukan at samahan nyo kami sa napakahalagang okasyong ito para sa aming mga Manggagawang Pilipino.

Dalawang bagay ang totoo sa nasabing okasyon. Una, tayo ay mga puro at tubong Quezon. Pangalawa, tayo ay mga Overseas Filipino Workers dito sa bansang Israel.

Ngayon, tayo bilang mga OFW mula sa probinsyang nabanggit na itinuturing na dayuhang manggagawa sa nasabing bansa. Ano ba ang kahalagahan ng ganitong pagdiriwang para sa ating mga Pilipino?

Ang sagot, simple lang. Ito tingnan nyo.....

MGA NGITI - na sa likod nito ay ang di maitatagong pangungulila sa mga mahal sa buhay na nasa Pinas.

















REUNION - pamatid uhaw mula sa isang linggo/isang buwan na pagbabanat buto sa abuda.





















KASIYAHAN - tiyak na ito ang pampagana para pagbutihin pa natin ang ating abuda.



















PAG-ASA - na syang magsisislbing inspirasyon natin at palaging magpapaalala sa atin na tayong mga Pilipino, saan mang sulok ng mundo makarating, maging dito man sa bansang Israel, ay palaging handa sa anumang pagsubok na dumating at buong tapang natin itong haharapin mula sa pinagsama-samang pagkilos, boses at lakas. Ganyan tayong mga Pilipino!
















Sa lahat ng organizers, staff at volunteers na nagsagawa ng Quezon Christmas Party. Maraming salamat sa inyong taos-puso at walang kapagurang paglilingkod para mabigyan ng kasiyahan ang ating mga kababayan. Maraming salamat sa mga sumusunod;

Organizers:

Gilbert and Telma Cornejo
Teody and Ped Saldua
Nizette and Boyet Corook
Rod Dalisay

Staff and Volunteer:

Ramil and Clarita Cabrera
Goody and Cristy Cruzat
Gilbert Lagrimas
Melboy Escalona
Mhodie Torino
Arman and Shirley Bunzol
Jeny Aquino
Christopher Cruz
Reynaldo "Pogi" Dalisay Jr.
Dang Austria
Jimmy Escalona
Elsa Cornejo
Saldy Limbo
Arnel Manalo

Isang pagpupugay sa inyong lahat.

Ang "Quezon Christmas Party" ay isang tagumpay ng mga OFW dito sa bansang Israel.

Mabuhay ang mga Pilipino!

Tuesday, December 22, 2009

HALAGA NG KWENTA

SABADO na naman. Walang pasok. Uuwi ako ng Tel Aviv. Nakahanda na ang lahat. Byernes pa lang nakapagplano na ako ng gagawin. Ganito palagi kapag Sabado. Ganito palagi ang weekend routine ko.

Taxi Fare(back and forth)____50shekel___x4 Saturdays/month__=200shekel
Marlboro Lights Gold(1pack)__21shekel___x4 Saturdays/month__= 84shekel
Finlandia Vodka(1liter)______75shekel___x4 Saturdays/month__=300shekel
Iskulyot(chaser 1bottle)_____10shekel___x4 Saturdays/month__= 40shekel
Pulutan(chip in)_____________10shekel___x4 Saturdays/month__= 40shekel
Namaste Bar(chip in)_________20shekel___x4 Saturdays/month__= 80shekel
Yosi ulit(kulang ang 1pack)__21shekel___x4 Saturdays/month__= 84shekel
Taxi ulit(drink and ride ako)50shekel___x4 Saturdays/month__=200shekel
Durex Latex Condom(1box isang beses sa isang buwan)_________= 50shekel

Sa kabuuan, gumagastos ako ng 1,078shekel every month para sa bisyo ko.

3.80shekel ang palitan ng dolyar ngayon dito sa Israel.

__________1,078shekel___/___3.80shekel___=283.68dollars

Ayon sa Exchange Rate Bulletin ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang average rate ng peso laban sa dolyar ay 46.66 as of December 22, 2009.

__________283.68dollars___x46.66pesos____=13,236.50pesos

Ayon naman sa mga kaibigan kong Pinoy(na kachat ko habang sinusulat ko ang article na ito) na andito rin sa Israel na katulad ko ay regular din nagpapadala ng sustento pinansyal sa bawat pamilya namin sa Pinas, ang halaga na daw ng mga pangunahing bilihin ngayon sa atin ay ang mga sumusunod;

SI MAVIC(may asawa tatlo ang anak).....

BUZZ!!!
boyeth dalisay: mavic do me a favor
boyeth dalisay: kunwari nasa palengke tau sa pinas
boyeth dalisay: magkano na kaya ang presyo ng bilihin ngayon
boyeth dalisay: basic commodities
BUZZ!!!
BUZZ!!!
victoria hidalgo: MUSTAAAAA
victoria hidalgo: LIKE ANO
victoria hidalgo: EGG
victoria hidalgo: FISH
boyeth dalisay: lahat
victoria hidalgo: MEAT
victoria hidalgo: KAILAN U NEED
boyeth dalisay: pag mamamalengke ka kunwari pang 1wk
boyeth dalisay: now
victoria hidalgo: OK
victoria hidalgo: NOW NA ASK ME NA
boyeth dalisay: lahat
victoria hidalgo: WEEKLY BUDGET
boyeth dalisay: bahala ka na
boyeth dalisay: yung idea mo
boyeth dalisay: kunwari mamimili ka
boyeth dalisay: karne
boyeth dalisay: gulay isa isahin mo sa bahay kubo..hehe
boyeth dalisay: canned goods
boyeth dalisay: dry
victoria hidalgo: OK
boyeth dalisay: wet
boyeth dalisay: gasul
boyeth dalisay: bigas
boyeth dalisay: basta lahat
victoria hidalgo: LAHAT NG NEED SA BAHAY
boyeth dalisay: oo
victoria hidalgo: PATI PRICE
boyeth dalisay: now na chat mo saken
boyeth dalisay: oo nga
victoria hidalgo: OK
boyeth dalisay: yun nga ang kelangan ko
victoria hidalgo: PER DAY N LNG NATIN IBASE
victoria hidalgo: IN A DAY 1 KILO
boyeth dalisay: ok
victoria hidalgo: 1KL.KARNE 180 PESOS
boyeth dalisay: anong klaseng karne yan
boyeth dalisay: hahahah
boyeth dalisay: be specific
victoria hidalgo: PORK MEAT
victoria hidalgo: OK OK
victoria hidalgo: ETO N ULI
victoria hidalgo: IN 1 DAY I NEED 6 EGGS (P30), 1 KL PORK MEAT (P180)
victoria hidalgo: 1 kl rice (P60)
victoria hidalgo: mongo beans (P10),sibuyas and Bawang (P10) at sotanghon (P10)
victoria hidalgo: 1 kl any fruits worth (P100)
victoria hidalgo: 2 bottle of any drinks either cola or sprite (P120)
victoria hidalgo: saging saba (P20) sugar half kilo(P30) and cooking oil (p25)
victoria hidalgo: ok na ba
victoria hidalgo: i also need to buy detergent soap yung maliit lang 1 pack of tide (P10) 1 downy(P10)
victoria hidalgo: shampoo (P6)
victoria hidalgo: safeguard (P30)
boyeth dalisay: salamat salamat
boyeth dalisay: maya mababasa mo yan sa blog ko
boyeth dalisay: hehehe
victoria hidalgo: ok n b un
victoria hidalgo: baka kulang pa
victoria hidalgo: ok w8 ko
victoria hidalgo: basahin ko

SI RONA(may asawa tatlo ang anak).....

boyeth dalisay (12/22/2009 5:23:07 PM): gurl
boyeth dalisay (12/22/2009 5:23:10 PM): pabor naman oh
boyeth dalisay (12/22/2009 5:23:21 PM): chat mo nga saken idea mo kung magkano bilihin sa pinas
boyeth dalisay (12/22/2009 5:23:26 PM): kunwari nasa palengke tau
boyeth dalisay (12/22/2009 5:23:28 PM): karne
boyeth dalisay (12/22/2009 5:23:29 PM): bigas
boyeth dalisay (12/22/2009 5:23:31 PM): gasul
boyeth dalisay (12/22/2009 5:23:33 PM): gulay
boyeth dalisay (12/22/2009 5:23:34 PM): kape
boyeth dalisay (12/22/2009 5:23:36 PM): gatas
boyeth dalisay (12/22/2009 5:23:38 PM): sardines
boyeth dalisay (12/22/2009 5:23:43 PM): asukal
boyeth dalisay (12/22/2009 5:23:44 PM): etc
Rona Valencia (12/22/2009 5:51:33 PM): karne baboy liempo 280/kl,p.chop 270/kl,bigas 40/kl dpende s klase ng bigas,gasul 596/tank,gulay talong 30/kl,sitaw 20/tali,klbs 30/kl,ampalaya 30/kl,labanos 25/kl,pechay 10/tali,kape barako 95/kl,nescafe 72 un 100grms,asukal 42/kl@sardinas 11.50 ang 1 lata
Rona Valencia (12/22/2009 5:52:03 PM): ns focal n pl PUSAKAL mo
boyeth dalisay (12/22/2009 6:02:53 PM): salamat salamat
boyeth dalisay (12/22/2009 6:03:00 PM): maya mababasa mo yan sa blog ko
Rona Valencia (12/22/2009 6:03:17 PM): hehee ok
Rona Valencia (12/22/2009 6:03:22 PM): cpag magsulat ah
boyeth dalisay (12/22/2009 6:05:56 PM): opo
boyeth dalisay (12/22/2009 6:06:05 PM): dalawa po article ko sa focal last week
boyeth dalisay (12/22/2009 6:06:11 PM): pusakal at joygiver
boyeth dalisay (12/22/2009 6:06:25 PM): yung next issue po baka exmas ang ipublish nila

SI RHONA(na may H, widow may dalawang anak).....

boyeth dalisay (12/22/2009 5:21:34 PM): gurl magkano na kaya presyo ng bilihin sa pinas
boyeth dalisay (12/22/2009 5:21:42 PM): manok baboy
boyeth dalisay (12/22/2009 5:21:44 PM): bigas
boyeth dalisay (12/22/2009 5:21:46 PM): gasul
boyeth dalisay (12/22/2009 5:21:49 PM): atbp
boyeth dalisay (12/22/2009 5:21:54 PM): chat mo nga saken
boyeth dalisay (12/22/2009 5:21:59 PM): kunwari nasa palengke tau
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:22:03 PM): ang bigas ay ang reg n bigas ay 1700
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:22:10 PM): 2100 ung sinandomeng
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:22:16 PM): 2500 ung denorado
boyeth dalisay (12/22/2009 5:22:27 PM): sige pa
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:22:29 PM): ung 1kl ng baboy ay 170
boyeth dalisay (12/22/2009 5:22:34 PM): basta lahat ng bilihin na alam mo
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:22:35 PM): ang baka ay 220
boyeth dalisay (12/22/2009 5:22:38 PM): chat mo lang
boyeth dalisay (12/22/2009 5:22:43 PM): sardines
boyeth dalisay (12/22/2009 5:22:45 PM): canton
boyeth dalisay (12/22/2009 5:22:47 PM): milk
boyeth dalisay (12/22/2009 5:22:51 PM): gulay
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:22:53 PM): ang gasul ay 450
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:23:11 PM): ang gulay iba2 eh
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:23:19 PM): ang asukal n puti 60kilo
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:23:30 PM): mantika 40 isang bote
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:23:37 PM): 120kilo ng gigi
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:23:47 PM): teka magiisip p aq
boyeth dalisay (12/22/2009 5:23:52 PM): asukal
boyeth dalisay (12/22/2009 5:23:53 PM): kape
boyeth dalisay (12/22/2009 5:23:55 PM): gatas
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:24:03 PM): isang itlog 6pesos
boyeth dalisay (12/22/2009 5:24:07 PM): importante lang
boyeth dalisay (12/22/2009 5:24:11 PM): i need this info
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:24:28 PM): teka..ask ko kay yndang
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:24:32 PM): nka online ata
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:31:09 PM): hindi ata nka online cna yndang..
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:31:18 PM): ask nlang aq sa mga taga pinas now
boyeth dalisay (12/22/2009 5:36:51 PM): magkano ang kilo ng bigas
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:38:06 PM): kilo bigas ay 30 to 35
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:38:15 PM): ung pinakamababa ay 26
boyeth dalisay (12/22/2009 5:38:53 PM): gulay?
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:39:00 PM): teka..
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:39:09 PM): itinatanong pa sa nanay nia
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:46:33 PM): ung gatas at kape ung maliit lng xa sbi ng mami ko mga 45-50 chichi_0803: ung mga gulay may 5 pesos pechay at mga dahon2 un.. pag repolyo kalhati ne2 mga 12-15
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:46:51 PM): karne at manok mga kalahati nsa 70-90 pag isang kilo 190-200
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:47:47 PM): isang piraso sabon panlaba hmm mga 8-10 pesos
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:50:00 PM): ung mga snacks nman pag maliit mga 7-10 pesos xa.. pag malaki 19-25 pesos dpende sa mga snacks un..
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:51:53 PM): pancit canton nman isa nun mga 6-8 xa.. dpende din sa manufacture ng pancit canton..
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:53:11 PM): tas ung shampoo mga 6 piraso nasa 24 - 30 isa nun mga nsa 4.50 at meron 5.00
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:54:56 PM): ung tuyo nman pag nsa isang pack cgro 10 -15 un chichi_0803: ung boy bawang mga 10 pesos lng ata un
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:55:04 PM): ung nova maliit nsa 12 din at ung malaki mga nsa 23
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:56:16 PM): ung nova maliit nsa 12 din at ung malaki mga nsa 23
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:56:27 PM): ung maliit na boybwang alam ko nsa 10 tas ung malaki nean 12 ata di lalagpas sa 20 pa nga yan eh
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:56:38 PM): ung sardinas nsa 14-17 lng sya
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:58:32 PM): bote mantika nsa 15-20 pesos ung mas malaki nsa 30 pesos na cgro
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 5:59:08 PM): asukal ung kalahati 24 -25 ung brown sugar cgro 25-30 na ata xa
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 6:01:54 PM): ayan ate ung puti 24 pag brown 25-30 na chichi_0803: klhating kilo lng xa ah
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 6:02:19 PM): baklush..getching mo itetch?
boyeth dalisay (12/22/2009 6:02:37 PM): salamat salamat
boyeth dalisay (12/22/2009 6:02:42 PM): mamaya mababasa mo yan sa blog ko
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 6:02:44 PM): ok..
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 6:03:10 PM): sa friday nsa flat kb? punta aq dun..bka may maitulong aq sa pag prepare nio ng fud for the trip
boyeth dalisay (12/22/2009 6:05:05 PM): oo
boyeth dalisay (12/22/2009 6:05:08 PM): punta ka dun
boyeth dalisay (12/22/2009 6:05:12 PM): dame nga lulutuin
boyeth dalisay (12/22/2009 6:05:13 PM): heheheh
Rhonaliza Halley Canzon (12/22/2009 6:05:18 PM): ok..cge tulong aq sa friday

SA kabuuan, ito ang mga sumusunod na HALAGA NG KWENTA;

Si Mavic- P651.00/per day
Si Rona-P1551.50/may pang isang araw may pang isang buwan
Si Rhona(na may H)-P4174.00/daily/weekly/monthly kasama na pang gimik

Sa tingin ko hindi rin nalalayo ang marketing strategy(tawaran sa palengke) ng aking inay kung ikukumpara sa HALAGA NG KWENTA na kailangan ng mga kaibigan ko.

At kung meron akong 283.68dollars buwan buwan na ginagastos ko para sa mga bisyo ko na halos katumbas nito ay 13,236.50 sa piso. Na tutuusin ko sa HALAGA NG KWENTA na kailangan ng aking inay sa pang araw araw/lingguhan/buwanan nyang pangangailangan;

__P13,236.50__/__P651.00__=20days at isang maghapon na sana ang natipid ni mother.
__________________________=8months and 6days sa isang taon na nagkakahalaga ng P109,798.00 na syang halaga na rin sana ng apat na taon sa high school ng aking pamangkin na kasalukuyang nag aaral sa isang pribadong paaralan sa probinsya namin sa Quezon.

WOW!

Ikaw. Anong HALAGA NG KWENTA mo?

Monday, December 21, 2009

OKTUBRE by Adlesirc, FW

Sabi nila, madali raw makikilala ang demonyo dahil ito daw ay may dalawang malaking sungay, may buntot, at laging may dalang higanteng tinidor... Pero malayo ang itsura nito sa mga demonyong kaharap ko ngayon.














Nasa impyerno ako ngayon.

May demonyong nakapatong sa nakahandusay at hubad kong katawan. Ang isang kamay nya ay nakasabunot sa aking buhok habang ang kanan nyang kamay ay may hawak na baril habang nakahawak sa aking kanang dibdib. Bawat pagpalag ng aking mga hita ay may kapalit na suntok o sampal. Nakabusal sa aking bibig ang underwear ko. Ang mga kamay ko ay pigil-pigil ng dalawang lalake pa na panay rin ang lamas sa maseselang parte ko. Nag-uunahan sila sa pagkapa ng mga bahagi na makakapag-patindi ng kanilang pagnanasa. Pati ang kanilang mga bibig ay naglalakbay din sa walang saplot kong katawan. Malayo ang itsura ng tatlong demonyong ito sa mga napapanood ko sa tv at nababasa sa mga libro pero sigurado akong nasa impyerno ako ngayon.

Nilalantakan na ako ng tatlong demonyo. Ito ba ang kapalit ng pangungupit ko ng pera kay Dad? Ito ba ang kabayaran sa mga kasinungalian ko kay mama kapag ginagabi ako ng uwi galing sa paglalakwatsa kasama ng tropa ko? Grabeng parusa to. Gusto ko na lang mamatay kesa ganito.


Halinhinan sila sa panggagahasa sakin. Para akong lechon na pinagpi-piyestahan. Parang wala silang balak tumigil. Hindi ko alam kung naka-ilang beses na silang nagsalit-salitan. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mga impit kong daing, at mga ungol nila habang sarap na sarap sila sa ginagawa nila sakin. Pati dugo ko yata ay mailuluha ko na sa tindi ng hirap na dinaranas ko.



Ganito pala ang impyerno. Isang matinding parusa. Isang bangungot. Wala ka nang hihilingin pa kundi ang mamatay na lang ulit at baka sakaling pagmulat ng mata mo ay napadpad ka na sa langit.



Natapos na naman yung isa at tumayo siya mula sa kanyang pagkakaluhod sa aking harapan. May papalit na naman. Hindi ko na kaya ang kahayupan nila. Papatong na sya sa akin ngunit itinikom ko ang aking mga hita bilang pagprotesta. Isang bigwas sa aking panga ang iginanti nya. Namanhid ang buong mukha ko.



Nahilo ako at parang nabibingi. Umiikot ang aking paningin. Ilang segundo pa'y lalo nang nagdilim ang paligid. Unti unting naglaho ang impyernong eskinitang iyon kasabay ng tatlong demonyong humahalay sa akin.


***********


1:37am na sa digital wristwatch ko.

Mahirap ang graduating student. Maraming projects at exams. Samahan pa ng thesis na pinaglamayan namin ngayon sa bahay ng classmate ko. Doon ako pinatutulog ng parents nya dahil alanganing oras na kaso may pasok pa kami bukas ng umaga kaya ipinasya ko na lamang umuwi.



Gustong gusto ko nang makauwi para ihimlay ang pagod kong katawan at utak sa malambot kong kama. Hindi na ako maghahapunan, bukas na lang. Naubos talaga ang lakas ko ngayong araw na ito. Sinimulan ba naman kasi ni Prof. Benitez ng isang mahabang "short" quiz tungkol sa C++ eh. Sino ba naman ang hindi mauubusan ng lakas.



Tatlong eskinita na lang ang tya-tyagain kong lakarin at mararating ko na ang terminal ng mga tricycle para makauwi sa amin. Lagi naman akong may kasabay na naglalakad sa kalyeng ito. Ngayon lang wala dahil masyado nang gabi kaya wala ng tao sa daan. Tanging isang itim na pusa ang nakasalubong ko sa daan. Tahimik na ang paligid. Waring tulog na ang kalye. Ang bilis ng paglakad ko. Nakakatakot pala sa lugar na ito kapag ganitong oras na.



Naulinigan kong may kasunod pala akong naglalakad sa makipot na eskinitang iyon. May yabag ng tsinelas sa likuran ko. Lumingon akong bigla at nakita ko ang dalawang lalaking nakatingin sa akin. Bigla akong kinilabutan sa takot. Diretso rin sila sa paglakad.





Malapit na ang susunod na eskinita, kakaliwa na ako. Sana ay may tao dun para mahingan ko ng tulong kung sakaling may balak na masama ang dalawang lalaking ito.



Pagliko kong pakaliwa ay natanaw kong may isang anino sa di kalayuan. Nakatayo lamang ito at nakatingin sa direksyon ko. Lumiko din ang dalawang lalaki sa likuranko. Pakiramdam ko ay mas malapit na sila ngayon sa akin. Halos patakbo na ako kung maglakad. Naguunahan ang aking mga paa at malalaki ang aking mga hakbang.



Nasa bandang gitna na ako ng eskinita nung habulin ako at akbayan nung dalawang lalaki. Holdap daw. Pinagitnaan nila ako. Wag daw akong papalag dahil papatayin daw nila ako. Halos bumaon sa aking tagiliran ang nguso ng baril na hawak nung isang lalaki. Amoy alak sila pero mukhang hindi naman masyadong lasing. Sa nanlalabong dilaw na ilaw ng poste na kinatatayuan namin ay pilit kong kinilala ang kanilang mga mukha. Namumula at nagdudumilat ang kanilang mga mata. Maya maya pay lumakad papalapit sa amin ang aninong nakatayo sa di kalayuan ng eskinita. Kasama pala nila ito. Look out.



Wala akong pera kundi ang natitirang ilang daan sa allowance ko at ang bagong cellphone na regalo ni Dad sa akin nung nakaraang pasko pero walang pagdadalawang isip na ibibigay ko sa kanila iyon para lang huwag nila akong saktan o patayin. Nagmamadaling iniabot ko ang bag ko sa lalaking may hawak ng baril. Bata pa ito. Kalbo at humpak ang mukha. Payat. matangkad lang sa akin ng kaunti. Kinapkapan pa ako ng mga kasama nya. Pinapalis ko ang mga kamay nila. May kamay na humipo sa aking puwet. Nagkatinginan sila. Lalong umigting ang aking kaba.



Tatakbo na ako. Aalis na ako dito ngayon din sabi ko sa sarili ko. Hahakbang na sana ako para tumakbo palayo pero hinawakan ako sa siko nung isang lalaki. Nanginginig ang aking katawan sa takot pero ipinalag ko ang aking braso at nabitawan nya ako. Pero hindi ko na nagawang tumakbo, hindi na ako pinakawalan nung dalawa pa.



Ikinasa ang baril at itinutok sa akin sabay sabing "hubad!" Lalo na akong nagimbal at hindi ko na napigilang umiyak. Hindi ako naghubad kayat ang dalawa pang kasabwat ang marahas na nagtanggal ng aking uniform. Tinangka kong manlaban pero sinikmuraan ako nung isa. Hindi ako nakahinga at napaupo ako sa sakit. Hinaltak nila ang blouse ko at hinubad ang palda ko.



Tanging panloob na lamang ang natitirang saplot ko. Inutusan nila akong lumakad. Dadamputin ko sana ang aking uniform nung may sumipa sa akin. Natumba ako at nasubsob sa paanan ng poste kayat nagdugo ang aking bibig. Sumigaw ako ng saklolo kayat nakatikim ako ng matinding sampal.



Pakaladkad nila akong dinala sa madilim na bahagi ng eskinitang iyon. Sa lugar na kinatatayuan kanina nung kasabwat nila na hindi nasisinagan ng kahit kaunting liwanag mula sa bombilya ng mga poste. Sa may tabi ng tapunan ng basura, kung saan ga-baywang na ang taas ng patong-patong na plastic ng basura at napaka baho ng amoy. Itinulak nila ako at sapilitang inihiga sa malamig at matigas na semento. Inalis nila ang natitirang saplot sa aking katawan at sinimulan akong halayin.




***********



May tumatapik sa aking pisngi. Malamig ang kanyang kamay. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nasa impyernong eskinita pa rin ako. Madilim-dilim pa rin ang paligid ngunit sisikat na ang araw maya-maya. Ikinilos ko ang aking kamay at tinanggal ko ang busal sa aking bibig. Isang matandang taong grasa ang gumising sa akin. Wala na ang tatlong demonyo.



Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala na rin ang relo ko o kung gaano ako katagal nawalan ng malay at kung ilang beses pa nilang inulit ang kahayupan nila sa akin.



Nakatingin lang sa akin ang taong grasa. Pinagmamasdan nya ako mula ulo hanggang paa. Waring alam nya kung anong dinanas ko. Hindi pa ako gaano makagalaw ngunit pilit kong itinukod ang aking mga siko upang makabangon. Pakiramdam ko ay nagka gutay gutay ang aking mga kalamnan. Kumilos sya at hinubad ang kanyang sira-sirang tshirt at iniabot sa akin.


***********



Muntik nang ma-stroke si Dad dahil sa matinding galit na naramdaman nya nang malaman nya ang sinapit ko. Kahit kailan ay hindi ko sya nakitang umiyak. Ngayon lang. Pati si mama na hindi ko gaanong ka-close ay nakitaan ko ng sobrang hinagpis.



Nung mahimasmasan si Dad ay inutusan nya si mama para kontakin ang ninong kong pulis. Pagkatapos nilang mag-usap ni ninong ay niyakap ako ni Dad. Sabi nya gagawin raw nila ni ninong ang lahat para managot ang mga hayop na lumapastangan sa akin. Lahat raw ng koneksyon ay gagamitin nila upang magbayad ang mga kriminal na iyon sa kahit na paanong paraan. Matinding kabayaran daw ang haharapin nung mga kriminal na iyon.



Hindi naman binigo ni ninong ang pamilya namin lalot higit si dad, apat na araw pa lang ang nakakaraan ay pinabalik na nya kami sa presinto upang kumpirmahin ang mga suspek na nahuli nya. Nahuli ang dalawa. Yung isa daw ay nakatakbo. Sabi ni ninong hindi raw lilipas ang linggong ito at mananagot din ang isa pang iyon. Magkakaron daw ng hustisya ang pangba-baboy na ginawa nila sa Unica Hija ng kumpare nya.



Tumupad si ninong sa pangako nya. Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa eskinita. May tama ito ng baril sa sentido. Isang bala lang ang tumapos sa buhay nito. Iniabot sa akin ni dad ang dyaryo upang ako mismo ang makabasa ng buong detalye. Malinis ang pagkakagawa at walang makapagsabi kung sino ang nasa likod ng pagpatay na ito.



Pinatay ni ninong ang pangatlong suspek na nang-rape sa akin. Sabi ni Dad, tinorture daw ni ninong ng todo ang dalawang kasamahan nito na naikulong na upang sabihin kung saan maaring magtago ang kasama nila. Naluha ako sa kinalabasan ng lahat pero hindi ako nakaramdam ng kahit kaunting awa. Tama lang sa kanila ang kanilang sinapit.



Mabilis kong nakamit ang hustisyang isinisigaw ng maraming babaeng kapwa ko biktima sa panghahalay. Pero kahit ganon may mga gabi pa ring napapanaginipan ko ang nangyari sa eskinitang iyon. Pakiramdam ko ay napakarumi ko. Nahihiya akong makihalubilo sa ibang tao.



Dalawang buwan na ang nakalilipas subalit lagi pa rin nila akong nakikitang tulala at parang wala sa sarili. Madalas akong nakaupo sa baitang ng hagdanan namin, nakapangalumbaba at nakatingin sa sahig na marmol. Naging madalang ang pagpasok ko sa eskwela. Lagi rin akong nagkukulong sa kwarto at nanonood lang ng mga pelikulang brutal at puro patayan. Humina rin ang aking pagkain at lagi akong walang kibo. Dinala ako ni mama sa doktor kahit tumututol ako.


Sabi ng doktor sa Oktubre daw ako manganganak.

Thursday, December 17, 2009

DARNA

DISCLAIMER:: isang malaking kahihiyan sa isang katulad kong manunulat ang maakusaan ng plagiarism, kaya bago pa man mangyari sa akin ito ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na hindi sa akin ang kwentong ito. gusto ko lang i-share. i find it really inspiring and i was moved by the story. sana magustuhan nyo din. kaya kung sino mang nagsulat nito. saludo ako sayo.



TAHIMIK ANG GABI, maingay ang patak ng ulan. Nakikipag kumpetensiya sa ingay ng aking pag hikbi. Nakiramay ang langit sa lungkot na nararamdaman ko. Sa pagpatak ng luha ko, bumalik ako sa ala-ala noong ako’y musmos pa.

“Darna!” (shooosh). Nakatali pataas ang aking sando, naki ribbon sa may dibdib ko,iniimagine ko na naka bra ako. nakataaas na din ang shorts ko, litaw ang singit ko, at may nakasabit na panyo sa harapan ko.

Takbo dito, talon doon, hinahabol ko ang mga kalaban kong halimaw! Yah, hiyaah! Kinakarate ang mga kalaro ko na sila ang kalaban ni Darna. Bag! Aray! Isang masakit na suntok ang tumama sa sikmura ko! Sa sobrang sakit, hindi ko napigilang mapaluha, napa upo ako at namilipit sa sakit. Umagos ang luha sa aking pisngi. “Sorry”, sabi ng nakasakit sa akin. Malamang dahil sa kamusmusan ko, madali ang tumahan. Tuloy ang laro. “Darna!(shoosh)..Halakhak at ngiti ang nakabakas sa mukha ng aking mga kalaro.

Bumalik ako sa reyalidad na iniiyakan ko pero ngayon ay may ngiting nakaguhit sa mukha ko dahil sa ala-alang namutawi sa aking isipan.

Dali dali kong binuksan ang aparador at hinalungkat ang mga larawang nagpapasaya sa akin nung ako ay bata pa. Pictures, sa likuran ko ay poster ng Darna (si Anjannete Abayari ang bida).

Kalakip ng mga pictures ko ay ala-ala noong nasa high school ako. Graduation pictures, kasama ang mga classmates ko, kapwa iniidolo namin si Darna. Graduation pictures na nagpa ala-ala sa akin ng paghihiwalay namin, patungo sa bagong landas ng buhay. “It is another chapter in your life” na quote ko galing sa speech ng Guest Speaker namin,isang kilalang pulitiko sa barrio namin.

*****************************************************

Another chapter in my life. Matagal tagal din na hindi nalululon ni Narda ang bato. Umaariba ako sa school, consistent Dean’s lister. Isang taon na lang at gagraduate na ako, umaasa na makakakamit ng honor sa pagtatapos ko. Sipag na sipag ako sa pagrereview habang pinakikinggan ang favorite girlband ko, ang Spicegirls.

Hindi ko akalain na si Darna ay may kahinaan din pala. Naramdaman ko na nagba blush ako, kinakabahan, nanghihina ang tuhod ‘pag nakikita ko yung crush ko na transferee. Oo, sa unang pagkakataon, umiibig na yata ako. Mahirap imaginin pero naging close kami ng lalaking hinahangaan ko. Hindi niya batid na ako si Darna. Ang hirap pala na itago mo ang totoong pagkatao mo, ang hirap pala ‘pag superheroine ka! Naging masaya ang huling taon ko sa kolehiyo kasama ng lalaking lihim kong iniibig.

Isang araw, naramdaman ko na kailangang lunukin ni Narda and bato. May mga kalaban ba?Meron, pero hindi mga aliens, hindi mga halimaw, hindi mga zombie. Sino ang kalaban?Ang sarili ko, sarili ko ang kalaban ko. Hindi ko na matagalan ang pagpapanggap na ito. Nadesisyunan kong umamin ng pagkatao ko sa lalaking lihim kong iniibig.

“Ako si Darna”, sabi ko sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?” Nilulon ko ang bato at sumigaw: “DARNA!’ (shooosh). Laking gulat niya sa katotohanang nadiskubre niya. Gusto ko siyang ilipad habang yakap yakap sa mga braso ko. Ipapasyal sa mga lugar na gusto niyang puntahan.

Pero bigla siyang tumalikod sa akin! Ramdam ko ang lamig sa katawan ko, kabog ng dibdib ko ang tanging ingay na naririnig ko. Kasalanan ko bang ako si Darna na nakatago sa likod ng isang mapanlinlang na katauhan? Lumipad ako papalayo.

Lumipas ang mga araw, hindi ko siya makita. Nag aalala ako na baka bihag na siya ng mga kalaban. Isang napakasayang pagkakataon ng masilayan ko siya sa library. Napawi ang aking kaba. Pero bakit ganun? Nang makita nya ako, umalis siya, obviously iniiwasan na niya ako. Napakasakit, parang pinupunit ang puso ko, nanghihina ako. Ngayon batid ko kung ano ang sakit na nararamdaman ni Superman pag may kryptonite, ganun pala kasakit ‘yun.

Halos hindi ko na malulon ang bato sa ilang pagkakataon. Gusto kong sisihin ang may lalang sa akin kung bakit binigyan niya ako ng “super powers”.

Nakapagtapos ako. “I am a superhero of myself and i know for sure that there will be villains out there who will try to defeat me but then with the powers that were given to me, I can beat them all” , bahagi ng aking speech. Muli ngiti ang gumuhit sa aking mukha ng manumbalik ako sa pagkakatayo ko sa harapan ng aking aparador habang hawak ko ang graduation picture ako.

***************************************************

Hindi ko maiwasang lumuha sa tuwing maaalala ko ang paglulon ko ng bato at sabay sigaw ng: “DARNA!”. Tahimik ang gabi, maingay ang patak ng ulan. Nakikipag kumpetensiya sa ingay ng aking pag hikbi. Nakiramay ang langit sa lungkot na nararamdaman ko.

Naramdaman ko na may mga matang nakamasid sa akin. Kalaban ba sila? Handa kong lunukin ang bato kung sakali. Hindi pala, si Itay, hindi ko batid na ramdam niya ang pahihirap ko sa pagkubli ko ng aking tunay na pagkatao.

Mainit na yakap ang ibinalot ni Itay sa akin. Tinitigan ang aking luhaang mga mata. Sabi niya: “balang araw anak maiintindihan din ng planetang ito kung bakit may isang kakaibang nilalang na tulad mo. Kung bakit kailangan nila ng superhero na katulad mo. Maiintindihan nila bakit kailangan nila si Darna!”.

Higit pa sa kapangyarihang taglay ko ang pagtanggap ni Itay sa totoong katauhan na bumabalot sa akin. Kapalit ng mga luhang gumulong sa aking mga pisngi ay mga tawanang pinagsaluhan namin ni Itay sa malamig na gabi. Ngayon, ipapakita ko sa kanya ang aking paglulon sa bato. “DARNA!” (shoosh). Ililipad ko at ipapasyal ko sa lahat ng gugustuhin niyang mapuntahan.

Thursday, December 3, 2009

EX-MAS

Ito ang nakakatuwa, nakakatawa at nakakahibang na kwento.

Papauwi na dapat ako ng bahay noon nang maisipan kong dumaan muna ng takana para magwindow shopping. May oras pa naman ako. Wala pa rin naman sa bahay ang kapatid kong si Pogi kaya wala pa rin lutong pagkain para sa hapunan. Ayaw na ayaw ko pa namang tumambay sa bahay namin ng gutom. Masakit na pakiramdam yun. Kaya go for more letayel muna ang eksena ko.

Habang pababa ako ng fourth floor mula sa istasyon ng aking autobus ay biglang tumambad sa akin ang sandamukal na Christmas decors.

wowwwwwww.....



more wowwwww.....



grabeeeee.....



Hindi pa ako nasiyahan sa nakita ko kaya naman dumerecho agad ako sa lugar kung saan naka-display ang mga ito.

ayyyyyyy.....



ganda naman.....



saya naman.....



hayyyyyyyy.....

NAKAKATUWA
kasi pasko na naman.

NAKAKATAWA
kasi hindi ko man lang namalayan na pasko na nga pala ulit. Kapag nga naman nasa ibang bansa ka na walang konsepto ng Christmas hindi mo rin maiiwasan na mahawa ka sa mga tao dito.

Pero syempre dahil Pilipino tayo. At nakatatak na sa lahi natin ang pagiging masayahin. Lalo na sa mga panahon tulad ng pasko. Na lahat makulay. At lahat ay maliwanag, umiilaw at kumukutikutitap. Tulad ng mga palamuting pampasko na bumulagta sa akin sa sentro ng takana. Anong sinasabi mong nasa ibang bansa ka? Wala! Kyeme kong ibang lahi ang mga kasama ko. Tseee! Tuloy ang ligaya. Pero may pagkakataong kung minsan ang katotohanang ito rin ang kapag nanunot sa sistema ng iyong katawan. At bigla mo narealized na "oo nga, nasa ibang bansa nga pala ako, ibang lahi nga pala ang kasama ko". Lalo na ngayon sa panahon ng taglamig. Tiyak ang pakiramdam na yan ang tunay na NAKAKAHIBANG.

Waaaaaaaaaa! Paskoooooo naaaaaaaaa! Nahohomesick ako! Gusto ko ng umuwi ng Pinas!

Magtatatlong taon na pala ako dito sa Israel. Ang bilis ng panahon. Hindi ko man lang napansin. Ibig sabihin magtatatlong taon na din pala ang EX-MAS ko(mga paskong malayo sa Pinas). Hayyy!

Naalala ko tuloy sa probinsya namin sa Quezon. Malamig na kapag ganitong buwan. Hapon pa nga lang ramdam mo na bumababa ang temperature. Kelangan mo na magsuot ng jacket sa gabi. At pagsapit ng madaling araw. Naku po! Pate kumot ng katabi mo sa pagtulog tiyak aagawin mo para ibalot sa nanginginig mong katawan. Bigla ko tuloy namiss ang sinundan kong kapatid. Makulit yun e. Tanda ko nung mga teenagers pa kami. Pag nauuna syang gumising saken sa umaga para pumasok sa school. Dahan dahan nya akong aalisan ng kumot. Syempre ako naman si engot since malamig nga kaya tulog mantika ang drama ko at hindi ko namamalayang nagyeyelo na pala pate panis kong laway. Pero hindi pa dun nagtatapos ang kalokohan ng kapatid ko. Akalain mong buhayin pa nito ang electric fan sabay tutok sakin sa bonggang bonggang number 3 level. Hay naku! Walang sinabi sa nginig ng katawan ko ang mga saba at safta natin dito sa Israel na may sakit na Parkinsons. Tuloy pate panis kong laway sa bibig naging iceberg na. hahahaha...

Friday, December 4, 2009 12:23am(oras sa laptop ko)
12 days mula ngayon simbang gabi na. Hayyyy! Simbang gabi na. Naalala ko tuloy nung high school pa ako. Sa Catholic School ako pumasok noon kaya required samen ang magsimbang gabi at tapusin ang nine mornings. Kahit labag sa kalooban kong gumising ng alas tres ng madaling araw(yung tipong mauuna pa ako gumising sa mga manok ng kapitbahay). Tapos maliligo ako ng pagkalamig lamig na tubig(syempre nasa probinsya kami at hindi uso sa amin ang water heater). Sayang naman ang gas kung sa gasul pa ako magpapainit ng tubig(kahit 13years na ang nakalipas kelangan pa din namin magtipid dahil noon man ay may krisis na rin sa langis). Kaya buhos ng buhos to death na lang ang drama ko sabay sigaw ng pagkalakas lakas. Ang lamiggggggggg! Dun pa lang sa sigaw kong yun magigising ang mga manok ng kapitbahay(naka-save sila ng time and effort sa pagtilaok...hahahah).

Pero ito ang mga eksenang pampagising kapag nasa simbahan ka na. Una, malalaman mo kung sino sa mga sumimba ang hindi naligo. Sila yung tipong mga mukhang bagong gising pa rin kahit nakapustura ng ayos. Makikita mo sa may bunbunan sa ulo nila na may konting strands pa ng buhok ang nakatayo(hindi kinaya ng suklay...heheh). Yung iba naman pawisik wisik lang ng tubig ang ginawa kaya yun pinapagpawisan kahit taglamig(mahirap din na pakiramdam yan...hahaha). Pangalawa, syempre yung mga manang sa loob ng simbahan na nasa unahan ng altar(mga chicks ni father...heheh). Sila yung mga aakalain mong seryosong nakikinig sa sermon ng pari pero wag ka at natutulog naman(dinaig pa nila yung mga manok ng kapitbahay ko na patuka tuka habang ang ulo nila ay pataas at pababa...hahaha). At pangatlo, ito talaga ang classic na eksena tuwing simbang gabi. Yung mga magjojowa na wala sa loob at labas ng simbahan. Kundi nasa gilid at sulok sa madidilim na lugar(gawin ba namang extension ng motel ang simbahan).

Dahil isang oras lang ang misa de gallo at may isang oras pa bago magsimula ang klase ko. May oras pa kaming magkakaibigan para mamasyal. May paborito kaming tambayan noon. Kina Nanay Angge na napakasarap magluto ng puto, kutsinta at bibingka(may libre ka pang salabat). Mabilis maubos ang panindang kakanin ni Nanay Angge kaya dapat takbo ka agad sa pwesto nya pagkatapos ng misa. Kilala nga kasi sya sa lugar namin na masarap magluto ng kakanin kaya dinudumog ito(sumakabilang buhay na nga pala si Nanay Angge ilang taon na rin ang nakakalipas. Naalala ko sya dahil magpapasko na. Naalala ko ang masasarap nyang kakanin. Kaya gusto ko ding ialay ang artikulong ito para kay Nanay Angge).

Noong kolehiyo naman ako, alala ko yung lantern parade sa school namen. Tuwing third week of December yun bago mag Christmas break. Malapit na din yun ah. Tiyak masaya yun. Bawat college kasi ay kailangan lumikha ng isang bonggang bonggang parol na kayang talbugan ang iba pa ring bonggang bonggang parol ng iba pang kolehiyo na kalahok sa patimpalak. Ipaparada ito sa buong campus at tuwing gabi ito ginaganap para lutang na lutang ang makukulay nitong ilaw. Nakakamiss naman. Ang parol nga naman. Iba ang pakiramdam kapag nakakita ka nito kumpara sa iba pang pamaskong dekorasyon. Pwede kang makakita ng Christmas light kahit saan kahit kailan kahit ordinaryong panahon pa yan(talamak ito sa beerhouse...hehe) pero hindi mo mararamdaman o ni-katiting na sumagi man sa isipin mo na pasko na. Pero ang parol(yung korteng bituin) sa oras na makakita ka nito, tiyak masasabi mo, kahit sa ordinaryong panahon na, "Ayyyy! Pasko na".

Nakakamiss din ang Makati kapag pasko. Alala ko nung nagtatrabaho pa ako sa call center. Nasa bonggang bonggang 57th floor ang office namen kaya naman kitang kita ko ang kagandahan ng Makati. Lalo na ang kahabaan ng Ayala Ave na tila mga munting kristal ang mga palamuti nitong Christmas lights na kumikinang sa iba't iba nitong kulay. May pula, berde, asul at dilaw. Sa panahon ding ito maraming kasiyahan sa dati kong pinapasukan. Hindi ko malilimutan yung series of Christmas parties na pakulo ng date kong boss. Kakaiba yun. Halos linggo linggo na lang may okasyon. Kaya ang ending linggo linggo din kaming may extended lunch break. At pabor samen yun. Hirap kaya magtawag. Lalo na kung ang matyempuhan mong kausap sa telepono ay isang daot na Amerikano na kung hindi hang up ang ibibigay sayo e isang sandamukal na insulto ang matatanggap mo. Naku! Baka maging Byernes Santo lang ang dapat ay masayang Pasko mo. Kaya pasalamat na lang kame sa dati naming boss. Kahit isa syang Arab naiintindihan nya na mahalaga para sa mga empleyado niya ang panahong ito.

Anyaways,

Mukhang humahaba ang segue ko. Balik tayo sa kwento.

Oo nga at totoo na nagcecelebrate din ng pasko ang mga Pilipino dito sa Israel. May Christmas party din(mag segue ulit tayo. There will be a Christmas Party on Dec 26, 2009 8pm at Country Dekel #69 Kosovskey St. Tel Aviv last station of sherut #5 with non stop food and drinks. For info, please call Ambet at 0527865294. Yan Kuya Ambet libreng advertisement yan ha papasko ko sayo...hehe). May iba't ibang grupo din na nagbabahay bahay para mag-caroling. May Kriss Kringle. May exchange gift. May mga laruan at bagong damit. Pero iba pa rin talaga kung nasa Pinas ka at dun mo ipagdiriwang ang pasko. Ibang iba. Malaking pagkakaiba!

Nakakamiss ang mga munting chikiting na kalimitan sila ang nagbabahay bahay para mag-caroling bitbit ang kanilang improvised tambol at karakas(na gawa sa lata ng bearbrand at mula sa pinitpit na tansan ng coca cola). Ang homemade palitaw ng tiyahin ko mula sa Sariaya. Ang special tikoy ni Ma'am Estella. Ang reunion namin ng aking mga kaklase sa high school. Ang Christmas party namin ng aking mga kaibigan sa Sinturisan. At ang one week celebration namin ng aking buong pamilya na inaabot ng bagong taon. Ang unlimited videoke(no need for 5peso coin as token) na tiyak unlimited din ang listahan ng kanta lalo na ng tiyuhin kong lasenggero na si Tiyo Rudy. Ang masayang halakhakan. Ang walang katapusang kumustahan. At ang simpleng ngiti ng 86 years old kong Lola na dahil sa katandaan ay kadalasang nakaupo na lang sa silya habang pinapagmasdan ang ikatlong salinlahi na produkto ng kalibugan nila ni Lolo(na sumakabilang buhay na). Nakakamiss ang lahat ng ito.

Hay naku! Dahil dyan, nagdesisyon akong magbakasyon next year. Uuwi ako ng Pinas, nang mabawasan naman ang EX-MAS ko.

Monday, November 30, 2009

Panaghoy







Taos puso mo akong pinapasok sa maluwang mong pintuan.
Sa panahon ng pagkalito, kung ako'y nababagabag,
Ang iyong pader ang nagsibi kong sandalan.
Malaki ang naitulong mo sa aking pagkatuto.
Ilaw mo ang naging tanglaw sa pagsusunog ng kilay.
Kasakasama ka sa mithiin at pangarap.
Pangarap sa buhay na ngayon ay natupad.
Lumipas ang panahon, maraming nagbago.
Ako'y naging ako, nang dahil sa'yo.
Sa pagkakataong ito iiwanan mo pa ba ako?


-----para sa Narra Residence Hall, panlalaking dormitoryo sa UP na minsan sa aking buhay kolehiyo ay syang nagsilbi kong kanlungan sa apat na taon kong paglalakbay. Ngayon kinakaharap nito ang isa sa matinding pagsubok na dumadaan sa mga luma/makasaysayang establisyemento....ang demolisyon!

Tuesday, November 17, 2009

PUSAKAL

Nagkalat ang PUSAKAL sa bansang Israel. Makikita mo ang mga ito kung saan saan lang. Syempre pa, lansangan ang pinakapaboritong tambayan ng mga PUSAKAL. May itim na PUSAKAL, may puting PUSAKAL, may inter-racial na PUSAKAL(pinaghalong itim at puti). Kung minsan, may makikita ka ring multi-color na PUSAKAL(batikang itim, puti at orange)

(PUSA-KAL-...short for pusang kalye)

Walang pinagkaiba ang PUSAKAL dito sa Israel sa PUSAKAL sa Pinas, halos pareho lang sila ng estilo ng pamumuhay. May PUSAKAL na akyat bahay(sila yung suspect sa pagnanakaw ng kapiprito mo lang na isda). May PUSAKAL na basagolero(sila naman yung palaging nasasangkot sa trouble). May batang kalye na PUSAKAL(sila yung mga juvenile na PUSAKAL na inabandona ng kanilang prostitute mom na isa namang PUTAKAL(sila naman yung sobrang iingay na PUSAKAL na mahilig makipaglampungan tuwing madaling araw sa kapwa nila PUSAKAL sa bubungan ng kapitbahay na kelangan mo pang buhusan ng tubig para matigil ang kanilang public orgy). Yun nga lang kung minsan, ang siyam na buhay ng PUSAKAL sa Pinas ay nagtatapos sa siopao.

-------------------------------------------------------------------------------------

Eto naman si manong, isa sa mga tenants sa building na tinitirahan ko sa Tel Aviv. Ang kaibahan nga lang namin, may sarili akong kwarto na tinutuluyan samantalang si manong dun sa ilalim ng hagdan sa ground floor nakikisilong. Isang araw, habang papauwi ako ng flat galing sa trabaho ng laking gulat kong makita si manong na gumagapang papasok ng building bitbit ang munting gamit nyang kumot at unan. Umuulan noon, at sadyang napakalamig sa labas. Gusto ko sanang tulungan si manong makapasok ng building pero sigurado akong tatanggi sya sa offer ko. Dahil ilang sigaw din ng pagkabagabag ang natanggap ko sa kanya nang magtangka akong kunan sya ng litrato. Pasensya kana manong kung na-envade ko ang privacy mo. Pero hindi mo maitatanggi na na-envade mo rin ang puso ko kaya naman gusto kong ibulalas ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng artikulong ito.




-------------------------------------------------------------------------------------

Sya nga pala, bago ko makalimutan may mga saba at safta din na PUSAKAL(sila naman yung inabot na ng pagkatanda sa lansangan at sa lansangan pa rin naninirahan). Sila din yung may pinakamasalimuot na kondisyon bilang mga PUSAKAL. Dahil sa katandaan, wala na silang kakayahan pang lundagin ang matataas na basurahan para mangalkal ng pagkain. Kadalasan, sila din ang nakikita nating nakahandusay sa kalye(pirat ang tyan, labas ang bituka, basag ang bungo, luwa ang mata) na nasagasaan ng mga sasakyan.

-------------------------------------------------------------------------------------

Ito naman si Christian, kung mapapansin nyo may pingas ang mga tenga nya. Dahil isa din syang PUSAKAL.




-------------------------------------------------------------------------------------

Noon yun, ngayon house pet ko na sya.




-------------------------------------------------------------------------------------

Katulad din ng iba pang PUSAKAL, naranasan din ni Christian ang mamuhay sa lansangan. Kung paanong mangalkal ng pagkain sa nabubulok na basurahan(jackpot na ang makatagpo ng tinik ng isda na nakadikit pa ang ulo nito sa pinagtinikan). Ang makipagpatintero sa mga humaharurot na sasakyan. Ang matulog sa ilalim ng puno, sa halamanan, sa bangketa sa daan(paano na lang kaya sila tuwing taglamig at umuulan?). Naisip ko lang, dahil babae ang pet kong si Christian, naranasan din kaya nyang maging isang PUTAKAL? May mga naging kuting din kaya sya na basta nya lang iniwan? Sya kaya, isa din kaya syang juvenile o batang PUSAKAL?

Hindi na mahalaga saken yun. Ayoko ng balikan kung anumang meron si Christian noon. Ang mahalaga ay ang NGAYON. Ipapaubaya ko na lamang sa inyo ang mga tanong na yan. Kayo na ang bahalang sumagot. Dahil sa artikulong ito, ayokong ma-spoil ang kung sino si Christian ngayon. Na isang malambing at maamong pusa.(Sa katunayan, habang kinukuhanan ko sya ng litrato para sa artikulong ito, ay hirap akong makakuha ng magandang anggulo dahil sa tuwing aktong pipiktyuran ko sya ay sya namang paglapit nya sa akin para i-caress ako). Kaya hindi na ako magtataka kung bakit maging ang kapatid kong si Pogi ay giliw na giliw kay Christian. Kaya naman nagdesisyon na rin syang ampunin ito.

-------------------------------------------------------------------------------------

"Change is the only constant thing in the world", yan ang sabi nila. Sa kabilang punto, may tama sa kasabihang iyon. Oo nga naman, saan mang aspeto ng buhay saan mang anggulo mo ito tingnan lahat nagbabago. Pisikal man, mental o emosyunal, likas o di-likas tiyak na may pagbabagong nagaganap. Kaya nga sa itinakbo ng kasaysayan ng lipunan, sa anumang panahon, saan mang panig ng mundo, walang imperyong hindi gumuguho(patay kang Gloria ka..hehe). Nagawa ngang magbago ng pusa kong si Christian, tao pa ba naman kaya ang hindi magawang magbago.

-------------------------------------------------------------------------------------

Last week, habang papauwi ulit ako ng flat galing sa trabaho may nakita akong isang matangkad, simpatiko at matipunong lalaki sa may takana. Tila may hinihintay siya. Ang pinagtataka ko lang makailang beses na syang tinigilan ng mga sasakyan pero hindi sya sumasakay. Gets ko na. Isa syang callboy. Samantalang sa kabilang bahagi naman ng kalye ay may nakita din akong isang munting kuting na walang tigil sa pagmiyaw. Halatang balisa ang munting kuting. Gets ko na. Gusto nitong tumawid ng kalsada. Alam kong based on instinct ang gagawing desisyon nito kung sakali mang tumawid ito ng kalsada. Ang problema wala itong precise judgement kaya malaki ang chances na masagasaan ito ng mga nagraragasang sasakyan. Pero ito ang nakakamangha sa scenario, pareho pala kami ng simpatikong moroccan-alike callboy na nakapansin sa suicidal na munting kuting. Ang kaibahan nga lang namin, ako nagmasid lang habang sya eh nag-effort talagang tumawid ng kalye para sagipin ang munting kuting. Masuyo nya itong tinawag para sumunod sa kanya hanggang sa makarating sa isang ligtas na lugar(sa ilalim ng halamanan).

Ang sweet ng callboy. At cute sya ha...kahit isa din syang PUSAKAL.

(ang kaganapang ito na nasaksihan ko ang nagsilbing inspirasyon sa pagkabuo ng artikulong ito. Kasama na rin syempre ang house pet ko na si Christian)

-------------------------------------------------------------------------------------

(hindi akin ang mga susunod na statements...gusto ko lang i-share)

"Change happens, that is for sure, and not just in our modern, 21st century era. It seems that the stress of the new affects most people in every age. So the trick is not to resist it, but to go with it. The real problem for the creative person is getting over the resistance of those who don’t want to change."

...google

"living in the street is not a real life. this kind of life leads to somewhere"

...yuri, na isa ring callboy

(my next article..."Si Yuri"...abangan...)

Friday, November 13, 2009

my constipated heart

date/time: nov. 23 11:00pm
place: sa flat sa loob ng sherutim
event: nagbabawas(in and out)

inaamin ko hindi ako gentleman(dahil gentlewoman ako...hehe)kaya wag mong i-expect na tatayo ako sa kinauupuan ko para pagbigyan kang maupo. kaya nga ako gumising ng maaga, para umabot sa first trip ng byaheng ramat gan. to think na mas gusto ng katawan kong makipaglampungan sa aking kama at unan pero mas pinili ko pa rin bumangon ng alas sais kinse ng umaga kahit namumukatmukat pa ako.

at hello, nag-exert din ako ng too much effort sa paglalakad mula sa flat ko papuntang takana at nasa pinakataas na palapag ang istasyon ng autobus ko na kailangan ko pang makipag unahan sa ibang pasahero. kaya wag kang mag inarte! walang effect ang pag-eemote mo. hindi pa rin ako tatayo para pagbigyan ka. dahil sa panahon ngayon na lahat tayo ay nag uunahan, nagmamadaling makarating sa paroroonan. walang space sa race na ito ang salitang gentleman!

MATUTO KANG TUMAYO SA SARILI MONG PAA! MAGPAKABABAE KA!

ipakita mo sa lahat ng lalaking naririto ngayon sa loob ng autobus na kaya mo rin gawin ang ginagawa nila.

at ikaw na tusik ka, wag kang makasarili. hindi lahat ng matigas ay sa'yo lang lumalabas.

dahil kung minsan, maging puso man ay nagtitibi!

Friday, November 6, 2009

kung lang...


naiiyak na naman ako. naalala na naman kita. dapat sa mga panahong ito nakamove-on na ako, pero bakit hindi pa rin kita makalimutan? kasalanan mo rin, sobra mo kasi akong minahal. yan tuloy, sobra din ang pagmamahal na ibinigay ko sa'yo. halos wala na nga natira para sa sarili ko.

alam ko naman may pagkukulang din ako sa'yo. aaminin ko, may pagkakamali din ako kaya mo ako iniwan. pasensya ka na. tao lang ako. hindi buo. hindi perpekto. pero hindi ibig sabihin nito na hindi kita minahal. kung alam mo lang, sa loob ng tatlong buwan mula ng ikaw ay pumanaw, walang isang minsang hindi kita naisip na hindi ako umiyak. tulad ngayon, naiiyak na naman ako.

ikaw kasi...siya kasi...ako kasi...

sayang...kung lang...

(para kay yosef levy, pag dumating na ang panahong magkita muli tayo, dun na lang kita yayakapin)

Sunday, November 1, 2009

paalam summer...hello winter!

it's official, winter na nga. iba na ang simoy ng hangin. nanunuot na ang lamig sa kaibuturan ng aking laman sa pagitan ng maninipis kong balahibo sa buo kong katawan. paalam na sa aking mga sando, maiiksing t-shirts, sa mga shorts, at sa aking paboritong tsinelas. pansamantala ko muna kayong isasantabi. hello sa mga jackets, sweatshirts, tight jeans, sa mga koba ko na iba't ibang design at sa mga balabal ko na iba't iba ang kulay. na-miss ko kayong lahat. anim na buwan na naman tayong magsasama. ngayon pa lang, gusto ko na kayong pasalamatan sa init na idudulot nyo sa pagbalot sa aking patpating katawan.

ang ulan, ang patak ng ulan na kalahating taon kong hinintay. kay saya sa pakiramdam ang minsanang dumampi ka sa balat ko. patak dito patak doon. ako'y tila musmos na batang nakikipagkulitan sa iyo. habang ikaw naman ay walang tigil sa pangingiliti sa akin. patak dito patak doon. ako'y sinusundot mo sa aking noo, kaliwang tenga, sa aking leeg, at sa batok ko.

ang tubig sa bathroom, kelangan nang buhayin ang heater. paalam cold water hello hot water. wag kang magtatapang tapangan. dahil sinasabi ko sa'yo, para kang tinutusok ng sanlibong aspile kapag dumampi na ang malamig na tubig na pilit susuot kahit sa iyong kasingitsingitan.

ang aking kama, paalam na sa mga linen sheets, hello sa mga thick wool. tuwing summer, merpesek ang masarap gawing tambayan. ngayong taglamig, tiyak ang aking kama ang maghapong kaugapay. dito mapapatunayan ang kasabihang kapag maiksi ang kumot matuto kang mamaluktot.

paalam na sa aircon ng moadon, sa beit avot, sa kofat koalim at sa loob ng bahay sa salon. oras na para i-adjust ang setting ng masgan. press red button lang ang katapat nyan.

at sa'yo. oo ikaw nga. paalam na din sa'yo. salamat sa isang mainit na summer na ating pinagsaluhan. hinding hindi ko ito makakalimutan. ang masasayang alala at masayang pagsasama. natatandaan mo pa ba, minsang inaya mo akong mamasyal? tanghaling tapat noon sa tabi ng dagat. buti ka, puti ang kulay paano naman ako na isang balingkinitan. wala ng space sa balat ko, wala ng paglalagyan ang kulay na ito. pero ayos lang. ayos lang kahit magkulay tsokolate pa ako. ang mahalaga ay magkasama tayo. masayang tinutungga ang chameshim na vodka. ohh, very hot! yan na lang ang nasabi ko. habang nakangibit sabay dampot sa baso ng iskulyot. pero ayos lang. ayos lang kahit mapaso pa ako. kasing init pa man yan ng tirik na araw o ng sindi ng sigarilyong malamya mong kagat kagat ng iyong mapupula at malambot mong labi. ayos lang yan sa akin. dahil natitiyak ko na sa pagkakataong ito, habang tayo ay magkasama. wala ng iinit pa sa nararamdaman ko. nagliliyab ang aking dibdib. marahil nagmula sa nagbabaga kong puso na pwedeng pangsiga sa nabingwit mong isda. napakasaya. napaka-init. ngayon ko lang nabatid, totoo nga pala na nakakapaso ang ligaya.

tatakbo na sana ako sa dagat para magtampisaw, pero sa sinabi mo sa akin bigla akong natigilan. pate pag ikot ng mundo tumigil dahil sa sinabi mo "im moving to beersheva this winter for good". hindi ko alam kung anong sasabihin ko. hindi ko din alam kung anong gagawin ko. tatakbo pa ba ako sa dagat? tila mas mabuting tumakbo na lang palayo sa'yo. pero alam kong napansin mo, mula sa aking walang kibo at sa aking walang imik na nagbago ang aking ihip. ang matigatig na sinag ng araw ay unti unting natatakpan ng malaking bulto ng ulap. ang kapaligiran ay bahagyang nagdilim. tanghaling tapat pa lang noon pero makulimlim na tulad ng sa dapit hapon. parang may nagbabadyang ulan. oo nga pala, muntik ko ng makalimutan na tatlong araw mula ngayon mag iiba na ang panahon.

hudyat na rin ng pagbabago.

paalam summer, hello winter.

so what!

sisimulan ko ang artikulong ito sa isang malutong na....

soooo whattt!

hahaha...hahaha...

byernes, october 30. isa dapat ako sa mga susundo sa airport sa pagdating ng mga artistang pilipino na magsasagawa ng concert dito sa israel bilang bahagi sana ng artikulong gagawin ko para sa blog na ito. pero sa halip ay mas pinili ko na makipagkita na lamang sa aking mga kaibigan na karamihan sa kanila ay day off na. maiintindihan naman siguro ako nina piolo, sam, pokwang at loydi kung hindi ko man sila masusundo(ehem). palagi naman kami nagkikita(in my dreams). samantalang ang mga kaibigan at kamag anak ko na katulad ko ding nagtatrabaho dito sa israel ay minsan lang sa isang linggo(o minsan isang buwan) kami magsama sama.

pinuntahan ko ang flat ng aking mga kaibigan malapit sa takana. nagsimula sa kwentuhan, kumustahan na sinundan pa ng dalawang bote ng vodka ang aming pagsasama sama noong araw na iyon. pero hindi dito nagtatapos ang aming get together, gaya nga nang nasulat ko na sa mga nauna kong blog"hindi mapipigilang magsaya ang mga OFW dito sa israel sa araw ng kofesh".

nagdesisyon kaming pumunta sa mommy's place para ituloy ang masayang gathering naming magkakaibigan. nakasanayan na namin itong gawin tuwing magkakasama kame. sadyang bahagi na nga yata ng kulturang pinoy na kapag may kasiyahan laging present ang alak at pulutan.

pasado alas onse ng gabi nang marating namin ang mommy's place. naisipan kong tawagan muna si miss jena ng focal para ipaalam sa kanya na hindi ako makakasama sa pagsundo kina piolo. mabilis lang ang pag uusap namin. alam kong sobrang busy sya sa mga oras na yon at hindi rin ako sigurado kung malinaw ko bang nasabi sa kanya ang pakay ng aking pagtawag. ganun pa man, isang bagay ang malinaw sa akin nang mga sandaling iyon, natatandaan kong sa aming pag uusap nina miss jena, miss ruby(may ari ng namaste) at bro ferdi(editor in chief ng focal) balak ng organizers ng nasabing concert na ilibot ang mga performers sa mga filipino bars bahagi na rin ng promotion sa concert kung may sapat na oras pa. kaya swerte na rin kung matyempuhan ko sina piolo sa mommy's place. swak na yun para maikwento ko sa blog na ito.

(paglilinaw; ang artikulong ito ay walang kinalaman sa concert nina piolo, sam, pokwang at loydi. ang artikulong ito ay isang manifesto ng pagtuligsa sa maling asal ni miss lucy(mas kilala bilang mommy) na syang may ari ng mommy's place. kung bakit at papaano. dito pa lang magsisimula ang aking kwento)

papasok pa lang kami ng mommy's noon at saktong si mommy ang nagbukas ng door entrance ng nasabing bar. anim kaming magkakasama noon, tatlong babae at tatlong lalaki. malumanay na tinanong ng isa sa kasama kong babae si mommy kung may makom pa ba para sa amin. pero hindi naging maganda ang kanyang tugon. pagalit at mataas na boses na may halong pangungutya nang sinabi nya sa amin;

mommy: mga chinese ang customer ko sa taas kaya ayaw ko ng balagan

walang imik at nagkatinginan na lamang kaming magkakaibigan. kung makakapagsalita lamang ang aming mga mata tiyak na ganito ang sasbihin nito;

mata#1: bakit naman ganun si mommy. ang ayos ng pagtatanong naten pero bastos ang kanyang sagot

mata#2: huh kame gagawa ng balagan sa chinese. e sa pagkakaalam ko chinese palage ang gumagawa ng balagan sa mga pinoy

mata#3: mommy customer din kame dito. nagbabayad din kame. parepareho tayo mga pilipino. wag ka naman sana ganyan.

pero mas pinili naming manahimik na lamang. dumerecho kame sa taas ng bar at sa bahaging gitna kame nakapwesto. habang inaayos ni mommy ang table na aming pag iinuman ay bigla na lamang kaming sinigawan ng kabilang table na mga chinese ang customer....WAAAAAAAAAAAAAAAAA! yan mismo ang isinigaw sa amin ng mokong na intsik. napatingin kaming lahat na may halong pagtataka. bakit kaya sya sumigaw? anong nangyari? maliban kay mommy na isang masuyong ngiti ang ibinalik nya sa tila atungal baka na sigaw sa amin ng intsik. ayos lang sana kung ang impression na binigay ni mommy sa amin ay para makaiwas sa gulo. pero sa halip, kabaligtaran ang nangyari. dahil papaupo pa lamang sana kami sa aming "table" nang biglang magsungit na naman si mommy at pagalit na naman nya kaming sinabihan ng ganito;

mommy: hoy ikaw dun ka maupo. ikaw dun ka(sabay padabog na hila sa lamesa at upuan).

bilang customer gusto mo na komportable ang iyong inuupuan at nakapwesto ka dun sa makikita mo ang band performer at crowd. kaya naman naisip ko na umupo na nakaharap sa ledge.

ako:( malumanay na pakiusap) mommy pwede bang dito na lang ang pwesto ko?

mommy: ( to the 10th power na sigaw na walang pinagkaiba sa tono ng sigaw ng intsik) ay hindi! dun ka sa likod maupo.(this time mas malakas na pagdadabog sabay hila sa lamesa at upuan)

nagkatinginan muli kaming magkakaibigan at mga mata na naman namin ang nangusap sa isa't isa. pero sa pagkakataong ito, hindi ko piniling manahimik. walang dahilan para magsawalang kibo. may mali sa scenario na kelangan itama. kaya naman malakas ko ding sinagot si mommy ng;

ako: salamat na lang aalis na lang ako(sabay dampot sa bag sabay walk-out)

mabilis akong bumaba mula sa second floor ng nasabing bar at tinumbok ko agad ang door exit. gustong tumalon ng puso ko sa galit. ramdam na ramdam ko na gusto nitong magsuot ng boxing gloves. pagnagkataon, tiyak may mana-knock out nung gabing yun. pero mas pinili ng utak kong magpakahinahon. naririnig kong sinasabihan nya ako ng "cool ka lang, take it easy" hanggang sa makalabas ako ng bar at dun nakahinga ako ng maluwag. hayyy!

tama nga naman. walang magandang idudulot sa sarili ko kung papatol ako. hindi tamang sabayan ng pambabastos ang pambabastos na ginawa ng mga intsik sa aming magkakaibigan. kababawan kung mag-aasal mommy din ako katulad ng maling asal na ipinakita nya sa amin. wala akong planong habulin pa ang karapatan ko bilang isang customer sa nasabing bar dahil alam ko namang hindi kayang ibigay ni mommy yun. pero ang hindi ko matatanggap ay kunin pa nya saken ang dignidad ko at respeto sa sarili.

wala kang karapatan miss lucy(mommy) na sigawsigawan ako, kutyain at insultuhin sa harap pa ng ibang lahi. sa ginawa mong yan, binigyan mo ng maling impresyon ang ibang dayuhan dito sa israel na tayong mga pinoy ay ganun na lamang kadali para sigawan, kutyain at insultuhin. kung ganon na lamang kadali para sayo na magpakita ng masamang asal sa kapwa mo pinoy para ano pa't hindi ito kayang gawin ng ibang lahi sa mga pilipino. at kung ganyan na lamang kaliit ang pagtingin mo sa aming mga pilipino, ano na lamang para sa'yo ang pilipinas!

(ilang minuto ang nakalipas nakatanggap ako ng tawag galing sa mga kasamahan ko na naiwan sa mommy's. sinabi nila saken na lumabas na din daw sila ng bar at pinababalik nila ako para ituloy na lang ang kasiyahan sa ibang lugar. nagkita kita kame malapit sa mommy's. nagkapaliwanagan. nagbigay ng kanya kanyang sentimyento. magkakatulad ang nabuong kuro kuro. malinaw na pambabastos ang ginawa ni mommy sa aming grupo. kagabi oct 31 matapos ang concert nina piolo nagdesisyon kaming magkakaibigan na pumunta sa karat para doon ituloy ang kasayahan. isa sa aking mga kaibigan ang may nakausap na magmotek na customer din sa nasabing bar noong gabing iyon. nangyari na din daw sa kanila ang ganung pambabastos ni mommy. mga turkyano naman ang kanilang nakabangga. namagitan lang daw siya sa away ng mga pinoy at turkyano bilang witness sa pangyayari para ipaliwanag kay mommy na mga turkyano talaga ang nagsimula ng gulo. pero sa halip na pakinggan sya ay pinagsabihan pa daw ito ni mommy na wag makialam sabay sabi sa kanya ng ganito;

mommy: hindi mo ba alam na engineer ang mga yan!).

huh!

so what!

Thursday, October 29, 2009

anak ng....!

boyet: hello. do you speak english?

customer service representative#1: no i don't speak english

(hindi daw nagsasalita ng english pero english ang isinagot ng mokong sa tanong ko)

boyet: can you connect me to someone who speak english

CSR: ok one moment....(na inabot na ng 48 years sa kakahintay ko sa mga mokong na obvious namang ayaw nila makipag usap saken)

CSR#2: ....but you took money from us

boyet: what money i took from you? are you crazy? besides, it's your fault why your system fuck up. and why should i pay for your mistake? what are you people stupid?

CSR#2: sir, we will make it sure that the system comes back after two hours ok.....

(bahagi yan ng napag usapan namin ng mga mokong sa ORANGE)

alas tres na ng hapon, wala pa rin ang linya ng telepono ko. alas onse ng umaga ako tumawag kanina. apat na oras na ang nakakalipas. sabi nila after 2hours maibabalik daw ang linya ng telepono. kung hindi ba naman talaga sira ang ulo ng mga mokong na yan e. ang alam ko e isang oras lang na-adjust ang oras dito sa Israel pag winter. so kelan pa naging 4hours ang after-2hours na sinasabi nila?! anak ng....

i admit, isa ako sa napakaraming foreign workers na nagload kahapon ng scratch card ng ORANGE. at naka 478nis ako. sa maghapon kahapon nakaubos ako ng almost 300nis na load sa kakatawag kung kanikanino at kung saan saan. na malamang ay ganun din ang ginawa nyo. bakit ang hindi? e libre ang tawag. at natural lang na i-take advantage naten ang ganitong pagkakataon. besides, it's not really our fault when their system failed. or is it really a system failure? oh baka naman human error ang nangyari? oh baka naman intentional ang pangyayari? baka naman sinadya? ganun pa man, nasa kanila pa rin ang sisi. hindi ako. hindi tayo. we should not pay the price for their stupidity.

kahapon alas dos ng tanghali ko lang nalaman ang balitang pwede ka ulit magload sa cellphone gamit ang mga lumang scratch cards na nai-load mo na. pero nung isang araw pa pala ang ganitong problema ng ORANGE. kung paano kumalat ang balita, yun ang hindi ko alam. pero hindi yun ang mahalaga. ang mahalaga dito, sa katulad ko na necessity ang telepono gamit sa trabaho and for personal use. ang mga ganitong pangyayari ang tiyak na hindi makalulusot sa akin. sabi nga, masamang tumanggi sa grasya.

so syempre, sinubukan ko din magload ng luma kong scratch card to prove that the tsismis is real. tamang tama naman at may 53nis na lumang scratch card sa bag ko. mukhang magandang pangitain ito, nakikisama ang pagkakataon. at nangyari na nga ang hindi ko inaasahan. syet! pumasok ang luma kong scratch card. at parang musika sa tenga ko ang napakahaba at napakakomplikadong proseso ng pagloload sa ORANGE nang marinig ko ang malambing at malumanay na tinig ng babae sa telepono sabay sabing....your balance is 53 shekel and zero agorot.

sandali akong napatigil sa paglalakad. na shock sa pangyayari. na mabilis din namang sinundan ng malakas na tili(sa gitna ng kalye sa katanghaliang tapat). kasama ko si mavic noon, papunta sana kame ng canyon para magletayel. pero naiba ang plano. hindi kailangang palampasin ang blessings in disguise. nagdesisyon kame na pumunta sa isa pa nameng friend na si tina na nagbebenta ng load. tiyak dun jajackpot kameng tatlo sa kahon kahon nyang scratch card. at bidyuk nga. bago pa man kame makapasok sa bahay ng abuda ni tina inunahan na nya agad kame ng salubong ng magkapatid na pagkayamot at pagkainis sabay kamot sa ulo sabay sabing.....bakit hindi ako makapasok sa *111

dumerecho kame tatlo sa kwarto nya. andun ang mga scratch cards na maayos na nakalatag sa kama by category; sa kaliwa- mga na-reload ng scratch card na hindi pumasok; sa kanan- mga irereload na scratch card na last month lang nagamit(na pulos utang) sa tabi ng unan- mga hukluban na sa lumang scratch cards na baka may chance mai-load...

syempre kanya kanya kami ng pamimili ng card na ipapasok. pinili ko yung mga cards na 83nis para bonggang bongga agad ang load ko pagnagkataon. sa pagkakataong ito, dun ko nadiskubre na pwede nga palang tuloy tuloy lang ang pagloload mo ng scratch cards na walang patayan ang telepono. na hindi mo na kelangan magdial ulit ng *111. press # lang then go to main menu tas yun na. shortcut sa napakahaba at napakakomplikadong proseso sa pagloload sa ORANGE.

may pamahiin pa nga kameng tatlo habang abala sa pagloload. since napakahirap makapasok sa *111.(for sure congested ang linya dahil for sure like the 3 of us e busy din sa pagpipindot ng cellphone ang libo libong mga OFW saan mang sulok ng israel from north to south). hindi ko pinipili yung mga card na inorder ni kuya tony. lasenggero kasi si kuya tony. baka mahelo helo lang yung mga numero ng kartis nya epekto ng hang over so isinantabi ko ang mga kartis na may pangalan nya sa likod. sabi ni tina, wag daw kame tatlo magsabay sabay sa pagdadial para hindi magsabit sabit ang tawag. may point sya. pero nakakatawa lang isipin na ihinalintulad nya ang signal ng telepono sa kable ng telepono na pwedeng magsabit sabit.

sa ilang oras nameng pagtambay. hindi namen namamalayan na gumagabi na pala. actually, madilim na sa labas. kelangan ng umuwi. gutom na si ima at saba. magluluto pa ang mga metapelet. isa pa pagod na rin kame sa kakapindot at kakapasa ng labintatlong numero ng scratch cards. balagan na ang kwarto ni tina. besides, naka 478nis na ako ng load hindi pa kasama ang tatlong 53nis na kartis na ipinasa ko sa dalawa kong kapatid at sa hipag kong si julieta.

sumunod na araw kinaumagahan, umuulan. tanghali na akong nagising. masakit ang ulo ko(hang over). ayaw ko pa sana tumayo sa pagkakahiga pero wala akong choice. natalo ng malakas at matinis na boses ni tina ang malakas na pagpatak ng ulan. tila may kausap ang lola mo sa telepono.

tina: HAHAHAH HAHHAHA HAHAHAHA

(yang tawang yan ang nagpagising saken)

tina: ah na-block na ang phone mo

(yan naman statement na yan ang nagpainit ng dugo ko)

dali dali akong tumayo para i-check ang telepono ko. syet! walang signal. baka naman dahil lang sa ulan. pero imposible yun. baka naman lowbat. malabo din mangyari yun. naku boyet gumising kana sa katotohanan. na-block na rin ang phone mo.

sa buong buhay ko. ito na ata ang pinakamasakit na pakiramdam na naranasan ko. ang double headache. pinagsabay na sakit ng ulo mula sa alak at mula sa masamang balita.

i immidiately grab tina's landphone to call some friends to ask them if they have the same experience. baka kasi makatsamba ako na wala nga lang talaga signal ang phone ko. kapit sa patalim na ito.

.....calling

boyet: hello mavic...

mavic: boyettttttttt....heheheheh

(this time nasa red alert na ako. para na akong bulkan na hinihintay na lang ang pagsabong. nagsabit sabit na din ang init ng ulo ko. tinalo ko pa ang sabit sabit na kable ng telepono ni tina)

boyet: idedemada ko sila. ano sila? bakit tayo ang kelangan mahirapan sa katangahan nila. hindi ba nila naisip na napakahalaga sa trabaho naten ang mga telepono naten. pano na lang yung previous employers ko na supposedly tatawagan ako next week para isettle yung payments? paano na lang yung agency ko na dito tumatawag sa number na ito? at paano na lang yung balabayt ko na dito rin sa number na ito ako tinatawagan pag nagleletayel kame ni saba. at higit sa lahat, paano na lang yung text mate ko na israeli na sobrang cute. eh di hindi na nya ako matetext. hay naku! idedemanda ko talaga ang punyetang ORANGE yan!

while eating breakfast(of course, still at tina's place) naisipan kong tawagan ang customer service ng ORANGE.

boyet: hello. do you speak english?

customer service representative#1: no i don't speak english

(hindi daw nagsasalita ng english pero english ang isinagot ng mokong sa tanong ko)

boyet: can you connect me to someone who speak english

CSR: ok one moment....(na inabot na ng 48 years sa kakahintay ko sa mga mokong na obvious namang ayaw nila makipag usap saken)

CSR#2: ....but you took money from us

boyet: what money i took from you? are you crazy? besides, it's your fault why your system fuck up. and why should i pay for your mistake? what are you people stupid?

CSR#2: sir, we will make it sure that the system comes back after two hours ok.....

(bahagi yan ng napag usapan namin ng mga mokong sa ORANGE)

alas otso na ng gabi, wala pa rin ang linya ng telepono ko. alas onse ng umaga ako tumawag kanina. siyam na oras na ang nakakalipas. sabi nila after 2hours maibabalik daw ang linya ng telepono. kung hindi ba naman talaga sira ang ulo ng mga mokong na yan e. ang alam ko e isang oras lang na-adjust ang oras dito sa Israel pag winter. so kelan pa naging 9hours ang after-2hours na sinasabi nila?! anak ng....